Chapter 29

1373 Words
FROILAN'S POV Ang bilis lumipas ng panahon, halos maglilimang buwan na din simula ng umalis kami ng Pilipinas ni Lily. Napakaboring nga lang. Araw araw si Lily kasama ko kahit sa pagtulog siya ang katabi ko. Ayoko naman talagang makasama siya dahil unang una matagal na kaming tapos at pangalawa hindi ko na siya mahal. Pakiramdam ko bukod sa nagsisinungaling ako sa kanya, dinadaya ko na rin pati ang puso ko kaso i don't have a choice. Sabi ng doktor, wag siyang hayaang mastress dahil bukod sa baka bumuka ang sugat niya, may sign daw na pwede siyang madepressed bagay na ayokong mangyari kapag iniwasan ko siya. Mamaya mabaliw pa siya e di konsensya ko pa. Nandito kami ngayon sa Loire Valley, namamasyal sa Jardins du Château de Villandry. Isa sa mga pinakamagandang garden dito sa France. Nakakatuwang pagmasdan ang mga bulaklak, lahat nakaayos ng tanim. Wala talaga kong masabi sa ganda nila. Kung nandito si stupid girl panigurado matutuwa yun. Speaking of stupid girl, tinawagan ko siya months ago and i tried all my best na kausapin siya pero hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman i ended the call ng walang sinasabing kahit ano. Namimiss ko siya to tell you honestly, minsan nga hanggang panaginip ko tinatalakan niya ko sa sobrang galit niya sa akin. Minsan pati sa baso siya ang nakikita ko. Daig ko na nga ang nasisiraan ng baet. Hindi ko talaga alam kung anung nangyayari sa akin. "Froilan, look. Ang ganda nung flower." Nagising lang ako sa pagmumuni muni ko ng tawagin ni Lily ang pangalan ko. "Oo nga.." sabi ko lang. "Gusto ko ganyang bulaklak ang gagamitin ko sa kasal ko." Biglang banat niya. Medyo nailang naman ako sa sinabi niya pero i still managed to smile. "S-sige." I said after faking a smile. "Froilan, umuwi na tayo. Pagod na ko gusto ko ng magpahinga." Sabi niya bigla. Napaisip tuloy ako, may nasabi ba kong mali? Pero kung sabagay hapon na rin naman kaya mas okay din sigurong umuwi na. So umuwi na lang kami. Pagkarating sa bahay dumeretso na agad kami sa kwarto. Nakapagdrop by naman kami sa isang restaurant para kumain bago dumeretso pauwi. Tahimik lang siya at walang sinasabi. Dumeretso siya sa banyo dala ang towel niya, maliligo na siguro. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng magring ang phone ko. Wherever you go, Whatever you do, I will be right here waiting for you. Whatever it takes, Or how my heart breaks I will be right here waiting for you. Pagtingin ko, unknown number pero sinagot ko pa rin baka si mom lang kasi. "Hello?" "Froi.. si Ice to." Pagpapakilala ng nasa kabilang linya. "Kuya Ice?" Nagtatakang tanong ko. "Ay hindi, si mommy mo to. Si Ice nga di ba?" Binabasag pa ko. "Kamusta Kuya Ice?" Ako. "Eto ayos lang naman. Kaso may ibabalita ako sa'yo kaya ako napatawag." Sabi niya. "Ano naman yun Kuya?" Takang tanong ko. "Si Rouin, humahaba na ang buhok." Sabi niya. Baliw ba siya malamang hahaba ang buhok nun dahil lumilipas ang panahon. "Kuya Ice naman. Malamang hahaba buhok nun maglilimang buwan na kaya ang nakakalipas." Katwiran ko. "Sira! I mean, dalawa na manliligaw ni Rouin ikaw nagtsatsaga pa rin sa Lily na yan dyan sa France." Sabi niya. Haay.. pakialam ko ba dun. Wala akong pakialam kahit sampu pa maging manliligaw niya. "Well Kuya Ice, good luck sa mga manliligaw niya." Tanging nasabi ko dahil mismong ako hindi ko alam ang sasabihin ko. "Froi, hanggang kailan ka ba magpapanggap? Kailan ka ba magpapakatotoo? Alam naman nating pareho na gusto mo ang kapatid ko." Giit niya. "Kuya Ice, wala nga akong gusto sa kanya. At masaya na ko sa buhay ko ngayon malayo sa kanya. Walang sakit sa ulo." Sabi ko. "Ikaw ang bahala Froi, pero don't force yourself na pakisamahan ang taong hindi mo naman mahal." Payo niya. "Okay Kuya Ice. Salamat." Pagkasabi ko nun natapos ang usapan namin. Haay.. bakit ba parang ang bigat lalo ng dibdib ko? Bwisit talaga! Hanggang dito ba naman siya pa din ang bumabagabag sa isip ko. Maglilimang buwan na pero wala pa ring improvement sa amin ni Lily. Alam kong tama si Kuya Ice, hindi ko pwedeng ipush ang sarili ko kay Lily lalo na hindi ko nanaman talaga siya mahal. "Baby, tapos na ko." Nagulat pa ko ng bigla siyang magsalita. Lumilipad talaga ang isip ko. "Ah sige.." sabi ko lang. "Shower na din ako ng makatulog na tayo." Hanggang c.r hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ni Kuya Ice. Si Rouin, may dalawang manliligaw na pero ako nakatanga pa din dito nagtatrabaho para mabuhay kami ni Lily. Malamang si Kid yung sinasabi niya na isa, pero sino yung isa? Kaklase kaya niya? Bagong kaibigan? Haay.. bwisit na yun pinag-iisip pa ko. Bakit kasi ang arte ko pa hindi ko pa tinanong kung sino. Pagkatapos ko magshower nakita ko si Lily na nakahiga na sa kama, baka tulog na. Nakabihis na din naman ako kaya nahiga na din ako. Oo, sa tabi niya. Pero walang nangyayaring kahit ano sa amin. May respeto naman ako sa kanya kahit paano. Patulog na ko ng bigla niya kong yakapin. "Gising ka pa pala.." sabi ko. "Froilan.. magpakasal na tayo." Pero mas nagulat pa ko sa sinabi niya. Alam ko seryoso siya dun, pero ayoko. Ayokong magpakasal sa kanya. Hilingin niya na lahat sa akin wag lang yun. "Lily, I think it's inappropriate. We are still too young for that," sabi ko. "Hindi naman problema yun. Nasa France tayo pwedeng dito na muna tayo magpakasal bago sa Pilipinas." Katwiran niya. "Pero Lily.. hindi ba parang masyadong mabilis?" Palusot ko. Paano kaya ako lulusot sa topic na to. "Mabilis? I am your first love and will be your last. Ano pa bang kailangan nating hintayin?" Her voice is starting to raise. "Lily.. ayoko pa." Sinabi ko na ang totoo para matapos na to. "Then why did you damn drag me here in France alone? Para ano? Dahil ano?" Tanong niya. "Gusto ko lang mas maging okay ka." Sagot ko. Totoo naman kasi e. Yun lang talaga ang dahilan kaya dinala ko siya dito. I was shocked when she pushed me more to bed and her body strikes over me. "You are a liar Froilan!" Sigaw niya sabay sampal ng malakas sa akin. Tahimik lang ako. "Si Rouin.. siya ang dahilan hindi ba? Gusto mong lumayo at isinama mo ko bilang excuse! Hindi ba siya naman talaga ang dahilan! Dahil gusto mo siyang iwasan! Para makalimot ka hindi ba? Hindi ba?!" Pagpupumilit niya. "OO SIYA ANG DAHILAN!!!" i screamed. Natahimik naman siya pero alam kong nasaktan ko siya. Pero wala naman akong choice dahil alam kong magtatanong at magtatanong siya. At least kapag sinabi ko ang totoo hindi na siya mangungulit pa ng katatanong. "Froilan.. kalimutan mo na lang siya. Nandito naman ako. Lahat gagawin ko mabawi ka lang sa kanya. Kaya kalimutan mo na lang siya. Tutulungan kita." Mahinahong sabi niya. "Lily.." nakatingin lang ako sa malungkot niyang mukha. She is starting to cry. Ayoko ng ganitong eksena. Nakokonsensya ko. "Froilan.." then she kissed me. Bago pa man ako matangay ng kamunduhan, nagawa ko siyang itulak palayo sa akin. "I'm sorry Lily. Sa sofa na lang ako matutulog." Sabi ko sabay bangon at labas ng kwarto. Hindi pa ko umaalis sa may pinto. Dinig ko pa rin ang pag-iyak niya pero ayokong magsinungaling sa kanya. Syempre isa sa rason ko ang gumaling siya pero alam ko sa sarili kong tama siya. Si Rouin talaga ang dahilan kaya ako lumayo. Gusto ko siyang iwasan bago pa ko mawala sa sarili ko sa kakaisip sa kanya. Pero hindi rin pala ganoon kadali ang lahat. Akala ko kapag umalis ako ng Pilipinas kahit paano mababawasan ang isipin ko sa kanya, kaso mas lumala yata. Mas madalas ko kasi siyang naiisip. Kung kamusta na siya. Kung galit pa rin kaya siya sa akin. Kung mapapatawad niya pa kaya ako sa pag-iwan ko sa kanila. Hindi ko talaga alam kung bakit iniisip ko siya, kung bakit nag-aalala ko sa kanya, pinapakulam yata ako ng stupid girl na yon. Dumeretso na ko sa sofa at nahiga. Bukas ko na lang kakausapin si Lily about sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD