CHAPTER 7

2262 Words
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil nga tutulong pa kami sa paghahanda ng pagkain. Nang matapos akong maligo at makapagbihis na ay nasa labas na din ng mga kwarto nila sina Ate at sina Kuya paglabas ko ng kwarto ko. "Tara na, Richelle." Aya sa akin ni Ate Gemma. Sa simbahan kami dumiretso dahil doon magluluto sina Ma'am Ancha. After kaming kumain ng almusal na nakahain doon ay inassign kaming tatlo nina Ate sa paghihiwa na naman ng mga gulay. Potek, nagiging expert na yata ako sa paghihiwa ng gulay. Hahaha. Nakapwesto kami malayo sa ibang mga taong tumutulong din doon. "Narinig ko kagabi na kinukulit ka ni Johan, Richelle." Ani ni Ate Gemma. "Pagpasensyahan mo na si Johan, Richelle. Mabait naman yun. Wag lang talaga masasagad ng inom dahil nagiging makulit." Dagdag pa ni Ate Gemma. "Oo nga. Narinig ko din. Sumilip pa nga ako sa bintana ng kwarto namin. Buti sumunod sayo si Johan na pumasok na sa kwarto niya. Ano ba sinabi mo, Richelle?" Saad naman ni Ate Libay. "Nung una po ang sabi ko ay hindi ko na siya kakausapin kahit kailan at iiwasan ko siya. Kaso hindi po umubra kaya tinakot ko po na magpapaalam ako kay Sir na uuwi na ako ng Pilipinas pag kinulit pa niya ako." Ani ko na ikinatawa nina Ate. "Nakahanap ng katapat niya si Johan. Takot na iwanan mo." Natatawang sabi ni Ate Gemma. "Pustahan tayo, Richelle. Hindi lalapit sayo yang si Johan ngayong maghapon kahit na nakikita ka niya dahil tiyak na nahihiya sayo yan pag naalala yung ginawa niyang pangungulit sayo kagabi." Saad ni Ate Libay. "Sigurado yun. Tiyak na parang may amnesia na naman yun mamaya pag kinantyawan natin." Ani ni Ate Gemma. "Amnesia po?" Nagtataka kong tanong. "Naku, Richelle, iyang si Johan pag nalalasing e sadyang makulit. Nangungulit ang tamang term. Pero kinabukasan pag hindi na siya lasing eh hindi na niya maalala kung ano ang ginawa niyang pangungulit nung lasing siya. Para bang may amnesia." Tugon ni Ate Libay na ikinatawa nila pareho ni Ate Gemma. "Ah. Defense mechanism lang po siguro niya yun para hindi siya lumabas na kahiya-hiya." Ani ko sabay tawa. Tumawa din sina Ate Libay at Ate Gemma. Humanda ka sa akin, Johan dahil kakantyawan kita mamaya, ani ko sa sarili ko. Tama nga sina Ate Gemma at Ate Libay. Hindi nga lumapit sa akin si Johan kahit na nasa iisang lugar lang kami kanina. Maski nga after ng misa at nasa kainan kami kanina ay hindi siya lumapit sa amin nina Ate at nina Kuya. Nakatingin lang siya sa akin pag akala niya na hindi ako nakatingin sa kanya. Hindi niya kasi halata na nakatingin ako sa kanya dahil nakasuot ako ng shades. Nabanggit nina Kuya Nitoy at Kuya Leo na inaaya nila si Johan na maki-join sa amin sa mesang kinakainan namin pero tumanggi siya. Nagsabi daw si Johan na mauuna na daw siyang umuwi sa barracks at doon na lang kakainin yung pagkain na kinuha niya sa buffet. Kahit ano daw pilit nina Kuya ay hindi nagbago ang isip ni Johan. Talagang umiiwas siya na makantyawan. Hahaha. Pasado alas syete na ng gabi nang makauwi kami ng barracks nina Ate Gemma at Ate Libay. Nanood pa kasi kami ng mga palaro at singing contest. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ko ay lumabas ulit ako ng kwarto ko para umupo sa harap ng barracks. Inabutan kong nakaupo si Johan doon. "Pwedeng makiupo?" Ani ko kay Johan. "Oo naman." Tugon niya. "Sorry, Rich." / "Saan ka naglagi?" Sabay na saad namin ni Johan na ikinatawa namin pareho. "Sige, Rich. Mauna ka na sa sasabihin mo." Saad ni Johan. "Ikaw na. Mukhang yung tanong ko eh nakabase sa sasabihin mo." Ani ko na nakangisi. Yung ngising nangaasar. Yung parang bully ang dating. "Bakit ganyan ang ngisi mo? Parang may binabalak ka?" Tanong ni Johan na hiyang hiya ang itsura. "Hindi kaya. Normal naman yung ngiti ko ah." Ani ko. Nakangisi pa din ako. "Meron. Saka hindi ngiti yan. Ngisi yan." Giit ni Johan. “Ngisi na nangaasar.” Dagdag pa ni Johan. "Hay naku, Johan. Bahala ka sa gusto mong isipin. Basta ako eh wala akong binabalak at hindi ako nangaasar." Maang maangan kong saad. "Ano ba sasabihin mo?" Ani ko at ngumisi na naman ako. "Tss." Palatak ni Johan nang makitang nakangisi na naman ako. "Sorry, Rich, sa ginawa ko kagabi." Ani ni Johan na halatang hiyang-hiya. "Ano ba yung ginawa mo kagabi?" Nakangisi kong tanong kay Johan. "Yung kagabi nga." Ani ni Johan habang kakamot kamot sa batok niya. "Ano nga yung kagabi?" Maang maangan ko pa din. Gusto ko kasing si Johan mismo ang magsabi kung ano ang ginawa niya kagabi. Bumuntong hininga si Johan. "Yung ilang beses kitang binalik balikan kagabi habang nanonood kayo nina Ate ng street dance at tinanong ka kung hindi ka pa uuwi." Saad ni Johan na halatang hiyang-hiya sa ginawa niya. "Ano pa?" Ani ko. "Yung inintay kita sa labas ng CR na nakasalampak ako sa semento at kinulit kita na kausapin mo ako." Tugon ni Johan. "Meron pa ba?" Tanong ko. "At higit sa lahat kinausap kita ng lasing ako kahit alam ko na ayaw na ayaw mo yung nakikipagusap ka sa lasing." Ani ni Johan. "Aba, Johan, wala ka naman palang amnesia. Alam mo naman pala ang mga ginawa mo kagabi." Ani ko. Nagpretend pa ako na nagulat ako. "Anong amnesia ang sinasabi mo dyan, Rich?" Nagtatakang tanong ni Johan. "Ang sabi kasi nina Ate sa akin na pag nalalasing ka daw eh nangungulit ka. Pero the next day daw ay para kang may amnesia na hindi mo na maalala yung ginawa mo." Natatawa kong saad. "Tss. Ibinuko na pala ako nina Ate sayo." Maktol ni Johan. "Ang sabi ko nga sa kanila ay defense mechanism mo lang yun para hindi ka mapahiya." Ani ko. "Gaya nyan na alam mo naman lahat ang ginawa mo kagabi kaya etchos mo lang yung nakakalimutan mo yung mga ginagawa mo pag lasing ka." "Alam ko naman ang lahat ng ginawa ko at nangyari kagabi. Lalo na yung pag-aya sayo ni Marlon na makasayaw ka niya." Tila naiinis na saad ni Johan. "Bakit parang ikaw ang naiinis dyan? Di ba dapat ako ang mainis kasi kinausap mo ako at kinulit mo ako habang lasing ka? Tapos na yong Marlon na yon eh gusto pa akong isayaw." Tatawa tawa kong tanong. "Paano naman kasi, Rich. Ang lakas ng loob nung Marlon na yon para ayain kang makipagsayaw sa kanya. Hindi mo naman siya kilala bukod sa nakainom din siya. Hindi man siya gaanong lasing pero nakainom pa din siya. Amoy alak pa din siya. Ako nga hindi kita maaya na makipagsayaw sa akin kahit gusto kitang makasayaw kasi lasing ako." Himutok ni Johan. "Buti nga pala hindi ka pumayag na isayaw ka ni Marlon?" Urirat ni Johan. "Usap nga ayaw ko, sayaw pa kaya." Paalala ko kay Johan. "Saka hindi ko nga siya kilala di ba kaya bakit ako papayag na mahawakan niya ako sa katawan ko? Buti na nga lang nagsalita agad si Ate Gemma. Siya ang nagsabi kay Marlon na uuwi na kami at masakit ang ulo ko dahil hindi ko nga alam kung paano ko siya iturn down lalo na nakainom na siya. Buti na lang hindi siya nangulit o kaya nagalit." Tugon ko kay Johan. "Kaya nga ako naiinis. Bukod kay Marlon, may mga sumusulyap sulyap pa sayong ibang mga Pinoy kagabi habang nanonood kayo ng street dance. Kaya nga ilang beses kitang tinanong kung hindi ka pa ba uuwi kasi nga naiinis akong nakikita na may ibang tumitingin sayo." Saad ni Johan na halos magdikit na ang mga kilay sa sobrang pagkunot ng noo nya. Ganyan siya pag naiinis. Halos magdikit na ang mga kilay. "Dapat po kasi eh hindi ka uminom para kasama ka namin nina Ate na nanonood kagabi. Kahit paano maiilang yung mga sinasabi ninyong sumusulyap sa akin na tignan ako dahil andoon ka na kasama namin. Pati yung Marlon na yun, malamang magdadalawang isip siya at hindi na siya lalapit sa akin. Hindi na nga namin kasama sina Kuya tapos wala ka din. Mas ginusto mo pang uminom kesa samahan kami nina Ate." Pagsesentimyento ko. "Sorry na nga po. Nagkamali na nga po ng diskarte. Sablay nga po ang napagdesisyunan kong gawin kagabi. Saka teka bakit ninyo? Sino pa ba ang nakahalata na may mga sumusulyap sayo?" Saad ni Johan. "Sina Ate. Sabi nila na napansin din daw nila na may mga tumitingin sa akin kaya nga nasa magkabilang gilid ko sina Ate Gemma at Ate Libay noong naglalakad na kami paalis sa pavilion para daw wala ng lumapit sa akin or kumausap. Hinayaan ko na lang sina Ate kahit parang wala naman akong napansin na sumusulyap sa akin kasi nga nagkalat na ang mga nakainom at lasing na gaya mo at nung Marlon." Ani ko pa na may diin sa salitang lasing. "Tss. Sorry na nga, Ka-MU ko. Hindi ko lang kasi mahindian yung mga kaibigan ko. Ngayon lang kasi kami nagkita-kita ulit. Tinatanong nga nila kung sino ka. Nagkunwa-kunwarian lang ako na hindi ko sila naririnig." Ani ni Johan. "Totoo naman na may mga sumusulyap sayo. Iba kasi yung ganda mo, Ka-MU ko. Saka paano mo mapapansin eh nakafocus ka sa pinapanood mo." Nakangiting saad ni Johan. "Tantanan mo nga yang pagtawag sa akin ng Ka-MU ko. Mamaya marinig ka nina Ate at nina Kuya. Iba pa ang isipin nila. Saka hindi naman ako maganda para sulyapan nung mga sinasabi nyo nina Ate na sumusulyap sa akin. Baka may dumi lang ako sa mukha o kaya baka pangit ang suot ko kaya ganoon." Ani ko. "Sus, Rich. Maganda ka. Kahit wala kang make up ay pansinin talaga yung ganda mo. Saka kahit ano pa ang isuot mo ay kaya mong dalin. Lutang pa din yung natural mong ganda." Giit ni Johan. Ramdam kong nagblablush ako dahil sa compliment na sinasabi ni Johan. Buti na lang medyo madilim yung inuupuan namin kaya hindi makikita ni Johan na namumula ang mga pisngi ko. "Magtigil ka nga, Johan. Huwag mo nga akong inuuto. Hindi mo nga masabi sa mga kaibigan mo kung sino ako. Sabi mo nagkunwa-kunwarian ka lang na di mo sila naririnig. So it means ikinakahiya mo ako." Saad ko. Nagkunwari pa ako na tila nagtatampo. "Hindi ganon yun, Rich. Wag ka namang magtampo. Kaya ako nagkunwari na hindi ko sila naririnig sa tuwing tinatanong nila kung sino ka kasi nga mukhang interesado sila sayo. Lalake ako kaya alam ko kung bakit nila inaalam kung sino ka. Alangan namang hayaan ko silang dumiskarte sayo. No way." Umiling iling pa si Johan. "Nakalusot lang sa akin yang si Marlon. Kung alam ko lang na sayo ang tungo nya para aayain ka nyang sumayaw eh sana hinarang ko na siya bago pa siya makarating sa kinauupuan nyo nina Ate." Pagpapaliwanag ni Johan. "Dadaigin mo pa yata si Jojo Lastimosa kung magbantay at dumipensa ah." Kantyaw ko kay Johan. "Syempre naman. Pag mahalaga at mahal mo ang isang tao, dapat lang na huwag mong hayaan na maagaw siya ng iba o may makalapit man lang sa kanya na ibang lalake. And that's what I am doing, Ka-MU ko. Alangan namang hayaan kong may umagaw sayo mula sa akin o makalapit sayo bukod sa akin. Never." Saad ni Johan. "Ewan ko sayo, Johan. Kung ano ano na naman ang sinasabi mo dyan. Lasing ka pa ba?" Tugon ko. "Hindi ako lasing. Hindi din ako nakainom ngayon. Kahit amuyin mo pa ako." Inilapit pa niya ang sarili niya sa akin para amuyin ko siya. "Talagang hindi ako uminom ngayon para makausap kita at makapag-sorry sayo." "Dapat lang dahil sa susunod na kausapin mo ako ng lasing ka eh hindi na kita talaga papansinin. Iiwasan na talaga kita. At pag kinulit mo pa ako, magpapaalam na talaga ako kina Sir at Ma'am." Panakot ko kay Johan. "Grabe naman. Paalam talaga? Hindi ba pwedeng 3 days mo akong iiwasan pag kinausap kita ng lasing ako at one week naman pag kinulit kita?" Apela ni Johan. "Sige, one month pag lasing at one year pag kinulit mo ako." Ani ko. "Deal?" "No deal." Madiin na saad ni Johan. "Mas grabe naman yang one month at one year na kondisyon mo. Mababaliw ako pag ganoon ang ginawa mo sa akin, Rich." Reklamo ni Johan. "So dapat from now on eh wag kang magpakasagad ng inom. Dapat drink moderately lang. Dapat alam mo ang limitations mo. At higit sa lahat, alam mong hindi mo ako dapat kakausapin pag nakainom ka na at lalong lalo na yung kukulitin mo ako o kahit sino pa man pag lasing ka na. Dapat diretso ka na sa kwarto mo para matulog. Entiendes, Mr. Buenaventura?" Saad ko. "Opo, Madam Gonzales. Masusunod po kung iyan ang ikakasaya mo at para hindi mo ako iwasan ng isang taon." Ani ni Johan. "Gawin mo. Wag yung puro sa salita ka lang." Paalala ko kay Johan. "Opo, Ka-MU ko. I have learned my lesson and I have learned it well." Ani ni Johan at sumaludo pa siya sa akin. "Good. Sige dyan ka na dahil matutulog na ako." Ani ko sabay tayo. "Wala ba akong good night kiss man lang, Ka-MU ko?" Nakangising tanong ni Johan. "In your dreams, Mr. Buenaventura." Ani ko at naglakad na ako papasok ng barracks. "Yes, Rich. I will see you in my dreams." Narinig kong saad ni Johan at sumipol sipol pa siya. Hay, puso, kalma ka lang. Delikado pag nagpadalos dalos ka sa nararamdaman natin para kay Johan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD