bc

Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
stepfather
mystery
like
intro-logo
Blurb

"Babalik ka naman di ba. Andito pa rin naman ako sa isla sa pagbabalik mo. Hihintayin ko ang pagbalik mo, Ka-MU ko." Pag-aassure ko sa kanya.

"Promise yan ha, Rich? Hihintayin mo ako. Walang magbabago. Ka-MU ko pa rin kita sa pagbabalik ko dito sa isla." Naniniguradong saad ni Johan.

Nagkakilala sina Richelle at Johan sa abroad sa isla ng Luta kung saan sila naging magkatrabaho. May asawa na si Richelle samantalang binata naman si Johan. Bagamat may asawa na si Richelle ay hindi pa din napigilan ni Johan na mahulog ang loob nya kay Richelle at mahalin si Richelle. Gayun din naman si Richelle. Nahulog din ang loob niya kay Johan at napamahal na din sa kanya si Johan. Bago nga nagbakasyon si Johan sa Pilipinas ay naging mag-MU sila. Nangako sa isa't isa na mananatiling magka-MU hanggang sa pagbabalik ni Johan sa Luta.

Ngunit dahil sa isang pangyayari ay tila hindi na matutupad ang pangakong binitiwan. Magkakaroon pa nga ba ng happy ending sina Richelle at Johan o tuluyan na lang magiging mali ang pagiibigan nila?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Hi. Kanina ka pa? Sorry kung medyo late ako.” Ani sa akin ng babaeng nakatayo sa harap ko na ikinakunot ng noo ko at ikinagulat ko ng bonggang bongga ng mapagtanto ko kung sino siya. Potek. Ako ba ang kinakausap niya? Ano ang ginagawa niya dito? Of all people, bakit siya ang andito? Tanong ko sa sarili ko. Nakaupo ako ngayon sa loob ng isang fast food restaurant sa may Pasay Rotonda. Kakadating ko lang din dito ilang minuto palang ang nakakalipas. Iniintay ko dito si Johan na nagtext sa akin two days ago na magkikita kami ngayon dito sa Pasay. Pero imbes na si Johan ang dumating ay ang babaeng ito na nakatayo nga sa harap ko ang nandito at kinausap ako. Napaisip tuloy ako kung si Johan nga ba talaga ang nagtext sa akin noong isang araw na magkita kami ngayon dito o hindi. s**t. Is this a trap? Bakit nga ba kasi hindi ko tinawagan si Johan to confirm na magkikita kami ngayon gaya ng ginagawa ko dati pag nagtext siya sa akin lalo na ibang number yung ginamit nung nagtext sa akin? Tinext ko lang kasi siya ng "OK, Hon, see you there." Hay naku, Richelle. Masyado ka kasing naexcite sa text ni Johan. Ilang linggo na din kasi ang nakalipas ng huli kaming magkita. Si Johan ay kasamahan ko sa pinagtratrabahuhan ko abroad na nakarelasyon ko kahit na pareho kaming may-asawa that time at karelasyon ko pa din until now na byuda na ako. Sabay kaming nagbakasyon ngayon dito sa Pilipinas gaya ng nakasanayan na naming gawin simula ng maging magkarelasyon kami. At ang babaeng nasa harap ko ngayon ay walang iba kundi ang totoong asawa ni Johan na si Eula. “Pwede ba akong umupo?” Tanong sa akin ni Eula na pumukaw sa pagkagulat ko. “Ah. Eh.” Ani ko na medyo nagaalangan. Hindi ko alam kung OO ba o Hindi ang isasagot ko sa kanya. Saka paanong hindi ako magaalangan na may halong pagkataranta? Yung dating sa malayo at sa litrato ko lang nakikita ay eto kaharap ko na ng personal. "Ah sige, maupo ka." Ani ko na lang ng mapansin ko na nakatingin na sa amin ang ibang customers sa mga table na malapit sa amin. “Relax ka lang, Richelle. Wala akong balak na awayin ka. Wala din akong balak na mag-eskandalo sa harap mo. Andito ako para makilala ka ng personal at makausap ka." Mahinang saad ni Eula habang nakangiti sa akin nang makaupo na siya sa tapat ko. Hindi naman sarcastic yung ngiti nya. “Kilala mo ako?” Gulat kong tanong sa kanya na ilang sandali lang ay pinagsisihan kong itanong. Tinawag ka nga nyang Richelle di ba so it means kilala ka niya. Shunga lang, Richelle, ani ng utak ko. “Oo, Richelle. Kilala kita. Matagal na. Alam ko kung sino ka. Alam ko kung sino ka sa buhay at puso ni Johan." Ani ni Eula na nakangiti pa din sa akin at walang anumang galit akong nakikita sa mukha niya. "Ha?" Matipid kong tanong. "Ikaw si Richelle. Ang INVISIBLE WOMAN sa pagitan namin ni Johan. Ikaw ang patuloy na nagmamayari sa puso niya at sa iyo lang nakatuon ang atensyon niya na ilang taon ko na ding alam na nageexist.” Ani ni Eula na inemphasize pa niya ang sinabi niyang INVISIBLE WOMAN. Napayuko ako sa sinabi ni Eula. Hindi ko na magawang magkaila pa o ideny ang sinabi niya dahil there’s no use if magsisinungaling pa ako. Yun naman talaga ang totoo. Kasalo niya ako sa asawa niya all these years. Kabit ako ni Johan and it’s been 8 years na na may relasyon kami ni Johan. "Alam ko din na kung ilang taon na kaming kasal ni Johan ay ganoon din ang taon na magkarelasyon kayo. Tama ako di ba?" Tanong ni Eula. Isang pagtango lang ang naitugon ko kay Eula dahil tama naman siya. Naging "officially" kami ni Johan after nilang ikasal ni Eula though MU na kami ni Johan bago pa sila ikasal. "Oo nga pala, nakalimutan kong iintroduce ang sarili ko sayo. Pasensya ka na. Ako nga pala si.." Hindi ko na pinatapos si Eula sa pagpapakilala niya sa akin. Nagsalita na ako agad. "Hindi na kailangan, Eula. Kilala din kita. Sa umpisa pa lang ng kinalalagyan nating masalimuot na sitwasyon na ito, alam ko na kung sino ka." Ani ko. "Ang gusto ko lang malaman kung bakit ka andito?" "Andito ako para makilala ka ng personal at malaman mula sayo ang lahat lahat tungkol sa inyo ni Johan. Mula sa umpisa hanggang ngayon." Saad ni Eula. "Bakit ako? Bakit sa akin? Bakit hindi kay Johan?" Tanong ko kay Eula. Nakatingin kami sa mga mata ng isa't isa. "Dahil wala akong lakas ng loob na tanungin si Johan." Pag-amin ni Eula. "Pero ako kaya mong harapin? Mula La Union, pumunta ka dito sa Maynila para tanungin ako." Nagtataka kong saad. Taga La Union sila Johan. Ako naman ay taga Bulacan. "Oo, Richelle, dahil mas kakayanin kong sayo manggaling ang katotohanan. Hindi ko kayang makita sa mga mata ni Johan ang totoong nararamdaman niya para sayo kung siya ang tatanungin ko." Malungkot na saad ni Eula. Magkahalong awa, guilt feelings at kaba ang nararamdaman ko habang nakatingin kay Eula na ngayon ay nangingilid na ang luha sa mga mata nya habang nakaupo sa harap ko. "Hindi alam ni Johan na makikipagkita ako sayo ngayon." Saad ni Eula. "Kaya nakikiusap ako sayo, Richelle. Sabihin mo sa akin ang lahat. Gusto kong malaman mula umpisa ang kwento nyo ni Johan." Napabuntong hininga na lamang ako. Nakikita ko sa mga mata ni Eula na pursigido siyang malaman ang lahat. Na hindi siya aalis hanggat hindi niya nakukuha ang pakay niya. "Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Hindi pa. Dito na ako dumiretso pagkagaling ko sa terminal ng bus." Saad niya. "Mag-isa ka lang lumuwas dito sa Maynila?" Tanong ko kay Eula na tinugunan lang niya ng pagtango. "Kumain na muna tayo. Oorder lang ako ng makakain natin." Ani ko sabay tayo para umorder. "Pero.." Ani ni Eula sabay hawak sa kamay ko para pigilan ako. "Promise, Eula, maguusap tayo. Gagawin ko ang gusto mo pero pagkatapos nating kumain at mamahinga sandali. Mukhang pagod ka pa sa byahe." Saad ko at binitiwan na ni Eula ang kamay ko. "May gusto ka bang partikular na kainin?" Tanong ko sa kanya. "Kagaya na lang ng sayo." Ani niya at akma pa siyang dudukot sa bulsa nya. "Ako na ang bahalang magbayad. Bisita kita kaya dapat kitang asikasuhin." Nakangiti kong saad sa kanya. Ngumiti din siya sa akin bilang pagsangayon niya sa sinabi ko. Nagtungo ako sa counter para umorder. Tahimik lang kaming kumain ni Eula. Pinakikiramdam ang galaw ng bawat isa. Pareho kaming lihim na pinagmamasdan ang bawat isa pag isa sa amin ang hindi nakatingin sa isa. Halos magkasingtangkad lang din kaming tatlo nina Johan. May konti siyang make up sa mukha samantalang ako ni lipstick ay wala. Hindi ko kasi natutunan ang magmake up. Or mas tamang sabihin na hindi ko talaga inaral ang magmake up. Mahaba ang buhok niya samantalang ako ay pixie cut na mahaba ang bangs. Parang rockista lang ang peg. May nail polish at medyo mahaba ang mga kuko niya. Ako, nakasanayan ko ng gupitan ang mga kuko pag nakita kong may puti na sa dulo. Minsan lang yata ako naglagay ng nail polish sa kuko ko nung nagpapicture ako para sa graduation picture namin noong college at nung mismong araw ng graduation ko ng college that was 13 or 14 years ago na yata. Girlie style siya samantalang ako may pagka boyish. Maganda kami pareho on our own style. "Halika ka na muna, Eula. Huwag tayo ditong magusap. Hindi ito ang tamang lugar. Kung gusto mong malaman ang lahat, sumunod ka sa akin." Ani ko kay Eula ng pareho na kaming nakakain at nakapamahinga na sandali. Tumayo ako saka naglakad papunta sa pinto. Agad din namang tumayo si Eula at sumunod na naglakad sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.4K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.1K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.9K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
52.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook