October 1...
Halos 15 minutes na kaming naglalakad lakad ni Johan sa dalampasigan nang ayain niya akong umupo sa isa sa mga wooden bench na nasa beach.
"Rich, upo muna tayo doon." Aya sa akin ni Johan sabay turo sa wooden bench na malapit sa amin. Rich na ang nakasanayan niyang itawag sa akin samantalang Johan pa rin ang tawag ko sa kanya kasi kung Jo parang pangalan ng babae. Pag Han naman kasi parang iba ang ibig sabihin.
"Sige, tara." Ani ko. Nang makalapit kami sa bench ay agad akong umupo kahit na akmang papagpagan pa ni Johan yung uupuan namin.
"Putaragis, Rich, hindi mo man lang pinagpagan yang inupuan mo. Umupo ka na lang basta." Saad ni Johan. Nakatayo pa din siya sa harapan ko.
"Ang arte mo naman. Sus, umupo ka na nga. Malinis naman ah." Sagot ko sa kanya.
"Maalikabok kaya. Baka magka-allergy ka pa. Ako sanay na sa alikabok. Eh ikaw?" Tila nagaalalang saad ni Johan.
"Tss. Hindi din ako sensitive sa alikabok. Haragan din ako gaya mo. Kaya wag ka ng magworry dyan." Paninigurado ko sa kanya.
"Kunsabagay, mukhang balat kalabaw ka naman." Biro sa akin ni Johan sabay tawa.
"Anong balat kalabaw? Batukan kaya kita dyan." Ani ko sabay akma ng kamay ko kay Johan na agad naman niyang hinawakan.
"Hindi ka naman mabiro." Saad niya sabay salikop ng kamay niya sa kamay ko.
"Hoy, Johan, yung kamay ko. Baka gusto mo ng bitawan." Pasita kong paalala sa kanya nang hindi pa niya binibitawan ang kamay ko.
"Hawak lang naman, Rich. Holding hands lang as friends." Saad niya.
"Eh…" Pag-angil ko bilang pagkontra sa gusto niya.
"Ngayon lang, Rich. Wala namang malisya 'tong paghawak ko sa kamay mo." Ani niya na hindi ko na kinontra pa dahil baka akalain pa niya na malisyosa ako.
"Ang ganda ng sunset." Saad ko na lang habang nakatingin sa papalubog na araw sa dagat ng sandaling yon. Magkahalong gray at orange na ang kulay ng langit. "Gustong gusto kong pinapanood ang paglubog ng araw saka yung magstar gazing." Ani ko.
"Nakakarelax di ba?" Patanong na saad ni Johan sa akin na sinangayunan ko sa pamamagitan ng pagtango sa kanya. "Ako din paborito kong tignan yung papalubog na araw pati yung pagstar gazing. Yun ang madalas kong gawin sa farm sa hapon at bago matulog sa gabi. Mamamasyal ka kasi dito sa tabing dagat, Rich, tuwing hapon pag hindi ka masyadong pagod. Imbes na nagmumukmok ka lang sa kwarto mo pag wala ako sa barracks. O kaya sa umaga pag restday mo eh maglakad lakad ka muna dito bago ka maglaba. Bukod sa iwas homesick, maeexercise ka na sa paglalakad at makakasagap ka pa ng sariwang hangin. Saka para hindi nababaribot yang utak mo." Dagdag pa ni Johan.
"Grabe ka sa akin. Baribot ka dyan. Para namang ang sama sama ng mga iniisip ko." Pagkontra ko sa kanya.
"Ang ibig kong sabihin sa baribot rh yun bang hindi kung ano ano ang iniisip mo na makakapagpahomesick sayo at para hindi ka nag-iiiyak sa kwarto mo." Pagpapaliwanag ni Johan.
"Teka nga. Paano mo naman nalaman na nagiiiyak ako sa kwarto ko, aber?" Nakataas ang isa kong kilay na tanong ko sa kanya.
"Naikwento sa akin ni Kuya Nitoy. Alam naman kasi nila sa barracks na close tayo. Ilang beses ka na daw kasing narinig ni Ate Gemma na umiiyak ka sa kwarto mo. May times pa nga daw na pumapasok ka sa grocery sa umaga na mugto ang mga mata mo. Kaya sabi nga nina Ate Gemma at Ate Libay sa akin na libangin daw kita pag nasa barracks ako kasi nga hindi ka naman nila masamahan dahil may mga asawa silang inaasikaso." Saad ni Johan.
Si Kuya Nitoy ay stocker s***h helper sa grocery samantalang si Ate Gemma ay asawa ni Kuya Nitoy na cashier naman sa grocery. Si Ate Libay ay cashier din sa grocery. Asawa naman ni Ate Libay si Kuya Leo na farmer din ni Sir Joe.
"Hina-hinaan mo kasi ang paghagulgol mo para hindi naririnig ng mga kalapit kwarto mo." Kantyaw sa akin ni Johan.
"Namimiss ko lang kasi si Nanay ko at ang mga anak ko." Pag-amin ko pero agad din akong rumesbak kay Johan. "Palibhasa kasi ikaw eh limang taon ka na dito sa isla kaya sanay ka nang mamuhay dito at wala ka namang namimiss bukod sa andito sa isla ang uncle mo na pwede mong pasyalan." Tila nanunumbat kong saad.
"Anong wala? Akala mo lang yon. May namimiss din kaya ako lalo na pag nasa farm ako." Saad ni Johan.
"Sino? Sina Mama at Papa mo pati mga kapatid mo?" Ani ko.
"Oo saka…" Saad ni Johan na halatang binitin ang sasabihin niya. Tila iniisip niya kung itutuloy pa ba ang sasabihin niya o hindi na.
"Saka sino pa?" Tanong ko ng mainip ako sa susunod na sasabihin niya.
Nginitian lang ako ni Johan.
"Aba, teka. Kakaiba yang ngiti mo ah. Parang kinikilig ka." Ani ko. "Mukhang pumapag-ibig na ang bestfriend ko dito sa Luta ah." Hula lang yung sa akin pero napansin kong mas napangiti pa lalo si Johan sa sinabi ko.
"Basta." Tugon ni Johan at nakita kong nagblush siya.
"So meron nga kasi nagblush ka. Who's the malas na babaeng nagustuhan mo na namimiss mo, aber, Mr. Johan Buenaventura?" Kantyaw ko kay Johan.
"Malas na babae talaga? Mas grabe ka sa aking magsalita, Richelle Mae Gonzales Palma. Tinawag mo nga akong bestfriend pero may kasamang insulto naman." Tugon ni Johan na di ko malaman kung tatawa ba siya o maiinis sa sinabi ko na ikinatawa ko pati na ang pagtawag niya sa akin ng kumpletong pangalan ko.
"Dapat pati middle name ko noong dalaga pa ako eh sinabi mo na din para kumpletong kumpleto na yung pangalan ko, Mr. Johan Victores Buenaventura." Ani ko habang tumatawa.
"Sorry naman. Hindi mo po kasi sinabi sa akin kung ano ang maiden surname ni Nanay mo." Saad ni Johan na hindi ko mawari kung naiinis ba or natutuwa pa din sa sinasabi ko.
Pilit kong pinipigilan ang pagtawa ko dahil nakakunot na ang noo ni Johan habang nakatingin sa akin.
"Guevarra po ang maiden surname ng Nanay ko." Saad ko. "Pero sino nga yang nagugustuhan mo? Ipakilala mo naman sa akin." Dagdag kong saad kay Johan.
"Kilala mo siya, Rich. Kilalang-kilala." Ani ni Johan na nakangisi na ngayon sa akin na tila nangiinis.
"Sino nga? Sabihin mo na." Pagpupumilit ko.
"Huwag na. Baka magalit ka pa." Tugon ni Johan. Hawak pa din niya ang kamay ko.
"Bakit naman ako magagalit?" Tanong ko. "Haist. Bakit kasi ayaw mo pang sabihin?" Ani ko na tila batang nagmamaktol dahil sa naiinip na ako. Ayaw pa kasing sabihin ni Johan kung sino ang namimiss niya.
"Alam mo para kang bata pag nagmamaktol ka, Rich. Ang cute mo." Ani ni Johan sabay pisil sa pisngi ko.
"Tss. Nakakainip ka kasi. Pinagtatagal mo pa kasi. Sagutin mo na kasi yung tanong ko." Ani ko.
"Promise mo muna sa akin, Rich, na hindi ka magagalit." Saad ni Johan.
"I promise." Saad ko na nakataas pa ang isang kamay ko na tila nanunumpa. "Sino nga?" Dagdag ko pa.
Bumuntong hininga muna si Johan.
"Ikaw." Agad na seryosong tugon ni Johan na nakatitig sa akin.
"Ako? Anong ako?" Napakunot ang noo kong tanong kay Johan. Tila naguluhan ako sa sagot niya.
"Ikaw yung sinasabi mong malas na babaeng nagugustuhan ko na sinasabi kong namimiss ko lalo na pag nasa farm ako." Saad ni Johan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin.
"Potek! Magtigil ka nga dyan, Mr. Johan Buenaventura. Huwag mo nga akong biruin ng ganyan. Ang tino tino ng tanong ko sayo tapos sasagutin mo ng kalokohan. Tss." Reklamo ko kay Johan sabay iwas sa tingin niya.
"Matino yung sagot ko sayo. Ikaw nga ang namimiss ko lalo na pag nasa farm ako, Rich." Giit ni Johan. Hinawakan pa niya ako sa baba ko para tumingin ulit ako sa kanya.