"At bakit ako, aber?" Tanong ko habang pinandilatan ko siya.
"Kasi nga gusto kita. I have fallen for you, Rich. I am in love with you." Pag-amin ni Johan.
"Ewan ko sayo, Johan. Tantanan mo nga ako. Wag nga ako." Medyo natataranta kong saad.
"I like you, Rich, and I love you. Yun ang totoo. Alam kong mali pero anong magagawa ko kung yun ang nararamdaman ko sa puso ko. Kesa naman magsinungaling ako sayo kaya I would rather admit it to you ngayon ng harap-harapan." Saad ni Johan.
"Siraulo ka talaga, Johan. Sa dinami-dami ng babae dyan, bakit ako?" Reklamo ko sa kanya.
"Natuturuan ba ang puso, Rich? Di ba hindi. Kung pwede nga lang lagyan ng kadena itong puso ko, ginawa ko na para hindi na tumibok ito para sayo." Ani ni Johan habang itinuturo ang tapat ng puso niya.
"Putcha, ang cheesy mo pala Bestfriend. Pero huwag nga ako ang pagpractisan mo para lang maging ready ka pag nagtapat ka sa sinumang babae na totoong gusto mong ligawan. Kaya tumigil ka dahil mali. Akin na nga yang kamay ko." Ani ko kay Johan sabay hila sa kamay ko pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Huwag mo ng piliting hilahin. Mapipilayan ka lang dahil hindi ko bibitawan 'tong kamay mo, Rich." Warning niya sa akin habang nakasalikop pa din ang kamay niya sa kamay ko. "Saka hindi kita pinagprapractisan. Hindi naman ako ganoon kagago para paglaruan ka. Totoo yung sinasabi ko, Rich. Basta isang araw, narealize ko na lang na gusto ko lagi kitang nakikita, nakakausap at nakakasama. Gaya ngayon sobrang saya ng puso ko. Gusto ko ding napapasaya kita at nagaalala ako sayo pag wala ako sa barracks. Namimiss kita pag nasa farm ako. Laging ikaw ang nasa isip ko. Kaya nga may times na umuuwi ako ng barracks kahit na weekdays para makita ka at makasama ka kahit sandali. Sinisigurado ko sayo na alam ko sa sarili ko na isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng iyon. Mahal kita, Rich." Saad ni Johan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Napabuntong hininga ako. Tinignan ko din sa mga mata niya si Johan na kanina pa nakatingin din ng diretso sa mga mata ko. Sumeryoso ako saka ako nagsalita. "Tignan mo yung kamay ko." Ani ko kay Johan na siya namang ginawa ni Johan. "Namumula ang kamay ko kasi pilit kong hinihila kanina. Sabi mo nga wag kong piliting hilahin dahil mapipilayan ako. Masasaktan ako. Same as with you. Yun din ang sasabihin ko sayo, Johan. Huwag mong pilitin na panghawakan yang nararamdaman mo para sa akin dahil masasaktan ka lang. Ayokong masaktan ka, Johan dahil kahit na sandali palang tayong magkakilala ay mahalaga ka na din sa akin. Pero pareho nating alam na hindi mo ako pwedeng mahalin. May asawa na ako. Hindi din kita pwedeng mahalin ng higit pa sa kaibigan. Pareho lang tayong masasaktan pag ipinilit natin." Malungkot kong saad kay Johan.
Yung kilig na nararamdaman ko kanina ay napalitan na ng lungkot ngayon. Oo, kanina pa ako kinikilig. Simula pa kaninang hinawakan ni Johan ang kamay ko. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na ipahalata sa kanya na kinikilig ako sa mga pinagsasasabi niya sa akin pati na ang paghawak niya sa kamay ko. Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng ibang klaseng sensation dahil ang totoo ay ilang linggo na din akong naguguluhan sa nararamdaman ko para kay Johan. Nahuhulog na din ang loob ko sa kanya. I have started to love him more than a friend. Pero mali. Maling mahulog ang loob ko sa kanya. Kasalanan na mahalin ko si Johan.
"Sasabihin ko din ulit sayo, Rich, gaya ng hindi ko pagbitaw sa kamay mo. Hindi din ako bibitaw sa nararamdaman ko para sayo. Patuloy kitang mamahalin. Huwag kang magalala dahil hindi naman kita pipiliting mahalin mo din ako. Hayaan mo lang akong nakahawak sa kamay mo habang patuloy na minamahal kita. Habang ipinaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Saka hindi ko naman ineexpect na mamahalin mo din ako dahil alam ko naman na may asawa ka na. Sapat na sa akin na malaman na mahalaga din ako sayo. Inamin ko sayo na mahal kita dahil ayoko ng magsinungaling sayo at higit sa lahat sa sarili ko. Ayokong patuloy na maging in denial sa sarili ko sa totoong nararamdaman ko para sayo, Rich." Tugon sa akin ni Johan.
"Pero masasaktan ka lang, Johan." Giit ko sa kanya.
"Handa akong masaktan basta maiparamdam ko lang sayo na mahal kita. Hayaan mong mahalin kita at gawin kitang inspirasyon, Rich. Promise, hindi ako mageexpect ng kahit ano mula sayo." Paninigurado sa akin ni Johan.
"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Baka naman naaawa ka lang sa akin." Malungkot kong tanong kay Johan.
"Sigurado ako sa nararamdaman ko para sayo, Rich. Mahal kita. Hindi na ako batang musmos or isang teenager para hindi maging sigurado sa nararamdaman ko para sayo. Saka bakit naman kita kakaawaan? Ang babaeng katulad mo na matatag, marunong tumayo para sa sarili niya at itinataguyod ang pamilya niya on her own ay hindi dapat kinakawaan bagkus ay minamahal, hinahangaan at pinapahalagahan. And that is what I intend to do for you for being such a one of a kind woman. Tanga lang ang asawa mo na hinahayaan kang gampanan ang responsibilidad na dapat siya ang gumaganap." Saad ni Johan na may halong inis ng banggitin niya ang asawa ko. Halos magdikit na ang mga kilay niya sa sobrang kunot ng noo niya.
Naikwento ko kasi sa kanya noon ang sitwasyon ko nang tinanong niya kung bakit ako nag-abroad samantalang CPA naman daw ako. I should have just stayed daw sa Pinas lalo na maliit pa ang bunsong anak ko. Sabi ko pa nga sa kanya na bakit siya nga nag-farmer dito sa Luta samantalang graduate siya ng BS Civil Engineering. Sabi niya na ang balak niya dati ay magtake din siya ng board exams pero dahil maganda naman ang pasweldo sa kanya nina Sir Joe kaya satisfied na daw siya sa pagiging farmer. Ang isinagot ko naman sa kanya ay magiipon lang ako para sa pagbabalik ko sa Pilipinas ay makakapagtayo ako ng sarili kong bookkeeping and auditing office. Sabi ko pa nga sa kanya na dapat ituloy nya yung balak niya na magtake ng board exams para mas lalo siyang makatulong sa pamilya niya. Iba pa rin kako yung titulado at professional.
"Hay naku, Johan, umiinit na naman ang ulo mo. Hayaan mo na lang ang kwento ng buhay ko. Kung ako nga tanggap ko naman na na ganito na ang buhay ko. Na ako ang magtataguyod sa amin ng mga anak ko. Wala naman akong pwedeng sisihin kasi desisyon ko yun. Nagpakatanga ako sa pagibig. Pinairal ko ang katigasan ng ulo ko. Hindi ako nakinig kay Nanay at sa ibang mga kamag anak namin. Kaya papanindigan ko na lang yung desisyon ko kesa naman magmukmok ako sa isang tabi at maging kawawa kami ng mga anak ko pati ang Nanay ko. Iiwasan ko na lang umiyak. Patuloy na magpupursigi on my own. Tyagain ang pagtratrabaho dito at patuloy na magdasal na sana mabago ang kwento ng buhay ko in the future." Ani ko kay Johan.
"Iba ka talaga, Rich. Mas lalo mo akong pinapahanga sa pananaw mo sa buhay. Don't worry. Andito lang ako lagi for you. Bilang kaibigan mo at bilang nagmamahal sayo. Hindi ka magiging tanga sa akin if ever na maging matigas ang ulo mo na mahalin mo din ako." Saad ni Johan.
"Huwag ka ding maging tanga sa akin, Johan, dahil may babaeng nakalaan para sayo." Giit ko.
"At ikaw yon, Rich." Nakangiting sagot sa akin ni Johan.
"Tss. Ang kulit mo talaga, Johan. Ganito na lang ha. Tutal mukhang hindi naman kita mapipigilan dyan sa mga sinasabi mo at nararamdaman mo para sa akin. Ipangako mo na lang sa akin na kahit sabi mo nga eh mahal mo ako, hindi ka titigil na tumingin sa iba para makakilala ka ng ibang babae na mamahalin mo. Yung babae na magmamahal sayo. Yung hindi ka makikisalo. Yung sayo lang talaga. Yung dalaga. Yung hindi gaya ko na bukod sa may karanasan na ay may mga anak na." Ani ko kay Johan. "Sure naman ako na merong inilaan para sayo, Johan." Dagdag ko pa.
"Alam ko naman na may inilaan para sa akin pero at this very moment ay naniniwala ako na ikaw ang inilaan para sa akin, Rich. Wala akong pakialam sa sinasabi mong may karanasan ka na or may mga anak ka na. Kumplikado man ang sitwasyon natin pero iyon ang sinasabi ng puso ko. Mahal kita at handa akong maghintay sayo." Nakangiting tugon sa akin ni Johan at hinalikan pa niya ang kamay ko.
"Johan!!!" Madiin kong tawag sa kanya.
"Sa kamay lang naman, Rich. Or baka pwede kahit sa noo?" Tila nanunuksong tanong ni Johan.
"Magtigil ka nga. Sige ka, iiwasan kita pag ganyan ka ng ganyan." Pananakot ko sa kanya.
"Wag naman ganoon, Rich. Wala namang iwasan." Tila natatarantang saad ni Johan.
"Kaya magbehave ka dyan." Pairap kong saad kay Johan.
"Opo. Magbebehave ako." Nakangising saad ni Johan. "Pero thank you, Rich."
"Thank you para saan?" Tanong ko sa kanya.
"Thank you kasi hahayaan mo akong patuloy na mahalin ka. Ang saya kasi sa pakiramdam ng in love." Tugon ni Johan na halos lagpas tenga ang ngiti.
"Do I have a choice?" Tanong ko sa kanya.
"None." Nakangisi namang sagot sa akin ni Johan. "Pumayag ka man o hindi, I would still continue na mahalin ka dahil I am in love with you, Rich."
"In love ka talaga, Mr. Buenaventura?" Nakaismid kong nakangiti na tanong kay Johan.
"Opo, Ms. Richelle Mae Guevarra Gonzales. I am so in love with you." Nakangiti namang tugon ni Johan na halatang kinikilig.
"Ewan ko sayo." Nakangiti ko na lang tugon kay Johan. Pero deep insideay magkahalong lungkot at kilig ang naramdamanan ko. Hay, Richelle, kalma ka lang dahil kung hindi ay magugulo ang buhay mo. Paalala ko sa sarili ko.