Chapter 37

1058 Words
ROUIN'S POV Dalawang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon badtrip na badtrip pa rin ako sa Grace na to. Nasa guidance kasi kami ngayon at sa tanang buhay ko ngayon lang ako naguidance ng dahil sa isang lalake. Bwiset talaga. Hindi pa kasi magmove on tong lintang to at dikit pa rin ng dikit kay Travis. "Kasalanan mo kung bakit kita sinampal. Mang-aagaw ka kasi! Kahit na kailan hinding hindi kita magugustuhan!" At ako pa talaga ang mang-aagaw. "Excuse me lang ha.. ako? Mang-aagaw? E ikaw tong makapal ang mukha! BINASTED ka na nga ng BOYFRIEND ko ayaw pa ding matauhan!" Ipinagdiinan ko talaga na binasted siya ng boyfriend ko baka sakaling maalog ang utak at matauhan. Tama. One year ago ng umamin si Grace kay Travis about sa feelings niya pero binasted lang siya ni Travis at sinabing mahal niya ko kaya hindi niya ko kayang ipagpalit o lokohin man lang. Doon unti unting nagain ni Travis ang matagal niya ng gustong mangyari. Masasabi kong nagbubunga na ang paghihirap niya at pagtsatsaga sa ugali ko. "Ah basted pala ha." Agad niya na naman akong sinunggaban at sinabunutan ang buhok ko. Syempre papatalo ba naman ang lola niyo? Kaya kahit nasa guidance kami ay pinatulan ko siya at pinagsasampal siya. "Tama na yan! Tumigil na kayo." Napatigil kami pareho ng marinig namin ang sumigaw. Si Travis na nakatayo sa may pinto ng guidance. "What the hell are you two doing?" Inis na inis na siya at ramdam ko yun. Agad naman akong tumayo at inayos ang sarili ko. Hindi ako nagsasalita. Naiinis din naman ako. Paano ba naman ayaw niya din kasing iwasan na lang si Grace. Yung mga binibigay nito ay tinatanggap niya pa din. Minsan nga nagpabebe ito sa kanya na kunwari nadapa, nagpakagentleman naman siya at binuhat pa ito hanggang sa sakayan ng jeep. Malapit lang naman yun pero syempre hello?! Kaya tuloy ang linta dikit pa din ng dikit. Kasunod ni Travis ay ang pagpasok din ni kuya Ice kasama si Sophia. Sila na ba? "Roiun, are you all right?" Lumapit agad si Sophia. Wow lang parang ate ko lang ang peg e matanda pa ko sa kanya ng isang taon. "Yang babaeng yan ba ang nanakit sayo?" Sa totoo lang nung una ayoko kay Sophia pero as time passes nakikita ko na gusto niya lang talagang maging nice. "I'm fine. Thanks." Mahinahong sabi ko sabay irap kay Travis ng mapansin kong nakatingin siya sa akin. "Ehem!" Pambasag ni GC. "You may go home Ms. Lorenzo." Dagdag pa niya. "NO WAY!" Pasigaw na sabi ni Grace. Hahaha! Magdusa ka dito. "Dapat siya ang maparusahan hindi ako!" Hindi ko na siya pinansin at kinuha ang bag ko saka lumabas. Uwian na rin naman. "Ayos yun princess ha. Hahaha!" Natatawang sabi ni kuya Ice pagkalabas namin ng office. "Kaya nga e. Dapat sinabunutan mo din Rouin, tapos nginudngod mo yung mukha don sa may sahig at ginawa mong panlampaso. Hahaha!" Dagdag pa ni Sophia. Maisip ko pa lang yung sinasabi nila halatang magkakasundo nga sila. "Tumigil nga kayo dyan, nakuha niyo pang tumawa. Mukha bang masaya yon?" Nakakunot ang noong tanong ni Travis. "Oo kaya." At sabay pa talaga si Sophia at kuya sa sagot nila. "Pwes kayo lang ang natutuwa." Alam kong badtrip na tong si Travis kanina pa. "At ikaw naman hon, bakit mo pa pinatulan?" Sinita niya pa talaga ko. Sesermunan niya ba ko? Ako pa talaga? "At bakit hindi? Natural lang ipagtanggol ko ang sarili ko." Katwiran ko. "Kahit na. Dapat nag-iisip ka din. Hindi sa lahat ng oras tama ka." Giit niya. "So ako pa ba ang mali dito? Ako na nga ang sinampal at sinabunutan, at nagmukhang mang-aagaw ako pa ang mali? E di fine! Ako na! Magsama kayong dalawa!" Sa sobrang bwisit ko iniwan ko siya don na may sinasabing di ko alam kung ano. Badtrip kasi e. Ganito na lang kami lagi. Nag-aaway ng dahil sa Grace na yon. Parang mas girlfriend niya pa yong lintang yon e. Ako pa daw ang hindi nag-iisip. Sumunod naman sa akin si kuya at Sophia. Kapag nagtatalo kami ni Travis ay hindi naman sila nakikialam. Katwiran nila ay problema namin iyon at hindi kanila. Hapon na ng makauwi kami ng bahay. Pakiramdam ko pagod na pagod ako sa maghapon. "Princess, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni mommy. Tumawag kasi sa kanya si GC kanina tungkol nga sa away namin ni Grace pero nagprisinta si kuya na siya na lang ang pupunta at kilala niya rin si mommy. Baka mahighblood lang ito lalo na kung maaabutan niya e yung eksenang naabutan nila kuya kanina. Baka mamaya makijoin pa ito. "Ayos naman po. Akyat na po muna ako. Gusto kong magpahinga." Pagkasabi ko nun ay iniwan ko na sila. SOPHIA'S POV "Anong nangyari doon?" Tanong ni mommy. At oo, mommy ang tawag ko sa mommy nila kuya Ice pero syempre kapag hindi kaharap si Rouin. Halos mag-iisang taon na rin mula ng sagutin ko si kuya Ice at syempre hindi pa alam ni Rouin yun. Ayoko pa kasing ipaalam lalo na 5 years din ang gap ng age namin ni kuya Ice. "Nag-away po sila ni Travis." Ako na ang sumagot dahil alam kong di rin magsasalita tong si kuya Ice. "Mga kabataan nga naman o. Teka, maiwan ko muna kayo dyan. Ipagbebake ko lang ng cake ang princess ko para kahit paano gumanda ang mood." Sabi ni mommy saka kami iniwang nakatayo doon. "Tara sa kwarto." Si kuya Ice yan. "At bakit?" Tanong ko. "Hehe! Heart naman, gusto lang kitang masolo." Nakakahypnotize talaga ang ngiti nitong isang to pero bawal, bawal, bawal. "Heart mo mukha mo. Ayoko." Pagtanggi ko kaso bigla niya naman akong niyakap from behind. "Sige na." At yung boses niyang nang-aakit, ano ba naman to. Hindi pwede, hindi, hindi. "Ayoko. Ayoko. Ayoko." Pagpipilit ko. Kaso mapilit din siya at talagang kiniss pa ko sa pisngi. "Kuya!" Nagulat pa kaming dalawa nang makita namin si Rouin na nakatayo sa may hagdan. "Ahehehehe! Rouin.. andyan ka pala. Hehe!" Sabay kamot sa batok niya. "Kung maglalandian kayo wag dito sa sala. Doon kayo sa kwarto." Hala! Mukhang bad mood talaga siya dahil sa away nila ni Travis pero parang hindi naman siya against sa nakikita niya. Minsan naiisip ko sino ba talaga sa kanila ni kuya Ice ang mas matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD