ROUIN'S POV
We are here now in Bohol. Napagdesisyunan namin nila Brigette, Louise, Kitkat, Travis, Sophia at kuya Ice na magcamping ngayong weekend para maiba lang. New experience na din.
Kasalukuyan kaming nagtatayo ng kanya kanya naming tent. Syempre di naman kami kakasya lahat sa isang tent lang kaya nagdala kami ng tatlong tent at ewan ko ba kung bakit kailangan pang magbunutan kung sino ang makakasama namin sa tent. Bale ang naging teams namin ay tatlo. Si kuya at Sophia ang magkasama, sila sissy naman sa isa at ako si Travis lang naman ang kasama ko. Nakakailang nga lang kasi syempre lalake siya at babae ako.
"Sissy, tara samahan mo ko manguha ng tuyong sanga para makagawa tayo ng bonfire." Yaya sa akin ni Kitkat.
"Ako na." Pagpiprisinta ni Travis. "Baka mawala pa kayo mahirap na. Gabi na at gubat to." Kung sabagay tama siya.
Maya maya lang ay dumating na si Travis at dala ang mga sanga. Inilapag niya to sa center at saka pinadingas. Naupo naman kami sa palibot ng apoy.
"Ang lamig pala sa gubat kapag gabi. Malamok din. Ang kati na ng skin ko." Nangangamot pang sabi ni Kitkat. Ang arte talaga nito.
"Guys, alam niyo bang kapag gabi sa mga gubat, sabi ng mga matatanda, ay may gumagalang mga ligaw na kaluluwa?" Si kuya Ice talaga, nananakot pa.
"Kaya nga. Narinig ko din mula sa lolo ko na dito daw sa gubat na to sila nananahan. Madalas daw kasing tapunan ng mga patay ang lugar na to." Si Louise naman sumang-ayon pa. Sarap nilang pag-untugin ni kuya. Kinilabutan naman ako ng biglang may umihip na malamig na hangin.
Nakita ko din si Sophia na sumiksik pa kay kuya. T-teka may something ba sa kanila?
Si Brigette at Kitkat naman ayun at magkayakap na habang si Travis..
Nakatingin sa akin.
At di sinasadyang nagtama ang mga mata namin. Nag-iwas naman ako agad ng tingin. Bakit ba siya nakatingin sa akin? May dumi ba ko sa mukha?
Bigla naman may parang kumaluskos akong narinig malapit sa kinauupuan ko.
"A-ano yun?" Tanong ko.
"A-alin Rouin?" Tanong naman ni Brigette sa akin.
"Parang may kumaluskos doon o." Tinuro ko pa yung halamanan na malapit sa pwesto ko.
"Wag ka nga Rouin. Di ka nakakatawa." Sabi naman ni Sophia while hugging kuya. At si kuya naman nakangiti. Loko loko talaga to.
"Seryoso ko." Pagsabi ko nun ay may biglang kung anong lumitaw na parang isang kaluluwang walang ulo at nakalutang sa ere mula sa may halamanan kaya napatayo kaming lahat at nagsimulang magsisigaw
Agad na pumasok si Brigette at Kitkat sa tent nila. Si kuya Ice naman at Sophia nagtatakbo sa kung saang direksyon at ako naiwang nakanganga at di makagalaw sa kinatatayuan ko. Ganito ba talaga dapat ang reaksyon ng isang taong nakakita ng multong pugot?
Bigla naman akong hinila ni Travis at niyakap. Yun lang ang ginawa niya kaya bumalik ako sa katinuan at dun lang din nagrefresh sa utak ko ang mga nangyayari. Kaya napasubsob ako sa dibdib ni Travis sa sobrang takot. Nanginginig ako na di mawari.
Natinig ko naman na parang may ibinato si Travis sa kung saan. Ang tapang lang niya. Don't tell me di siya takot sa multo?
"Wala na. Wag ka ng matakot. Para multo lang." Sabi niya ng nakangiti sa akin ng mag-angat ako ng mukha ko.
"U-umalis na?" Kinakabahang tanong ko.
"Oo nga. Nakakatawa nga yung itsuta mo. Akala ko hihimatayin ka na. Hahahahaha!" Nakuha niya pa kong tawanan.
"Sila kuya baka mawala." Sabi ko ng maalala ko sila kuya na tumakbo sa kakahuyan.
"Ayos lang yung mga yun." Bakit ganon? Parang di uso sa kanya ang sumimangot.
"Samahan mo ko hanapin sila." Pag-yaya ko sa kanya.
"Sige na nga." Pagkasabi niya nun ay hinila kl na siya papasok sa kakahuyan.
ICE'S POV
Ang totoo niyan plano ko lang talaga takutin sila lalo na tong si Sophia para naman makasama ko siya sa ganito kagandang sitwasyon. Kinasabwat ko pa nga si Louise dito at effective naman.
"Kuya Ice, asan na ba tayo? Kasalanan mo to." Inis na sabi ni Sophia.
"Ako pa talaga may kasalanan? Ikaw kaya tong kumaladkad papunta sa akin dito." Maang maangan ko naman.
"Natatakot ako." At bigla siyang umiyak. Naloko na di kasama to sa plano ko.
"Uy! Wag kang umiyak dyan. Nandito naman ako." Pag-alo ko sa kanya.
"Ewan ko sayo. Pasimuno ka kasi. Ginambala mo ang kaluluwa ng mga namamahinga dito." Sabi niya sabay hampas sa dibdib ko.
Ang cute niya talaga.
Kaya naman niyakap ko na lang siya.
"Don't worry. I'll protect you." Totoo naman e. Mahal ko kaya siya kaya poprotektahan ko siya.
ROUIN'S POV
"Kuya!!! Sophia!!!" Sigaw ko habang hinahanap namin sila ni Travis.
"Kuya Ice!" Si Travis.
"Kuya!!! Ay!" s**t! Bakit naman ngayon pa ko natapilok? Inayos ko ang tayo ko kaso ang sakit ng buto sa paa ko. Nabalian ata ako.
"Halika ipapasan na lang kita." Sabi ni Travis.
"Ayos lang ako. I can handle." At muling tumayo ng dahan dahan pero s**t! Ang sakit talaga.
"Ang kulit tara na sabi pumasan ka na." Pangungulit niya kaya lang kasi parang nahihiya ako na naiilang. Alam ko naman kasing gusto niya ko.
"A-ayos lang a--" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng buhatin niya ko na parang sa bagong kasal. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Parang may milyon milyong kabayo na tumatakbo mula sa loob.
"Hindi mo naman kailangang mahiya sa akin e." Ngumiti siya at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Ang gwapo niya nakakainis. Para siyang si Froilan. No! No! Bakit ko ba iniisip ang mayabang na yun? Doon siya sa Lily niya, magpakasaya sila.
"Rouin.. Will you be my girlfriend?" Tanong niya kaya naman lalo akong nabalot ng kaba sa dibdib. At unti unting lumabas sa bibig ko ang hindi ko inaasahang masasabi ko.
"Yes. P-pero tulungan mo kong makalimot." Pagkasabi ko nun ay walang sabi sabing hinalikan niya ko sa noo. Napakasweet niya talaga. He is always so caring and gentle to me. Pero as of now di ko pa kayang ibigay sa kanya ang buong pagmamahal ko. Lalo na dahil sa pag-iwan sa akin ni Froilan. Tama! We are just friends pero hindi ko maikakailang napaka-special niya sa akin. At may kung anong something akong nararamdaman para sa kanya. A feeling that I cannot explain. Just a feeling that a part of me was missing him. So much!
"Uuuyyy..." Napalingon ako bigla sa pinanggagalingan ng boses at nakita ko si kuya at Sophia na nakatingin sa amin. Hala nakita kaya nila yung ginawa ni Travis.
"O paano ba yan Travis, congrats. Girlfriend mo na ang kapatid ko. Alagaan mo yan ha. Mahal ko yan kahit may pagkachildish yan." So kanina pa pala sila. Nakakahiya naman. Dahil don namula na naman ako. Jahe talaga.
"Oo kuya Ice. Promise." Sabi ni Travis kaya naman natahimik na lang ako hanggang makabalik kami sa tent namin. Pumasok na kami sa kanya kanya naming tent at nagsipagtulog na. Gabing gabi na kaya. May mumu pa sa paligid.
SOMEONE'S POV
"Ang sakit ng ulo ko. Headshot talaga ko ng kahoy na ibinato sa akin ni Travis. Ganoon ba ko kaobvious? Nakakainis. Hindi bale bayad naman ako ni kuya Ice. Mission accomplish na hehe!" Umalis na ko sa lugar na yun bago mabuko na fake na multo lang ako.