Chapter 31

1013 Words
ICE'S POV Nandito kami ngayon sa SM Mall of Asia, and yes si Sophia nga ang kasama ko. "Kuya Ice, bakit ba ang kulit kulit mo?" Sabi niya habang hinihila ang kamay niya sa pagkakahawak ko. "O bakit? Ganito talaga dapat kapag nagdedate." Sabi ko. "Date ka jan? You are too old for me. Stop saying it's a date dahil hindi naman. Sabi mo ililibre mo lang ako ng shopping e." Ayaw niya pa rin talagang tanggaping date to. "You are so cute Sophia." Sabi ko sabay akbay sa kanya. "Ano ka ba Kuya Ice." Hinawi niya ang braso ko sa pagkakaakbay sa kanya. "Stop calling me Kuya okay. I am just 4 years older than you." Katwiran ko. Totoo naman kasi e. "Kaya nga, you are 4 yrs older than me. At ayoko ng matanda masyado sa akin. Gusto ko kaage or 2yrs lang ang gap namin ng magiging boyfriend ko." Paliwanag niya. "Hhmm.. so? Gwapo naman ako." Pag-yayabang ko. Bakit ba? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. "Kuya Ice.. uuwi na lang ako kung kukulitin mo ko ng kukulitin. Si Froilan lang ang gusto ko." Sabi niya. "Okay okay. Hindi na." Yeah i surrender raising my hands na parang kriminal. Hahaha! Bakit ba kasi ang gwapong lalaki ni Froilan e. Pati lovelife ko napupurnada. Pero syempre si Froilan ay para sa kapatid ko lang at si Sophia ay para sa akin lang hahahahaha! Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa Savory ng may humintong bata sa harap namin. "Kuya.. your date is beautiful." Sabi niya. Tantsa ko mga 7 yrs old siya. "Ah yeah she really is." Nakangiting tugon ko. "And you are handsome too.." sabi niya. "Yes! Yes. You really are a smart kid." Nakangiti pa rin ako. "Pero.." marunong naman palang magtagalog pinag-eenglish pa ko. "Pero ano?" Nakakunot ang noong tanong ko. "Pero hindi kayo bagay. Kasi mas bagay kami." Sabi niya. "Aba lokong bata ka ha.." napatayo pa ko at inambaang kukutusan siya. "Ahahahaha!" Si Sophia. "At natutuwa ka pa ha.." baling ko kay Sophia. "Sorry. Haha! E nakakatawa naman kasi talaga yung sinabi niya pati yung reaksyon mo." Sabi niya habang natawa pa din. Tumingin ako sa paligid at nakatingin pala sila sa amin. Paano ba naman napalakas kasi ang boses ko dahil sa asungot na batang to. "Lord.." tawag ng isang binata sa kanya. T-teka.. "Kid.." nagulat pa ko dahil si Kid pala ang tumawag sa batang to. Anak niya? "Kuya.. anong ginagawa mo dito? S-Sophia?" Tanong niya. "Are you dating?" "Ah.. ano.. kasi.. sinamahan ko lang siya magshopping.. ah.. tama. Ganon nga.. hahahaha!" Palusot ko. Hindi pwedeng malaman ng Kid na to na nagdedate kami ni Sophia. Lagot ako sa kapatid ko. "Talaga lang ha.. kuya.." nagulat pa ko lalo ng bigalang sumulpot si Rouin mula sa likuran ni Kid. "Rouin? Ah.. nandito ka din? W-what a coincidence di ba? Hahahaha!" Ako yan konti na lang maispeechless na ko. "Ate Rouin.. that guy is your brother?" Tanong nung batang makulit. "Yes baby." Mabilis na sagot ni Rouin. Baby? Baby daw? May anak na sila ni Kid? "Anak mo?" Tanong ko kay Rouin. Pinukpok naman niya ko ng kutsara sa ulo. "Aray! Masakit yun ha.." angal ko. Masakit naman kasi talaga e. Ikaw ba naman pukpukin ng kutsara sa ulo. "Dapat lang sayo yan kuya. Hindi ka nanaman kasi nag-iisip. Pinsan siya ni Kid. Pinasyal lang namin ngayon dahil may importanteng pinuntahan ang mama ni Lord." Paliwanag ng kapatid ko. So Lord pala ang pangalan ng batang to. Akala ko joke lang yun e. "Uhm.. excuse me.. Rouin.. kamusta na si Froilan." Singit ni Sophia. Biglang nag-iba ang awra ng paligid. "Don't ask me. Wala akong pakialam don. At hindi ako tanungan ng mga mayayabang na nawawala." Pagsusungit niya. "Hey Sophia. Nice meeting you, i'm Lord. Your future boyfriend. And when i grow up, i surely will marry you." Sabi ni Lord sabay kuha sa kamay ni Sophia at kiniss pa. "Aba! At talagang.." hinatak ko na ang batang to palayo kay Sophia. "Hahahahaha!" Si Sophia. "Kuya!" Si Rouin. Si Kid napaface palm na lang. Paano ba naman ang gulo talag namin sa Savory. Nakakahiya man aminin pero talagang pinagtitinginan kami ng mga tao. KID'S POV Hinatid ko na sa bahay nila si Rouin. Sobrang nakakapagod ang araw na to. Hinawakan ko ang kamay niya pagkababa ng sasakyan. "Hhmm.." siya. "Salamat sa time Rouin. Buti pumayag kang samahan akong ipasyal si Lord." Sabi ko. "Wala yun Kid. Para naman tayong walang pinagsamahan." Nakangiting sabi niya. Maglilimang buwan na rin simula nung magbreak kami ni Rouin. At ngayon umaasa akong magkakaayos pa kami pero sa nakikita ko mukhang malabo na. Kitang kita ko sa reaksyon niya kanina kung gaano pa rin siya nasasaktan sa pag-alis ni Froilan. Hanggat maaari kasi ayaw niya ng magkaroon pa ng balita kay Froilan. Kahit naman sino sa amin walang balita sa kanya e. Si Travis alam ko nanliligaw din siya kay Rouin. Hindi ko naman alam kung anong plano ni Rouin. Gusto ko man tanungin pero wala akong lakas ng loob. "Salamat din Kid. Nag-enjoy ako." Dagdag niya pa. Sumilip pa siya sa loob ng sasakyan at hinalikan sa noo si Lord. "Ingat kayo ha.." "Thanks. Goodnight!" Sabi ko. "Goodnight Kid." Nakangiti pa siya. Sumakay na ko sa sasakyan at pinaandar ito. Hindi pa siya pumapasok at nakatingin lang sa amin. Hindi ko rin alam kung bakit inihinto ko ang sasakyan. Bumaba ako ng sasakyan at lumakad pabalik kay Rouin. Ayokong dito lang matapos ang araw na to ng wala kong sinasabi. "O Kid.. may naka--" naputol ang sasabihin niya ng bigla ko siyang yakapin. "Rouin.. mabilis lang to. Nakapgdesisyon na ko. Lahat gagawin ko para mabawi ka. Para maibalik yung dating tayo. Hinding hindi kita isusuko. Alam ko minsan nagiging seloso ko pero siguro ganoon lang talaga pag mahal na mahal mo ang isang tao. Pangako Rouin, bumalik ka lang hindi na kita pakakawalan. Hindi na kita ulit sasaktan." Sabi ko. "Kid.." tanging nasabi niya. "O pano, una na kami. Goodnight ulit." Nakangiting sabi ko at bumalik na nga ako ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD