Chapter 17

1086 Words
LOUISE'S POV   Hindi ko mapigilang matawa habang pinapanood si Rouin at Froilan na mag-practice ng play namin. Hindi ko kasi akalain na papayag si Froilan sa lahat ng ipapagawa namin sa kaniya.   Pagbaba ni Froilan galing kwarto ni Kitkat.   Ang itsura naming tatlo tulala. Sino bang hindi matutulala sa isang Adonis na tila bumaba mula sa langit. Nakakaakit siyang pagmasdan ngayon. Ang basang buhok niya na magulo pa, pak na pak sa suot niyang fitted sando at jogging pants. Ang swerte ng sissy ko kapag sila ang nagkatuluyan. Para siyang tumama sa lotto.   "What?" Nakakunot noong tanong niya.   "Ah... eh... practice na," sabi kaagad ni Brigette.   "Anong practice?” tanong niyang muli kaya nagkatinginan kami ni Brigette. Ngumiti siya at mukhang naintindihan niya rin ang tinutukoy ko.   “Froilan, eto kasing si Rouin hanggang ngayon wala pang nakakabisado sa lines niya. Maybe you want to help us para bumalik siya sa senses niya.” Lumapit pa si Brigette sa kaniya with her puppy eyes. Minsan gusto ko na talagang bumilib sa acting nito.   Tumingin ito kay Rouin at kitang-kita namin kung paano naman siya inirapan ng magaling naming kaibigan. At some point, tanging ang gumugulo lang sa isip ng kaibigan namin ang siyang makatutulong sa kaniya sa practice na ‘to kaya we are here to the rescue. Tamang-tama talaga ang pagdating ni Froilan. Para siyang blessing in disguise.   “Bakit ba kasi napasama pa ‘ko sa kalokohan n’yo? Tsk!" Umaangal pa siya pero sa huli ay pumayag din naman. “Fine!”   Napahawak naman si Brigette sa kamay ni Froilan dahil sa tuwa na kaagad din niyang binawi nang mapansin ang nanlilisik na mga mata ng aming friend. Mukhang nagiging possessive na siya.   "Ah... Rouin, since you’re the one to portray the character of the prince so, you know na dapat what to do,” sabi ni Brigette.   Bumuntong-hininga naman si Rouin. "Bakit kasi lalake pa ang naging role ko e?" pagrereklamo niya pa.   "Next time kasi galingan mong bumunot." Tinawanan ko siya . "Ako? Anong gagawin ko?" tanong ni Froilan. Nice! Mukhang interesado talaga siyang makatulong para sa friend namin. Pagkakataon na namin ‘to.   "On chapter 1, you will be the horse," sabi ni Brigette. "WHAT???" Gulat na gulat naman ang reaksyon ni Froilan at ng sissy ko. Hindi ko napigilang matawa. This will be exciting.   "No way!" angal ni Froilan.   "Brige, naman... oo mukha nga siyang kabayo pero ayokong sumakay sa kanya no?!" angal din ni sissy.   "Sino naman nagsabing sasakay ka sa kaniya? Kakausapin mo lang siya. Basahin mo kasi yung script. Focus!" paliwanag naman ni Brige.   "Teka nga at sinong mukhang kabayo ha?" Si Froilan mukhang naaasar na naman.   "Sino pa ba ang papapel sa role ng kabayo?" Nakairap pa tong si Rouin. Grabe. Wala yatang araw na hindi sila magbabangayan.   "Ah ganon? Mukhang kabayo pala ha…" sabi ni Froilan habang unti unting lumalapit kay Rouin. Atras naman ng atras si Rouin hanggang ma-corner siya nito sa my likod ng sofa.   "p*****t ka talaga!" Sasampalin na sana ni Rouin si Froilan pero nahawakan ni pogi ang kamay niya . His eyes were looking at her directly na parang wala ng ibang tao roon. Para lang akong nanonood ng movie kung saan kaibigan ko ang bida. His face was getting closer and closer at si Rouin napapikit na lang. Ang kaso…   Biglang tumawa ng malakas ang magaling na si Froilan.   Dumilat naman si Rouin. "Damn you!" Sabay hampas sa dibdib ni Froilan.   "As if naman na hahalikan kita. Asa ka talaga." Halos mamatay sa katatawa si Froilan. Sa kabilang banda lihim na tumatawa din syempre kami. Epic kasi ang itsura ni sissy. Alam mo ‘yong itsura ng disappointed.   "I hate you!" sigaw ni Rouin kay Froilan. Nag-iba agad ang expression ng mukha ni Froilan. Kahit ganito ako, talagang inoobserbahan ko ang bawat kilos at reaksyon nila. Pero bakit kaya bigla na lang siyang sumeryoso?   "O siya, tara na practice na. Read the lines, Rouin," sabi ni Brigette na kaagad namang ginawa ni Rouin.   Her eyes was on the script but her heart is floating in the sky. Damang-dama namin ang bawat lines habang binabanggit ang bawat lines. "How I wish you were here. How I wish you are her. How I wish I can turn back time. I really miss her. I really do love her." The lines that Rouin started to read. Suddenly she stops reading . "O baket?" tanong ni Froilan.   "Kailangan ko ba talagang gawin to?" tanong ni Rouin habang tinuturo ang nakasulat sa script. Kaagad naman naming tiningnan ang nakasulat sa script at tumango kaagad si Brigette.   "Oo naman," sabi pa nito.   Kaya naman.   She suddenly hugs Froilan and then kiss him on the forehead afterwards.   Si Froilan naman tila nagulat to the point na hindi na nakagalaw. Nanigas ito at mukhang pilit pa ring pina-process ng utak nito ang nangyayari.   Then few moments later…   "Akala ko ba hindi ako sasakay sa kaniya?" tanong ni Rouin.   "Nagrereklamo ka pa, sasakay ka na nga lang. Kung gusto mo palit tayo, ako sasakay sayo," sabi ni Froilan. Na-shock kaming tatlo nila Kitkat sa sinabi niya samantalang halos magkulay kamatis na ang mukha ni Rouin sa labis na pamumula.   "O baket?" Nakuha pang itanong ni Froilan.   "Ah, Froilan, medyo masagwa kasing pakinggan." Pangiti-ngiti naman si Kitkat   "Ang halay kaya, Froilan." Si Brigette habang pilit nagpipigil ng tawa.   "Parang mas excited ako sa part na magpapalit kayo ng position,” sabi ko at matatalim na mata kaagad ang bumabato sa akin mula sa aking mga dear sissy. “Joke lang.”   So, ganoon nga ang nangyari. Ipinagpatuloy namin ang pagpa-practice para sa mataas na grades na inaasam namin. Ngayon naman kasalukuyang nakaluhod si Froilan at ang mga kamay niya ang nasa sahig. Iyong point na gumagapang pa lang ang baby. Si Rouin naman nakaupo sa likod niya habang hirap na gumagapang si Froilan.   "Ang bigat mo talaga. Mag-diet ka nga," angil ni Froilan kay Rouin.   Pinalo naman niya si Froilan sa balikat.   "Aray! Ano ba?"   "Kabayo ka! Wala kang karapatang magreklamo," sabi ni Rouin habang nakangiti nang malapad. Mukhang feel na feel naman niya.   Hindi ko naiwasang pagmasdan nila. Ang sweet lang nilang panoorin. Sana kagaya ni Froilan ang magiging asawa ko. Napakaswerte talaga ng sissy ko.   "Bilisan mo dali. Yaaaa!" sabi ulit ni Rouin sabay palo ulit sa balikat nj Froilan. Mukhang gumaganti talaga siya kay Froilan.   "Aba! Nakakarami ka na ha?" Habang si Froilan naman ay mukhang naba-badtrip na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD