ROUIN'S POV
Ang bilis ng oras. Uwian na. Eto nga at niyayaya na ako nila Brigette. Nakapangako kasi ako na sasama ko gumala ngayon sa kanila tutal wala naman kaming assignment.
"Tara na kasi," pangungulit ni Kitkat. Hindi naman siya halatang nagmamadali.
"Eto na nga niligpit ko lang ang mga gamit ko."
"Para namang napakarami niyan." Kahit kailan talaga 'tong si kitkat si apura.
"Mukhang may lakad kayo ha... pwedeng sumama?" Sabay-sabay kaming napatingin kay Travis nang magsalita ito. Nagkatinginan din kaming apat habang tila nagtatanong sa isa't isa.
"Oo ba." Mabilis naman na sumagot ang tatlong lokaret. Hindi na ako nakapagbigay ng opinyon ko. Pero ano pa bang magagawa ko? Wala namang masama kung isasama namin siya.
"Walang bawian ha? " At naniniguro pa talaga ang isang 'to.
"Ililibre mo ba kami?" Naisip ko lang itanong. Wala namang masama hindi ba?
Hinatak naman ako kaagad ni Kitkat.
"Grabe ka, Sissy. Libre agad-agad? Kapal ng face ha..." Kinurot niya pa talaga ako sa tagiliran.
"Matindi ka talaga. Gusto mo lahat libre." Si Brigette na nabulong pa.
"Umayos ka nga, Sissy. Nakakahiya kay Travis," sabi naman ni Louise habang sumusulyap pa ng pa-cute kay Travis.
"Sure!" Nagulat pa kaming apat sa sagot ni Travis. "Lahat ng gusto n'yo sagot ko." Aba at galante pala 'to. Gwapo na galante pa. Ang swerte siguro ng girlfriend nito.
Sabay-sabay rin kaming napatingin sa pinto nang may biglang kumatok.
"Kid!" Kaagad naman akong lumapit sa boyfriend ko, at hinawakan siya sa braso. "Tamang-tama, sama ka sa amin. Mag-mall kami nila Brigette."
"Sure. Basta kasama kita," sabi niya sabay akbay sa akin.
Aaminin ko, kinilig ako sa simple gestures niya na iyon. Lalo na ngayon. We are officially couples.
"Ayie... ang sweet naman." Hindi naman nakatiis si Kitkat at lumapit pa sa akin kasabay ang pagsundot sa tagiliran ko.
"Ehem!" Napatingin naman kami kay Travis. Doon ko lang naalala na hindi pa nga pala nila kilala ang isa't isa.
"Ah Travis... si Kid pala, boyfriend ko."
"Ah nice to meet you, Pare." Kaagad inilahad ni Travis ang kaniyang kamay na kaagad namang inabot ni Kid.
"O paano, tara na?" yaya ni Louise kaya naman kinuha na ni Kid ang bag ko, at si Travis naman naglakad na sa tabi ko.
Ang awkward. Hindi ko maiwasang mailang kasi napapagitnaan ako ng dalawang lalake. Bakit ba kasi sa akin pa tumabi tong si Travis samantalang pwede namang sa tabi ni Brigette? Or sa tabi ni Kitka, o hindi naman kaya sa tabi ni Louise. Pero inisip ko na lang din na ako lang naman ang kahit paanong ka-close niya kaya naman ipinagsawalang bahala ko na lang.
Ilang saglit pa nang makarating na kami rito sa SM Mall of Asia. Una kaming nagpunta sa Starbucks dahil parang trip daw ni Kitkat magkape. Natatawa na lang ako sa kakulitan niya habang patuloy pa ring nagpapa-cute kay Travis.
So, ayon nga at pinagbigyan na namin siya. Kaagad kaming nagtungo sa Starbucks, at umorder ng kaniya-kaniyang kape base sa aming panlasa, at ang order ko syempre ang favorite kong Frappucino.
Binayaran naman lahat ni Travis ang nagastos namin maliban sa inorder ni Kid. Ayaw naman kasi ni Kid na pati ang order niya ay si Travis din ang magbabayad lalo na, at para sa kaniya ay pangit tingnan.
"Rouin, tikman mo 'tong Asian Dolce nila, masarap din," sabi ni Travis nang ilapit niya ang inorder niyang para sa kaniya.
So, nagzip naman ako ng kaunti, and to my surprise, nagustuhan ko siya. Tamang-tama lang ang blend ng flavors na tila nanunuot sa aking dila sa sarap.
"Oo nga no? Masarap siya. Next time 'yan naman oorderin ko."
Napansin ko namang napatingin si Kid kay Travis pero hindi ko na lang iyon pinansin.
"Guys, tara sa Quantum games tayo." As usual, si Louise ang nagyaya noon. Basta usaping games nangunguna talaga siya.
Tumayo na nga kami matapos maubos ang mga orders namin, at nagsimulang hanapin ang Quantum. Kulang na lang libutin namin ang buong MOA para lang mahanap ang Quantum. Sa kabutihang palad nahanap din naman namin iyon nga lang napagod muna kami bago namin natunton ang eksaktong lugar. Bumili kaagad ng token si Louise, at kaagad na nagpunta sa hilera ng mga video games. Nandoon kasi ang paborito niyang laruin - ang Tekken.
"Gusto mong i-try?" Napalingon naman ako sa itinuturo ni Travis - ang House of the Dead. Isa itong shooting game kung saan ang target namin ay mga zombies, at kung anu-ano pang elementong kababalaghan.
Pumayag naman ako sa alok niya at kasunod namin si Kid. Hinawakan ko na ang baril, at nagulat na lang ako pati si Kid nang hawakan ni Travis ang kamay kong nakahawak sa baril.
"Ganito ang tamang paghawak sa baril para asintado tapos focus." Tinuturuan niya ako. Ayoko sanang bigyan ng ibang meaning pero hindi ko maiwasan lalo pa, at sobrang lapit niya sa akin. Napasulyap tuloy ako kay Kid, at nakita kong parang naiinis na siya pero nagpipigil na lang para walang gulo.
Maya-maya pa na-game over na rin ako. Si kid naman kaagad akong hinatak sa Dance Revolution. Isa itong dancing game kung saan kailangang apakan ang right arrow na makikita mo sa screen. Doon kasi siya magaling.
"Nice one, Kid. Ang galing mo pa rin talaga r'yan kahit hindi ka laging naglalaro. Naiinggit na tuloy ako." Ngumuso ako kaya naman napangiti na rin si Kid. Kahit paano na-lighten ko ang mood niya.
Umismid naman si Travis. Anong meron? Ano bang problema ng dalawang 'to?
"Sissy, ang haba ng hair mo." Nagitla pa ako sa paglapit ni Kitkat. Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot. Nakamasid lang pala siya sa amin dahil hindi siya mahilig sa games.
Napakunot naman ang noo ko. "Ha? Bakit?"
"Maang-maangan ka pa r'yan ha..." at ngumisi pa talaga ang loka.
"Ewan ko sayo, Sissy. Baliw ka na naman," sabi ko sabay lapit sa kuhaan ng stuff toy. Nakita ko kasi si Chopper, at dahil doon ay kaagad nagningning ang mga mata ko.
"Gusto mo niyan, Rouin?" tanong ni Kid mula sa likuran ko. Hindi ko man lang namalayang lumapit siya.
"Tinatanong pa ba 'yan?" Kaagad na gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko sa tanong niyang iyon. Mukhang ikukuha niya ako.
Kaagad siyang naghulog ng coin sa coin slot. First try, fail siya. Second try, fail pa rin hanggang nakalimang try na siya nalalaglag pa rin talaga.
"Okay lang, Kid." Kita ko how sad he was. Mukhang desidido siyang kunin iyon para sa akin ang kaso mukhang ayaw yata talaga ng tadhana.
Bigla namang naghulog ng coin si Travis sa coin slot, and to my surprise, first try pa lang niya, nakuha niya na.
"Salamat, Travis." Natuwa naman ako. Eto na naman ako. Tapos hindi pala para sa akin.
"Salamat ka r'yan. Hindi ba, sabi ko sayo favorite rin ng little sister ko si Chopper?" Napasimangot naman ako, at napahiya nang kaunti kaya tumahimik na lang ako. I am really hopeless.
"Pero this time, sa 'yo na 'to. May ganito na kasi ang kapatid ko," sabi niya, at pagkarinig ko no'n, parang biglang nagliwanag ang paligid ko.
"T-talaga? Hindi ka nagbibiro? Akin na 'to?" paniniguro ko, at tumango naman siya.
"Thank you, Travis." Yakap-yakap ko ang Chopper stuff toy, at inaamoy-amoy pa nang bigla itong hatakin ni Kid sa akin.
"Kid..." Halos manikip ang dibdib ko sa mga matang nakatingin sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Galit siya and I don't know why. Or maybe, I know, pero pinipilit ko lang sa sarili kong hindi ko alam lalo pa at para sa akin ay wala naman akong ginagawang masama. "Give it to me."
"Ibibili na lang kita kahit ilan Rouin, kahit gaano karami pa. Not this one. I woun't give it back!" mariing sabi niya.
"Ano bang problema mo? Akina kasi 'yan." Hindi ko maiwasang mainis. Naiirita na kasi ako. Gumagawa siya ng eksena sa bagay na hindi naman dapat nilalagyan ng issue.
"I said NO!" Sinigawan niya ako na never niya pang ginawa kaya sumama naman ang loob ko. Dali-dali akong tumakbo palabas ng Quantum kahit posibleng mawala na naman ako. Hilam ng mga luha ang mga mata.
"Rouin!" narinig ko pang pagtawag niya sa pangalan ko. Alam kong hinabol niya ako dahil patuloy ang pagsigaw niya sa pangalan ko kaya naman lumiko ako sa may C.R. nang madaanan ko iyon. Masamang-masama ang loob ko, at ayoko muna siyang makita, at makausap.
Ilang minuto rin akong nagkulong sa C.R. bago ako nagpasyang lumabas. Paglabas ko ng C.R naglakad-lakad lang ako hanggang sa mapagod ako, at napadpad ako sa sea side. Hindi ko maintindihan kung bakit niya 'yon ginawa. Dahil ba naapakan ang ego niya dahil hindi siya ang nakakuha no'n para sa akin? Parang ang babaw naman niya para sigawan, at awayin ako in public.
Namalayan ko na lang tumutulo na naman ang mga luha ko. Gusto ko nang umuwi. Kaya naman pinahid ko ang luha ko at naglakad nang naglakad hanggang makita ko ang sakayan ng mga taxi.
Sumakay naman ako sa taxi, at nagpahatid sa Village kung saan kami nakatira. Habang nasa byahe ay naisipan kong tawagan sila Kitkat dahil alam kong panigurado ay nag-aalala na sila sa akin. I told them na pauwi na ako kaya huwag na silang nag-alala sa akin. Tinanaw ko ang naglalakihang building sa labas, at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nang marinig ko ang boses ng isang hindi pamilyar na boses.
"Mam, nandito na po tayo. Saang street po ba kayo?" Mabuti na lang ang mabait ang driver ng taxi na nasakyan ko at hindi ako dinala kung saan-saan, at hindi ako pinag-isipan ng masama.
"Dito na lang po ako," sabi ko sabay abot ng bayad, at baba ng taxi.
Naupo ako sa tabing kalsada, at saka doon isinubsob ang mukha ko sa aking mga tuhod. Bwisit na buhay to o.
Nagulat na lang ako nang may biglang humatak sa braso ko patayo.
"T-travis..." bulong ko sa pangalan niya. Hindi ko alam pero nang makita ko siya ay napaiyak na lang ako. Siya lagi ang nakikita ko sa tuwing nalulungkot ako. Siya lagi ang nariyan para pagaanin ang loob ko.
"Alam mo bang pinag-alala mo ang mga kaibigan mo. Nag-aalala na rin si Kid sa 'yo." Ang timbre ng boses niya ay parang isang nakatatandang kapatid na nanenermon sa isang pasaway na batang gaya ko.
"Wala akong pakialam sa kaniya. Nag-aalala siya? Kalokohan."
"Nagselos lang 'yon. Iuuwi na kita." Naramdaman ko ang paghatak niya sa braso ko pero hindi ako nagpatinag at nanatili lang na nakatayo.
"Bakit naman siya magseselos? Boyfriend ko na siya, at wala naman akong ginawang masama para sigawan niya 'ko. Kung tratuhin niya ako kanina sa public para bang kung sino lang akong tao. Hindi niya man lang naisip kung anong mararamdaman ko?"
"Natatakot kasi siyang agawin ka ng iba." Sandali itong tumahimik. Humarap siyang muli sa akin, at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Halos naririnig ko na rin ang kaniyang paghinga dahil sa sobrang lapit niya sa akin. "Bagay na gagawin ko, Rouin. Aagawin kita sa mula kaniya," and that hit me.