CHAPTER 2

2310 Words
Sa simbahan ng Baclaran ko naisipang pumunta tutal ito ang alam kong pinakamalapit na simbahan sa Pasay. At kung gustong malaman ni Eula ang lahat ay ito ang tamang lugar para mag-usap kami. Naupo ako sa isa sa mga concrete bench sa ilalim ng isang puno na mayabong na nasa garden ng simbahan. Wala namang gaanong tao dahil hindi naman Wednesday ngayon at makulimlim ang langit kaya hindi mainit. Bukod sa may mga puno at halaman ay may mahinang hangin na umiihip. Naupo sa tabi ko si Eula. "I was 27 years old ng mag-abroad ako. 4 years na akong may asawa at 2 na ang anak ko that time. 18 months pa lang ang bunso ko noon while 3 and a half years old naman ang panganay ko ng magdecide akong tanggapin yung job opportunity bilang accountant ni Sir Joe sa Luta. Kahit na CPA ako, I was not able to establish a stable career dito sa Pilipinas dahil naging tanga ako sa larangan ng pag-ibig. Napabayaan ko ang career ko dahil nga nag-asawa ako. I fell madly in love sa isang lalake na akala ko ay magiging katuwang ko sa buhay sa pagbuo ng pinapangarap kong pamilya. Pero sabi nga nila, matalino man daw ang isang tao pero nagiging tanga pagdating sa pag-ibig. I was idealistic then kaya umasa akong magbabago siya to provide for us ng mga anak namin. Hindi ko naman pinangarap ang isang marangyang buhay. Ang gusto ko lang naman magpursige siya para maprovide nya sa amin ang mga basic needs namin. Maging kaagapay ko siya sa pagtataguyod sa pamilya namin. Pero yun nga, naging 2 na ang anak namin pero hindi siya nagbago. Iniasa niya sa akin at sa Nanay ko ang pagproprovide sa mga anak namin. Noong una ang akala ko nag-buhay binata pa din siya kahit na 2 na ang anak namin. Pero mali pala ako. Nadiskubre ko yung totoong dahilan ng mamatay siya." Ani ko. May kirot akong naramdaman sa puso ko ng maalala ko ang kwento namin ng namayapa kong asawa na si Rex. "Dahil nahihiya na ako sa Nanay ko at gusto kong mabigyan ng magandang future ang mga anak ko ay nagapply ako ng work abroad kahit na alam kong mahirap at masakit dahil malalayo ako sa pamilya ko. Bukod doon ay first time kong mahihiwalay sa Nanay ko na that time ay 50 years old na. Only child lang kasi ako at namatay na si Tatay ko noong nasa high school pa lang ako. Si Nanay ko ang mag-isang nagtaguyod sa akin kaya ninais ko ding kahit paano makabawi ako kay Nanay ko bago pa man sila magkasama ulit ni Tatay ko. Para may mag-alaga sa mga anak ko at sa bahay na namin pinatira ang byenan kong babae bukod pa sa yaya na kinuha ko para sa mga anak ko. Patay na din kasi yung byenan kong lalake. Pero kahit na ganoon ang asawa ko at alam ko sa sarili ko na naubos na ang pagmamahal ko sa kanya, I still stayed sa marriage namin. Hindi ko siya hiniwalayan dahil ayokong lumaki ang mga anak ko sa isang broken family. Mali man pero ayoko ding maipamukha sa akin ng mga kamaganak namin na mali ang naging desisyon ko na ipaglaban sa kanila ang lalakeng pinakasalan ko dahil from the start ay ayaw nila sa napangasawa ko. Sinuway ko pati si Nanay ko sa pagpapakasal ko sa asawa ko. Kaya kahit napakasakit at mahirap sa akin ay umalis ako. Pinili kong magtrabaho abroad to redeem myself and to provide a better future sa mga anak ko pati na kay Nanay ko." Pagkwekwento ko kay Eula. Naramdaman kong tumulo ang luha ko sa pisngi ko na hindi ko na napigilan kaya agad ko itong pinunasan ng kamay ko dahil ayokong makita ni Eula na umiiyak ako. Pero mayamaya lang ay naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Eula sa balikat ko. "Naiintindihan kita, Richelle. Huwag kang mahiyang umiyak sa harap ko." Ani sa akin ni Eula. Ramdam ko ang sinseridad ni Eula sa sinabi niya. "Wala ako ni isang kakilala sa Luta nang dumating ako doon dahil yung kakilala ko na nagrecommend sa akin kay Sir Joe ay nagmigrate na sa US Mainland a day before my flight papuntang Luta." Ani ko. "Ang Luta ay isang isla na sakop ng Pacifc Islands na nasa gitna ng Pacific Ocean. Na kahit US territory ito ay walang mga amenities na nakasanayan natin dito sa Pilipinas. Simple lang at tahimik ang pamumuhay sa Luta na nagustuhan ko dahil hindi din naman ako mahilig umalis ng bahay namin. Nakilala ko si Johan, a few days after kong dumating sa Luta. That was in June 2003. Farmer pa siya noon ni Sir Joe samantalang yun nga accountant naman ako. Noong una hi, hello, good morning lang kami sa isa't isa sa tuwing nagkikita kami ni Johan sa barracks namin or sa grocery kung saan ako naka-assign. Every Saturday evening lang naman kasi siya at yung isang farmer na kasamahan namin umuuwi sa barracks usually. Monday to Friday naman ay sa farm ni Sir Joe sila nagstay at natutulog. Mauuwi lang sila sa barracks ng weekdays pag may container van na dumating na galing Guam na naglalaman ng mga stocks na pinurchase ni Sir na ibebenta sa grocery na kailangan nilang iunload or may ipapagawa sa kanila si Sir sa village. Hindi lang kasi sila farmer kundi all around maintenance men din sila. Kung ano ang maisipang iutos nina Sir at Maam pati na ang mga anak nila ay ipinapagawa sa kanila. Minsan pa nga isinasama silang magnight fishing or maglinis sa bakuran ng simbahan. Parte kasi ng parish council sina Sir Joe at Ma'am Ancha kaya pag may mga event or okasyon sa church ay kasama kami sa punong abala. Pati nga ako ay hindi din nakaligtas sa mga inuutos ng mga amo namin. Naexperience ko din ang maglinis ng simbahan. Maraming 1st time para sa akin ang naexperience ko noong nagtratrabaho ako sa abroad. Aminado naman ako na while growing up pampered ako kay Nanay ko. Then dito naman sa Pilipinas kung ano ang scope ng work mo ay yun lang ang gagawin mo. Pero sa abroad, hindi. Lahat ng ipagawa sayo ng amo ay kailangang mong gawin. Kaya pagdating ko sa Luta ay kinalimutan ko na muna na CPA ako dahil naranasan kong maglinis ng opisina, ng simbahan, pati bakuran ng apartment ng amo namin, magtapon ng basura, mag-mop sa inn at grocery pati na ang maging kahera at stock clerk." Paglalahad ko. Tinignan ko si Eula. Matiim siyang nakikinig sa akin. "Hindi ko na din matandaan kung paano at kung kelan exactly nag-umpisa na naging close kami ni Johan. Basta ang alam ko lang ay one time na nasa barracks si Johan ay inabutan niya akong nakaupo sa harap ng barracks namin. Yun na kasi ang nakasanayan kong gawin. Kasi nga 8am to 5pm ang pasok ko. Pag out ko ng 5pm and after kong magmerienda ay wala na akong gagawin. Usually yung merienda ko ay yun na din ang dinner ko. Besides, wala naman akong kasama pa sa barracks dahil 7pm pa ang out ng mga cashier at stock clerk sa grocery. So ayun nga, umupo din siya sa harap ng barracks at nakipagkwentuhan sa akin. Hanggang sa naging routine na naming dalawa ni Johan ang magkwentuhan kami sa may harapan ng barracks namin habang nakatanaw sa mga nagdadaan sa kalsadang ilang dipa lang ang layo mula sa barracks. Then as weeks passed by at automatic na yon na pag hindi ako nakita ni Johan sa common area ng barracks namin ay kakatok siya sa kwarto ko para palabasin ako. May kani-kaniyang kwarto ang bawat isang empleyado. Nasa magkaibang side ng barracks ang kwarto namin ni Johan. Naging routine na naming dalawa ang magkwentuhan pag nasa barracks siya at pag wala siyang ibang lakad. Marami kasi siyang ibang kaibigan sa isla samantalang ako eh wala naman akong ibang kakilala sa isla kundi silang mga kasamahan ko lang. Grocery barracks lang naman kasi ako. Bukod pa doon ay kami lang ang magkasing edad ni Johan sa barracks. Yung ibang kasamahan kasi namin ay mas matatanda sa amin. Saka wala naman kasi kaming ibang mapaglilibangan dahil pareho kami ni Johan na walang TV sa kani-kaniyang mga kwarto namin that time. May CD player siya sa kwarto niya pero syempre hindi naman ako pwedeng pumasok sa room nya. Hindi gaya ng ibang kasamahan namin na kumpleto ang entertainment showcase sa mga kwarto nila." Natawa pa ako after kong sabihin yung entertainment showcase na may emphasis. "Naging biro kasi namin ni Johan yon na parang kawawang kawawa naman kaming dalawa dahil nga yung ibang kasamahan namin sa barracks ay kumpleto ang mga gamit at mga naka-aircon pa ang mga kwarto. Samantalang kami ay parehong electric fan lang ang meron kami. Para silang mga miyembro ng alta sociedad samantalang kami ni Johan ay daig pa ng mga squatter dito sa Pilipinas." Ani ko at natawa pa ako. Pati si Eula ay narinig ko ding tumawa "Pero aaminin ko sayo, Eula, na unang kita ko pa lang kay Johan at kahit na I don't know anything about him that time ng ipakilala ako sa kanya ni Sir Joe, I felt something unusual sa puso ko. Alam mo yun? Yung may lundag akong naramdaman sa puso ko." Tumango si Eula sa akin bilang pagsangayon na naiintindihan niya yung sinasabi ko. "So ayun nga as the days pass by ay naging close kami ni Johan. May friendship na nabuo between us. We can talk about anything. Walang pretensions. We could be ourselves pag magkasama kami. No need to hide anything. Ke sehodang magsalitang kalye kami or magsabi ng bad words na nakasanayan na naming expressions ay we both don't care. Nagkapalagayan kami ng loob at paunti-unti ay nakilala namin ang isa't isa na pati na ang tungkol sa kani-kaniyang pamilya namin ay napapagusapan namin. Saka minsan tumutugtog siya ng gitara habang kumakanta siya. Magaling siyang maggitara at maganda din ang boses niya. Ako tagapakinig lang sa kanya. Audience lang kasi nga kahit na I love music eh hindi naman kagandahan ang singing voice ko. Siya ang nagintroduce sa akin ng country music na eventually nagustuhan ko din. Hindi lang ang pagkahilig sa country music ang natutunan ko sa kanya kundi pati pagkain ng mga gulay na dati ay hindi ko kinakain gaya ng okra, labanos, yung mga talbos ng kung ano anong gulay at bell pepper. Sa kanya ko din nalaman na may bunga pala ang malunggay at pwede palang kainin. Kahit na makulit siya ay mabait naman kasi si Johan, palabiro, humble at hindi boring kausap kaya napanatag ako sa kanya. Matalino siya at may lalim. Bukod sa masipag siya at responsable. Madalas nga kahit Sunday nagpapart time siya sa farm ng ibang locals doon." Pagkwekwento ko kay Eula. "Ang sabi niya ay panganay siya sa limang magkakapatid na lalake. That time ay siya at yung bunso na lang nila na si Junior ang wala pang asawa. Yung tatlo daw ay may mga sariling pamilya na. Pero alam mo naman si Johan na gagawin ang lahat para matulungan niya ang parents niya pati na ang mga kapatid niya. He works hard hindi lang para sa sarili niya but also para sa family niya. Hindi niya kayang tiisin na hindi tumulong sa mga kapatid niya. Isang tawag lang ng kahit na sinong kapatid niya ay pupunta agad yan sa remittance center para magpadala kay Auntie Nilda niya para maibigay sa kapatid niyang humihingi ng tulong sa kaniya." Ani ko. "Maski naman noong mag-asawa kami at until now ay patuloy pa din niyang tinutulungan ang mga kapatid niya." Ani ni Eula na sinangayunan ko sa pamamagitan ng pagtango ko. "Noong tinanong ko siya kung may girlfriend siya, ang sabi niya ay wala daw. Biniro ko pa siya noon na baka sa Luta lang siya walang girlfriend pero sa Pilipinas ay meron. Ang sabi niya ay wala daw siya talagang girlfriend. May niligawan daw siya dati sa Luta pero dahil nga sa farmer lang daw siya ay hindi siya pinansin. Binasted daw siya. Saka daw ng minsang malasing siya ay nakulit nya si girl at yung ate ni girl kaya ayun, naturn off daw sa kanya. Ewan ko ba kasi kay Johan. Pag nasosobrahan ng lasing eh nagiging ubod ng kulit. Parang sinasapian. Hindi ka lulubayan hanggang sa mainis ka sa kanya." Kwento ko. "Pero pag hindi naman lasing, kala mo hindi makabasag pinggan. Ingat na ingat sa mga sasabihin niya. Tapos hindi na niya alam yung ginawa nya nung lasing siya." Ani ni Eula. "Korek. Nagkakaroon bigla ng amnesia kinabukasan sabi nga ng mga kasamahan namin." Pagsang ayon ko sa sinabi ni Eula at sabay pa kaming natawa. "Four months na ako noon sa isla ng isang hapon na ayain ako ni Johan na maglakad lakad sa beach na malapit lang sa barracks namin para naman daw makasagap ako ng sariwang hangin. Puro lang daw kasi ako sa grocery at barracks saka sa simbahan pag Sunday para magsimba. Kaya daw wala akong ibang kilala kundi siya. Which is totoo naman. Bukod sa mga kasamahan namin ay mabibilang lang sa daliri ang kilala ko sa isla. Hindi naman kasi ako palalabas ng barracks pag rest day ko. After kong maglaba at maglinis ng kwarto ko ay nagmumukmok lang ako sa kwarto ko. Maski naman dito sa Pilipinas ay ganoon din ako." Saad ko. "Pareho pala tayo. Hindi din ako palalabas ng bahay namin." Ani ni Eula. Nginitian ko si Eula at saka ako bumuntung hininga dahil ito na yung part na alam kong magiging masakit para sa aming dalawa ni Eula. Kay Eula dahil malalaman na niya ang katotohanan. Ako dahil magbabalik tanaw ako sa kung paano kami nagsimula ni Johan na may guilt feelings habang kinukwento kay Eula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD