Chapter 12

1059 Words
ROUIN’S POV   Isang linggo na rin ang lumipas mula nang makauwi kami galing sa beach house. Ngayon, first day of school, magkakaroon na rin ako ng mga bagong kaibigan. Excited na kong pumasok. Idagdag pa na sabay rin kaming papasok ni Kid. Since that day, nang aminin ko ang nararamdaman ko para sa kaniya, mas naging close pa kami lalo at open sa isa’t isa. Halos araw-araw siyang pumupunta rito upang dalawin ako. Daig ko pa may sakit. Hindi ko naiwasang mapangiti habang iniisip ang mga sandaling hinahawakan niya ang kamay ko at dinadalhan ako ng bulaklak.   The doorbell rings.   "Si Kid na siguro ‘yan." Dali-dali pa akong nagtatakbo para buksan ang pinto nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. "Kid!"   "Hello!" Nakangiti siya pero ako hindi. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa tumambad sa aking harapan. Hindi ko naiwasang madismaya dahil isang mayabang pa ang siyang narito ngayon. Sisirain pa yata ang magandang mood ko.   "Anong ginagawa mo rito?" Nakakunot ang noong tanong ko.   "Sabay tayong papasok," diretsang sagot niya.   "A-ano? Ayoko nga! Susunduin ako ni Kid. Sabay kaming papasok," sabi ko.   "Hindi ka na susunduin no’n. Baka nasa school na ‘yon."   "Susunduin niya ‘ko!" Pagpupumilit ko. Ano bang pinaglalaban niya?   "Hindi nga dahil sinabi ko nakaalis ka na," nakangiting dagdag pa niya. Bwisit talaga ang mayabang na ‘to.   "Rouin..." Nagulat ako nang biglang makita ko si Kid sa likuran ni boy yabang. Sinasabi ko na nga ba at pinagtitripan na naman ako ng isang ‘to.   "Kid!" Niyakap ko kaagad siya at natuwa naman ako sa itsura ni Froilan, dismayado siya. Akala niya siguro maiisahan niya ‘ko ngayon.   "Sinasabi ko na nga ba niloloko mo lang ako. Buti na lang hindi ako nagpauto sa ‘yo," sabi ni Kid talking to Froilan. "Tzk! Asar!" Mukhang inis na inis naman ang mayabang na ‘to. Buti nga sa kaniya.   "Tara na Rouin." Bigla naman akong kinilig nang hawakan ni Kid ang kamay ko. OMG! Kami na nga talaga.                                                                                                                                         Palabas na sana kami ng bahay nang biglang sumulpot si Kuya.   "Kid!" Kaagad niyang tinawag si Kid. Ano kayang kailangan niya kay Kid?   "Kuya…"   "Samahan mo naman ako ngayon sa inyo. Nakalimutan ko yata ro’n ‘yong registration form ko,” sabi ni Kuya. Teka, nagpunta si kuya kina Kid? Kelan? Bakit hindi yata ako na-inform?   "Pero…"   Bigla namang inakbayan ni Kuya si Kid.   “Kuya, ano ba? Male-late kami niyan e,” protesta ko. Kainis naman kasi. Moment namin ‘to e.   “E paano naman ako? Absent sa first day of class?”   Kunsabagay ay tama siya. Pero sigurado ba siyang kina Kid niya naiwan? Napakaburara naman kasi nitong si kuya e.   "Sige na please, hindi ako makakapasok kapag wala ‘yon.” Kuya Ice insisted.   “Okay, sasama ako. Hanapin natin ang registration form mo.” Hahakbang na sana ako palabas ng bahay nang pigilan ako ni Kid.   "Okay sige, Kuya." Pumayag na rin si Kid. Hinarap naman niya ako sa kaniya at seryosong tiningnan. "Rouin, mauna ka na sa school at baka ma-late ka pa. Sabay na lang tayo mamayang umuwi. See you on your break time." Ngumiti pa siya na parang wala lang pero ramdam kong upset siya. Nakakainis talaga si Kuya.   "Thanks Kid. I owe you one." At pagkasabi ni kuya nun ay umalis na nga sila ni Kid.   "Ehem!" Napalingon ako sa tabi ko. Nandito pa nga pala ‘tong Froilan yabang na ‘to. "O bakit?" Naiiritang tanong ko.   "Halika na. Pasok na tayo." At sabay hila sa kamay ko.   "T-teka, ‘yong kamay ko. Bitiwan mo ko," sabi ko. Naiilang ako. Pakiramdam ko nagkakasala ako agad kay Kid.   "Ang kamay mo? Kamay pa rin. Alangan naman maging paa ‘yan." Pamimilosopo nya pa. Nakakainis talaga siya!   Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang siya. Masisira lang kasi ang araw ko ‘pag pinatulan ko pa ang pangbubwisit niya.   FROILAN'S POV   Ang saya naman nito. Mukhang naisahan ni Kuya Ice si Kid. Buti nga sa kaniya, akala niya papayag ako na maging sila ni Rouin, neknek niya. Unang-una hindi bagay ang isang gaya niya sa babaeng ‘yon, baka mamaya magkalat pa sila ng lahi nila. Ano na lang mangyayari sa mundong ‘to?   Phone Vibrates. Message Receive: Kuya Ice   (O paano ba ‘yan, Froi? Mukhang nauunahan ka na.)   "Tzk! Asar!" bulong ko sa sarili ko. Hindi na ako nakatiis. This time, I think I really need his help.   (Kuya Ice, I need ur help.) Message sent to Kuya Ice.   Phone Vibrates. Message Receive: Kuya Ice   (Ako na ang bahala ^_^)   And our plan really worked. Maaasahan ko talaga ang kuya ni Rouin. Iba talaga kapag may kakampi ka. Dahil sa isiping ‘yon hindi ko na napigilang mapangiti.   "Anong nginingiti-ngiti mo r’yan?" Na kaagad namang napansin ni Rouin. Lalo akong napangiti nang makita ko ang nakasambakol niyang pagmumukha.   "Wala!" Mariing kong sagot sa kaniya pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng Boulevard University, ang bago naming school.   "Baliw!" sigaw ni Rouin kaya naman napahinto ako. Pakiramdam ko tumagos ang boses niya hanggang sa kaloob-looban ng tenga ko.   "Manahimik ka nga, Stupid Girl!" sigaw ko pabalik.   Akmang magsasalita pa sana siya kaya tinakpan ko na ang bibig niya. Napakaeskandalosa talaga ng babaeng ‘to.   "Froilan!" magiliw na sabi ng isang babae. Kilala niya ‘ko? Teka, parang nakita ko na rin siya.   "Uhm..." Kunot noo lang ako. Hindi ko kasi siya maalala.   "Nakakatampo naman. It's me Sophia Del Rosario. ‘Yong sa barko." Pagpapakilala niya. Doon ko lang din naalala. Dagdag makulit.   "Ah... Yeah!" walang kabuhay-buhay na sabi ko.   Kaagad namang kinagad ni Rouin ang kamay ko kaya napasigaw ako. Bwisit talaga siya kahit na kailan. Pero ang mas nakakagulat nang bigla na lang lumingkis si Sophia sa braso ko.   "What a small world isn't it?" sabi niya nang punung-puno ng ngiti sa mga labi.   Pero what shocks us all is this...   Bigla kasing may humatak sa braso ko dahilan para mapabitaw si Sophia sa akin at hindi ko inaasahang pagtingin ko…   Lahat ng alaala bumalik. But what I hate the most, lahat din ng sakit bumalik. That girl, who betrayed me. That girl whom once I wish to be mine.. "Lily…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD