Chapter 19

1043 Words
ROUIN'S POV   This is it. This is the day. My birthday. Mommy and I prepared a small celebration only with my friends, Kid, and of course, Froilan and his mom. Hindi raw kasi makakarating si Auntie Chloe dahil may business trip. Hindi maiiwasang makaramdam ako ng pagtatampo but still I understand naman. Importante rin naman kasi ang trabaho niya.   Excited na ako. Pakiramdam ko ito na ang magiging pinakamasayang birthday ko since I’ll be with my new friends and Kid of course. Kasalukuyan kong pine-prepare ang mga gagamitin ko sa pagbe-bake. Ever since kasi na matuto akong mag-bake, I always wanted to my my own birthday cake, just like today.   "Mommy anong oras pupunta sila Tita Juliet?" tanong ko.   "Maya-maya lang nandito na ‘yon," sagot ni Mommy nang biglang tumunog ang door bell. “Ako na ang magbubukas.”   Kaagad namang pinagbuksan ni Mommy ang bisita at si Kid ang unang dumating giving me his gift. Hindi na ako nagdalawang isip na buksan kaagad ‘yon lalo pa at alam kong galing sa kaniya. Hindi ko maiwasang kiligin lalo pa at ito ang first birthday ko na makakasama ko siyang mag-celebrate rito sa Manila. Bukod pa roon, we are officially dating, or pwede ko na ngang sabihing kami na since alam na naman namin ang feelings ng isa’t isa. Isang chopper pillow ang laman ng gift kaya hindi ko naiwasang yakapin siya kaagad ng mahigpit. Alam na alam niya talaga ang favorite ko. Napabitiw lang ako sa kaniya nang magtikhim si Kuya. Nandito rin nga pala ang kontrabida sa buhay ko.   Ilang oras ang nakalipas sila Brigette naman ang dumating at as usual may gift din sila para sa akin kahit new friends ko pa lang sila. Si Louise, binigyan ako ng isang pair ng swim suit, gamitin ko raw sa summer para lalo akong pagkaguluhan ng mga boys. Si Kitkat naman, isang malaking teddy bear ang regalo niya sa akin para daw huggable. Si Brigette syempre hindi magpapahuli na nagbigay naman ng bracelet sa akin. Kaso hindi lang ako meron, binigyan din niya si Kitkat at Louise at pati siya meron. Friendship forever lang daw ang mabibigay niya sa akin kaya naman kaming tatlo napayakap na lang sa kaniya. Nakakatuwa kasi siya. Mahal na mahal niya talaga kaming mga friends niya. That time naisip kong napakswerte kong nagkaroon ako ng mga kaibigang kagaya nil ana kahit new friends ko pa lang ay parang napakatagal na naming magkakakilala.   Napalingon kami sa pintuan nang muling tumnog ang door bell. Sakto rin tapos na ang bine-bake kong cake kaya ako na ang nagbukas ng pinto. Marahil sila Tita Juliet na ‘yon. It is the first time that I feel suddenly so excited to see that damn arrogant guy. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay siya talaga ang hinihintay kong dumating sa una pa lang. Patakbo pa akong lumapit sa pinto dala ang mga ngiti sa labi na unti-unti ring naglaho matapos buksan iyon. Si Tita Juliet lang kasi ang dumating. Bakit wala si Froilan? Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot. Hindi ba siya pupunta? It’s my important day.   "Happy birthday, Baby," nakangiting bati ni Tita Juliet sa akin sabay kiss sa aking pisngi. "Papunta na si Froilan dito. May dadaanan lang daw siya saglit."   Natuwa naman ako. Akala ko talaga ay hindi na siya makakapunta. Kinabahan talaga ako.   Nandito kami ngayon sa pool area sa may garden, kasalukuyang nag-iihaw si Kid ng barbeque at ang tatlo kong sissy aba amaze na amaze naman sa pool namin. Hindi ko naiwasang maalala si Froilan kaya naman napangiti ako. Si Kuya Ice naman ayon at kung todo pa-cute kay Brigette. Napaka-child abuse talaga niya. Lahat na lang ata ng makita niyang babae basta cute type niya na kaagad. Si Mommy naman at Tita Juliet sineset-up ang table. All are ready na, isa na lang ang kulang para makumpleto ang birthday ko. Ang mayabang na ‘yon na kanina ko pa hinihintay na dumating.   "Hey!" Napalingon ako kay kuya ng tapikin niya ang balikat ko.   "Kuya..."   "Darating siya sabi ni Tita Juliet ‘di ba, kaya ‘wag ka na malungkot d’yan. Birthday mo o," sabi niya.   Tama. Sino ba siya para malungkot ako? Nandito ang mga kaibigan ko. Nandito rin ang espesyal na lalake sa buhay ko. Pumunta siya o hindi, I don’t care. Kailangan kong magsaya ngayon dahil birthday ko. Kaya naman ganoon ang ginawa ko.   "Rouin..." Nilapitan ako ni Tita Juliet at hinawakan ang aking mga kamay.   "Po?"   "Froilan called. He said happy birthday. He can't come. May importante lang daw siyang kailangan asikasuhin," sabi ni Tita Juliet.   Importante? Mas importante ba ‘yon kaysa sa akin? Hindi ko alam pero iyon ang kaagad na pumasok sa isip ko. Bakit ang sakit-sakit? Nakakadismaya. I waited for him dahil kahit magsinungaling ako nang paulit-ulit sa sarili ko ay alam kong siya lang ang kukumpleto ng araw ko ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit pero maliwanag pa sa sikat ng araw na gusto ko siyang makita ngayon. Na gusto kong nandito siya ngayon. Bakit ngayon pa siya wala? Bakit ngayong mahalagang araw pa sa buhay ko? Naiiyak ako pero pinigilan ko. Ayokong isipin nilang may gusto ako sa mayabang na ‘yon. Pero wala nga ba?   "Rouin…" Tila napansin yata ni Tita Juliet ang bigla kong pananahimik.   "Ah, opo. Ayos lang po.” Faking my smiles.   "Sige mauna na ‘ko ha? Happy birthday ulet, Baby." She said then kiss me goodbye.   Kasunod niya ay nagpaalam na rin sila Brigette at si Kid. Lumalalim na rin ang gabi kaya kailangan na rin nilang makauwi. Nang mapag-isa ay nagpasya akong dumeretso na sa aking silid. Walang Froilan na darating at alam kong hindi na siya darating kahit pa anong gawin kong paghihintay sa kaniya. Inabot na ako ng 1am na gising wala pa ring Froilan na nagparamdam. Napaka-unfair niya talaga. My tears fell down and then the thoughts of him rushed down my memories. Bakit ganoon? Sumusulpot siya sa hindi ko inaasahang pagkakataon pero bakit ngayong kailangan ko siya, bakit wala siya? I’m really upset and disappointed. Napasubsob na lang ako sa unan ko at hinayaang bumuhos ang mga luhang pilit pinipigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD