Chapter 5

1030 Words
FROILAN'S POV Nandito ako ulit ngayon sa upper deck. Nakaupo. Nagpapahangin. Nakaka-stress talaga kasama ‘yong stupid girl na ‘yon. Isama pa sila Mom na may saltik na rin yata. Kung anu-anong iniisip nila. Nababaliw na yata ‘yong mga ‘yon e. Tahimik lang ako habang nilalanghap ang sariwang hangin. Amoy na amoy ko pa ang dagat mula rito habang dumadampi sa aking balat ang lamig nito. Kahit paano ay gumiginhawa ang pakiramdam ko not until nasira na naman ang pagmumunimuni ko nang biglang may tumabi sa akin. "Froilan, you're here." Si Sophia na naman. "Ikaw na naman?" Sa totoo lang ang kulit niya. "Oo ako na naman.” Tumawa siya at saka ikinalang ang kaniyang braso sa akin. “Tara itu-tour kita rito sa barko. Papakilala na rin kita sa papa ko," sabi niya nang nakangiti. Hindi ko siya pinansin pero makulit talaga ang isang 'to. Wala na akong nagawa nang hilahin niya ang braso ko. Una niya akong dinala sa Galley kung saan niluluto ang mga pagkain. "Tikman mo o,” sabi ni Sophia habang nilalahad ang kutsara. "Ayoko." Kaagad na pagtanggi ko. "Sige na isa lang. Say aahh..." Talagang makulit. So, ayon na nga. Pinagbigyan ko na lang din siya at isinubo ang pagkain sa kutsara. "Masarap?" tanong niya. "Ah, oo," walang kabuhay-buhay na sagot ko na lang. Pero totoo namang masarap ang pagkaing ipinatikim niya. Afritada yata ‘to. Ilan pa sa mga luto roon ang ipinatikim niya sa akin at lahat naman sila ay masasarap. Nakaka-amaze rin na panuorin ang mga naroon na mabilis naggagayat ng mga rekado at gulay. Matapos akong kulitin nitong babaeng 'to na tumikim ng iba’t ibang putahe sa Galley ay hinila niya naman ako papunta sa may captain's deck. Papakilala niya raw ako sa papa niya. "Papa!" bati niya sa kapitan at bumeso pa siya rito. "Oh, Sophia. My precious," sabi ng may edad na lalake. Precious daw? Saan banda? Sa Lord of the Rings? "Papa, meet my new found friend, Froilan, soon to be your son-in-law." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Sophia, mahal ka ba niya para maging son-in-law ko siya in the future." mabilis na tanong ng ama. "Yes Papa!" mabilis din na sagot niya. "Sophia…" nasabi ko na lang. Of course, I disagree. "Just joking, Papa. Friends lang kami. May fiancee na siya." Magiliw pa rin siya habang pangiti-ngiti pa. Napangiti na lang din ako sa sinabi niya. May katok ba 'to? Pati ganoong bagay ginagawang joke. "See you're smiling," puna naman niya nang lingunin ako. "Mas cute ka 'pag ganyan." Lakas mambola ng babaeng 'to. Naku naman. Pero alam ko namang totoo ‘yon kaya hindi na ako magpapa-humble pa. Hindi niya naman siguro ako kukulitin kung panget ako. Pakiramdam ko tuloy mas pumapalakpak ang tenga ko sa sinabi niya. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin ako sa kapitan at kay Sophia. Babalik na rin naman daw siya sa kwarto niya. Nagpasya na lang din akong ihatid siya sa tapat ng kaniyang silid para magmukha naman akong gentleman kahit paano. Nandito ako ulit sa upper deck. Nakaupo. Madilim na at nakakatakot talaga ang dagat kapag gabi pero gusto ko muna makalanghap ng sariwang hangin at makapagrelax ng ako lang kahit saglit. Iwas stress na rin kina Mommy at doon sa babaeng stupid. Naalala ko bigla madalas kami ni Dad at Mom sumakay ng barko noon 'pag nagpupunta kami sa Boracay tuwing summer vacation pero simula nang pumanaw si Daddy hindi na kami nakabalik pa roon. Memories na lang ang lahat. "Dad look! The fish, it's flying," sabi ko habang naa-amaze sa mga isdang lumilipad at gumuguhit sa dagat. "That's a flying fish," sagot naman ni Dad. "Wow! Ang galing! Nakakalipad din pala ang mga isda." Amazed na amazed talaga ‘ko. Who knows na sa lawak ng karagatan ay mga creatures pala na katulad ng flying fish. "Pero hindi gaya ng ibon," sabi niya. Well, totoo naman. Birds can fly freely up in the sky. "Ang cute nila.” Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga ito. Flying fish always reminds me of Dad. "Hindi ka pa ba matutulog?" Napalingon ako sa aking likuran nang biglang sumulpot si Stupid Girl kaya naputol ang pagmumunimuni ko. "Pakialam mo!" sabi ko lang. Kasi naman, pakialam niya ba kung ayoko pang matulog? Lahat na lang ba ng kilos ko kailangan babantayan niya? "Ang sungit mo lagi. Inaano ba kita? Nagtatanong lang ako kasi kanina ka pa ngumingiti r’yan nang mag-isa. Malay ko ba kung nababaliw ka na." Nakuha niya pa talaga na asarin ako. "Alam mo, sumulpot ka lang nasira na naman ang gabi ko. Ano naman kung ngumingiti ako nang mag-isa? Ano naman sa ‘yo kung ayoko pang matulog?" Pagkasabi ko no’n ay tumayo na ako. Makabalik na nga sa kwarto nang makatulog na ngunit napatigil ako nang bigla na naman siyang magsalita. "Teka," pagpigil niya. Hindi pa rin ba siya tapos? "Bakit?" iritang tanong ko. "Wala. Sige na goodnight!" sabi niya sabay talikod. "O siya, goodnight na lang din, Rouin," sabi ko na lang para manahimik na siya. "Ano ulit?" tanong niya. "Ano? Anong ano ulit? Pinagloloko mo ba ‘ko?" Nakakainis talaga siya. Nag-goodnight na nga ako ayaw pa rin niya tumigil. "Para kasing narinig kong binanggit mo ang pangalan ko." "So, what's the big deal?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang meron kung binanggit ko ang pangalan niya? "It's the first time you call my name." Ngumiti siya at ewan ko pero natuwa ako nang makita ko ang ngiting ‘yon mula sa kaniya. Kahit paano ay may tinatago pala na ganda ang babaeng ‘to. Nagulat din naman ako pero hindi ko na lang pinahalata sa kaniya. First time ba? Parang tama nga siya. Ganoon ba ako kasungit sa kaniya? Teka nga, don’t tell me lumalambot na ang puso ko sa kaniya. No! It can’t be. Hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya. Nagpasya akong tumalikod na lang at umalis. Babalik na lang ako ng kwarto ko. Matutulog na lang ako kaysa nagsasayang lang ako ng oras ko rito sa pakikipag-usap sa babaeng ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD