SPECIAL CHAPTER 1: PLAY OR NOT?

1720 Words
BRIGETTE'S POV This is the day, ang play namin na matiyagang pinractice ni Froilan at Rouin sa bahay nila Kitkat. Actually, sariling gawa ni Mam Galvez ang play na 'to. Medyo naguguluhan nga lang kami kung anong klaseng play ba 'to. Para kasing love story na action na comedy e. Unang pumasok si Kitkat na siyang gaganap na Emperor sa play. "I am here now in front of everybody in my kingdom, looking for a brave knight and a horse who will kill Medillion the four-winged bird in the jungle Tralala. Whoever kills the creature will have the hands of my only daughter Ofelia." Nakataas ang mga kamay ni Kitkat habang sinasambit ang mga salitang iyon. Eto na turn na nila Rouin. Hindi pa man sila pumapasok natatawa na 'ko. Kinakabahan ako na ewan. Nakita ko naman na sumenyas si Rouin hinahanap ang kabayo niya kaya sinabi ko na lang na lalabas din 'yon at baka nahihiya lang. Pumasok na si Rouin at laking gulat niya nang makita niya si Froilan na naka-costume na pangkabayo. Nakaluhod duon na parang kagaya ng sanggol. Kita ko kung paano nagpipigil ng tawa si Rouin sa itsura ngayon ng kaniyang horsie. Tumingin pa siya sa akin na parang sinasabing this can't be. Paano ba naman unang-una hindi namin classmate si Froilan, at pangalawa gagawin na naman nila ang nakakahiyang ginawa nila noon. Tiyak na epic 'to. Sumakay siya kay Froilan at kitang-kita ang busangot na mukha ni Froilan. "I am here your honor. We will do the task." Alang-alang sa pinakamamahal niyang si Ofelia. "Now then go hurry find the four-winged bird and kill. Bring me its wings for the proof of your victory," sabi ni Kitkat the emperor. Kaagad namang naglakad nang nakaluhod si Froilan at nakakatawa ang itsura nila. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad na nagtungo sa back stage. Doon ko pinakawalan ang tawa ko at halos sakitan ako ng panga kakatawa. Pati mga classmates namin nagtatawanan na rin. "Ang gwapo naman nang kabayo niya. Sana ako na lang si Rouin," bulong ng classmate naming si Trisha. "Oo nga e," pagsang-ayon naman ng bestfriend niya. Kahit natatawa sila at kahit ganoon ang itsura ni Froilan, ang dami niya pa ring fans. Well, hindi ko sila masisisi kasi gwapo naman talaga si Froilan. Nagpatuloy ang play sa nakakatuwang eksena nilang dalawa. Dinig na dinig ko ang usapan ng mga manonood na pinag-uusapan ang kada eksenang ginagampanan ng dalawa. Masasabi kong maganda ang kinakalabasan ng play namin kaya naman hindi ko na napigilang matuwa. FROILAN'S POV Bwisit talaga! Ayoko talagang gawin 'tong pinapagawa sa ng mga kaibigan ni Rouin sa akin pero grabe ang pangongonsensya nila sa akin kesyo kawawa naman daw sila 'pag bumagsak sila. Na kesyo pangit daw pag karton lang ang kabayo nila. Na kesyo hahayaan ko raw ba na bumagsak si Rouin at kung anu ano pa kaya ayon, sa huli ay pinagbigyan ko na kahit labag sa loob ko. Ayoko naman na bumagsak si Rouin sa play na pinaghirapan naming ensayuhin nang ilang araw. Hindi sa concern ako sa kaniya ha, don't get me wrong, ayoko lang masayang ang pagtulong ko sa practice niya kina Kitkat. Sumakit kaya katawan ko no'n at mukhang sasakit na naman. Maya-maya lang ay bumaba na si stupid girl sa pagkakaupo sa akin. Nangalay ang balikat ko. Ang sakit na rin ng tuhod ko. Hindi ko alam kung saan ba kumukuha ng bigat 'tong babaeng 'to samantalang payat naman. "How I wish you were here. How I wish you are her. How I wish I can turn back time. I really miss her. I really do love her," narinig kong sabi niya at nagulat na naman ako nang bigla niya 'kong yakapin at halikan sa noo. Kung tutuusin, nakailang practice na rin kami sa eksenang ito. Dapat prepared na ako rito 'di ba? Nangyari na 'to pero bakit ganito na naman ang reksyon ng katawan ko? 'Yong feeling na nanigas na naman ako at parang kinabahan na namula bigla. Anak ng tokwa, you always give me this feeling over and over again stupid girl. Mukhang kailangan ko na yatang magpa-check up. Bigla namam sumulpot ang... ano to? Akala ko ba four-winged bird? E bakit parang paniki na ginawa lang apat ang pakpak. Hindi ko tuloy napigilan ang tawa ko. Bigla naman akong hinawakan ni Rouin sa buhok at pasimpleng sinabunutan. Napakasadista niya talaga. Ang sakit bwisit. "Hey! This is your last day four-winged bird so prepare to die!" Ang angas ng dating pala pag naging lalaki si stupid girl. Mala-Hercules ang datingan. Agad niyang binunot ang kunwaring sword niya at inatake ang four-winged bird subalit mailap ito at kaagad inatake si stupid girl pabalik dahilan para mag-panic ako. Baka mamaya masaktan pa siya e mahirap na. Teka bakit naman ako nagpa-panic? E ano kung masaktan siya? Kasalanan niya 'yon tatanga-tanga siya. Kaagad din naman siyang bumwelo at umatake ulit. Lumundag siya sabay hampas ng kanyang espada at naputol naman ang pakpak ng paniki este four-winged bird na 'yon. Malamang gawa lang sa karton 'yon e. Dinampot naman ni stupid girl ang pakpak saka sumakay muli sa akin. Oo, kabayo nga ako 'di ba? Ang saklap. Pagkabalik namin sa kunwaring palasyo ay kaagad na rin akong umeksit pero nagulat ako nang hilahin ako nila Louise. "Froi, may sakit si Clint. Siya dapat ang prinsesa e," sabi ni Kitkat. "Ano? Lalake ang prinsesa? Ibig sabihin siya dapat ang partner ni stupid girl? Hindi pwede 'yon." Nasabi ko na lang. I don't know but thinking na opposite s*x ang kailangan niyang maging partner sa play na 'to, made me confused. Bakit apektado ako? Ang itsura nilang tatlo, hindi ko rin ma-explain. Paano ba naman, ang mga itsura nila 'di ko mawari, nakakunot ang noo nila habang tulalang titig na titig sa akin na parang naghihintay ng kung ano pang sasabihin ko. "O baket?" nagtatakang tanong ko. "Sissy, sabi sa 'yo may gusto siya kay Rouin natin e. Kaya pala lahat --" Hindi ko na pinatapos pa sa sasabihin niya itong si Louise. "Ako? May gusto sa stupid na 'yon? Wala akong gusto sa kaniya no? Akina nga 'yang script ni Clint," sabay hablot ko sa script na hawak ni Brigette at kaagad minemorize. "Wala raw gusto pero kinuha kaagad ang script ng prinsesa," narinig ko pang bulong ni Louise. Tumango naman ang dalawa bilang pagsang-ayon sa kaniya. Bahala sila sa iniisip nila. Wala naman talaga kong gusto sa stupid na 'yon 'di ba? Tumutulong lang ako. Peace offering kung baga. Kaagad na rin naman akong pumasok dahil nga turn nang lumabas ng prinsesa. Ang kati naman ng gown na 'to tapos 'yong wig na dilaw na suot ko nakakain ko pa 'yong hibla. Buti talaga naging lalake ako. Kasabay ko ring pumasok si Kitkat the emperor. "Your highness," sabay luhod ni stupid girl ng isang tuhod niya. "This is the proof that I defeated the four-winged bird," kapagkuwan ay tumayo siya at inilahad ang pakpak ng napaslang na creature. "Oh, you're great! As I promise." Pumalakpak siya at lumabas ang mga kunwaring taga pamahala. Sinukatan ako at si stupid girl at ipinaayos ng mabilisan ang aming kasal. T-teka? KASAL??? Ayoko ngang ikasal sa babaeng 'to kahit fake pa. Ayokong magkaroon ng mga stupid children. Children agad? Play lang 'to anak ng tokwa. Ano bang iniisip ko? Nahihibang na yata ako. At nagsimula na ang seremonyas ng kasal. Ipinatong ng emperor ang espada niya sa balikat namin bilang tanda ng pagpapasa niya ng trono. Pero nagulat na lang ako nang sabihin niya na... "You may kiss my daughter." Wala namang ganoon sa script ha? Napatingin pa ako kay stupid girl at mukhang nagulat din siya. Pero hindi naman namin pwedeng sirain ang play. Maisip ko pa lang na hahalikan niya 'ko ay nasusuka na 'ko. Kaya nang humakbang siya paabante at unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin ay sumigaw ako. Oo, hindi talaga kasama sa script 'to. Babaguhin ko na. "STOP!" sigaw ko sabay tulak sa kaniya. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko. Kailangan umakting na babae. Prinsesa ko. "I don't like you," sabi ko nang nakayuko. "Oh, I see. I don't like you either," sabi niya. Mukhang totohanan na to ha. "You are stupid!" sabi ko sa kaniya in a low tempered voice. "You are gross!" pang-aasar naman niya. "You.. you.." Ano bang idudugtong ko? "You stole a kiss from me." Hooooo! Ayon 'yon e. Waaahhh! Mukhang totohanan na 'yan ha? Uuyy... bagay talaga sila. Aw! Ang sweet. Kiss daw o. Ayie! Dinig na rinig naming sigawan ng mga clasamate ni stupid girl. Kami raw bagay? Upakan ko kaya sila. Si Rouin namam pulang-pula ang mukha dahil sa sinabi ko. "You are the one who stole a kiss from me! p*****t!" at isinigaw niya talaga 'yan kaya kahit ako nagulat. Pervert pala ha? Kaya humakbang ako palapit sa kaniya. "So be it," bulong ko sabay hatak sa bewang niya dahilan para mapalapit siya sa akin and yes, I did it. I kissed her. Woohh! Galawan ng prinsesa kakaiba. Ikaw na talaga! But instead na pakinggan sila hinayaan ko lang sila sa mga sinasabi nila. I feel my heartbeat race. Si Rouin na-stock up na rin yata. Walang kareareaksyon. Pero dinig na rinig ko ang heartbeat niyang parang gustong kumawala sa dibdib niya. Kasabay ng pagtibok ng puso ko. Bago pa ko mahibang sa kalokohang 'to, I quickly pulled away the kiss. "I'm sorry my prince. I have to go." Kaya umeksit na 'ko at lumabas ng classroom nila. Kinakabahan ako na parang 'di ko maintindihan. Hindi ako makahinga. Magpupunta talaga 'ko sa doktor mamaya. Kailangan ko na talagang magpacheck up. BRIGETTE'S POV Hindi ko talaga alam paano magrereact sa ginawa ni Froilan kanina. Nakakakilig talaga silang dalawa. Nagbow kaming buong casts sa teacher namin at nakanganga pa siya bago tumayo. "That was the scene that suits the story. Perfect!" Pumapalakpak pa siya habang tumatayo. Perfect daw? "For that I will all give you a perfect grade of 100. Class dismiss." Sa narinig namin syempre nagbunyi kami. Nagtatatalon pa kami sa tuwa. Dismiss na raw tapos perfect 100 pa ang grade namin sino ba naman 'di matutuwa? Pero nasaan na kaya si Froilan? Mukhang utang pa namin sa kaniya ang grade namin. "Tara celebrate tayo," yaya ko na kaagad naman naming sinang-ayunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD