ICE'S POV
Sa wakas nakarating din kami rito sa Palawan – sa beach house ni Auntie Chloe. Maganda talaga rito, no wonder kung bakit gustung-gusto ni Rouin dito. Sariwa ang hangin, walang stress, malayo sa ingay sa Maynila, bonus na rin na sa tabing dagat siya kaya nga beach house at syempre dahil kay Kid, anak ng kaibigan ni Auntie Chloe. Kababata niya. Ewan ko ba kung anong nakita niya sa isang ‘yon at mula yata pagkabata ay gustung-gusto niya na ang lalakeng ‘yon. Pero at some point, mabait naman din talaga si Kid, gwapo at may sinasabi sa buhay but still mas gusto ko pa rin si Froilan para sa kapatid ko.
"Auntie Chloe!" Masayang yakap ang kaagad isinalubong ni Rouin kay Auntie Chloe.
"Oh, Rouin, na-miss mo ba ang Auntie?" nakangiting bati nito.
"Syempre naman, Auntie," magiliw na sagot niya.
"O siya, mabuti pa pumasok muna kayo sa loob at nang makapagpahinga saglit habang gumagawa ako ng meryenda," sabi ni Auntie kaya naman sumunod na kami papasok sa loob.
Nakita ko nang sinulyapan ni Auntie Chloe si Froilan at Tita Juliet. Ngumiti lang ang mga ito at tumango naman si Auntie bago kami sabay-sabay na pumasok sa loob. Hindi na rin naman nagtanong si Auntie Chloe tungkol kina Froilan dahil nabanggit na rin ni Mommy ang tungkol sa kanila. Bukod pa roon, matagal-tagal na rin magkakilala si Mommy at Tita Juliet, iyon nga lang hindi nagkakaroon ng pagkakataong maisama sila rito noon, ngayon pa lang.
"Rouin!" masayang salubong ng isang binata. Hindi ko naiwasang kilatisin ang itsura nito. Bukod sa matangkad, gwapo, may magandang postura, may katamtamang pangangatawan, singkit na mga mata, matangos na ilong at teka nga, parang ang awkward na ako pa talaga ang pumapansin sa itsura nito. So gay. Pero, hindi naiwasang makilala ko siya dahil sa nunal niya sa sintido.
"Kid? Ikaw na ba yan?" tanong ko.
"Ako nga, Kuya," sagot niya habang nakamot pa sa ulo. Sinasabi ko na nga ba. Pero anong ginagawa niya rito? Posible kayang nabanggit sa kaniya ni Auntie Chloe ang pagpunta namin dito.
"Kid!" Patakbo namang yumakap kaagad si Rouin sa kaniya. Ano ba naman ‘tong kapatid ko? Wala man lang pasintabi.
"Ehem!" At mukha namang may affected – ang bet ko para sa kapatid ko, si Froilan. "Ang sabi magpahinga. Hindi makipagyakapan."
Hindi ko naiwasang mapangiti. Selos na selos lang pre?
"Pakialam mo ba? Inggit ka lang kasi walang yumayakap sayo." Wow! That’s my sister. Galing mambasag.
Ayan na naman po sila. Away na naman. Pero at some point, maganda ang nangyayari. Kung magpapatuloy ang selosang nagaganap, panigurado hindi magtatagal at aamin na rin si Froilan sa kapatid ko.
"Bakit naman ako maiinggit? Kung ikaw lang din naman yayakap sa akin, nevermind na lang," sagot naman nito. Lakas talaga ng isang ‘to kaya boto talaga ko sa kaniya.
"As if naman na gusto kong yakapin ka," sabi naman ni Rouin. Talagang hindi magpapatalo.
"Uhm... Rouin... Boyfriend mo?" Mukhang nakaramdam na si Kid. Halata sa itsura nito na naguguluhan.
Napaubo naman si Froilan sa narinig at hindi na nito napigilan ang matawa.
"A-ano? Boyfriend? Ako ba tinutukoy mo? Para namang papatulan ko ‘yang stupid na yan." Napapahawak pa ‘to sa tiyan habang patuloy sa pagtawa.
"Para kasing nagseselos ka e," mabilis na tugon ni Kid. Natumbok mo. Tama ka r’yan.
Tuwang-tuwa lang ako habang pinapanood sila. Daig ko pa ang nanonood ng isang romance movie kung saan may agawan scene na nagaganap sa pagitan ng bidang lalake, bidang babae at ang hahadlang sa pag-iibigan ng dalawang nagmamahalan. Pakiramdam ko tuloy ay nilalamon na ako ng mga romance movies na napapanood ko kaya naia-apply ko na ito sa totoong buhay.
"D’yan na nga kayo. Baka sunod pa na sabihin mo nang-iistorbo ako." Si Froilan mukhang tinamaan ng labis ha? Umiwas. Hhmm... Mukhang may itinatago nga ang mokong ha? Malalaman ko rin ‘yan.
Nagpasya akong lumabas na muna at maglakad-lakad sa tabing dagat. Napakasarap talagang pakinggan ang lagaslas ng tubig na umaagos sa aking paanan. Hindi ko naiwasang mapangiti nang mag-isa nang bigla kong maalala si Sophia – that cute little girl. Tingin ko halos kaedad lang siya ni Rouin pero anong magagawa ko kung mahilig ako sa mga cute na babae? Height pa lang niya cute na. Mahaba ang kaniyang pilikmata, medyo bilugan ang kaniyang mga mata na animo’y may mga bituin na kumukutitap tuwing siya ay ngumingiti, sapat lang din ang tangos ng kaniyang ilong at ang manipis at mapula niyang labi na kay sarap hagdan. Para akong nasisiraan ng bait habang kinikilig na mag-isa. Ang problema nga lang, si Froilan ang nagugustuhan niya pero kahit ganoon ay kumpyansa akong hindi siya magugustuhan ni Froilan dahil mukhang kapatid ko ang talagang type niya. Kahit paano ay nawalan ako ng karibal. May pag-asang maging kami at makasama ko siya habang buhay. Napasuntok pa ako sa hangin dahil sa kilig na nararamdaman hanggang maalala kong wala nga palang way para ma-contact ko siya. Mukhang suntok sa buwan na magkikita pa kaming dalawa ulit.
“Kuya Ice, meryenda raw muna sabi nila Auntie Chloe.” Tiningnan ako ng maganda kong kapalit mula ulo hanggang paa at saka umiling. “Nababaliw ka na.”
Napahawak ako sa aking batok dahil sa kahihiyan. Kanina pa kaya siya? Siguro nakita niya ang kahibangan ko kanina. Malamang nakita niya na kinikilig-kilig pa ako habang nag-i-imagine ng isang bagay na imposible. Masisisi niya ba ang kapatid niyang na-love at first sight sa babaeng kinaiinisan niya. Aminin niya man o hindi alam ko namang nagseselos din siya nang mga oras na todo kung makadikit si Sophia kay Froilan. Syempre, kapatid niya pa rin ako at basing-basa ko ‘yon sa kaniyang mga mata at sa mga kilos niya. Hinding-hindi niya maipagkakailang nahuhulog na rin siya kay Froilan. Ang kailangan na lang talaga namin nila Mommy ay i-push sila ng i-push para matupad ang happily ever after sa kanilang dalawa.
"Sunod na ako," sabi ko at saka naglakad kasunod niya.