Chapter 22

1781 Words
ROUIN'S POV Hindi pa nagtatagal ang text ko nang magreply siya kaya natuwa naman ako. Magkikita kami ngayon sa bahay nila. Kailangan niyang magbayad sa akin ng utang niya. Ang dami niya kayang atraso sa akin. So, here I am na sa house nila, sakto wala naman si Auntie Agnes at 'di ko na rin tinanong kung nasaan. Na-surprise talaga 'ko nang bigyan niya 'ko ng necklace with my fave chopper pendant. Wala pa kasi ako nitong item na 'to kaya tuwang-tuwa talaga 'ko. After that, he sang me a birthday song. Ang sarap pakinggan ng boses niya habang kumakanta. Napakalambing at punung-puno ng affection. Teka nga, or baka ako lang ang siyang affected? All are so memorable, napakasaya ko ngayong araw na 'to. Eto na yata ang pinakamasayang araw ko sa buong buhay ko pero mali ako. Because it was the most painful day of my life. Having him in my life was incredible, amazing, and full of so much joy. Pero paano na ngayong aalis siya at iiwan niya 'ko. I need to hear his reasons. "Bakit?" tanong ko habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. "Sa France na 'ko mag-aaral with Lily," sagot niya. "Lily? Akala ko ba you hate her? Bakit magkasama kayo ngayon na lilipad papuntang France?" Tuloy lang ako sa pagtatanong. "So, you're awake the last time. Hhmm... nevermind. Huwag mo na lang itanong. I have my reasons," sagot niya lang. "Hindi kasi kita maintindihan kung bakit kailangan mo pang umalis." All of a sudden, I feel disappointed. "Hindi mo naman kailangang intindihin, at lalong hindi mo naman kailangang problemahin." Tumataas na ang tono niya. Unti-unti nang tumataas ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi naman ito ang gusto kong mangyari. I thought he was sorry pero bakit parang mas binibigyan niya lang ako ng reason para mas magalit sa kaniya? "Then give me a reason bakit kasama mo siya?" Kahit ako, hindi ko maintindihan kung bakit masyado akong apektado. He is just a friend na walang ginawa kung hindi bwisitin ang araw ko, hindi ba dapat masaya ako na aalis siya? "I loved her!" He said. "Okay na?" Bumuntong-hininga siya, at saka muling tumingin sa akin, "kaya 'wag kang umarte na nagseselos ka dahil wala namang tayo. She is far different from you. I love her, and I don't loved you at all." At that moment parang sinaksak ng patalim ang puso ko. That words tear me apart. Nasampal ko siya kahit hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon? Kung tutuusin ay tama naman siya. Lily, and I are far different from each other. I should not be this affected. "You abandoned my birthday just because of her, and now, you are leaving all of us just because of her. I don't get you, Froilan. I really hate you!" Gigil na gigil ako sa kaniya. Pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya, at sinasalo niya lang ang lahat ng 'yon. "Rouin... I'm sorry. But I have made up my mind." Sa huli ay wala rin akong nagawa. Buo na ang desisyon niya, at alam kong hindi ko na magagawang baguhin pa ang isip niya. He loves her, and that says it all. "I hate you to death, Froilan!" I can't hold it anymore. I ran away as quickly as I can. Dire-diretso akong tumakbo palabas ng kanilang bahay nang walang lingon-likod. Hindi rin naman niya 'ko sinundan. Sino ba naman kasi ako sa kaniya? It was the first of all times. First time na makita niya akong umiiyak. First time na magalit ako sa kaniya nang todo. Kahit ako hindi ko alam ang totoong dahilan ng ikinagagalit ko pero masama talaga ang loob ko. He makes me happy, and all of a sudden, he breaks me into pieces. Kung kailan naman nagiging good friends na kami tsaka pa siya aalis. Ngayon pa. Inabot na ako ng hapon kakalakad kung saan-saan. Hindi ko na nga alam paano ako uuwi. Ang laman lang ng utak ko ngayon ay ang katotohanang iiwan niya kaming lahat nang dahil lang sa babaeng 'yon. Hindi ko siya mapapatawad. Hindi ko alam kung ano ba ang pinakain sa kaniya ng babaeng 'yon to changed his mind. Tapos ngayon magpapakalayo pa sila. How sweet, after niyang iwan si Froilan, now what? Ang lakas pa ng loob niyang bumalik, at lumingkis kay Froilan. I hate him! I hate both of them! Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ang pamilyar na lugar. It was the exact place where we first met. May kulangot pa siya sa ilong. That awkward moment. Napangiti ako nang maalala ko 'yon, and then started to cry again. Para akong batang iyak lang ng iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko nang mga oras na 'to. Napaupo ako sa inis ko. Ayoko nang maalala pa siya. Pinagpalit niya ang friendship namin para lang sa babaeng iniwan siya noon. He is really insane. "Miss..." An unfamiliar voice of a guy. Napatingin naman ako. Hindi ko na nga naisip na hilam ako ng luha nang mga oras na 'yon. "May problema ba?" tanong nito. "Wala! Go away. Ayoko ng kausap," pagsusungit ko, at muling isinubsob ang mukha ko sa aking mga tuhod. "Haayy... mga babae nga naman talaga. Tumayo ka nga r'yan. Tara sumama ka sa akin," sabi niya sabay hinila ako patayo. Halos kaladkarin niya na nga ako. Sumakay kami ng taxi, at para akong babaeng na-kidnap sa sobrang ingay ko. Bakit? Talaga namang kinidnap niya ako. Kinaladkad niya ako against my will. "Manong driver, kinidnap po ako ng lalakeng 'to. Ihinto po ninyo ang taxi," sabi ko sa taxi driver pero tinawanan niya lang ako. "Mga kabataan talaga ngayon, konting LQ lang, pinapalaki pa." "Ba't ba ayaw mo sa aking maniwala, Manong. Nagsasabi ako ng totoo." Dumukwang pa ako palapit sa kaniya ngunit hinila lang ako ng lalakeng kasama ko pabalik sa pagkakaupo, at tinakpan ang bibig ko. "Pagpasensyahan mo na ang girlfriend ko, Manong. Hindi kasi nasunod ang gusto." Muling tumawa ang driver kaya lalong nagngitngit ang kalooban ko. Sa oras talaga na makababa ako, ipapapulis ko 'to. Iyon ang balak ko talagang gawin ngunit kaagad namang nawala sa isip ko nang huminto kami sa isang amuzement park. "Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko pero ang totoo, I like the idea. Gusto kong makalimutan ang masamang nangyari nang araw na 'to. "Kaysa magmukmok ka sa gitna ng kalsada, why don't you enjoy the time of your life? Life is short don't waste it being sad," sabi niya. Hindi ko naiwasang mapanganga sa sinabi niya. He has a point anyway. Gabi na. Malamang hinahanap na 'ko sa bahay pero tama siya I need to enjoy my life. Kailangan ko 'to ngayon. "I don't know you." Nakakunot noo naman ako sa kaniya. "Bakit? Hindi rin naman kita kilala pero nilibre pa kita ng entrance," sabi niya, at saka ngumiti. Oo nga no? Bakit 'di ko naisip 'yon? Siguro problemado rin ang isang 'to. Nakakainis bakit ba laging may point ang mga sinasabi niya. After a while, he bought me an ice cream, cookies and cream flavor, my favorite. Unti-unting nawala ang bigat sa dibdib ko. Nagikut-ikot kami sa lugar, at sumakay ng kung anu-anong rides. Iilan lang din ang nasakyan namin dahil sa haba ng pila kaya nagpasya kaming maglaro na lang sa mga gaming booth sa tabi-tabi. Ayon na nga, at tuwang-tuwa siya habang tinitira ng darts ang mga balloons na nakadikit sa wall. Nakakatama kasi siya, at isang malaking chopper stuff toy ang premyo na nakuha niya. Nagningning nanaman ang mata ko. Posible kayang ibibigay niya sa akin ang isang 'to? "Thank you!" Inunahan ko na siya. Nagpasalamat na ako kahit hindi pa man niya inaabot sa akin ang stuff toy. "For what?" This time, noo naman niya ang napakunot. "For the treat, and of course for that... uhm..." pointing on the chopper stuff toy. And he burst out laughing. Anong problema niya? May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Well, it's ok. Treating you is not that big deal. Maliit na bagay. Pero pointing on this stuff toy?" Tumawa siyang muli, at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sunod na sinabi niya. "I'm not gonna give it to you. Sorry. " Akala ko, katulad ng napapanood ko sa mga T.V. ang eksena, hindi pala. Nakakahiya tuloy. Pero syempre hindi ako patatalo. I want it. Kaya magpapa-cute ako sa kaniya, at ngayon ko lang ito gagawin sa buong buhay ko. "Arbor na lang," sabi ko habang nagta-tantalized pa ang aking mga mata. "No!" mabilis na sagot niya. "Pls..." nagmamakaawa na 'ko. Para na akong desperada. Well, I am desperate to have that chopper stuff toy. "No!" But still a no-no. "Kahit anong gusto mo, gagawin ko." Magkakasubuan na 'to. "Talaga? Kahit ano?" tanong niya. "O-Oo." Bahala na. Napaoo na 'ko e. "Then take off that necklace," sabi niya. Natahimik ako. Hinawakan ang necklace na bigay sa akin ni Froilan. Nag-isip. "No! Hindi bale na lang," sabi ko at saka tumalikod. "Is that too important to you?" tanong niya. "Yes!" mabilis naman na tugon ko. "Same as this stuff toy," sabi niya. "It was my little sister's birthday. So, I am giving this to her as a present. Favorite niya kasi si Chopper e." "I see. So, you have a sister pala." Nasabi ko na lang. Talo rin naman ako. "Yeah! She is Mikaela. Ipapakilala kita sa kaniya when we meet again." Nakangiti siya, at ang gwapo niya. Doon ko mas napagmasdan ang itsura niya. Mapula ang labi niya, at medyo singkit din ang kaniyang mga mata. May maliit na dimple siya sa kaliwang pisngi, at may tamang kapal ng kilay. Matangos din ang kaniyang ilong na bumagay sa bilugan niyang mukha. Pero para siyang si Kuya Ice. Naaalala ko tuloy noong bata pa lang ako. Lagi siya may pasalubong sa akin pag umaalis siya. Kung sabagay hanggang ngayon naman e. "9 P.M. na pala. Buti pa, ihatid na kita pauwi," sabi niya. Pagod na rin ako. Mabuti pa ngang umuwi na kami. Exactly, 10 P.M. nang makarating kami sa tapat ng bahay. "So, see you next time," pagpapaalam niya. "Sige. Goodnight. Thanks na rin. Alam mo na," sabi ko. "No problem. Gooodnight." Pagtalikod niya, saka ko lang naalalang 'di ko pa pala alam ang pangalan niya. "Wait! I don't know your name." "I don't know yours either." Ngumiti siya. Hobby niya ba talagang ngumiti? "I'm Rouin Lorenzo," pagpapakilala ko. "I'm Traviz. Travis De Guia," sabi niya then wave goodbye. Napangiti na lang ako hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Pumasok na rin ako sa bahay, at pagpasok ko... "Rouin.." siya ang sumalubong sa akin. Ang lalaking ayoko na sanang makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD