ROUIN'S POV
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on sa sinabi ni Travis. Two weeks na ang nakalilipas mula nang huli kaming magkita, at sa two weeks na 'yon hindi pa rin kami nagkakausap ni Kid. Seryoso kaya siya sa sinabi niya? Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya, at nasabi niya 'yon. May gusto kaya siya sa akin? Wow ha? Ang haba ng hair ko. Ano ba naman tong iniisip ko? Malabo naman kasi 'yon. Halos kakikilala lang namin. Hindi ko pa nga siya lubusang kilala. Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop ba siya nagmula. Iyon nga lang, hindi ko maiwasang isipin 'yong sinabi niya. Kasi naman, he is somewhat like competing with my boyfriend.
Nasira ang pagmumuni-muni ko sa pagtunog ng cellphone ko.
Coz there'll be no sunlight if I lose you, baby,
There'll be no clear skies if I lose you, baby,
Just like the clouds, my eyes will do the same,
If you walk away every day it will rain... rain... rain...
"Unknown number? Sino kaya to?" Sinagot ko pa rin naman. "Hello?"
Pero walang sumasagot.
Walang nagsasalita pero alam kong may kausap ako. Naririnig ko kasi ang mahinang paghinga niya sa kabilang linya. Pero bakit ayaw niyang magsalita?
"Hello? Sino 'to? Bakit ayaw mong magsalita?" tanong ko pa rin pero himbis na sagutin ako, pinutol niya na lang kabilang line.
"Ang weird..." nasabi ko na lang sa sarili ko.
Maya-maya pa, may nag-text. Kaagad ko iyong binasa syempre, at baka importante.
1 message received
Travis
[Rouin, nandito ko sa labas ng bahay n'yo.]
Sumilip ako sa bintana, at naroon nga siya. Anong ginagawa niya rito? Kaagad ko siyang ni-reply-an upang malaman ang sadya niya.
[O, napdalaw ka? Ikaw ba 'yong tumawag?]
Message sent
Hindi ko alam kung bakit ko pa tinanong kung siya ang tumawag samantalang ibang number naman ang gamit niya ngayon. Pero ang bilis niyang magreply ha...
2 message received
Travis
[Na-miss kita! Tara labas tayo may papakilala ako sa 'yo.]
[Hindi ako 'yon. Ngaun ko lang hinawakan ang phone ko.]
Napapaisip talaga ako sa mysterious caller ko. Haay... 'di bale na nga.
Sinabihan ko si Travis na mag-doorbell, at pumasok muna habang nag-aasikaso ako. Hindi ko naiwasang maalala ang pagtatalo namin ni Kid sa Quantum. Kumusta na kaya siya? Wala ba talaga siyang balak makipag-ayos sa akin? Nakakainis. Wala naman akong ginagawang mali ha? Talaga bang wala na siyang pakialam sa akin? Ganoon na lang ba katindi ang galit niya sa akin?
After an hour, ready to go gala na ako. Excited din ako sa ipakikilala sa akin ni Travis. Sana lang mabait siya, at makasundo ko siya. Nakakaramdam din ako ng kaba lalo na, at bagong kakilala na naman ito. Sana lang talaga hindi maging epic fail ang lakad naming ito.
"Tita, hiramin ko po muna ang prinsesa n'yo. Iti-treat ko lang po ng gala para hindi mabored tutal wala naman pong pasok." Nakangiti naman si Travis habang nagpapaalam kay mommy.
"Sige, Iho. Mag-iingat kayo ha? Ikaw na ang bahala d'yan sa princess ko," sabi naman ni mommy.
"Opo. Huwag po kayong mag-alala." Muling ngumiti si Travis, at nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Sige po, Tita. Mauna na po kami."
"Sana hindi sumakit ulo mo sa kanya, Travis." Si Kuya Ice habang tumatawa.
"Kuya!" Sumimangot ako. Kahit kailan talaga 'tong magaling kong kapatid, napakalakas mang-asar.
+++
Nasa byahe na kami, nagpasya kaming mag-drop-by saglit sa mall, at bumili ng donuts, at coke float sa McDo. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta kaya minabuti ko nang magtanong,
"Uhm... Travis..." pagpukaw ko sa atensyon niya.
"Hhmm..." tugon niya habang nananatiling nakatuon ang mga mata sa kaniyang harapan.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Curious na kasi talaga ako.
"Hindi ba favorite mo si Chopper?"
"Oo. Ibibili mo ako?" Nagningning naman kaagad ang mga mata ko. Ang kapal ko talaga.
"Hindi," sagot niya. Hindi ko naiwasang mapanguso dahil sa pagkapahiya. Masyado talaga akong assuming. "Dadalhin kita sa isang place na puro Chopper collections."
"Talaga?" Natuwa naman ako sa narinig ko. Nakaramdam ako ng excitement nang mga oras na 'yon. On the other hand, saan naman kaya 'yon?
"Oo. Ipakikilala kita sa may-ari," sabi niya.
OMG! Ibig sabihin magkakasundo nga talaga kami ng ipakikilala niya sa akin. We have the same taste.
So, isang oras lang ang nakalipas nang makarating na kami rito sa mala-anime world na ito. Paano ba naman, pinto pa lang si Chopper kaagad ang nakita ko.
"Wow!" bulalas ko na lang.
"You are 10 minutes late!" Napalingon ako sa aking likuran. Isang cute na bata ang nakapamewang habang nakasimangot na nakatingin sa amin.
"Sorry. Medyo traffic kasi," sabi ni Travis habang nakahawak pa sa kaniyang batok.
"And who is she?" Ako ata ang tinutukoy niya.
"Oh, by the way, she is Rouin. Call her ate okay. She loves Chopper too." Pagpapakilala sa akin ni Travis.
"Hello. I'm Rouin. Nice to meet you." Ngumiti ako sa kaniya, at yumuko para lumebel ang taas ko sa kaniya.
"Kuya, is she your girlfriend?" Nagulat pa ako sa tanong niya. Pero kuya raw? Ibig sabihin, ito 'yong kapatid niya, si Mikaela, at eto ang bahay nila?
"Yes, Baby. She's my girlfriend," mabilis na sagot ni Travis.
"Travis..." syempre tumutol ako. Ayoko naman na isipin ng kapatid niya na may relasyon nga kami kahit wala naman. Isa pa, may boyfriend na ako.
"Just joking, Baby. She is a friend of mine. The girl I told you before whom I met crying in the middle of nowhere." Travis explained.
"Ah... the stupid girl." Aba at talagang matabil ang dila ng batang 'to ha?
Bigla namang pumasok sa isip ko ang lalaking 'yon. Ang lalaking mayabang na madalas akong tawaging stupid. Etong batang 'to ay parang girl version ng mayabang na 'yon. Parang gusto tuloy lumabas ng sungay ko, at sakalin ang batang 'to. Ngumiti na lang ako nang pilit kahit kumukulo na ang dugo ko sa loob-loob ko.
"Baby, watch your mouth." Sinaway naman siya ni Travis.
"Okay sorry. Please come in." Paanyaya niya sa amin papasok, at talagang namangha ako dahil halos buong bahay ay puro Chopper collections. Kahit saan ako tumingin ay puro si Chopper ang nakikita ko. May mga naglalakihan ding display ni Chopper na nakatayo sa magkabilang sulok ng sala, at sa hagdan naman ay may tila pang christmas theme na Chopper na nakasabit sa hawakan nito.
"Yaya, could you get us some drinks," sabi ni Travis.
"Okay, Sir." Sumunod naman kaagad ang katiwala.
Maya-maya lang ay bumalik na ito dala ang pitchel ng iced tea. Binuksan na rin namin ang dala naming donuts upang kainin. Kaagad ko namang napansin ang baso kasama ng pitchel, may Chopper kasi na naka-print.
"Travis..." sabay kalabit ko sa kaniya.
Lumingon naman siya sa akin. "Bakit?"
"Arbor na lang 'tong isa, sige na." Pleasing him.
Napakamot naman siya kaagad ng kaniyang ulo. "Siya ang tanungin mo." Tinuro ni Travis ang kapatid niya.
"What?" tanong ni Mikaela ng mapatingin sa amin. Salubong na naman ang kilay nito.
"Can I have this one?" nakangiting tanong ko. Nagbabakasakali ako na baka pumayag siya. "You know, I also love Chopper so, I promise I would take good care of this glass of yours if you would give me one," at ang itsura ko, paawa epek pa talaga.
"No?" Patanong ba talaga ang sagot niya?
"Please..." Pinagdaop ko pa ang palad ko na animo'y nagdarasal.
"Okay," sagot niya. Nangningning talaga ang mga mata ko sa sagot ng batang 'to. Mukha lang pala siyang masungit pero mayroon naman pala siyang ginintuang puso. Ang saya-saya ko. Ang bilis niya pala mapapayag. Well, 'yon ang akala ko. "In 1 condition." Hindi ko naman akalain na may kondisyon pa pala.
"Anything." Ang lapad pa ng pagkakangiti ko sa kaniya pero sino ba mag-aakalang pilya pala ang batang ito.
"Kiss Kuya Travis," sabi niya kaya naman napatayo pa ako sa pagkabigla.
"A-ano raw? Kiss?"
Hinawakan naman ako ni Travis sa kamay habang tumatawa at saka marahan akong hinila paupo.
"Kuya Travis told me that there is a girl that he likes. When he saw that girl, he was totally starstruck by her, and everything turns all right. I think you are the one he was talking about." Nag-explain pa talaga ang bulilit na 'to. Hindi ko naiwasang mapatingin kay Travis with the help me look. Mukhang mapapasubo ako ha...
"Ano raw? May gusto ka raw sa akin?" tanong ko kay Travis. I just want to make sure. Although, I already have a hint, ayoko pa ring maging assuming.
Then he just shrug. "Pagbigyan mo na ang bata."
Nilingon ko naman ang bagay na inaarbor ko kay Mikaela, at saglit na nag-isip. Alang-alang kay Chopper. Isang kiss lang naman e, at sa pisngi lang pwede na. So, gagawin ko na talaga 'to.
"O-okay. Pero sa pisngi lang." sabi ko, at mukhang wala namang tutol sa kanilang dalawa kaya naman I close my eyes habang unti-unting lumalapit ang lips ko sa pisngi niya.
Napadilat ako nang biglang nagsalita si Travis.
"Ang tagal naman," and what shock me when he pulled me so close to him and kissed my lips.
Na-stock up ako na hindi ko maintindihan. Para akong nanigas na ewan. Parang may biglang kuryente na dumaloy sa buo kong katawan. Parang iba ang feeling kahit smack. Nagkakagusto na ba ko kay Travis? No, it can't be. Imposible. Kakikilala lang namin. Ni hindi ko pa nga siya lubos na kilala. Isa pa, mali 'to. May boyfriend ako. Magkakasala ako kay Kid. Pero parang wala na namang pakialam sa akin si Kid. Ni hindi niya na ko pinupuntahan sa bahay. Ni ayaw niya na atang makipag-ayos sa akin. Mahal niya pa ba ako?
"Ayie... Kuya, good job. That's the move," sabi ng kapatid niya. Napangiti na lang ako ng pilit kahit ang totoo hindi pa rin ako maka-move on sa mga nangyari.
Si Travis nakangiti lang habang nakatingin sa akin. Is it part of his plan?
"Hey! Rouin, ayos ka lang?" Niyugyog pa ako ni Travis para lang magbalik ako sa katinuan.
"Ah yeah! Ayos lang ako," sagot ko.
"Huwag ka na ma-stock up d'yan, o eto na ang premyo mo," sabi niya habang iniaabot sa akin ang Chopper glass.
Sa wakas nagbunga rin ang kaba, at pagkabigla ko. Nakamit ko na rin ang Chopper glass na 'to. Yes! Saka ko na iisipin ang mga nangyari ngayon dahil masaya ko ngayon. at bukas may pasok na naman. Magkikita na kaming muli ni Kid.