FROILAN'S POV
Ilang araw na ang nakakalipas simula ng incident sa hospital. Ilang araw na din akong hindi pumapasok kaya naman tinawagan ko si mommy upang sabihin na mag-stop na ako, and will continue my studies on France. Nagulat siya noong una at talagang ayaw niya ng napagdesisyunan ko. Knowing na I am still a teen. Wala pa ako sa right age at para sa kaniya hindi ko pa kayang i-handle ang buhay on my own but then I prove her wrong.
"No, Sweetie. I don't like the idea."
"Mom, please..."
"I said no!" Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa kaniyang mga palad at doon nagsimulang umiyak. Seeing her this sad makes my heart shattered. Minsan ko lang siyang nakitang umiyak nang ssobra, and it was when my dad passed away.
"Mom..." Nilapitan ko siya at niyakap nang mahigpit. "Alam kong hindi mo ako papayagan but then I have my reasons."
"Then tell me para maintindihan ko," sabi niya.
So, I tell her about Lily's depression, about her condition. Yes, Lily has her family in France. Actually, alam nila ang tungkol sa akin simula pa lang at hindi sila agree sa idea of us being together. But then with Lily's depression, wala silang nagawa kung hindi pagbigyan ang kanilang anak. They knew from the very start how much Lily loves me so much and I thank her for that pero... iba na ang kaso ngayon. I have my own reasons other than her condition.
Mas okay na rin siguro 'to para kahit paano malayo ako sa stupid na 'yon. Hindi ko alam pero ang bigat bigat ng loob ko nang makita ko ang reaksyon niya sa hospital. Parang gusto niya 'kong sampalin pero kahit gano'n she still managed to smile. Malamang galit sa akin 'yon dahil hindi ko siya sinipot noong birthday niya. Kung may pagpipilian lang sana ko ngunit wala akong choice.
I was on my way papunta sa kanila that night. Six in the evening na no'n, balak ko kasi sana kunwari 'di ako pupunta para asarin siya so I called mom. Dumaan pa ako sandali sa isang otaku store at naghanap ng pwedeng iregalo sa kaniya. Alam ko kasing mahilig sa chopper stuffs ang babaeng 'yon e but of course, I will buy the unique one. 'Yong wala pa siya, at gusto ko 'yong lagi niya akong maaalala hanggang ma-in love siya sa akin. To think of it, gustung-gusto ko talagang inaasar siya. Sa ganoong paraan kasi nakukuha ko ang atensyon niya. So, this necklace catches my attention. Ang cute-cute niya kasi tapos si chopper pa ang pendant, tamang-tama kay Rouin.
Paglabas ko ng store hindi ko ine-expect ang makikita ko. It was her, Lily. Nakasakay siya sa isang taxi na sa tingin ko ay out of control. Bigla itong bumangga sa isa pang sasakyan bago tuluyang tumama ang sinasakyan niyang taxi sa isang malaking poste. I rushed to rescue her, of course. I still treasure her. She was still my first love. May nakaraan din kami, at pinagsamahan kahit paano. Pagkakita ko sa kaniya wala na siyang malay. Her head was bloody so, I quickly called for help, at kaagad din namang may dumating na ambulance kaya naitakbo naman kaagad siya sa hospital.
Successfull naman ang ginawang pagliligtas sa kaniya ng mga doktor. Sabi ng doctor 'wag daw masyadong i-stress ang pasyente para 'di bumuka ang sugat niya. Kinabukasan nagkamalay din naman siya agad. Nagkausap din kami and still she is asking me to come back to her. Syempre, I replied a no. Para sa akin matagal na kaming tapos kaso she freaked out, she pulled her dextrose and started to panic. So, I have no choice but to calm her down at pumayag sa gusto niya.
"Lily..."
"May sasabihin ka ba?" tanong niya habang nakayakap sa akin mula sa likuran. Kasalukuyan siyang nakaupo noon sa kaniyang hospital bed habang ako naman ako nakatalikod na nakatayo sa kaniya.
"Let's go to France." Kita kong nagulat siya pero base sa mas pinahigpit na yakap niya alam ko na ang sagot niya. Alam ko, I am being unfair dahil sa ginagawa ko ngayon. Magsisinungaling ako sa kaniya sa totoong dahilan ko. This is the only way na naiisip ko para maging okay na ang lahat. Lalayo muna kami. Lalayo muna ako sa lahat para hanapin ang sarili ko. Alam kong may benefit din naman ito sa kaniya lalo pa at matagal niya nang gusto na makasama ako. Bata pa kami noon pero masyado na siyang mapusok sa lahat ng naisin niya. Iyon din marahil ang dahilan kaya inilayo siya sa akin ng parents niya. But then, makakatulong din ang pagpunta namin sa France for her fast recovery.
+++
Lunch time na. Si Lily kasalukuyang natutulog sa room niya at ako nandito sa guess room. Mabuti na lang din at pinayagan na siya ng doktor na ma-discharge at sa bahay na lang niya magpagaling. May ilang kasambahay naman kaming kasama na siyang nakakatulong ko sa pag-aalaga sa kaniya habang ang parents naman niya ay inaayos ang visa naming dalawa papuntang France. Noong una, galit na galit din sila sa desisyon namin but then nang ipaliwanag ko sa parents niya ang pinagdaraanang depression ng kanilang anak ay naintindihan din naman nila. Lily don't want me to be apart from her again and that keeps killing me inside. Paano ko ba sasabihin ang lahat kay Rouin?
I miss her. Inaamin ko na, namimiss ko na ang tangang babaeng 'yon pero kahit gano'n anong sasabihin ko kapag nagkita kami? Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko lalo na at hindi ako nagpakita noong araw ng birthday niya and that stolen kiss sa play. Sa kabilang banda, alam ko ring kailangan ko siyang makausap. Makapagpaalam man lang ako bago ako umalis. Maibigay ko man lang ang regalo ko bago 'ko tuluyang lumayo sa kaniya.
Speaking... I looked at my cellphone. May message.
1 message received
Stupid girl
(Magkita tayo. May atraso ka pa sa 'king mayabang ka.)
Natawa naman akong bigla. Ang angas niya pa rin talaga magsalita.
Replied:
(Magkita tayo sa bahay.)
Message sent.
I got a ballpen. I got a paper. Nag-iwan ako ng letter kay Lily na uuwi lang ako to pack my things para na rin hindi siya maghinala na pupunta ako somewhere.
Habang nasa byahe ako naisipan kong buamaba sa Red Ribbon, I'll buy a cake.
After an hour, nasa bahay na rin naman ako. Siya na lang ang kulang. Sakto naman na umalis si mommy para bumili ng plane tickets namin ni Lily. All are really set. Visa na lang talaga ang hinihintay namin. Mabuti na lang din at maimpluwensiya ang family ni Lily, at may sariling travel agency sa ibang bansa kaya mabilis lang sa kanila makapag-process ng visa.
Maya-maya pa ay nakarinig na ako nang tao mula sa labas. Sumilip ako sa bintana and I saw her. Dumating na siya. That feeling na parang gusto ko siyang yakapin. Parang gusto kong sabihin how much I missed her so bad pero hindi ko ginawa dahil ayokong maguluhan siya.
Nilahad ko ang kamay ko nang tuluyan na siyang makalapit sa harap ko.
"Ano yan?" tanong niya.
"Huwag kasi gawing libangan ang katangahan. Ano pa ba e 'di kamay ko," sabi ko.
"Bwisit ka talaga." Nakita ko na naman ang pagbusangot ng mukha niya kaya napangiti ako.
"Akina ang kamay mo."
Inabot naman niya ang kamay niya kaya naman sinamantala ko iyon para iabot sa kaniya ang maliit na box na pinaglalagyan ng gift ko para sa kaniya.
Pagbukas niya...
"Wow! Akin talaga to? Bigay mo sa akin 'to?" Amazement ang nakikita ko sa kaniya sa mga oras na 'yon. I knew she'll love it.
"1k lang 'yan bilhin mo na. Wala akong pera e," pagbibiro ko naman sa kaniya.
"Nakakainis ka talaga." Hinampas pa ko sa balikat. Aba! Magaling. Masakit pa kaya ang balikat ko sa play nila.
"Gift ko 'yan sayo, kaya malamang sa 'yo 'yan," sabi ko. "I'm sorry, I wasn't able to give it to you on that day."
"Thank you!" Tuwang-tuwa talaga siya. Para siyang grade schooler.
"Teka lang, diyan ka lang," sabi ko pagkatapos ay pumunta na 'ko sa kitchen para kuhanin ang cake na binili ko.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" As I sing her a birthday song. "Make a wish then blow the candle."
"Tapos na birthday 'ko pero dahil na-surprise ako pagbibigyan na kita." She closes her eyes at malamang nagwi-wish na siya, and when she opened her eyes she blew the candle.
"Anong wish mo?" tanong ko. I am just curious.
"Secret," sagot niya then she smiled.
I smiled back. Out of nowhere, biglang natahimik ang paligid. Ang awkward ng feeling lalo na at walang nagsasalita sa aming dalawa. Halos dinig na rinig ko ang pagtibok ng puso ko. I think, ito na 'yong right timing para magpaalam.
"Rouin..."
"Hhmm..." nakangiting tugon niya. Paano ko ba sisirain ang magandang ngiti niyang iyon?
"I am..." humugot pa ako ng malalim na paghinga dahil nahihirapan akong sabihin ang pakay ko, "...leaving."
Sa wakas nasabi ko rin after kong humugot ng lakas ng loob.
Iyon nga lang, hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin. I was waiting for her reply so I called her name for attention.
"Rouin..."
And then, it tears me apart when I saw her tears fell from her eyes.