FROILAN'S POV
At last after 5 years I'm back. Excited akong makita siya. Nangako ako kay Lily at tutuparin ko iyon. Kung kinakailangan magbreakdance ako gagawin ko yon, makabalik lang where my heart belongs.
Nandito ako ngayon sa labas ng NAIA waiting sa magaling kong kaibigan. Siya daw ang susundo sa akin dahil miss niya na ako. If I know excited lang yon sa pasalubong ko sa kanyang Macbook.
"Froi!" Napalingon naman ako kaagad sa gawi niya. Ayan na siya ang lapad ng ngiti.
"Travis gumagwapo lalo ha. Iba talaga nagagawa nga pag-ibig." Pambubuyo ko sa kanya matapos namin magyakapan. Alam niyo yon, yung yakap ng mga lalakeng magkakaibigan pag matagal di nagkita.
"Froi naman. Ako pa ba? Haha! Gwapo na ko since birth." Mayabang pa rin talaga siya.
"Oo na. O asan pala yung ipapakilala mo sa akin. Akala ko ba isasama mo siya." Tanong ko. Sinabi niya kasing ipapakilala niya daw ang girlfriend niya. Halos dalawang taon na rin daw sila. Pinagyabang niya pang sa lahat ng naging girlfriend niya ito ang masasabi niyang unique.
"Hindi siya nakasama. Busy sa preparation sa debut niya." Sagot niya habang sumasakay kami sa dala niyang Ford Expedition. Pinag-ipunan niya daw talaga to para dagdag pogi points sa girlfriend niya.
Curious tuloy ako kung anu ba itsura nung girlfriend niya? Kilala ko kasi si Travis at alam kong mahilig siya sa cute. Ano kayang klaseng girlfriend ang meron siya? Naisip ko tuloy bigla, kung hindi kaya ako umalis kamusta kaya kami ni Rouin ngayon, alam niyo na friends kami di ba? Haayyy.. hindi na nga ko magkakaila. Nanalo si Lily sa deal namin so no choice ako kundi umamin na sa lahat. mahal ko na nga talaga yung stupid girl na iyon. Umalis ako to cover up my feelings. Isa pa natakot akong baka lokohin lang din. Alam niyo na, dahil na rin siguro sa past namin ni Lily. Kaso himbis makalimot mas tumindi pa yung feelings ko para sa kanya. To the point na nagsasalita na daw ako ng tulog at pangalan niya ang tinatawag ko. Batay yon sa kwento ni Lily sa akin. Napatunayan ko rin na kapag may taong mahal na mahal ka pala, kahit may ibang babae ka pang katabi sa kama, walang mangyayari talagang kahit ano dahil hanggang sa pagtulog yung babaeng mahal mo lang ang isinisigaw ng puso mo.
Buong byaheng lumilipad ang isip ko. Habang si Travis daldal ng daldal ng kung anong hindi ko maintindihan kung ano.
"Froi. Uy Froi!" Tinapik niya na ko sa braso nang mapansing tulala ako.
"Ha?" Tanong ko pa matapos magulat sa pagtapik niya sa braso ko.
"Hahaha! Froi, iba na yan ha. Kararating mo lang ng Pilipinas tulala ka na agad. Wag mo sabihing jetlag yan hahahaha!" Natatawang sabi niya.
"Ah wala. Namiss ko lang ang Pinas kaya ninanamnam ko. Hahaha." Sabi ko sabay bawi ng tingin.
"Kamusta yung ikinukwento mo pala sa aking babae before?" Tanong niya.
"Ah yon ba? Siya nga ang dahilan kaya bumalik na ko dito." Sabi ko lang.
"Wow Froi, congrats! Akala ko forever ka ng single hahaha!" At inaasar pa talaga ko.
"Ay naku Travis tigilan mo nga ako. Alam naman nating yung pasalubong ko lang sayo ang hinihintay mo hahaha!" At sabay pa kami tumawa.
Hanggang makarating sa hotel na tutuluyan ko ay puro kalokohan lang ang napagkwentuhan namin. Napagkasunduan kasi naming dalawa na wala munang makakaalam ng pag-uwi ko maliban sa kanila ng girlfriend niya. Kahit kay mommy hindi ko pinaalam. Gusto ko kasing sorpresahin silang lahat.
Dalawang araw din akong nagpahinga at isang linggo na lang debut na ni stupid girl. Excited na talaga kong makita siya. Gustong gusto ko na ngang hatakin ang araw makita ko lang siya kaagad.
"Rouin.." bulong ko sa tahimik kong kwarto habang pinagmamasdan ang regalo ko sa kanya sa debut niya. Oo nga pala magdedebut din ang girlfriend ni Travis at same pa sa date ng birthday ni Rouin. Sayang nga lang at hindi ako makakapunta. Sa sobrang kakaisip ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ko.
Third day ko na ngayon simula ng makabalik ako dito sa Pinas. Nakakatamad pero ang boring naman kung wala akong gagawin kaya naisipan kong magpunta sa school ko dati. Doon pa din kasi pumapasok si Rouin, masilip ko lang siya kahit saglit okay na sa akin yun. Nandito ako ngayon sa loob ng covered court. Paano ako nakapasok? Simple lang. Nag-over the bakod ako hahaha!
"Haaayyyy! Nakakamiss palang mahiga dito sa same spot na to. Halos walang pagbabago." Sabi ko sa sarili ko sabay takip ng libro sa mukha ko. Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ko.
"Excuse me!" Sabi ng isang pamilyar na boses dahilan para magising ako.
Agad kong tinanggal ang libro sa mukha ko.
"Froilan? OMG! FROILAN!!!" Ay tae ang bakla nagsisigaw pa talaga. Ayun at umalingawngaw ang boses niya sa buong court.
"Kitkat?" Tanong ko pa to make sure.
"Yes! Ako nga! Pare namiss kita! Mas lalo kang gumwapo!" At bumigay na talaga siya at niyakap ako.
"Ano ka ba? Ang ingay mo baka marinig ka ni.." di ko na naituloy ang sasabihin ko ng maya maya lang ay magtama ang mata naming dalawa. Hindi yata ako prepared na makita siya ngayon. Yung mata niyang yon na matagal kong hiniling na matitigan ulit, bakit parang punung puno pa rin ng galit.
"Uy! Sissy, andyan ka pala. Andito na si Froilan sissy look. Mas gwapo siya ngayon." Kinikilig pa na sabi ni Kitkat habang nakayakap sa akin.
"Bitawan mo nga siya!" Nagulat pa kami ng bigla siyang sumigaw.
"Eto na nga sissy bibitawan na selos ka naman." Sabi ni Kitkat kay Rouin.
Selos daw? Ibig sabihin ba non ay gusto niya ko? Na parehas kami ng nararamdaman sa isa't isa?
"Sissy, inilalayo lang kita sa taong walang kwenta. Tara na." Ano daw? Walang kwenta? Ibig sabihin galit pa nga rin siya sa akin.
"Hoy! Stupid girl sinong walang kwenta ha?" Tanong ko medyo naapakan ang pride ko ha. Kaso himbis sumagot ay binato niya ko ng piso at talagang asintado dahil sapul ako sa noo.
"Bakit mo ginawa yon? Ganyan mo ba batiin ang gwapong tulad ko?" Nakakairita na. Habaan mo ang pasensya mo Froilan.
"Masakit? Buti nga sayo!" Sabi niya sabay talikod. "Oh by the way, gamitin mo na din yan at maghanap ka ng kakausap sayo." Bago tuluyang naglakad palayo
Ang sungit niya pa rin. Hindi bale nakakadagdag naman yon sa ganda niya sa paningin ko.
Yun ang unang pagkikita namin after 5 long years.