Chapter 40

1153 Words
ROUIN'S POV "KUYYAA!" sigaw ko sa buong bahay. Bwisit talaga. Tama bang iwanan niya ako rito sa bahay sa mismong araw ng debut ko? Sino na lang ang makakasabay ko papuntang Manila Hotel? Hindi ko alam kung anong naiisip ni kuya pero hindi maganda ang kutob ko sa mga nangyayari. Paano na ang debut ko? Naghihintay sa akin si Travis. Mag-aalala silang lahat kapag hindi ako nakarating do'n. Narinig ko naman na nag-ring ang cellphone ko, at kaagad ko 'yong sinagot nang hindi tinitingnan ang tumatawag. Sino ba kasing asungot 'to? "Hello!" Inis na inis ako nang sagutin ko to ang tawag na 'yon. Kulang na lang bulyawan ko ang caller dahil sa pagkayamot. "Wait mo ko r'yan. Susunduin kita," sabi ng nasa kabilang linya. Boses pa lang kilala ko na. Sure akong asungot nga talaga ang tumawag. Ang lakas naman ng loob niyang magpakita pa sa akin. As if naman na sasama ako sa kaniya. "No need! Kaya kong pumunta ro'n nang wala ka. 'Wag mo nang naising magpakita sa akin. Masisira mo lang ang araw ko!" Pagkasabi ay kaagad ko nang pinutol ang linya. "Arrgghh! I hate you!" Nanggigigil akong kinuha ang bag ko, at lumabas ng bahay. Mukha akong tangang naglalakad sa kalsada na naka-gown tapos naka-high heels pa. Kasalanan ni kuya 'to. Malalagot talaga siya sa akin. Idagdag pa na wala akong kaideideya kung paano makakarating sa hotel na paggaganapan ng debut ko. Bwisit talaga ang magaling na kapatid ko. Ano bang pumasok sa isip niya, at iniwan niya ako? Tiyak na mag-aalala sila mommy sa akin kapag nagkataon. Nagulat na lang ako nang biglang may kotseng tumigil sa harap ko. Kaagad bumaba ang isang naka-toxedong lalake, at binuksan ang pinto sa kabilang side ng driver's seat. "Sakay na!" sabi niya. "Hindi ako sasakay r'yan lalo na at ikaw ang kasama ko!" pagmamaktol ko. Ano ako sira? Bakit naman ako sasama sa kaniya gayong hindi pa rin nawawala ang galit ko sa kaniya. "Sakay na sabi. Napakakulit mo." Hinawakan niya naman ang ulo ko, at sapilitang iniyuko pasakay ng kotse. Wala na akong nagawa. Nandito na ko sa loob ng sasakyan e. Habang nagda-drive siya ay tahimik lang kami. Ang awkward lang. Aaminin ko, ilang beses ko siyang sinipat ng paningin ko gamit ang aking peripheral vision, at hindi ko maitatangging mas lalo siyang gumwapo. Ilang beses din akong bumuntong-hininga para lang maamoy ko ang mabangong pabango niyang tila kumapit na yata sa buong sasakyan dahil sa lakas ng aircon. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kaniya sa pag-indian niya sa birthday ko five years ago tapos sabay lipad niya pa papuntang France. Ngayon babalik siya na parang walang nangyari. Na parang kahapon lang nangyari ang lahat? Ano siya sinuswerte? Neknek niya. Maya-maya pa ay natanaw ko na ang Manila Hotel, ang venue kung saan gaganapin ang debut ko. Excited ako na ewan na parang kinakabahan. Ang kaso lumagpas kami. "Hoy! 'Yon na 'yong venue. Lumagpas ka!" sabi ko habang nililingon ang hotel na nilagpasan namin mula sa likuran ng sasakyan. "Alam ko," matipid na tugon niya. "Alam mo pala. So, bakit mo inilagpas?" Bigla akong natigilan at saglit na nag-isip. "Huwag mo sabihing..." 'di ko alam kung tama ba ang kutob ko. Pero nararamdaman kong may hindi magandang pinaplano ang mokong na 'to. "Kikidnapin muna kita." Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya nang lingunin ako. OMG! This can't be happpening. Sisirain niya ang debut party ko! Patuloy sa pagmamaktol ang kalooban ko. Gusto ko siyang pagsasapakin subalit iniisip ko rin na baka madisgrasya pa kami. "Bwisit ka talaga! Ibalik mo 'ko, at 'wag mong sirain ang debut ko. Hinihintay ako nila mommy!" inis na inis na sabi ko. At ang buset na 'to, nakuha pang tumawa. Tama bang tawanan niya ako? Ipinark niya ang sasakyan sa may tabi ng kalsada sabay kuha ng panyo sa bulsa ng toxedo niya. "A-anong gagawin mo? Hoy! Kung may binaba--" 'di na ako nakapagsalita dahil tinakpan niya na ang bibig ko ng panyo. May naamoy akong kung anong amoy sa panyo na humatak sa akin ng antok. Dahan-dahang bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyang mapapikit, at bago ako tuluyang mawalan nang malay, narinig ko pa ang huling sinabi niya sa akin. "Don't be mad. Ibabalik naman kita sa inyo after a week." That makes me realized that he is dead serious about his plans. Nagising ako dahil sa sobrang lamig. Pakiramdam ko pagod na pagod ako nang mga oras na 'yon. Nang magmulat ako ng mata ay natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng isang kwarto katabi siya. Naka-aircon ang buong kwarto kaya ganoon na lang ang lamig na tumatama sa balat ko. Tulog din siya. Wala naman sigurong nangyari sa amin dahil nakadamit pa kami pareho. Sandali pa akong tumitig sa kanya. Iniisip ko pa lang na ang gwapo niya para na akong kinikilig na ewan. Ay hindi, mali 'tong naiisip ko. Panget pala siya. Isa pa may boyfriend na ako. Mahal ko si Travis, at hindi ko siya magagawang lokohin. Dahan-dahan akong bumangon, at sinamantalang tulog siya. Bahala siya rito mag-isa. Uuwi na ako, at malamang nag-aalala na sila mommy sa akin. Maingat akong naglakad palapit sa pinto, at pinihit ang seradura nito. Pagkalabas ng kwarto, dali-dali pa akong nagtatakbo, and to my surprise... "There's no way out until we get there." Nasa likod ko na siya, and he was right. Tanging ang malawak na dagat lang kasi ang nakikita ko. This is all his plan. Ang dalhin ako sa lugar na wala talagang makakaalam na naroon ako. Pero teka, paano niya ako naisakay rito? "Paano mo 'ko naisakay rito?" tanong ko nang harapin ko siya. "E di binuhat kita habang tulog ka," sagot niya. "Then sabi ko bagong kasal tayo. Nakatulog ka sa byahe, at ayoko namang gisingin ka kaya binuhat na lang kita. Ang sweet nga raw natin e." Nakakaloko siya. Sinong tanga ang maniniwala sa alibi niya? Kami bagong kasal? Kung alam lang nila. Pero kung sa iisipin mukha nga lalo na at naka-white gown ako dahil debut ko nga hindi ba, at siya nakatoxedo pa. "Stop overthinking. I have my ways, Rouin." "This isn't funny anymore, Froilan. Ibalik mo na ako ng Manila. Tiyak na nag-aalala na sa akin sila mommy." Ngunit himbis na sagutin ay nglakad lang siya palapit sa railings ng yate, at tiningnan ang papalubog na araw. Padilim na rin, at hindi ko naiwasang titigan ang sunset. Unti-unting bumalik ang mga alaala naming dalawa. Kung paano niya iniligtas ang buhay ko. Hindi ko lubos maisip na eto na naman kami, magkasama sa isang private yacht papunta sa kung saan man. Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin ang pagka-miss ko sa kanya. Oo miss na miss ko siya, at hanggang doon na lang lahat dahil hindi ko kayang saktan ang taong nag-angat sa akin noong panahong iniwan niya akong naguguluhan sa tunay kong nararamdaman para sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD