FROILAN'S POV
"Haayy..." Isang malalim na buntong hininga lang ang lumalabas sa bibig ko mula kanina pa after ng lunch.
Nandito ako ngayon sa basketball court. Hindi na ako pumasok sa next subject ko at wala rin ako sa wisyo. Hindi kasi mawala-wala sa isip ko ‘yong conversation namin ni Rouin at nasigawan ko siya. Oo na, ako na ang apektado. Sanay naman ako na sinisigawan siya. Malamang din sanay na rin siya na sinisigawan ko siya. Pero ‘yong kanina, iba e. Alam kong alam niya rin ‘yon. Nawalan ako ng kontrol dahil sa inis ko. Hindi ko talaga sinasadya na pati siya ay madamay pa sa isipin ko. Magso-sorry ba ko sa babaeng ‘yon? Pero bakit naman ako hihingi ng tawad sa kaniya? E siya ‘tong nag-provoke sa akin para sigawan siya. Ang kulit-kulit niya. Kailangan ba talaga lahat ng bagay ay usisain niya pa? Ayoko na ngang pag-usapan si Lily pero tanong pa siya ng tanong. Kasalanan niya ‘yon. Tama! Hindi ko naman siya masisigawana kung nanahimik na lang siya e. Kaya hindi ako magso-sorry sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya. Bakit sino ba siya?
Sino nga ba siya?
Hindi ko naiwasang mapaisip. Para akong sirang tulala sa kawalan habang hinahanap ang kasagutan sa tanong na ‘yon.
Tama!
Siya si stupid girl.
Siya ‘yong laging naliligaw.
Siya ‘yong malakas mang-asar.
Siya ‘yong pasaway na babae.
Siya ‘yong...
Mahal ko...
Napailing ako ng makailang ulit sa sagot na nakuha ko.
Hindi! Hindi! Kalokohan. Hindi ‘yon totoo. Hindi ko siya mahal. Isa pa bakit naman ako mai-inlove sa isang gaya niya? Oo maganda siya. May mapula siyang labi na bumagay sa dimples niya. Matangos ang ilong niya na tugma naman sa medyo may kasingkitan niyang mga mata. Medyo rosy cheeks din siya tapos mahaba ang buhok sa talukap ng kaniyang mga mata. Hindi ko naiwasang mapangiti dahil sa pag-iisip sa kung anong itsura niya. Pakiramdam ko ay parang may kung ano sa kaniya kaya ko nararamdaman ang kakaibang kilig hanggang sa mapagtanto ko ang kahibangan kong ‘to. Hindi ‘to totoo. Hindi pa ako nasisiraan. Sabi lang ng isip ko ‘yon. Tama! Hindi ako magso-sorry. Hinding-hindi. Manigas siya.
Naisipan kong tumayo mula sa pagkakaupo. Dinampot ko ang bolang nakakalat sa sahig at nagpasyang mag-shooting. Naisip kong mainam ‘to para kahit paano pagpawisan ako. Exercise na rin. Para mawala na rin sa isip ko si Stupid Girl at ‘yong Lily na ‘yon. Of all schools naman kasi sa Pilipinas, bakit dito pa naisipan ni Lily na mag-aral? Or maybe she was just after me. As if naman na papansinin ko pa siya matapos ang ginawa niyang pang-iiwan sa akin noon. As if naman na pag-aaksayahan ko pa ng panahon at oras ang isang gaya niya. The hell I care about her. I’m over her for years tapos babalik siya ngayon? For what? Ginugulo niya lang ang buhay kong nananahimik.
Nakailang hagis na ako ng bola sa ring ngunit kahit na isa ay walang pumasok. Hindi ko naiwasang maibato ang bola dahil sa inis. Pilit kong kinakalimutan ang mga nangyari ngunit bakit hindi ko magawa. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang itsura niya matapos ko siyang sigawan. Nakakainis! Ang buong akala ko ay may maaapektuhan ako sa pagbabalik ni Lily pero bakit parang mas apektado pa ako sa kung ano ang sasabihin ni Rouin at kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya kung sino si Lily sa buhay ko. Kung tutuusin, pakialam niya ba ‘di ba? Alam ko naman na wala lang sa kaniya ang tungkol sa amin, pero base sa pangungulit niya pakiramdam ko tuloy ay interesado rin siyang malaman. Pero bakit ako nagagalit? Hindi ba dapat nga matuwa pa ako. Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa aking mukha at sumalampak na lang ng upo sa sahig. Ano bang sasabihin ko sa kaniya? Paano ko siya haharapin kapag nagkasalubong kami?
Halos isang oras na rin akong nandito sa basketball court at wala akong ginawa kung hindi magpaikut-ikot. Naroon at pabalik-balik ako sa shooting, mauupo, mag-i-stretching at magtatatalon na parang wala sa sarili.
Napabuntong-hininga ako nang makailang ulit at saka ginulo ang buhok ko.
“Stupid Girl, bakit ba ayaw mong lubayan ang utak ko?” Naglakad ako patungo sa isa sa mga bakanteng bench at naupo roon. “May lahi yata siyang mangkukulam. Mukhang wala akong choice kung hindi ang makipag-ayos sa kaniya.” Nahiga ako sa bench at doon itinakip ang aking panyo sa aking mukha at saka pumikit. Sandali akong nag-isip kung paano ko siya sisimulang kausapin pero kahit anong isip ko ay walang pumapasok sa isip ko.
Hindi ko rin naiwasang isipin si Lily. She was my first love. Masaya naman kami noon not until she suddenly left me hanging. Walang signs, walang clue, walang kahit na anong palatandaan mula sa kaniya. At first, I thought that she might be in danger but soon I realized na talagang iniwan niya na nga ako nang walang sinasabing kahit ako. Soon din nalaman ko na lang sa mga kakilala na lumipad na siya patungong France with her parents. May nakapagsabi rin na naka-arrange marriage na siya sa isa sa businesss partners ng family nila. Ano nga bang laban ko? Isang average guy lang naman ako. Ang masakit lang, bakit hindi niya sa akin sinabi sa una pa lang? Bakit pinagmukha niya akong tanga? Bakit pinaasa niya pa ako kung sa huli iiwan niya rin pala ako? Puro tanong na kahit kailan hindi nasagot. Mga tanong na naging galit na lang sa paglipas ng panahon hanggang ngayon. Iyon nga lang, bakit bumalik pa siya ngayon? Ngayong unti-unti na akong nabubuo nang wala siya.
Sa kasalukuyan, pati si Rouin ay nadadamay sa inis ko sa alaalang muling bumabalik. Nasigawan ko siya nang hindi ko sinasadya. Alam kong kasalanan ko ‘yon pero dahil likas sa akin ang pagiging ma-pride kaya naman nahihirapan akong tanggaping mali ako. Ganito talaga ako e. Ayokong dumating sa time na maulit na naman ang nangyari noo at sa huli, ako na naman ang maiwang nag-iisa at hindi buo.