Chapter 39

1028 Words
ICE'S POV Two days ng parang badtrip ang kapatid ko. Pagkarating kasi niya sa bahay kahapon galing school halos hindi maipinta ang mukha. Bakit na naman kaya? "Rouin, kamusta na kayo ni Travis?" Tanong ko pero himbis na sumagot ay sinamaan niya lang ako ng tingin. Nakakatakot na talaga siya ngayon kapag mainit ang ulo di gaya dati. Nandito kami ngayon sa library ng school niya at talagang nag-over the bakod pa ko para lang makapasok dito. Isang araw pa lang ang lumilipas mula ng huli kami magkita ni Sophia pero gustong gusto ko na ulit agad makita si Sophia my heart. "Kuya, bakit ka ba nandito sa school namin? Porket graduate ka na e tatambay ka na lang dito." Sabi niya in a low angry voice. "Hehe! Princess naman ikaw talaga. Gusto ka lang dalawin ni kuya." Pagpapalusot ko. "Mukha mo kuya. If I know si Sophia naman talaga ang sadya mo dito." Sabi niya ulit. Ang lakas talaga makatunog nitong kapatid ko. "Haha! Uhm.. Nasaan ba siya para naman di na kita kinukulit dito?" Nakangiting tanong ko buking na din naman ako. "Aba! Malay ko. Pwede ba kuya. Tantanan mo nga ako. Parehas kayo nung mayabang na yun na panggulo sa buhay ko e." Iritang sabi niya. Mayabang daw? Si Froilan? Paano naman nasingit si Froilan sa usapan? Namimiss niya siguro. Umalis na rin ako sa library at nagsimulang maghanap sa love of my life. Teka? Si Sophia ba yun? Tinitigan kong mabuti, si Sophia nga. Pero may kasamang lalake? Eto ba ang ginagawa niya pag wala ako sa tabi niya? At talagang nakapulupot pa ang braso niya dun sa lalakeng kasama niya. Kaya naman mukha akong tanga na sinusundan sila. Daig ko pa secret agent dito habang nakatago sa poste. Huminto sila sa canteen at bumili ng coke at oreo. "Namiss talaga kita." Sabi ni Sophia at inihilig pa ang ulo sa balikat nung lalake. Bwiset na yun. Pinagtataksilan niya ko! Ggrrr.. Maya maya pa ay naglakad na ulit sila at nagpunta sa may garden ng school at naupo sa may bench doon. Habang tahimik akong nakaupo sa may bench malapit sa pinupwestuhan nila ay may bigla namang tumamang bola sa binti ko. Malapit kasi ito sa field. "Kuya sorry." Sabi ng isang high school student pagkakuha ng bola. "Ayos lang." Nakangiti pa ko ng bigla kong mapatingin sa gawi ni Sophia may loves at halos bumagsak ang mundo ko sa nakita ko. Sophia is kissing him. The fvck! Dali dali akong tumayo at lumapit sa kinaroroonan nila. Hindi na ko makakapagpigil sa nakikita ko. Kusang gumalaw ang mga paa ko at ang kamao ko ay nag-iinit ng masuntok ang lalakeng to. "Sophia!" Sigaw ko. "K-kuya Ice? Anong gina--" At inosente pa siya makatingin na parang walang ginagawang kalokohan. Nagulat na lang siya ng bigla kong hilahin ang braso niya at suntukin ang lalakeng kanina niya pa kalandian. Bagsak ang lalake sa sahig. Wala naman pa lang sinabi ang gag*ong to. "Back off! Gag* ka girlfriend ko yan!" Galit na galit na sabi ko. "Oh my gosh kuya!" Dali dali namang tumakbo si Sophia sa lalake at inalalayan itong tumayo at nang mag-angat ang lalaki ng ulo daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig. "Ano bang problema mo kuya Ice?" Hala siya nagalit ang heart ko. "Ah eh kasi Sophia.." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Ayos lang Sophia." Sabi ng lalaking kanina kasama ni Sophia. "Are you all right?" Pag-aalalang tanong ni Sophia sa lalaki. "Mamaya ka sa akin kuya." Baling niya sa akin. Lagot ako nito mamaya. FROILAN'S POV "Sige pa kuya Ice. Ayan diyan nga. Sarap naman. Hahaha!" Nandito ako ngayon kina kuya Ice habang nakadapa ako sa kama ni Rouin at minamasahe ni kuya Ice. Galing pala niya maging therapist. "Saan pa masakit Froi? Gusto mo juice ipagtitimpla kita?" Tanong ni kuya Ice habang dinidiinan ang bandang balakang ko. "Sige time out muna kuya. Kuha mo muna ko juice." Utos ko. "Sige saglit lang to." Sabi niya sabay dali daling lumabas ng kwarto. Haay.. sarap mahiga sa kama ni Rouin, pakiramdam ko katabi ko siya kahit hindi hehe! "Eto na Froi." Aba ang bilis nga ni kuya Ice. Kasunod niya namang pumasok si Sophia sa kwarto. "Hi heart." Nakangiting bati ni kuya kay Sophia. Sila nga pala. "Wag mo ko maheart heart diyan." Sabi ni Sophia. "Hahahaha! Nakakatuwa kayong pagmasdan." Natatawang sabi ko. "Froi, sorry. Di ko naman talaga sinasadya e. Akala ko kasi --" hindi na naituloy ni kuya Ice ang sasabihin niya ng barahin siya ni Sophia. "Ang dumi kasi ng utak mo kuya! Pinag-isipan mo pa kong nagtataksil sayo." May halong tampong sabi ni Sophia. "Sorry na." Sabi ni kuya Ice sabay yakap kay Sophia. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang babaeng pinakamamahal ko. "Anong ginagawa niyo dito sa kwarto ko?" Ang mata niya nanlilisik na naman sa galit. Lagi na lang siyang galit. "Ah Rouin.. hehe! Lalabas na kami." Pagkasabi ni kuya Ice ay agad naman nitong hinatak si Sophia palabas ng kwarto. "Ikaw?" Ako ata ang tinutukoy niya. "Ako?" Pang-asar naman na tanong ko. "Ano pang ginagawa mo dito? LABAS!" Utos niya kaso neknek niya haha! Namiss ko kaya ang ganitong eksena naming dalawa. "Ayoko nga. Nagpapahinga ako. Masakit katawan ko. At kita mo to, makirot." Sabi ko habang tinuturo pa ang pasa sa panga ko. Nakita ko naman ang pag-aalala sa mata niya. She is so caring talaga pero alam ko ring itataboy niya pa rin ako kaso hindi ako magpapatalo kaya sorry siya. "LUMABAS KA DITO SA KWARTO KO!!!" Todong sigaw niya habang pinaghahampas ako ng bag niya. "Lika nga dito sa tabi ko." Pagkasabi ko nun ay sabay hatak sa kamay niya kaya naman napabagsak siya sa ibabaw ng dibdib ko. Natahimik naman siyang bigla. Ganoon din ako. Ano bang dapat kong sabihin? Hindi nga ako halos makahinga. Nawala bigla lahat ng self confidence ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Rouin, naririnig mo ba ang t***k ng puso ko? Pangalan mo ang sinisigaw niyan. Ikaw lang stupid girl. Napangiti pa ko sa isiping iyon. Sa ngayon kahit ilang segundo lang mayakap siya ay napakahalaga na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD