ROUIN'S POV
Ang bilis ng araw. Pauwi na kami ngayon sa manila, but the fact na kasama namin si Kid ang nagpapasaya sa akin. Doon na rin daw siya mag-aaral sa school na papasukan ko. Nakakatuwa talaga. Syempre, it means, araw-araw ko na siyang makikita, araw-araw ko na rin siyang makakasama, sabay kami magrerecess, sabay magla-lunch, sabay papasok at sabay uuwi. Ay, kinikilig ako! Ano ba naman yan? Nakakahiya.
Nandito kami ngayon sa yacht nila Kid. ‘Di na kami nagroro at ung sasakyan naman namin na dala namin ay iniwan na lang namin kina Auntie Chloe. Kasalukuyan akong nasa labas nagpapahangin habang nakadungaw sa malawak na dagat.
"Rouin…" bati ni Kid nang bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko.
"O, Kid." Kunwari ‘di ako natutuwa pero ang totoo abot hanggang sun na ang kilig ko. Ma-imagine ko pa lang na magkakasama kami sa school ay lumilipad na sa kaligayahan ang puso ko.
"Juice o." Iniabot niya sa akin ang orange flavor canned juice.
"Salamat," sabi ko. "Nakakatuwa. Same school na tayo starting next week."
"Kaya nga. Makakasama na kita araw-araw." Nakangiting sabi niya. Oh my gosh, kinikilig talaga ‘ko.
"Oo nga, Kid." Nag-blush na talaga ko. Hindi ko na napigilan dahil sa sobrang tuwa.
"Ang cute mo, Rouin, ‘pag nagba-blush ka," puna niya. Lalo naman akong nahiya at totoo ba ang nakikita ko na nagba-blush din siya? Speechless talaga ako. Hindi ko alam kung paano ako magre-react ngayon sa harap niya. Ngayong napakadiretsa niya sa akin. "Namiss kita sa totoo lang.” Sandali pa itong tumahimik na tila ba may bumabagabag sa kaniya.
“May problema ba?” tanong ko.
“Si Froilan, kayo ba?" tanong niya. Bakit nasama si Froilan dito? At ano ba namang klaseng tanong ‘yon? Asa naman na magkagusto ako sa mayabang at masungit na ‘yon.
"Nako! Kid, talaga. Hindi ha... Magkaibigan lang kami no’n. Lagi nga kaming nag-aaway e," sabi ko. Totoo naman e.
"Uhm... Ano… Akala ko talaga kayo. Nagseselos kasi ako," sabi niya habang nakayuko at hawak-hawak ang kaniyang batok.
"Kid..." Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Kinikilig talaga ‘ko. Eto na yata ‘yong pinapangarap ko. Eto na yata ‘yong matagal ko ng dinarasal-dasal.
"I like you, Rouin. No! I mean, I love you! Matagal na actually, since that day that I met you sa cave, remember?" sabi niya. Proud na proud siya pero mukhang kinakabahan sa reaksyon ko.
Ibig sabihin ay ganoon ka tagal niya na rin pala akong nagugustuhan. Ganoon katagal niya na ring itinago ang tunay na nararamdaman. Mga bata pa kami noon, ngunit hindi ko akalain na ang simpleng puppy lang sa paningin ng iba ay totoong pag-ibig na para sa aming dalawa. Hindi ko lubos maisip na ang lahat ng kilig at tagal ng paghihintay ko ay nangyayari na ngayon na hinding-hindi ko pagsisisihan hanggang sa huli.
"Uhm… Kid..." Lalong nag-iinit ang mukha ko. Eto na sasabihin ko na ang nararamdaman ko. Halos nanginginig ang mga kamay ko dahil sa kaba at lakas ng pagpintig ng puso ko. Eto na ang tagpong pinakahihintay ko sa lahat. Magagawa ko na ring ipagtapat sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko. "Kid, I--"
Naputol ang sasabihin ko dahil sa malakas na hampas ng alon na tumama sa gilid ng yate dahilan para ma-out of balance ako at malaglag sa dagat. Kid try to reach me out pero hindi niya na ‘ko naabot until my body fell to the sea. I can't swim, I am screaming for help. Naririnig ko pang isinisigaw ni Kid ang pangalan ko bago nagtatakbo palayo, marahil ay tatawag ng tulong. May narinig pa akong parang bumagsak sa dagat pero ‘di ko na nakita kung ano. Unti-unti na ‘kong nanghihina. Hindi na ‘ko makahinga. Hanggang dito na lang yata ako. Dahan-dahang lumulubog ang katawan ko sa ilalim ng dagat habang unti-unti namang pumapasok ang tubig dagat sa loob ng aking katawan. Napapikit na lang ako sa sobrang pangangapos ng hininga. Nakakalungkot lang na hindi ko man lang nasabi ang nararamdaman ko kay Kid. Hindi ko man lang matutupad ang mga pangarap ko kasama ang lalakeng minamahal ko.
"Kid..." Nasabi ko na lang bago ako tuluyang nawalan ng malay.
FROILAN'S POV
"Ang sarap magpahangin." Nag-stretching pa ako pagkalabas ng room. Eto ang unang pagkakataon na makasakay ako ng yate. Ang sarap pala sa feeling maging sosyal. Napalingon naman ako sa isang sulok ng yate at nakita ko ang dalawang asungot sa buhay ko na nag-uusap. Ano kayang pinag-uusapan nila at parang kinikilig si stupid girl? Lalapit ako nang kaunti ‘yong hindi nila ko makikita. Nakakahiya pero ngayon ko lang gagawin to, makiki-chismis ako.
"I like you, Rouin. No! I mean, I love you! Matagal na actually, since that day that I met you sa cave, remember?" sabi ni Kid at dinig na dinig ko ‘yon. Nagtapat siya kay Rouin.
"Sus! Love mo mukha mo," bulong ko sa sarili ko na alam kong hindi naman aabot sa pandinig nilang dalawa. “Hindi totoo ‘yang love love na ‘yan.” Muli akong lumingon sa kanila habang hinihintay ang isasagot ni stupid girl. Nako, panigurado abot langit ang kilig ng babaeng ‘yan. Patay na patay kaya siya sa asungot na ‘yon.
"Kid, I…" Ayan na sasagot na si Rouin kaso biglang may humampas na malakas na alon sa yate dahilan para mawalan ng balanse si Rouin at malaglag sa dagat. Nagtatakbo naman si Kid na tila hindi alam ang gagawin. Ano ba namang klaseng lalake ang nagugustuhan ni Rouin?
“s**t!” Napailing na lang ako dahil sa kapabyaan niya. Napabulalas na lang ako at walang pagdadalawang-isip na nilundag ang malawak na dagat. I don't know pero parang kusang gumalaw ang katawan ko. Mabuti na lang din at tumigil sa pag-andar ang yate.
"Rouin!" sigaw ko habang hinahanap siya. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid ngunit hindi ko na siya makita kaya naman sumisid na ako sa ilalim ng dagat at doon siya tuluyang natagpuan. Kaagad akong lumangoy palapit sa kaniya at mabilis na inangat siya sa tubig.
"Stupid ka talaga!" Mixed emotions. Parang sangkaterbang takot ang naramdaman ko nang mga oras na ‘yon. "Rouin!" Nagsisimula na namang manikip ang dibdib ko kung kaya makailang ulit ko ring tinapik ang kaniyang pisngi ngunit wala pa rin siyang malay. “Wake up, stupid!”
"Froi!"
Napalingon ako sa yate nang may tumawag ng pangalan ko – si Kuya Ice. Inihagis niya ang isang salbabidang may tali sa kinaroroonan namin na kaagad ko namang inabot habang yakap-yakap ang walang malay na si Rouin. Mabilis nilang hinila iyon kung kaya mabilis din kaming nakasampa pabalik sa yate. Kaagad kong inilapag si Rouin at sinimulang i-pump ito siya sa dibdib.
"Froi.. Alam mo bang ginagawa mo?" tanong ni Kuya Ice. Hindi maiiwasang mag-alala siya lalo pa at kapatid niya ang nasa bingit ng alanganin ngayon.
"Yes, pinag-aralan nila yan sa P.E.," sagot ni Mom.
"Wake up stupid girl!" Paulit-ulit ko na siyang pina-pump ngunit hindi pa rin siya nagkakamalay. Unti-unti na akong binabalot ng takot na hindi ko lubos na maipaliwanag. "Ano ba? Rouin!" Para na akong masisiraan dahil sa labis na kaba. Hindi na rin ako halos makahinga sa nangyayari ngayon.
"Rouin…" sabi ni Kid na nag-aalala rin.
Halos lahat naman ay nag-aalala. Hindi ko na nga lang nagawang tapunan sila ng tingin dahil kay Rouin lang nakatuon ang atensyon ko nang mga oras na ‘yon. Takot na takot ako. Natatakot akong mawala siya. Ngunit bakit?
"Stupid girl, magagalit talaga ko ‘pag ‘di ka pa gumising diyan!" Hindi na ako nakatiis at inilapat ko na ang aking bibig sa kaniyang bibig. Ibinuka ko iyon upang makapagbuga ako ng hangin papasok sa kaniyang bibig na siyang tutulong para manumbalik ang kaniyang paghinga.
After ng ilang CPR at pump sa kaniyang dibdib ay may lumabas na ring tubig mula sa bibig ni Rouin kasabay ng pag-ubo niya ay nagkamalay na siya.
Hindi ko alam ngunit nang mga sandaling iyon ay tila nabunutan ng nakabarang bato ang aking dibdib. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit at dinampian ng halik sa noo. "Rouin… Papatayin mo ba talaga ‘ko sa pag-aalala sa ‘yo?" mahinahong sabi ko habang nananatiling nakayakap sa kaniya.
"Froilan…” Dama ko ang panghihina sa boses niya kaya naman binuhat ko na siya at dinala sa kaniyang silid.
+++
Nagising na rin siya sa wakas. Nakakahiya nga lang na makita niyang hawak ko ang kamay niya. Pero walang ibang ibig sabihin ‘yon. Gusto ko lang makasiguro na paggising niya ay magpapasalamat siya sa akin. ‘Yon lang ‘yon.
"Magpasalamat ka na sa akin dahil niligtas ko ang buhay mo," sabi ko. Aba dapat lang. Pangalawang beses na kaya ‘to.
"Bakit? Sinabi ko bang iligtas mo ‘ko?" sabi niya na may halong pagtataray.
"Hindi. Pero ginusto ko pa ring iligtas ka lalo na at alam ko pa namang stupid ka,” sabi ko. “Isa pa nangako ako sa ‘yo kaya tutuparin ko ‘yon." Nasabi ko na lang bigla. Pakiramdam ko talaga minsan ay tinatraydor ako ng bibig ko.
"Salamat," sabi niya.
So, okay na ako. Nagpasalamat na siya kaya aalis na ako. "Lalabas na ‘ko. Magpahinga ka r’yan. Magpapadala na lang ako ng pagkain dito sa kwarto,” sabi ko sabay lakad papuntang pintuan. Lalabas na ‘ko baka mamaya kung ano pa ulit ang masabi ko.
Pero...
Naramdaman ko na lang ang mga braso niya sa bewang ko. Nakayakap siya sa akin mula sa likod. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. ‘Di ko alam ang magiging reaksyon ko.
"Salamat talaga, Froilan," sabi niya. "Sorry rin kung lagi kitang inaaway," dagdag pa niya.
"Ano ka ba? Bitiwan mo na nga ako. Lalabas na ‘ko," sabi ko. Nakabawi din sa pagkatulala pero kahit ganoon bakit gusto ko ang ganitong pakiramdam sa akin?
"Stay a little longer please..." pagsusumamo niya. Ayaw pa rin bumitiw sa akin nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no’n si Kid.
Gulat na gulat kami pare-pareho. Nanlalaki ang mga mata namin sa eksenang ‘yon. Gusto ko sanang asarin si Kid pero nagsalita na kaagad ito.
"N-nakakaistorbo yata ako,"
"Uhm... Teka, Kid... Mali ka ng iniisip," biglang saad ni Rouin kasabay ng pagbitiw niya sa pagkakayakap sa akin. Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam ako ng panghihinayang na hindi ko alam kung para saan.
"Mabuti pa mauna na ako. Mag-usap na lang kayo." Naisip kong mas makabubuting lumabas na lang ako ng kwarto. Kasabay noon ay ang pagpasok ni Kid sa loob ng kaniyang silid.
Hindi niya man lang ako pinigilan na lumabas. Hindi niya man lang ako hinabol. Bakit parang dismayado ako? Napasandal na lang ako sa may pinto nang makalabas ako at sumara ito. Dinig na dinig ko ang usapan nila.
"Pinag-alala mo 'ko," sabi ni Kid bakas ang sinseridad. "Pasalamat ka mahal kita."
"I love you too Kid!" Si Rouin.
Biglang naisip ko, sana 'di ko na lang narinig yon.