TRAVIS' POV
Ang bilis lumipas ng panahon, 3 years na rin ang nakakalipas mula ng makilala ko ang babaeng umiiyak sa kalsada at kailan lang din ng sagutin ako ni Rouin. Yes! She is officially my girlfriend now. Madalas kaming magkita at natutuwa ako kasi masaya naman siya sa relasyon namin. Open naman kami sa both families namin at gustong gusto talaga siya ng kapatid ko.
Minsan nga sa bahay namin..
"Ate, do you really love Chopper? Mikaela asks.
"Yes baby. I love Chopper so much." Sagot niya.
"How about kuya?" Tanong nanaman ng kapatid ko.
"Haay.. Mika.. ano ba namang tanong yan. Of course ate loves me." Sabi ko habang natawa pa.
"I just want it to hear from ate." Pangungulit ni Mikaela.
"Mika, I love Chopper so much but I love Travis more that i am willing to forget about Chopper just for him." Nakangiting sabi ni Rouin. And honestly first time kong kiligin.
"Look ate, kuya's face turns red." Tinuro pa talaga ko ng batang to. Nabuking pa tuloy ako.
Haay.. kapag naaalala ko yun di ko maiwasang mapangiti pa rin.
"Travis, anong nginingiti ngiti mo dyan?" Tanong niya.
Nakalimutan kong kasama ko nga pala siya. And we are here sa sala nila watching DVD.
"Ah wala may naalala lang." Sabi ko.
"Baliw. Suspense ang pinapanood natin tapos natawa ka. Akala ko kung ano na nangyayari sayo e." Sabi niya.
"Wala may naalala lang nga ako." Sabi ko habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko.
"Oo na." Sabi lang niya at humarap na ulit sa T.V.
"Rouin, totoo ba?" Tanong ko.
"Totoong alin?" Tanong niya habang seryosong nanonood.
"Na mas mahal mo ko kay Chopper." Pagpapatuloy ko.
"Syempre mas mahal ko si Chopper hahahahaha!" At talagang tinawanan niya pa ko.
"Seryosos kaya ako sa tanong ko." Nakasimangot na sabi ko. Nakakatampo ha..
"Alam mo nanaman sagot sa tanong mo tinatanong mo pa." Tumingin na siya sa akin.
"Naalala ko lang kasi yung sinabi mo kay Mikaela. Curious lang ako, baka nagbago na di ba?" Paliwanag ko.
"Let's just take it slow." Sabi niya.
Tama. Naging kami kahit hindi pa ko sure kung ano ba talaga ko sa kanya. Ang alam ko lang sinagot niya ko para maitry namin if this relationship will work.
"Ah.. nevermind. Let's change the topic." Sabi ko na lang. Masyado ng nilalamon ng topic namin ang atmosphere. "Gusto mo bang magout of town vacation?"
"Out of town vacation ka dyan, may pasok kaya." Sabi niya.
"Oo nga pala hahaha! Gusto mo ba lumipat na lang ako sa school mo?" Pangungulit ko.
"Wag na. Okay naman ako dun kasama sila Kitkat." Pagtanggi niya.
"Okay sabi mo e." Ngumiti na lang ako.
"Ah.. Travis oo nga pala, may acquaintance party kami punta ka." Excited na sabi niya.
"Sige ba. Mukhang masaya yan." Pagsang-ayon ko.
"Next week na yun, friday 6pm ang start." Mukha nga talaga siyang excited. Ang ngiti niya abot tenga e.
"Sige. Sunduin na lang kita dito." Sabi ko.
Ngumiti lang siya in response.
Haay.. nakakainlove talaga ang ngiti niya. Ang cute niya kasi tignan.
Niyakap ko siya from behind, gusto ko lang. Bawal ba girlfriend ko naman siya.
"T-travis.." siya. Trying to unlock my arms sa pagkakayakap sa kanya.
"Sshh.. quiet. 1 minute lang. Gusto ko lang mafeel mo na mahal talaga kita Rouin." Humilig pa ko sa balikat niya.
Hindi siya sumagot. Tahimik lang siya.
"Hey! Rouin.." calling her attention. "Wala ka man lang bang sasabihin?"
"Sabi mo quiet." At natawa talaga ko sa sinabi niya. Hahaha! Minsan talaga komedyante tong babaeng to e.
"Oo nga no?! Hahahaha!" At nagtawanan na lang kami dun. Nakalimutan na naming nanonood kami ng DVD.
ROUIN'S POV
3 yrs na ang lumilipas, ang bilis ng panahon. Si Kid ayun may girlfriend na din, nagkabalikan pa kami noon pero hindi rin nagtagal. Seloso kasi siya masyado kaya madalas kaming mag-away. Ngaun, kami na ni Travis and i am really trying my best para sa relationship namin lalo na at tungkol sa feelings ko para sa kanya. Yes, i am starting to like him, pero not the like thing ko sa kanya before the day ng sagutin ko siya, what i am saying is lalo akong nagkakagusto sa kanya. The way he treats me was really great. Maalaga siya sa akin at napakagentleman at kung tatanungin niyo kung how many times we've said i love you sa isa't isa, well siya madalas. Ako hindi pa. Hindi ko pa din naman kasi sure kung mahal ko na ba talaga siya. Mahirap na baka kasi mamaya sabihin kong mahal ko siya tapos hindi pa pala, ayoko siyang umasa. Sinagot ko siya dahil na rin sa nakikita kong effort niya para sa akin, bukod pa dun gusto niya daw mas ipakita sa akin na seryoso siya kung bibigyan ko lang siya ng pagkakataon, and sa nakikita ko hindi siya mahirap mahalin.
"Ms. Lorenzo.." nagulat pa ko ng bigla akong tawagin ng prof ko. Badtrip nasa kalagitnaan nga pala ako ng klase namin sa Psychology.
"S-sir.." nakangiting tanong ko. Kabato pa ko.
"Meet me at the faculty mamaya." Sabi niya at halatang galit siya.
"Y-yes sir." Pagsang-ayon ko na lang.
Sakto naman tunog ng bell.
"Sissy, ano ka ba ano ba kasi iniisip mo nanaman at lumilipad na ang isip mo." Tanong ni Kitkat.
Tama same course kami ng kinuha ni Kitkat, dahil gusto kong matutong magluto kumuha ako ng HRM.
"Eh.. si Travis.." sagot ko.
"Hahaha! Susunduin ka naman non dito mamaya iniisip mo pa." Sabi niya naman.
"O sige na punta na ko sa faculty." Pagpapaalam ko saka tuluyang lumabas ng room.
"Hahaha! Yan kasi daydreaming habang nasa klase. Hahahaha!" Si Grace ang bwiset kong classmate. Insecure ata sa ganda ko.
"Wala akong panahon makipag-usap sa mga low level na gaya mo." Sabi ko lang sabay dumeretso sa paglalakad.
"Anong sabi mo? Low level pala ha.." nagalit yata kaya ayun binato ako ng notebook at kapag minamalas nga naman siya nakailag ako at yung guidance councilor na naglalakad sa harap ko ang natamaan niya.
Pagharap ni G.C tinuro ko agad si Grace.
"Tara sa office ko." Sabi ni G.C
"Mam, sorry. I didn't. Hindi ko sinasadya." Pacute pa siya habang nahingi ng sorry.
Hindi siya pinansin ni G.C at nagdirediretso lang ito sa paglalakad.
"Pagbabayaran mo tong araw na to Rouin!" baling niya sa akin sabay irap at sunod sa G.C
Nakalimutan ko, may problema din pala ko. Naku!
After ilang minutes of interrogation sa faculty office, hindi pala problema ang nangyari kundi nagkaroon pa ng good news.
Ganito kasi ang nangyari..
"Sir.." ako.
"Take your seat Ms. Lorenzo." Sabi ni Sir Tolentino.
Naupo naman ako masunurin ako e.
"Ano bang iniisip mo kanina sa oras ng klase ko?" Deretsong tanong niya.
"Ah.. sir.. yung darating poh na exam." Pagpapalusot ko.
"Well, speaking of exam, maganda ang pinapakita ng grades mo sa mga quizzes mo. At bukod pa dun maganda din ang grades mo sa recitation kaya keep up the good work." Sabi ni prof.
"S-salamat sir." Kinakabahan pa rin ako e.
"Mukhang good influence sayo ang boyfriend mo ha.." sabi niya na kinabigla ko.
"S-sir.." di ko alam sasabihin ko.
"Nakikita ko lang siya minsan pag sinusundo ka. Basta reminder lang, always take it slow.. wag magpadalos dalos." Paalala niya. "you may leave now."
Umalis na rin naman ako after nun.
At yun na nga ang nangyari na nagpaganda talaga ng mood ko.