LILY'S POV
Ilang araw pa ang lumipas mula ng makipagdeal ako kay Froilan. Paano kaya gagawin ko? Ang hirap naman kasi ng deal namin e. Bakit ba kasi pumayag pa ko? Hirap talaga ng pinasok ko. Kundi ko lang siya mahal haay..
Nasa isang cafe ako ngayon kasama si Froilan medyo awkward nga lang kasi alam niyo na nagkaaminan na kami pero kahit paano nagiging okay na rin kami sa setup namin ngayon. Para na naming naging bestfriend ang isat isa.
"Lily.." pagbasag niya sa malalim kong pag-iisip.
"Hhmm.. bakit?" Tanong ko.
"Wag mo na kong isipin." Anak ng tokwa. Ang galing naman niyang manghula.
"Hindi kita iniisip no." Sabi ko.
"Hindi daw, ano palang iniisip mo kung ganon? Malabo naman na masaya ka na ngayon at may boyfriend ka na." Sabi niya habang nakatingin sa labas ng cafe.
"Bakit naman malabo? M-meron na nga akong boyfriend." Pagdadahilan ko sabay inom ng cappucino na inorder ko.
"Bakit di mo ipakilala sa akin?" Napatingin naman siya sa akin dahilan para magkaroon kami ng eye contact na ikinabalisa ko.
"Ah.. eh.. o-oo m-minsan pag hindi na siya busy." Sabi ko sabay iwas ng tingin.
Bigla naman kaming napatingin sa labas ng may kumatok sa salamin ng cafe. Kita kasi mula sa labas ang mga tao sa loob. Napanganga naman ako ng makilala ko kung sino yung nasa labas. At ang ngiti niya abot hanggang langit talaga. Sinusundan ba talaga ko ng isang to?
"Kilala mo?" Tanong ni Froilan.
Maya maya pa ay nasa tabi ko na siya nakatayo.
"Hi baby." Bati niya. Baby daw? Ano ako sanggol?
"H-hi!" Bati ko pabalik.
"Siya ba yung sinasabi mong boyfriend mo?" Tanong ulit ni Froilan.
"Yes/hindi." Sabay pa naming sagot.
Pero teka baka ito na yung pagkakataon para mapabalik ko na si Froilan ng Pilipinas. Baka eto na lang talaga ang tanging chance.
Napakunot naman ang noo ni Froilan dahil sa magkaiba naming sagot ni Raven.
"Ah.. i mean hindi ka nagkakamali Froilan hehe!." Sabay ngiti sa kanya para hindi halata ang pagsisinungaling ko.
Bigla namang hinila ni Raven ang kamay ko.
"T-teka saan mo ko dadalhin?" Tanong ko sa kanya.
"Sa engagement party natin." Halos bumagsak ang panga ko hanggang sa talampakan sa narinig ko.
"A-anong engagement party natin? Ano to joke?" Naguguluhan ako. Pangatlong araw pa lang namin nagkikita tapos engagement na. Ang nakakaloko pa hindi naman talaga kami. Alam niyo yun? Hindi pa nga ako lubos na nakakamove on kay Froilan tapos sasabihin agad nito na engage kami at kay Froilan niya pa mismo sinabi.
Maya maya pa ay bigla namang humarang sa amin si Froilan. Bigla na lang kasi ako hinatak ng makulit na kumag na to palabas ng cafe kaya naiwan si Froilan dun na mag-isa. Buti na lang din at sumunod siya.
"Sandali nga." Sabi niya.
"Bakit?" Tanong naman ni Raven.
"Congrats pare." Napanganga ko sa sinabi ni Froilan. Hindi man lang ba niya itatanong kung totoo yun? Congrats agad?
"Salamat." Nakangiting sagot naman ni Raven.
"T-teka Froilan mali --." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinila na lang ako bigla ni Raven.
"Maiwan ka na namin pare nagmamadali kasi kami." Pahabol na sigaw niya pa.
Ano ba naman tong lalakeng to, grabe nakakaubos na ng pasensya.
"Teka nga, wag mo naman akong kaladkarin." Sabi ko pero mas nagulat pa ko sa sunod na ginawa niya. Binuhat lang naman niya ko na parang buhat ng bagong kasal.
"Ano bang ginagawa mo? Ibaba mo nga ako!" Pagpupumiglas ko habang patuloy lang siya sa paglakad at tawa pa ng tawa.
"Sabi mo wag kitang kaladkarin di ba? Mabait naman ako kaya pinagbigyan kita. Hahaha!" At nakuha pa talaga niyang magdahilan.
"Pero wala akong sinabi na buhatin mo ko! Ibaba mo na ko! Sige ka sisigaw ako!" Kung sabagay kanina pa naman ako sumisigaw diti. Nakakahiya talaga.
"Go on. Hahahaha!" At pinagtatawanan niya lang talaga ko.
"aide m--!" Help me sana ang isisigaw ko para humingi ng tulong pero bigla na lang niya kong hinalikan sa noo kaya napatigil ako. Hindi ko maintindihan pero parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko na parang biglang bumara sa lalamunan ko kaya napatigil ako.
"O nandito na pala tayo." Pagkasabi niya nun ay ibinaba niya na ko at ipinasok sa isang salon.
Pagkapasok ay agad niya akong pinaassist sa isa sa mga katiwala doon. Siya naman ay lumabas na. Saan kaya yun pupunta?
"T-teka. Yung kasama ko." Sabi ko. Naintindihan kaya nila ko?
"Don't worry Ms. Lily, he'll be back soon." Nakangiting sabi niya. So naintindihan niya nga ako?
"Ah okay." Yun lang ang nasabi ko. Kahit naman ayokong tong nangyayari aba aarte pa ba ko? Libre pafacial, libre foot spa, libre paayos ng buhok, libre halos lahat kaya pumayag na lang ako.
Dalawang oras din bago ako nakatapos. Hindi ako halos makapaniwala na nagmukha akong anghel sa ayos ko. Ang buhok ko ay nakapusod ng parang siopao at mas kakaunting buhok na nakalaylay sa gilid ng aking tenga na medyo kinulot pa. Maya maya pa ay may pumasok na isang lalake. Nagtama ang aming mata at doon ko lang siya nakilala. Halos lumabas ang puso ko sa pagkilatis sa kanya. Ang mata niyang parang bituin sa langit, ang ngiti niyang mapang-akit, he is almost perfect. Bakit biglang ang gwapo niya sa paningin ko?
"Baka matunaw ako." Sabi niya habang kumukutikutitap pa ang kanyang mga ngiti.
Haay.. ang sarap niyang pagmasdan.
"Hey! Baby?" Nagising lang ako sa pagnanasa sa kanya ng magsnap siya sa harap ng mukha ko.
"A-ano?" Pag-iinarteng tanong ko.
"Tara na." Yaya niya na nakalahad pa ang kamay para umalalay.
"Hmpf! Saan mo ba ko balak dalhin at pinaayusan mo pa ko?" Itinago ko ang pagkabalisa at nagtanong sa kanya.
"Sa engagement nga natin hahaha!" Bwiset talaga ang mga sagot niya. Kailan ba siya magseseryoso?
Lumabas na rin kami at nagulat pa ko ng may nakaparadang isang Jaguar F-type. Agad niyang binuksan ang pinto at inalalayan akong pumasok dun bago umikot at sumakay sa driver's seat.
"Sayo to?" Tanong ko.
"Oo naman. Lakas ba makadagdag ng pogi points?" Seriously tinatanong niya yon? Syempre naman.
Habang bumabyahe ay tahimik lang kaming dalawa hanggang sa tumigil siya sa Hôtel Le Choiseul dito sa Amboise. Pagkababa ay agad kaming dumeretso sa isang hall kung saan ginaganap ang mga events. May isang maliit na kwarto dun sa gilid at agad niya din akong pinapasok dun. Habang nasa loob ako nung maliit na kwarto ay napapaisip pa rin ako kung ano ba ginagawa namin dito. Agad akong pinagbihis ng puting tube fitted long dress ng isang babae at pinagsuot ng high heels na shoes. Nang makapagbihis ay iniwan na rin ako nung babaeng nag-assist sa akin. Maya maya pa ay may kumatok kaya naman agad ko din itong pinagbuksan.