Chapter 18

1205 Words
FROILAN'S POV Ang sakit ng likod at mga balikat ko. Paano ba naman kasi? Ikaw ba naman gawing kabayo tapos hampasin pa ng paulit-ulit ng babaeng ‘yon. Dagdag mo pa ngayon na pauwi na kami. Pasan ko kasi siya sa likod ko. Nakatulog na kasi siya sa bahay nila Kitkat so, hindi na namin ginising dahil alam ko rin namang pagod din siya. Isa lang naman ang dahilan ng pinunta ko ro’n, ang mag-sorry pero magso-sorry pa ba ko sa kaniya ngayong bawing-bawi na ‘ko sa pagpapahirap niya sa akin? "Stupid Girl, alam ko tulog ka pero sorry pa rin kung nasigawan kita last time. Ang kulit mo kasi e. By the way, si Lily, first love ko siya. She betrayed me. She left me broken. That's why, ayoko na ring maalala ‘yon. Ayan ha... sinabi ko na. Nag-sorry na rin ako sa ‘yo. Bawing-bawi na ‘ko." Parang baliw na ‘ko. Kinakausap ko na ang tulog. "Ginabi na tuloy tayo dahil sa kalokohang practice n’yo ng play. Alam mo ba kanina, noong papunta pa lang ako kina Kitkat, sinalo ko na ata lahat ng karma. Naligaw kaya ako tapos hinabol pa ‘ko ng malaking aso. Umakyat ako sa puno para ‘di niya ‘ko makagat. Natuwa pa ko nang makaalis na siya kaso nalaglag naman ako sa puno. Nang makita ko naman na ‘yong itinuro ni manang sa tindahan na bahay ng friend mong half girl half guy, may bigla namang dumaang kotse na ang bilis magpatakbo kaya ang ending sapul na sapul ako ng putik na nasa harapan lang ng kinatatayuan ko. Ang malas ko hindi ba?" pagkukwento ko pa sa kaniya habang naglalakad kami hanggang sa matigilan ako. Nandito na pala kami nang hindi ko man lang namamalayan. "Froi..." Napatingin ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Kuya Ice. Kadarating lang din pala niya. "Kuya Ice, saan ka galing?" tanong ko. Wala naman sigurong masamang magtanong. "Sa 7-eleven may binili lang," sagot niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Ang sweet lang ha..." Pumalakpak pa siya nang ilang ulit. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o talagang natutuwa lang siya sa nakikita niya ngayon. "Ewan ko sa ’yo, Kuya Ice. Kunin mo na lang kaya ‘tong kapatid mo." Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng utak niya. "Kaya mo na ‘yan. Tara pasok na sa loob at malamang pagod ka na rin d’yan sa princess namin." Yaya niya sa akin papasok ng bahay. "Princess talaga, feeling prinsesa e," kumento ko. Totoo naman kasi. Hanggang makarating ba naman dito sa bahay tulog pa rin. Grabe lang talaga. ROUIN'S POV Nakakatuwa lang ang effort ng isang ‘to. Kasalukuyan akong nakaupo sa sahig sa gilid ng kama ko. Pinagmamasdan ko lang siya ngayon habang himbing na natutulog sa ibabaw ng kama ko. Ang totoo kasi niyan, gising naman na talaga ‘ko noong pasan-pasan niya ‘ko sa likod niya habang nagkukwento siya. Napabilib niya ‘ko. Ganito pala siya makunsensya. Nagiging mabait. Hindi ko naiwasang mapangiti sa mga pinagdaanan niya sa buong maghapon para lang hingin ang kapatawaran ko. Bigla kong naalala ang dahilan ng pinag-awayan namin. So, first love pala niya si Lily. Tama nga ang hinala ko. Hindi ko talaga feel ang isang ‘yon noong una pa lang na magkita kami. Huwag lang sanang magpapauto ulit si Froilan sa kaniya. Kahit mayabang to at walang ginawa kung hindi awayin ako, deserving pa rin niya syempreng mahalin ng tama. "Froilan..." bulong ko habang tinititigan siya. "Rouin…" sumagot siya. Mahina lang ‘yon pero umabot sa pandinig ko. Hala! Gising kaya siya? Siguro nagtutulug-tulugan lang ‘to. Hinipan ko ang tenga niya para makasiguro pero walang response. So, tulog nga siya. Nagsasalita nang tulog. Sa sobrang pagod marahil. Teka, pero bakit pangalan ko? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, parang gustong kumawala sa dibdib ko lalo na nang humarap siya sa akin. Ang amo ng mukha niya. Ngayon ko lang siya natitigan nang malapitan. Ang haba pala ng pilikmata niya. Matangos din ang ilong niya. Ang pula din ng mga labi niya and it's inviting me. Napahawak akong bigla sa magkabilang pisngi ko. Ano bang naiisip ko? Unti-unti, hindi ko namamalayan kusang gumagalaw na ang mukha ko palapit sa mukha niya. I was about to kiss him. My heart beats rapidly than ever before. Ibang-iba sa t***k ng puso ko noong sabihin ni Kid sa akin na mahal niya ‘ko. Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon kumpara kapag si Kid ang kaharap ko. Pakiramdam ko may mga paru-parong lumilipad sa tiyan ko nang mga oras na ‘yon. Nag-iinit ang mukha ko. I feel something different. I feel something was wrong with me lalo na when my lips met his lips. Sandali lang ‘yon, smack lang naman ‘yon pero parang pakiramdam ko bumagal ang oras at libu-libong boltahe ng kuryente ang gumapang sa buong katawan ko. I slowly pull away my lips to his, ayoko ng pakiramdam na ‘to kaso… He opened his eyes. I froze. Speechless. Nakakahiya talaga. Gising nga talaga siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko kasi alam kung bakit ginawa ko ‘yon? Para akong nawala panandalian sa katinuan ko. Kababae kong tao ako pa unang gagawa no’n. Oo, it was not our first kiss pero eto ‘yong unang kiss na hindi aksidente at ginusto ko. Oo ginusto ko kahit hindi ko alam kung bakit. Ano na lang iisipin niya sa akin? Na ang landi-landi ko? Ako pa talaga ang nag-initiate. I need to speak. I must say a word. Kailangan kong magdahilan. Kailangan kong iangat ang sarili ko. "Rouin…” Hinila niya ako palapit sa kaniya kaya napahiga ako sa tabi niya. “Itulog mo na ‘yan. Antok lang ‘yan." OMG! Anong sasabihin ko? Tama baka nga antok lang ‘to. Sang-ayon ako sa kaniya. Kailangan kong sumang-ayon para hindi ako mapahiya. "A-ah... b-baka nga." Still, I managed to smile. Bumangon ako kaagad dahil pakiramdam ko ay nasu-suffocate ako sa bilis ng pagkalabog ng dibdib ko. Lalabas na ako ng kwarto. Sa kwarto na lang ni kuya ako matutulog. But suddenly, he held my hand and pulled it towards the bed. So ang ending bumagsak akong muli sa kama sa ibabaw niya. "Saan ka pupunta?” tanong niya. “S-sa kwarto ni K-Kuya Ice. Makikitulog.” Pilit na pilit ang ngiti ko. Nakakahiya talaga ‘to. Napaka-awkward. “Bakit? Kwarto mo ‘to hindi ba? Kaya naman dito ka matutulog," sabi niya saka ipinikit ulit ang mata. Damang-dama ko pa ang kaniyang paghinga kaya lalo akong hindi makahinga sa labis na kaba. "E b-bakit ikaw?" tanong ko. Nauutal talaga ako. "Inaantok na ‘ko at ikaw naman nagpatulog sa akin dito ‘di ba? Next time, patutulugin din kita sa kwarto ko nang makabawi ako sa ‘yo," sabi lang nito. "Matulog ka na. Baka mamaya kung ano pa ang magawa ko." Tama siya. Matutulog na ‘ko. Baka kasi ano pa magawa niya, at baka kung ano pa ulit magawa ko. Ano ba kasing nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD