GRACE'S POV
Bwisit na babaeng 'yon. Hindi ko akalain na magaling palang umilag ang babaeng 'yon. Kahit saang anggulo ko talaga tingnan, hindi sila bagay ni Travis. Mas bagay kami ni Travis. Peste talaga siya sa buhay ko. Simula nang makilala ko siya nagkandaleche-leche na ang buhay ko! Una, siya na lang lagi ang gusto ng lahat, at siya na lang ang pinakamaganda sa paningin ng mga boys. Pangalawa, nauungusan niya na rin ang grades ko, at higit sa lahat, inagaw niya sa akin ang lalakeng gustung-gusto ko. Bwisit! Bakit pa kasi nabuhay sa mundong ito ang babaeng 'yon. Kung hindi lang masamang pumatay ng karibal, malamang matagal ko na sanang ginawa.
"Miss, excuse me, kilala mo ba si Rouin?" Badtrip talaga panira ng moment 'tong isang 'to, at si Rouin pa naisip itanong sa akin. Mukha ba akong hanapan ng mga bwisit?
"Hindi ako hanapan ng babaeng--" Pagharap ko sa kaniya... shet! Ang lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko nang mapagtanto ko kung sino siya..
"Uhm... so hindi mo siya kilala?" tanong ulit niya.
Kasalukuyan akong nakatayo rito sa gate ng school. Uwian na kasi. Naisip ko lang tumambay habang nagpapatay ng oras at naglalabas ng inis. Pero kapag sinuswerte ka nga naman si Travis pa ang nakita ko.
"T-travis..." bulalas ko.
"Magkakilala ba tayo?" tanong niya. Aaminin ko, nalungkot ako dahil nakalimutan niya kaagad ako.
"Oo. Nakalimutan mo na? Ako 'yong babaeng tinulungan mo last time," sabi ko.
"Tinulungan?" Nag-iisip pa rin siya. Mukhang wala talaga siyang idea kung sino ako.
"Oo. Doon sa may LRT station." Pilit kong pinapaalala sa kaniya ang mga nangyari.
"Hhmm..." mukhang pilit naman niyang iniisip. Kahit paano ay may interes din pala siyang malaman kung sino ako.
At ganito nga ang nangyari..
Madaming tao ngayon. I don't know why pero kung sa bagay lagi naman e. Ano pa bang bago sa manila? Ano pa bang bago sa LRT station na lagi namang siksikan sa pasahero lalo na kapag rush hour.
"Miss Central po," sabi ko sa cashier, at kaagad naman niya akong binigyan ng ticket pagkaabot ko ng bayad sa kaniya.
So, nandito ako ngayon nakapila sa mga mens section kasi hirap na umabante sa ladies section dahil sa dagsa ng tao. Nahahati kasi ang daanan dito, mayroong para sa mga lalake, at mayroong para sa mga babae. Ginawa ang dibisyong iyon para maiwasan na rin ang hindi magandang gawain kapag ganitong siksikan. Marami kasing mga nagrereklamo na nadukutan sila o hindi naman kaya ay nahipuan. Of course, iba rin ang lugar ng mga priorities gaya ng mga senior citizen, pregnant, at person with disabilities.
Ayan na nga, may parating nang tren kaya naman nagsimula na ang lahat magsiksikan, at dahil babae ako, at ang liit ko pa, eto ako ngayon, at ginigitgit na nila dahilan para mabitawan ko ang ticket ko. Kapag minamalas ka nga naman. Ano pa bang choice ko kung hindi yumuko, at kinapa-kapa ang sahig para makuha ang ticket. May nakaapak pa nga sa kamay ko sa pagkapa-kapa ko, sobrang sakit tuloy. Nararamdaman ko ring parang may kung anong ang tumatama sa bandang pwetan ko. Pero nagulat ako nang biglang may humatak sa akin patayo.
"A-ano ba? 'Yong ticket ko baka tuluyang mawala kapag nalag--" 'di ko na naituloy ang sasabihin ko nang may ipakita siya sa aking ticket.
"Eto na ticket mo. Napulot ko," sabi niya.
Nang mga oras na iyon tila bumagal ang lahat. Para akong nasa isang fairy tale na ako ang bida, at siya ang knight in shining armor ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita kung sino ang anghel na hulog ng langit sa akin. Mantakin mo, ang gwapo pala niya. Dapat pala 'di ako agad nagsusungit. Sa susunod iche-check ko muna nang maigi.
"S-salamat, kuya." Nauutal pa talaga ko.
"Makakuya ka naman." Tumawa siya, at kaloka dahil parang bumagsak ang puso ko sa sahig. Napakasarap niyang pagmasdan. "Mukhang magkaedad lang naman tayo. Travis na lang," dagdag pa niya. Dahil naiwan na kami ng tren ay wala na kaming nagawa kung hindi maghintay ng susunod na tren, at doon sumakay. Feeling ko boyfriend ko siya kasi habang nasa loob kami ng tren ang sweet niya. Grabe lang makaalalay sa akin. Kasalanan ko bang lampa ako? Pero kung eto naman ang consequences ng pagiging lampa ko, go for it girl. Isa pa, kung siya naman sasalo sa akin ay ayos lang. Paano ba naman muntik na akong masubsob sa babaeng nakaupo sa harap ko dahil syempre siksikan wala pa akong mahawakan sa pwesto ko. How I wish na abot ko ang hawakan sa ulunan ko. Habang nakaalalay siya sa akin, hindi ko maiwasang pagmasdan ang mapupulang lips niya na animo'y nang-aakit. May bahagyang dimple din siya, at medyo may pagka-chinito. Nasa kasalukuyang pagde-daydream ako nang mabasa ko ang karatulang nahagip ng paningin ko. Kailangan ko na palang bumaba.
At nang bumaba ako, nagulat pa ako dahil bumaba rin si kuyang gwapo.
"Dito ka rin pala bababa?" usisa ko.
"Obvious naman 'di ba?" Tumawa na naman siya. My God! Masaya ba siya sa presensya ko? Hindi kaya may gusto sa akin ang isang 'to?
"Sabi ko nga," at nagtawanan na lang kami.
Maya-maya pa ay hindi namin namalayan pareho na magkasama pa rin kami na naglalakad, at sa iisang lugar lang pala ang punta namin. Nalibang kasi kami masyado kakwentuhan ang isa't isa.
"Akalain mo 'yon hindi ko na namalayang same pala ang place na pupuntahan natin." Ngumiti siya at kitang-kita ko sa kaniya ang lalakeng itinadhana sa akin.
"Oo nga e. By the way, ano palang gagawin mo rito?" Nandito kasi kami ngayon sa labas ng SM Manila.
"Ah magkikita kami ng girlfriend ko. Date. Alam mo na." Pagkasabi niya no'n parang nabasag bigla ang puso ko. Akala ko pa naman destiny na 'yon pala echos lang ang lahat. Nang makita ko kung sino ang girlfriend niya parang gusto ko biglang hablutin ang buhok ng babaeng 'yon, at sabunutan. Sinira niya ang forever ko. Peste siya. Sinira niya ang sana happily ever after ko.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on lalo na, at kaklase ko pa pala siya sa isa kong subject. Kaya naman badtrip na badtrip ako kapag nakikita ko siya, at worst pa dahil pumapalag siya tuwing aawayin ko siya. Kagaya kanina. Na-guidance pa tuloy ako.
Nagulat na lang ako nang mag-snap ng fingers si Travis sa harap ng mukha ko.
"Saan ka na nakarating sa iniisip mo? Mukhang mainit ang ulo mo na hindi kita kaagad nakilala ha?" sabi niya sabay nagcrossed arms. Kita ko naman ang paglungkot sa mga mata niya. "Sorry."
"Ah hindi hindi. Ayos lang 'yon, Travis. Oo nga pala, Grace Daidouji." Inilahad ko ang aking kamay tandem with my killer smile. "Nakalimutan ko kasing magpakilala sa 'yo last time."
"O andyan na pala siya." Sabay kaway niya sa may likuran ko. Hindi man lang pinansin ang sinabi ko, at hinayaan lang ang kamay ko na nakalahad doon kaya naman binawi ko na lang iyon dahil pakiramdam ko napahiya ako.
Tumingin naman ako sa likuran ko, at kita ko ang pagkagulat sa mata ni Rouin. Nasorpresa siguro siya, at magkakilala pala kami ng boyfriend niya.
"Hon, hi!" Sabay beso ni Travis kay Rouin, at kuha ng gamit nito. Eew! Mag-alcohol ka ng mukha my loves at baka mahawa ka sa bacteria niyan.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Rouin.
"Obvious ba?" mataray na sagot ko sabay irap sa kaniya.
"Hon, kilala mo siya?" tanong naman ni Travis kay Rouin.
"Oo classmate ko siya sa Psychology."
"Wow! That's nice, hon. Minsan labas naman tayong tatlo. Treat ko," nakangiting sabi ng labidabs ko. He is so nice talaga pero never na papayag ako sa gusto niya. Pwede pa siguro kung dalawa lang kami.
"NO!" Kaya naman sabay pa kaming sumagot ni Rouin. Gaya-gaya talaga siya. Mas ayoko naman makasama siya no? Mas okay kung kami lang ni Travis.
At mukha naman nagulat si Travis sa reaksyon namin pareho. Pagkaraan ng ilang segundo, bigla na lang siyang tumawa. "Para kayong mga bata." Nagitla pa ako nang hawakan niya ang ulo ko pati na rin ang kay Rouin. I can't take it. Nakakainis! Kung alam niya lang how much I hate that girl.
Bwiset! Bwiset kang babae ka may araw ka rin sa akin. Sisiguraduhin kong makukuha ko rin si Travis sa 'yo.