Chapter 15

1225 Words
KITKAT'S POV   Naglalakad ako ngayon papuntang basketball court. Inutusan kasi ako ng magaling naming professor sa Literature para tawagin na si Coach Ernie, ang professor naman namin sa P.E. dahil si Coach Ernie dahil may kailangan daw silang pag-usapan. Ayoko sana pero sumunod na lang ako para makatakas kina Brigette at Louise sa pangungulit sa akin kung ano raw ba dinudukwang ko sa bintana kanina.   Well, gusto ko mang ikwento sa kanila pero ayoko naman na pangunahan si Sissy Rouin. Nakakita lang naman ako ng mala-Adonis sa kagwapuhang bumaba mula sa langit. And take note, mukha siyang yummy. Ano ba yan, lalake nga ako sabi e. Attracted lang sa mga gwapo. Kapag naaalala ko talaga, hindi ako maka-move on. Sa malayo pa lang gwapo na what more pa sa malapitan? I can’t take it anymore. Pero possible kaya na kilala siya ni Sissy Rouin? Wow! Kaloka ang papabols niya.   So back to reality, nandito na ako ngayon sa court and speaking of the angels, nandito si super gwapong guy. Napakabait ni Lord sa akin today. Pakiramdam ko sinalo ko ang lahat ng swerte. Salamat din sa Literature professor namin. Ililibre ko talaga siya promise.   "Excuse me, pare," sabi ko. Syempre lalake ako. Feeling close na rin. Bumangon naman siya mula sa pagkakahiga. Tiningnan niya pa ako with that look asking why? "Nakita mo ba si Coach Ernie?" tanong ko habang nakangiti pa. Pa-cute lang ang peg ko. Kumunot lang ang noo niya. Mukhang hindi niya pa yata kilala ‘yong hinahanap ko. Nagpalinga-linga siya sa paligid na tila ba may hinahanap?   "Mukha bang may ibang tao rito maliban sa akin?" tanong niya pabalik sa akin.   Aba at suplado! Sapakin ko kaya ‘to. Ang sunget lang ha? Nagtatanong ng maayos e. Masama na bang magtanong?   "So hindi mo nakita?" tanong ko pa rin in a polite manner habang pilit hinahabaan ang aking pasensya.   "Malamang hindi," masungit na tugon niya lang sabay humiga na ulit sa bench at nagtakip ng mukha gamit ang panyo niya.   Gwapo nga ang sungit naman. Ang malas ng magkakagusto rito.   "Ah salamat," sabi ko na lang. "Ano kayang sinisilip silip ni Rouin sa kanya kanina," bulong ko. Paalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.   "Teka, si Rouin ba kamo?" tanong niya.   "Bakit kilala mo ang sissy ko?” This is it. Magiging close na rin kami.   "Sinong sinisilip niya kamo?" tanong niyang muli.   Aba mukhang interesado ang isang ‘to kay Sissy Rouin ha?   "Ikaw. Kanina habang nagkaklase kami sa Literature. Sinisilip ka niya sa bintana. Nasa baba ka kasi kanina. Ewan ko bakit nandon ka. Kaya nakisilip ako at nakita nga kita," sabi ko. Oops! Sorry Sissy pinagkakanulo kita sa gwapong ‘to pero hindi ko talaga mapigilan. Feeling ko kusang bumubuka ang bibig ko at nagkakaroon ng sariling buhay.   "Hindi ako pumasok no’n," tugon niya.   Oh my gosh! Kinakausap niya na ako nang hindi sinusungitan. Si Rouin lang pala ang sagot.   "By the way, sabihin mo kay stupid girl na susunduin ko siya sa room niya mamaya. Sabay kaming uuwi. Ibinilin siya ng mommy niya sa akin." Pahabol pa ni pogi.   May curiosity strikes again. Wow! They are really close. Kilala niya ang family ni Rouin. Pero the mere fact na kahit utusan niya ko ay ayos lang ang importante makita ko siya at makausap araw-araw.   +++   Uwian na.   Pero nandito pa kami sa room. Si Brigette kasi nagtatanong pa rin tungkol do’n kay gwapong guy sa basketball court.   "Uy! Sabihin mo na kasi." Pamimilit pa rin ni Brigette.   "Sige na, sige na. Actually, may nakita kasi akong gwapong guy," panimula ko.   "O talaga saan?" Mabilis na tanong kaagad ng bruhang ‘to.   "Sa baba kanina. Ask mo pa si Sissy.” Ngumuso pa ako habang pini-pin point si Rouin.   "Totoo ba ‘yon, Rouin?" tanong naman ni Louise.   "Teka, sino ba ‘yong gwapo na tinutukoy mo, Kat? Hindi naman gwapo ang mayabang na ‘yon?" sabi naman ng sissy naming in denial pero kung makasilip naman ay wagas.   "E bakit sinisilip mo?" Bwelta ko.   "Oo nga naman, Rouin. Bakit sinisilip mo?” Walang katapusang pangungulit ni Brigette.   "Curious lang ako kung bakit siya nanroon," tugon naman ni Sissy Rouin.   "Hindi raw kasi siya pumasok sa subject niya no’n." In-explain ko naman.   Napatingin naman silang tatlo kaagad sa akin na parang gulat na gulat.   "O baket? May dumi ba sa mukha ko?”   "Paano mo nalaman?" Parang amazed na amazed naman ang mukha ni Louise habang tinatanong ‘yon sa akin. Natigilan pa ‘to sa pagdutdot sa phone niya para lang maituon ang atensyon sa akin.   "Oo nga." Tumayo pa si Rouin mula sa pagkakaupo habang nakapamewang.   "Nakipagtagpo ka?" Grabe lang. Ganito ba talaga kapag genius? Tamang hinala? Nakipagtagpo kaagad? Well, how I wish.   "Hindi ba inutusan ako ni Ms. Samson kanina? Nakita ko siya sa basketball court. Sungit nga e. Pero alam n’yo ba mga sissy, noong marinig niya ang pangalan ni Rouin, aba naging anghel bigla," pagkukwento ko.   Tinginan naman sila ngayon kay Rouin.   "Oo nga pala sabi niya sabihin ko raw kay stupid girl na sabay silang uuwi mamaya dahil ibinilin daw ‘to sa kaniya ng mommy nito. Kaso sino ba ‘yon? Stupid girl daw." Nakakunot pa ang noo ko habang nananatiling palaisipan kung sino ang tinutukoy ni boy pogi. Ang mali ko lang ay hindi ko naitanong.   "Hindi! Manigas siya. Hindi ako uuwing kasabay niya. Sabay kaming uuwi ni Kid ngayon. Pagkatapos niya kong sigawan kanina nang dahil sa Lily na ‘yon. Bwiset siya!" Napatayo pa si Rouin sa inis nang pagkakasabi niya.   Tinginan naman kaming tatlo.   "Siya pala si stupid girl," bulong ni Brigette   "Oo nga," bulong ko rin habang kinikilig pa.   "Ang sweet ng tawagan nila." Pangiti-ngiti naman si Louise.   "Anong pinagbubulungan n’yo?" Napansin naman kaagad kami ni Rouin.   "Ah... eh... kung gwapo ba talaga ‘yong lalakeng sinasabi ni Kitkat. Hindi ba Brige, Kat?" palusot naman ni Louise.   "Hindi siya gwapo!" mariing tanggi ni Rouin.   "Walang maniniwala sayo kahit isigaw mo ‘yan." Nagulat pa kami sa pagsulpot ng gwapong hulog ng langit na ngayon ay nakatayo sa may pintuan ng classroom namin.   "Thanks, pare. I owe you one." Tinapik niya pa ang balikat ko. OMG! Hindi ko talaga lalabhan ang damit ko nang hindi inuubos ang amoy niyang kumapit dito.   "Hindi ako sasabay sa ‘yo. May lakad kami nila Kitkat.”   Tumingin siya sa amin na tila ba nanghihingi ng saklolo.   "Ay! May lakad pa pala ko. Mauna na ko ha?" sabi ni Louise sabay exit sa eksena.   "Take care of my friend. Need ko pala umuwi ng maaga." Wave sabay kindat naman ang iniwan ni Brigette bago dali-daling lumabas ng classroom.   Puppy eyes na si Rouin habang nakatingin sa akin. Sa totoo lang nakakaawa siya. Pero syempre, ang gusto ko ay maging masaya ang friend namin sa piling ni fafa Adonis.   "Sorry, Sissy. Pinapapunta pala ‘ko ni Kurt sa kanila." Ako habang dahan-dahang humahakbang palabas ng pinto.   Nando’n lang kaming tatlo sa labas ng pinto habang hinihintay ang susunod na mangyayari. Nakasilip pa kami habang pinagmamasdan ang dalawa.   "Tara na." Hinila na ni gwapo ang sissy ko.   "MGA TRAYDOR KAYO!" sigaw ni Rouin to the highest-level kaya nanakbo na kami para masolo nila ang isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD