Chapter 34

1015 Words
LILY'S POV Masakit tanggaping hindi na talaga ko mahal ng lalaking mahal ko. Masakit ding aminin na kasalanan ko naman talaga kaya niya ako iniwan. Nandito ko ngayon sa park at hindi ko siya kasama. Tulog pa siya ng lumabas ako ng bahay. Hindi pa kami nag-uusap simula ng araw na iyon. Tuwing itatry niya na kausapin ako ay ako na mismo ang umiiwas. Ginagawa ko to para itama ang mali ko, ginagawa ko to para mas maaga kong matanggap na wala na kami. Masaya na rin ako na binigyan niya ko ng time makasama siya ulit pero hindi na yata talaga maibabalik ang dati. Nagulat na lang ako ng biglang may tumamang kung ano sa ulo ko. Napatingin pa ko sa sahig ng malaglag ito. "Papel?" Napaisip naman ako. Saan galing tong papel na to? Alangan namang papel ang bunga ng mga puno dito sa park na to. Maya maya pa may tumama na naman na papel sa ulo ko. "Na naman?" Nakakunot noong sabi ko sa sarili ko. "Hahahahaha!" Biglang may sumulpot na isang lalaki mula sa likuran ko at wagas makatawa. Napatayo pa nga ako sa pagkabigla. "Quel est le problème avec vous? (What is wrong with you?)" tanong ko sa kanya sa mataas na tono na may halong inis. "vous regardez si triste. (You look so sad)" Maikling tugon niya sabay nginitian pa talaga ko. "Haay.. kairita tong lalaking to ha pakialamero masyado." Bulong ko. "Miss concern na nga sayo pakialamero pa." Sabi niya. Anak ng tokwa, naintindihan niya ko. Nagtatagalog naman pala siya pinahirapan pa ko magfrench. "E pakialam mo ba kung malungkot ako." Pagtataray ko. "Nasisira kasi ang view ng park o. Kita mo naman kung anong ginagawa ng iba dito. Ikaw lang ang nakasimangot." Paliwanag niya. Luminga linga naman ako sa paligid at tama siya. Teka, wala pa rin akong pakialam. "By the way miss masungit, Raven pala." Sabay lahad ng kamay niya. Tinignan ko lang iyon. "Hindi ko tinatanong." Sabi ko sabay irap at naglakad na paalis. Napagdesisyunan ko ng umalis na lang at wala din naman akong oras makipagusap sa lalaking yun. Uuwi na lang ako. Habang naglalakad pauwi ay napadaan naman ako sa isang flower shop. Napatitig pa ko sa tulips na nakabouquet doon. Lumapit ako para itanong ang presyo at ng mabili na iyon. "combien ça coûte? (How much is this?)" "€45" sagot ng isang babae. Tingin ko siya ang katiwala dito. Agad kong kinuha ang wallet ko ngunit pag minamalas ka nga naman, kulang ang perang dala ko. Gusto ko man bumili nun dahil paborito ko talaga ang white tulip at ilalagay ko sana ito sa vase namin kaya lang wala talaga kong choice kaya umuwi na lang ako sa bahay. Habang naglalakad di ko maiwasang isipin ang white tulips bouquet sa tindahan. Naaalala ko noon, madalas ako bigyan ni Froilan ng tulips tuwing pupunta siya sa bahay hindi maaaring wala siyang dala non. Haay.. di ko lubos maisip na alaala na lang yun na iingatan ko habang buhay. Nang makarating ako sa bahay agad din naman akong pumasok pero napabalik ako ng pinto ng biglang tumunog ang door bell. Pagbukas ko ng pinto halos lumundag ang puso ko sa tuwa. Paano ba naman kasi, ang white tulips na nakabouquet lang naman ang nakita kong bumungad sa akin. "Hi!" Biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko kung sino ang may dala nun. Ang pakialamero. "Paano mo nalaman ang bahay ko?" Tanong ko na may halong pagkairita. "Sinundan kita malamang. Haha!" Aba at nakuha pa niyang tumawa. "O kunin mo alam kong gusto mo yan." "Umalis ka na nga! Wala akong oras makipag-usap sayo." Pagkasabi ko nun ay agad ko ding isinara pabalibag ang pinto. Nang maalala ko yung white tulips, hindi ko alam pero hindi ko akalain na magagawa ko ang mga sumunod na ginawa ko. Binuksan ko lang naman ang punto at kinuha ang tulips. "Para sa akin to di ba? Salamat." Sabay bigay ng isang fake smile bago muling isinara ang pinto. Hindi na naman siya ulit nagdoorbell. Dahan dahan kong binuksan ang pinto para silipin kung naroon pa ba siya, at ayun nga wala na siya. Umalis na rin sa wakas. Nahagip naman ng paningin ko ang kapirasong papel na nakaipit sa may gilid ng pinto. Smile na ^_^. Bukas ulit ha.. sa park 2pm sharp. Bawal ang malate. Hehe! Okay lang siya? Bakit naman ako makikipagkita ulit sa kanya? Baliw ata ang isang yun e. "Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Froilan. Galing siya sa kwarto. "Saan galing yan?" "B-binili ko." Sabi ko lang sabay naglakad na ko papunta sa kung nasaan ang vase para ilagay ito. "Sana sinabi mo na lang sa akin. Ako na lang sana ang bumili." Sabi niya. "Stop it Froilan. Wag ka ng masyadong mabait sa akin. Mas mabuti pa siguro kung bumalik ka na ng Pilipinas at ayusin ang dapat mong ayusin." Nasabi ko na lang sa sobrang inis ko. Bakit kasi kailangan niya pang ipakitang nice siya sa akin which is in fact alam ko naman ng hindi ako ang gusto niyang makasama. "Ano bang pinagsasabi mo?" Peste naman Froilan. Maang maangan pa talaga. "Alam mo kung anong sinasabi ko. Go back home at ayusin niyo ang away niyo ni Rouin." Mabilis kong tugon. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko din alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob sabihin yun. Nabalot naman kami ng katahimikan saglit na agad ding binasag ni Froilan. "Not unless makita kitang masaya at okay dito Lily." Hindi ko alam pero kahit pala wala na kami, at kahit niloko ko siya noon ay concern pa rin siya sa akin. "I'm happy and i am okay." Sabi ko na lang managing a fake smile kahit deep inside ay sobrang sakit na. "Then patunayan mo sa akin Lily. Kapag napatunayan mo sa aking masaya ka na at okay ka na, susundin ko ang gusto mo. Let's make this a deal." Sabi niya. Haay.. ano bang pinasok ko pero bahala na. Ang importante sa akin ngayon ay ang mapasaya ang lalaking mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD