A week after naming mag-usap ni Johan sa tabing-dagat ay araw araw nasa barracks si Johan at si Kuya Leo. Hindi muna sila pinapunta sa farm ni Sir Joe. Fiesta kasi ng patron ng isla na si Santa Teresita sa susunod na Sunday kaya punong abala sina Sir Joe at Mam Ancha kasama ang mga ibang member ng parish council. Pati kaming mga empleyado nila ay obligadong tumulong sa pagpreprepare para sa fiesta after naming mag-off from work. Madalas ay pinapupunta kami sa simbahan para tumulong sa pagdedecorate sa loob ng simbahan pati na sa paligid nito o kaya sa bahay ng mga miyembro ng parish council.
Dahil nga sa nalalapit na fiesta ay mas madalas kaming magkita ni Johan. Sumisimple si Johan na lumalapit sa akin sa tuwing may pagkakataon siya pag natatapat na nasa iisang lugar kami gaya sa bakuran ng simbahan o kaya sa bakuran ng bahay ng ibang mga member ng parish council o kaya sa bahay ng kapatid ni Mam Ancha kung saan nagluluto sina Mam. Araw araw kasing may pakain sa simbahan after ng novena sa umaga para sa fiesta. Sa hapon pa lang prineprepare na ang mga pagkain para sa almusal. Nagkukunwaring tumutulong si Johan sa ginagawa ko kaya hindi halata na nagkukulitan kami or bumubulong siya sa akin ng mga sweet words niya. May mga times na pag magkasabay kaming umuwi sa barracks ay hindi muna kami dumidiretso ng uwi sa barracks. Naglalakad lakad muna kami around sa village o kaya sa tabing-dagat. Pag kami lang ay hinahawakan niya ang kamay ko. Hinahayaan ko na lang kesa magtalo pa kami.
"Ano ba tayo?" Tanong ko kay Johan ng nasa tabing dagat kami. Nakaupo kami sa paborito naming lugar habang hawak niya ang kamay ko. Kami lang dalawa ang nasa tabing dagat ng oras na yon.
"Friends." Agad na sagot ni Johan.
"Bakit hawak mo ang kamay ko kung friends lang tayo?" Ani ko.
"Hindi pala friends." Agad na bawi ni Johan. "Friends with special feelings for each other pala." Nakangising saad niya.
"Sinabi ko bang may feelings ako sayo?" Nakataas ang isang kilay kong tanong kay Johan.
"Hindi pero kahit naman hindi mo sabihin, Rich, nararamdaman ko din naman na kahit katiting lang ay special ako sayo. Saka di ba ang sabi mo ay mahalaga din ako sayo." Tugon sa akin ni Johan.
Hindi ko na nagawang kumontra sa sinabi ni Johan dahil tama naman siya. Special din naman siya sa akin. At hindi lang katiting. More than what he thinks ang pagiging special niya sa puso ko.
"Tara na nga. Umuwi na tayo. Malamok na." Aya ko kay Johan bilang pag iwas sa nagiging takbo ng usapan namin na ako naman ang nagsimula. Agad akong tumayo para umalis na. Kaso nawala sa loob ko na hawak ni Johan ang kamay ko kaya na-out of balance ako dahil pabiro akong hinila ni Johan para mapabalik ako sa pagkakaupo ko. Dahil doon ay bumagsak ako kay Johan na nakaharap sa kanya. Huli na para maiiwas ko ang mukha ko sa mukha niya kaya nagtama ang mga labi namin ni Johan. Iaangat ko na sana ang mukha ko pero niyakap ako ni Johan at tuluyan na niya akong hinalikan. Nung una ay nagpumiglas ako pero kalaunan ay hindi ko na din napigilan ang sarili ko. Tinugunan ko na din ang mga halik ni Johan pati ang yakap niya.
"Johan, tama na. Mali ito." Ani ko after ng ilang saglit ng paghahalikan namin ni Johan. Iniwas ko na din ang mukha ko sa kanya.
"I'm sorry, Rich. Hindi ko napigilan ang sarili ko." Tugon niya.
"Tara na, Johan. Umuwi na tayo." Aya ko sa kanya.
"Mahal mo din ako di ba, Rich?" Tanong sa akin ni Johan. Hinawakan niya ulit ang kamay ko para pigilan akong umalis.
Imbes na sagutin siya ay napayuko na lang ako.
Hinawakan niya ako sa baba ko para tumingin ako sa kaniya.
"You also love me di ba?" Ulit niyang tanong. "Answer my question. Please, Rich, I need to know." Pakiusap ni Johan sa akin.
"What's the use, Johan, kung aaminin ko sayo na mahal nga kita? May mababago ba? Magiging malaya ba ako sa asawa ko? Hindi naman di ba. Hindi din naman pwede di ba dahil mali na mahalin kita kahit iyon na ang nararamdaman ko." Naluluha ko ng saad. Kahit matagal ng nawala ang pagmamahal ko asawa ko pero andun pa din yung guilt feelings ko dahil alam kong kasalanan tong ginagawa ko at nararamdaman ko.
Agad na pinunasan ni Johan ang mga luha ko gamit ang kamay niya.
"I'm sorry, Rich, kung naguguluhan ka ng dahil sa akin. I love you, Rich. I love you so much." Ani ni Johan at hinawakan niya ulit ang kamay ko.
"Mahal kita, Johan, pero kasalanan na mahalin kita." Ani ko at pilit akong bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko saka ako mabilis na naglakad palayo sa kanya.
"Rich, sandali." Tawag ni Johan sa akin pero patuloy pa din ako sa paglakad palayo sa kanya. Mayamaya ay naramdaman kong may humawak sa braso ko at niyakap ako. Si Johan. Inabutan niya ako. Sa pagkakayakap niya sa akin ay nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
"I'm sorry, Rich. Please, patawarin mo ako. Promise hindi na mauulit yung ginawa ko kanina na hinalikan kita. Huwag kang magalit sa akin, Rich. Huwag kang lumayo sa akin. Huwag mo akong iwasan. Hindi ko kakayanin." Pagsusumamo ni Johan sa akin habang nakayakap pa din sa akin.
Ayoko din namang lumayo sa kanya. Ayoko ding iwasan siya dahil alam kong sa sarili ko na mahal ko din siya.
"Sige na. Ok na. Baka may makakita pa sa atin na nakayakap ka sa akin." Ani ko ilang saglit ng tumigil na ako sa pagiyak ko. Agad na bumitaw si Johan sa pagkakayakap niya sa akin at tinignan niya ako sa mukha.
"Hindi ka galit sa akin?" Naniniguradong tanong sa akin ni Johan.
"Hindi naman ako galit sayo. Nabigla lang ako." Tugon ko sa kanya. Siguro nga dahil mahal ko si Johan kaya hindi ko magawang magalit sa kanya. Bukod sa kusang loob ko din namang tinugunan ang mga halik niya kanina.
"Bakit nakasimangot ka pa din at nakataas ang isang kilay mo?" Ani ni Johan.
"Tss. Huwag ka ng makulit. Baka mainis pa ako sayo." Pananakot ko sa kanya.
"Smile ka na kasi dyan. Lalo akong naguiguilty pag nakasimangot ka." Saad ni Johan.
"Ayan na ng matigil ka na dyan." Ani ko sabay ngiti sa kanya.
"Pilit yang ngiti mo." Pangungulit pa niya.
Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanya.
"Ayan. Hindi na pilit ang ngiti mo." Ani ni Johan. "I love you, Rich, and thank you dahil mahal mo din ako."
"Tss. Tama na nga muna yang kakasabi mo ng I love you sa akin. At wag mo ng ipaalala na umamin ako sayo na mahal din kita dahil baka kung ano na naman ang mangyari." Ani ko na ikinatawa ng malakas ni Johan.
"Lalo akong hindi makakatulog sa kakaisip ko sayo, Rich. So pano, tayo na ha?" Masayang saad ni Johan.
"Anong tayo na?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.
"Girlfriend na kita. Boyfriend mo na ako." Ani ni Johan na halos abot tenga na ang ngiti.
"Ay, hindi ganon." Pagkontra ko.
"Bakit?" Tila dismayadong tanong ni Johan.
"Kasi pag ganon, anytime na gusto mo akong halikan eh pwede. Saka baka hindi ka na mageffort na manligaw sa iba. Eh di ba promise mo sa akin na you would still look for the one na inilaan para sayo. Kaya it can not be." Paliwanag ko sa kanya.
"So ano ang status natin?" Tanong ni Johan.
"MU tayo." Saad ko.
"Anong MU?" Tanong ni Johan. Siya naman ngayon ang nakakunot ang noo.
"MU as in mutual understanding." Ani ko.
"Parang teenagers lang?" Nakangisi niyang tanong.
"Ano ang gusto mo? MU or nothing at all? Mamili ka." Nakapamewang kong sagot kay Johan.
"Tss. Syempre, Rich, sa MU. Atleast yung MU may chance na maglevel up pa kesa naman sa nothing at all." Tugon ni Johan.
"Asa ka pang maglevel up." Pabiro kong tugon kay Johan.
"Oo, Rich, patuloy pa rin akong aasa." Ani ni Johan habang titig na titig sa mga mata ko. Alam ko na seryoso siya sa sinabi niya. "Someday magiging tayo hanggang sa huli." Dagdag pang saad ni Johan.
Sana nga, Johan. Sana nga tayo na lang. Bulong ko sa sarili ko. "Tss. Tara na. Umuwi na nga tayo." Pag-iwas ko.
"Nga pala, Rich, magbabakasyon ako sa Pilipinas. Sa December 1 yung flight ko." Saad ni Johan habang naglalakad kami na ikinalungkot ng puso ko pero hindi ko pinahalata sa kanya.
"I'm happy for you kasi di ba sabi mo sa akin dati na two years ka ng hindi nakakapagbakasyon sa Pilipinas. Ilang months ka doon?" Ani ko. Pinilit kong maging masaya ang tono ng boses ko kahit na kabaligtaran ang naramdaman ko.
"45 days lang. Andito na ako two weeks before ng birthday ko kaya we would celebrate my birthday together, Ka-MU ko. Yun nga lang wala ako dito ng Christmas saka sa New Year kaya wag kang magmumukmok sa kwarto mo at magiiyak. Pero wag kang magalala dahil ibibilin naman kita kina Ate Gemma at Ate Libay." Paalala sa akin ni Johan.
"Sus para naman akong bata na ibibilin mo pa ako kina Ate. Nakakahiya sa kanila. Saka expected na yun na iiyak ako at magmukmok sa kwarto ko lalo na hindi ko kasama ang mga anak ko saka si Nanay ko sa Christmas pati na sa New Year. First time na hindi ko sila kasama. Tapos mag-isa lang ako dito sa islang ito. Saka tama bang iremind daw ba ako about sa mga paparating na okasyon? Iniiwasan ko na ngang isipin yun. Kainis ka talaga." Nakasimangot kong reklamo kay Johan.
"Sorry na, Ka-MU ko. Pinaaalalahanan lang naman kita. Alam mo naman na ayokong nalulungkot ka at umiiyak. Kung alam ko nga lang na darating ka sa buhay ko at magiging parte ng puso ko eh hindi na sana ako nagpabook ng flight ko. Kaso matagal na kasi akong sinasabihan nina Mama at Papa na magbakasyon kaya noong June pa lang ay nagpabook na ako ng ticket kasi may promo yung airlines that time. Di bale next year sabay tayong magbabakasyon, Ka-MU ko." Ani ni Johan.
"Bahala na. Saka malay natin hindi na pala ako irenew ni Sir Joe. So June or July pa lang eh uuwi na ako." Wala sa loob kong saad. "Saka tantanan mo nga yang pagtawag sa akin ng Ka-MU ko. Mamaya may makarinig sayo."
"Hayaan mo na akong tawagin kang Ka-MU ko tutal wala namang ibang tao dito. Tayo lang dalawa ang andito. Saka huwag ka ngang magsalita ng ganyan, Rich. Wala ka pa ngang isang taon dito sa isla eh paguwi na ang nasa isip mo. Saka paano na yung plano mong magiipon ka para makapag establish ka ng sarili mong bookkeeping at auditing office kung uuwi ka na for good sa Pilipinas. Besides maski hindi ka irenew ni Sir Joe ay maghahanap tayo ng magiging bagong employer mo dito sa isla. CPA ka kaya madali tayong makahahanap ng bagong employer mo dito. Ako ang bahala sayo." Paninigurado ni Johan sa akin.
"Sus, wag mo nga akong idagdag sa mga iniintindi mo, Johan. Kung ano ang plano ni Lord, yun ang mangyayari kaya we just let it be. Ang isipin mo yang pagbabakasyon mo at yung promise mo sa akin. Malay mo nasa Pilipinas pala yung inilaan talaga para sayo. Mag-28 years old ka na kaya dapat lang na magkaroon ka na ng sarili mong pamilya." Pagpapaalala ko kay Johan.
"Ganito na lang, Rich. I will keep my promise sayo pero you have to promise me din na kung irerenew ka ni Sir Joe ay magrerenew ka. If ever man which I doubt na hindi ka irerenew ni Sir pero just in case nga lang na hindi eh maghahanap tayo ng magiging bagong employer mo. Promise?" Giit ni Johan.
"Hays. Paano kung ayaw ko ng magrenew kahit na irenew pa ako ni Sir Joe?" Saad ko.
"Then, not valid na din yung promise ko sayo." Tugon naman ni Johan.
"Ano?" Gulat kong saad. "Blackmail yan." Nagmamaktol kong saad.
"Nope, Ka-MU ko. It's not blackmail. Mutual agreement ang tawag dyan." Nakangising saad ni Johan. "So do we have an agreement, Ka-MU ko?" Dagdag pa niya.
"Sige na. Oo na. We have an agreement na. Hindi ka naman titigil kung hindi ako sasangayon sayo di ba." Tugon ko. May kirot man sa puso ko na makahanap si Johan ng ibang mamahalin nya pero yun ang dapat. Yun ang tamang gawin para mawala yung pagmamahal niya para sa akin. Para hindi na siya umasa na magiging tama kung anuman ang meron kami. At higit sa lahat para hindi na siya masaktan. Di baleng ako na lang ang masaktan.
"Yes, Ms. Richelle Guevarra Gonzales, my Ka-MU ko." Nakangiting saad ni Johan. Yung ngiti niya ang halos dumudurog sa puso ko sa tuwing naiisip ko na nasasaktan siya sa pagmamahal na inilalaan niya sa akin.
"Tss. Tara na nga. Umuwi na tayo." Ani ko sabay hila kay Johan at nauna na akong naglakad para hindi niya makita na nalulungkot ako.