Chapter 13

1140 Words
ROUIN'S POV   Second day of school, okay naman walang kakaiba. In fact, may mga new friends na rin ako, sina Kitkat, Louise, at Brigette. Si Kitkat, lalake siya, sabi niya pero the way he talks and his gestures he’s more like a 50/50 kind of guy, you know what I mean? Si Louise naman ang game addict, mahilig siya sa mga online games specially those RPG games at laging cellphone ang hawak niya kabaligtaran naman ni Brigette na kikay at may pagkahenyo. Kadalasan ‘pag henyo, ang itsura mukhang nerd, nakasalamin ng makapal at nakasubsob lang palagi sa libro pero kakaiba tong si Brigette dahil dito sa school, ang makapal sa kaniya ay ang lipstick niyang kulay pink at face powder ang laging hawak niya pero henyo talaga siya dahil pagdating sa bahay, doon naman lumalabas ang pagiging nerd niya. Katwiran niya ayaw niyang maging nerd sa labas dahil baka wala siyang maging kaibigan, at maging tampulan lang siya ng tukso bagay naman na sinang-ayunan ko.   "Sissy, makinig ka kay Sir pogi." Pagkalabit ni Kitkat sa akin. Magkatabi kasi kami ng upuan.   "Sshh..." sabi ko naman sabay tabig ng kamay niya. Kahit second day pa lang ng school ay ganoon na lang ang pagiging palagay namin sa isa’t isa. Ewan ko ba pero masaya akong nakilala at nakakasama ko sila. Mga jolly sila at puro good vibes lang palagi ang hatid nilang kwento sa akin. Sa unang araw pa lang ng pasukan ay halos nakilala ko na silang tatlo dahil sa rami ng kwento nila sa buhay and I am so glad na ipinagkatiwala nila sa aking i-share ang ibang kwento ng buhay nila.   "Ano ba kasing tinitingnan mo r’yan?" tanong niya nang mapansing nakatingin ako sa labas at kaagad namang dumukwang at pagtingin niya…   "OH MY GOSH!" Napasigaw ang bruha ayon tuloy at naagaw niya ang pansin ng professor namin na kasalukuyang nagdi-discuss tungkol sa Economics.   "Mr. Perez!" sita ni Sir Cris.   Kaagad naman siyang humarap kay Sir Cris habang nagpapaawa ang mga mata." Ah... Sir... I feel like peeing. I can't help it anymore," pagdadahilan niya. Hawak pa kunwari ang favorite pet niya in between his legs.   "Then get out!" sigaw ni Sir Cris, "baka rito ka pa magkalat."   Tawanan naman ang mga classmates namin dahil doon.   "Thank you, Sir," sabi ni Kitkat at saka nagtatakbo palabas at kumindat pa ang loka sa akin bago tuluyang lumabas.   Sakto naman nagring na rin ang bell kaya nagpaalam na rin si Sir Cris. Dali-dali namang lumapit ang mga lokaret kong new friends sa akin.   "Uy! Sissy, ano bang dinudukwang-dukwang ni Kitkat kanina diyan?" tanong ni Louise habang busy kakadutdut sa cellphone niya.   Oo nga, Sissy, muntik na siyang ‘di makalusot kay Sir Cris," hirit pa ni Brigette habang nagre-retouch.   "Ah wala ‘yon," nakangiting sabi ko sabay tayo na sa upuan. "Mabuti pa mag-lunch na tayo. Gutom na ‘ko e."   "Rouin…" pagtawag sa akin ni Kid mula sa pintuan ng classroom. Kaagad naman akong napatayo.   "Kid!" Natuwa naman ako at nakalimutan ko nang may kasabay pala ‘kong mag-lunch at dali-dali akong tumungo kay Kid.   Ang dalawa nakatingin lang sa amin.   "Brig, Lou, mauna na ko ha? Pakisabi na lang kay kitkat." Smile. Wave sabay layas. ‘Di ko na sila pinagsalita dahil alam kong papayag din naman sila.   Habang naglalakad sa hallway…   "Froilan, pansinin mo naman ako." Si Sophia habang sumusunod kay Froilan.   "Leave me alone ok." Mukhang hindi naman maganda ang mood ni boy yabang. Kunsabagay, lagi naman siyang highblood. Naalala ko pa nga, first time ko siyang makitang magalit ng gano’n.   "Lily..."   "Don't touch my boyfriend!" sabi ni Lily kay Sophia habang nakapulupot ang braso kay Froilan.   "Ha? Boyfriend? So funny!" sarkastikong saad ni Sophia with her raised eyebrows . Si Froilan naman pumiglas sa pagkakakapit ni Lily sabay walk out, at ang Lily aba at hinabol naman si yabang.   "Froilan..."   "Leave..." mahinahong sabi ni Froilan kay Lily. Kita ko pa ang pagkuyom ng mga kamay niya. Sino ba ‘tong Lily na ‘to?   "Pero Froilan kailangan nating mag-usap. Magpapaliwanag ako," sabi ni Lily.   Froilan stops walking then…   "I said LEAVE!!!" Pasigaw at mariing sabi ni Froilan. Kitang-kita ang galit sa mata niya. Napaatras pa nga si Lily at ayon natanga na sa kinatatayuan niya. Kung sabagay lahat naman kami roon sa scene napanganga. Wala talagang nakapag-react.   "Bleeh!" Dinilaan pa ni Sophia si Lily at saka tuluyang naglakad palayo.   Sakto naman dating ni Kuya at ni Kid kaya ang masamang hangin biglang napalitan ng magandang aura dahil kay Kid.   Napatingin naman si Froilan sa gawi namin habang naglalakad kami ni Kid papuntang canteen.   "Bakit?" mataray na tanong ko.   "Tsk!" ‘Yan lang ang isinagot niya sa akin.   "Oh. Hi, Rouin… Hi Kid!" bati ni Sophia sa amin.   "Hi!" tugon ko.   Nginitian lang siya ni Kid.   Nagulat na lang kaming pare-pareho ng biglang higitin ni Froilan ang kamay ko mula kay Kid.   "Nagugutom na ‘ko. Tara mag-lunch na tayo," at mukhang kakaladkarin pa yata ako.   "T-teka..." pinipiglas ko ang kamay ko kaso no use dahil kapit na kapit ang mayabang na ‘to.   "Froilan, sabay kaming magla-lunch," sabi ni Kid.   "Oo nga, Froilan, hayaan mo nga sila," sabat pa ni Sophia.   "Hindi ko tinatanong," tanging sagot lang ni Froilan sa kanila.   "Bitiwan mo nga ako." Nakakairita talaga siya.   "Froilan..." biglang sulpot ni Lily.   "Look who's here." Umismid naman ang Sophia habang ako nananatiling nakikinig sa pagtatalo nila.   Napatingin naman si Lily sa kamay namin ni Froilan na magkahawak.   "Froilan, bakit nakahawak ka sa kaniya?" tanong nito.   "Bakit bawal ba? Bawal bang hawakan ang akin?" Gulantang kaming lahat sa sinabi ni Froilan.   Lalo na nang iwanan namin silang nakatulala roon. Hinila na kasi ako ni Froilan papuntang canteen at hinayaan ko na lang siya.   "Ano bang problema mo?" tanong ko.   "Kumain ka na lang d’yan." Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng lunch na baon namin.   "Hindi kita maintindihan. You are acting so weird," sabi ko ngunit hindi niya ko pinansin.   "Hoy yabang! Sabihin mo nga sino ba ‘yong Lily na ‘yon? Nagsimula ka lang naman maging ganyan simula dumating ‘yong babaeng ‘yon." Inis na inis na ‘ko. Pati ako nadadamay sa away nila.   "Tapos na ko," sabi niya at sabay tayo. Pinigilan ko naman siya.   "Ano ba? Kinakausap pa kita."   "WALA KANG PAKIALAM!!" Sinigawan niya ko. Iyon ang unang beses na sinigawan niya ako. Ang maingay na canteen, nabalot bigla ng katahimikan. Sanay naman ako na sinisigawan niya pero bakit parang ang sakit ng ngayon? Bakit parang gusto kong maiyak? Pagkatapos tumalikod na siya at umalis. Hindi man lang iniligpit ang lunch box niya. Ano ba kasing problema niya? Sino ba kasi ang Lily na ‘yon. Puro katanungan na si Froilan lang ang makakasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD