KID'S POV
Nandito ako ngayon kina Rouin. She is so beautiful as always. Napakaamo ng mukha niya, at inosenteng-inosente. No wonder na ma-in-love talaga ako sa kaniya simula pagkabata. Kaso may kulang sa kaniya ngayon. 'Yong pagiging masiyahin niya tila nawala na. 'Yong dati niyang sigla parang naglaho na. Kaya naman lahat gagawin ko para bumalik ang dating siya, ang dating kami.
"Rouin, lika rito dali. Pili ka ng gusto mong panuorin," sabi ko, at naupo naman siya sa tabi ko.
"Kid, kahit ano na lang basta 'yong masaya," Wala siyang kabuhay-buhay ngayon. Para tuloy ibang tao ang kasama ko.
"O-okay. Eto na lang." Kinuha ko ang isa sa mga dala ko, at ipinakita ang One Piece Special Edition DVD ko.
Ngumiti lang siya. Parang hindi talaga siya si Rouin. Kasi expected ko ang magiging reaksyon niya ay 'yong tipong magtatalon siya sa tuwa lalo na at usapan ay si Chopper ng One Piece.
Sinalang ko na ang DVD. Nakita ko naman na nanunuod siya. Tahimik lang siya na nakatingin sa T.V. Maya-maya pa ay ngumingiti na siya. Sabi ko na nga ba, si Chopper lang makakapagpasaya sa kaniya ulit.
"Tingnan mo, Kid, ang cute talaga ni Chopper no?" Turo niya pa sa T.V.
"Oo naman. Pero mas cute ka pa rin," sabi ko, at walang halong bola.
Tumingin siya sa akin sabay ngiti. Haayy... eto talaga ang hinihintay ko. Ang makita ulit siyang ngumiti sa akin kagaya noong una.
"Alam mo, Kid, dapat talaga hindi ko na isipin pa ang mayabang na 'yon. Sana nga 'di na siya bumalik e."
"Nandito lang ako, Rouin. Hindi mo lang napapansin." Nagtatampo talaga ko to be honest. Simula kasi nang maging close sila ni Froilan naitsapwera na ako.
"Kid..."
"Hhmm..." Nilingon ko siya and to my surprise, she stole a kiss from me. It's just a smack actually. Nahihiya pa siya nang magbaling siya ng tingin sa kabilang direksyon.
"Be my boyfriend, Kid." I froze in a moment. Nagulat talaga ako sa sinabi niya. Is she serious? I don't care kung ano ang nasa isip niya, at sinabi niya yon. Wala rin akong pakialam kung maging panakip butas man niya ako. Basta ang alam ko, mahal ko siya. Siya lang, at wala ng iba. "Hey! I'm serious." Kinalabit niya pa ako nang mapansin niyang natulala ako.
"A-ah... o-oo. Nagulat lang ako." Hindi ko naiwasang pamulahan ng mukha dahil sa tagpong iyon. It feels totally fine, medyo nakakahiya nga lang lalo na at siya pa ang nag-initiate ng topic.
"Ayaw mo?" tanong niya. Nakita ko pa ang pagnguso niya kaya hindi ko naiwasang mapangiti.
"May sinabi ba akong ayaw ko?" tugon ko naman habang kinukusot pa ang aking ilong.
"Alam mo, Kid, 'wag mo sanang isipin na sinabi ko 'yon para kahit paano e maging masaya ako. Ang totoo naisip ko kasing matagal ka na rin namang nanliligaw sa akin, saka worthy ka naman na maging first boyfriend ko. Mabait ka, mahal mo 'ko, inaalala mo 'ko lagi. Iyon din siguro ang nagustuhan ko sa 'yo in the first place. Isa pa bakit pa natin patatagalin hindi ba? Kung gusto naman natin ang isa't isa." Nagpapaliwanag ba siya?
"G-gusto mo 'ko?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa kaniya.
"Hindi ba sinabi ko na 'yon sa 'yo noon pa. Noong nasa yacht tayo," sabi niya.
Dahil sa selos ko ay halos nakalimutan ko na 'yon. Kasi masyadong natuon ang atensyon ko sa kakaibang pinapakita niya kay Froilan. Nakalimutan kong magkaibigan nga lang pala sila.
"Wow! Ang galing talaga ni Chopper!" Bigla siyang tumayo, at sumigaw. Kakaiba talaga siya. Napatawa naman ako dahil sa ginawa niya. Eto ang Rouin na kilala ko. 'Yong patay na patay kay Chopper, 'yong masiyahin, 'yong mahal ko.
ROUIN'S POV
Nakakagoodvibes talaga si Chopper lalo na 'pag nalulungkot ako.
Simula ngayong araw na 'to kakalimutan ko nang nagkaroon ako ng mayabang na kaibigan. Ang lagi ko na lang iisipin ay si Kid. Yeah! Starting today, boyfriend ko na siya. I don't care kung isipin man niya na ginagawa ko lang siyang panakip butas sa kalungkutan ko pero as far as I know, gusto ko naman talaga siya. Masyado lang siguro talagang na-focus ang attention ko lately sa mayabang na 'yon dahil sa biglaang desisyon niya. Pero this time, hindi na ako papayag guluhin niya ulit ang isip ko, ang buhay ko, ang pagsasama naming dalawa ni Kid.
"Sige! Chopper, kaya mo 'yan." Napapasigaw talaga ako sa tuwing makikita ang fighting style ni Chopper.
"Rouin, umupo ka nga." Si Kid naman tawa ng tawa.
Naupo naman ako dahil sinabi niya. Masunurin kaya ako, at nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko, at yakapin ako.
"I'm glad you're back," sabi niya, "thank you."
"Sorry to make you worry, Kid," and I hug back.
Eto na siguro ang simula ng bagong buhay ko. Without that bastard, and bilang girlfriend ni Kid. we are officially on, and this is the happiest day in my life.
+++
Kinabukasan pasukan na naman. Syempre nakita ko na naman ang makukulit kong mga sissy.
"Rouin, sissy!" pasigaw na tawag sa akin ni Brigette.
"O loka, bakit? Grabe lang makatawag sa pangalan ko ha?" sabi ko naman.
"Sissy, kanina ka pa kaya namin hinihintay." Si Kitkat naman
.
"Bakit nga?" Nagtataka ako. Para kasing excited sila. Anong meron?
"May bago kasi tayong classmate, at napakagwapo niya. Para siyang isang anghel na bumaba sa lupa." Si Brigette nga naman.
"O.A. ha... umayos ka nga Brige," pagsingit ni Louise. Hindi na ata nakatiis. "Parang Adonis lang naman ng buhay ko."
Napatapik na lang ako sa noo dahil sa kanilang tatlo. "Bagong classmate?" tanong ko to make sure kung tama ba ako ng dinig.
"Oo. Gwapo nga talaga." Si Kitkat na naa-amazed na naman.
"Tama! Tama!" Sumasang-ayon naman si Brigette, habang tumatangu-tango naman si Louise.
"Mabuti pa ikaw humusga, Rouin." So, hinila na nga nila akong tatlo papuntang classroom, at pagdating namin sa classroom may guy na nakasubsob sa upuan ko.
"Excuse me. D'yan ako nakaupo," sabi ko sabay kalabit sa lalakeng nakaupo sa desk ko.
"Hhmm..." tumingin siya sa akin.
Sandali akong nag-isip. Teka, parang nakita ko na siya. Parang nakilala ko na siya.
"Rouin?" tanong niya.
"K-kilala mo 'ko?" Mukhang tama nga ako. Mukhang magkakilala nga kami.
"Nakakatampong hindi mo na kaagad ako matandaan. After nang mga ginawa ko para pasayahin ka," sabi niya sa himig na nagtatampo. Hinawi pa niya ang kaniyang buhok, at tumayo.
"Uhm... ano kasi..." hindi ko talaga alam ang sasabihin ko hanggang sa inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Halos manlaki ang mga mata ko nang halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin.
"It's me, Travis. Remember? The Chopper stuff toy, and the amuzement park," pagpapakilala niya habang itinataas-baba pa ang kaniyang kilay.
"Uhm..." piniga ko ang utak ko sa abot ng makakaya ko, and boom, "Oh! Traviz De Guia? The Kidnapper," sabi ko matapos maalala ang lahat. Kaagad ko ring tinakpan ang bibig ko dahil sa sinabi ko.
"Grabe naman. Hindi naman kita kinidnap. Kusa ka namang sumama sa akin e," sabi niya kasabay ng paghimas ng batok niya.
"Ikaw nga!" Sa sobrang tuwa ko na nakita ko siyang muli, hindi na ako nakapag-isip, at bigla na lang akong napayakap sa kaniya.
"Rouin!!!" Sigaw ng tatlong sissy ko sabay hatak sa akin.
"Ano ka ba naman? Grabe sa reaksyon ha?" nanlalaki ang mga mata ni Brigette habang nagsasalita.
"Oo nga hindi ka naman masyadong na-excite." Si Kitkat sabay pitik sa noo ko. "Dalagang Pilipina ka."
"Baliw ka talaga, Rouin." Si Louise sabay dukot ng cellphone niya sa bag.
"Pasensya na mga Sissy. Na-carried away lang," paliwanag ko.
"Prepare 1/2 lengthwise." Si Ms. Gomez ang nagsalita - ang Filipino teacher namin, bigla kasi siyang pumasok sa loob ng classroom.
"Quiz agad? Ang ganda naman ng salubong n'yo sa akin, Ma'am." Si Travis. Kunsabagay kakapasok niya lang quiz agad. Dahil sa sinabi niya ay nagtawanan naman ang mga kaklase namin. Ayon na nga, naupo na kami sa kaniya-kaniyang upuan, at katabi ko si Travis. Wala ng ibang bakanteng upuan maliban sa tabi ko. Nagsimula na rin kaming mag-quiz kahit ang totoo ay hindi ako nakapaghanda. Bahala na lang ang resulta.