CHAPTER 8

1862 Words
Sa nagdaang ilang linggo mula ng maging mag-MU kami ni Johan ay hindi ko masyadong napansin ang paglipas ng mga araw dahil kay Johan. Nahohomesick pa rin naman ako syempre pero hindi na ako masyadong nagiiyak gaya dati dahil nga nalilibang ako kay Johan. Mas naging sweet at thoughtful kasi si Johan sa akin. Lagi siyang may pasalubong na prutas at gulay para sa akin galing farm na minsan ay palihim nyang ibinibigay sa akin pag wala siyang uwi para sa iba naming kasamahan sa barracks. Mas madalas na din siyang umuuwi sa barracks. Either nagbike siya mula sa farm pababa sa village or nakikisakay siya sa mga kaibigan niyang may sasakyan na mga farmer din ng ibang locals na malapit ang mga farm sa farm ni Sir Joe. Nagdadahilan na lang si Johan kay Sir Joe pag nakita siya ni Sir na nasa village. Either may kailangan siyang iclaim na package sa post office kinabukasan o kaya ay pinasyalan niya yung uncle niya na nandito din sa isla. Pero ang totoo ay gusto lang daw niya akong makita, makakwentuhan at makasama. Pag Sunday naman na wala siyang part time work ay nakatambay lang kami sa common area then pagdating sa hapon ay pumupunta naman kami sa tabing dagat. Sabi nga ni Johan ay para naman daw may alone time kaming dalawa at nahahawakan niya yung kamay ko na bago niya ako mapapapayag ay ilang beses muna kaming maghihilahan sa kamay ko. Bukas na ang flight ni Johan pauwi ng Pilipinas. Ang usapan namin ay pupunta kami sa tabing dagat mamaya pagdating nya galing sa farm. Siguro daw mga bandang alas sais yun. Nang mag-out ako ng alas singko ay dumaan muna ako ng grocery gaya ng nakasanayan ko ng gawin para magpaalam sa cashier na on duty. Si Ate Gemma ang siyang nakaduty bilang cashier that time. Inabutan ko din doon si Ate Libay na kakwentuhan niya. Napansin ko na may picnic basket sa tabi ni Ate Libay. Wala namang customer nung oras na yon at nasa Guam sina Sir Joe at Ma'am Ancha. Bukas pa ang balik nila dito sa isla kaya nung isang araw pa nila ibinigay kay Johan yung sahod niya at mga pabaon nila kay Johan. "Richelle, mag-out ka na?" Bungad na tanong ni Ate Libay sa akin ng makalapit na ako sa kanila. "Opo, Ate Libay." Tugon ko. "Dito ka muna, Richelle. Mamaya ka na umuwi ng barracks. Magkwentuhan muna tayo tutal wala naman ang mga amo natin." Saad ni Ate Gemma. "Magmumukmok ka lang sa kwarto mo na naman nyan, Richelle." Dagdag pa ni Ate Gemma. "Oo nga. Gaya nyan bukas na ang flight ng bestfriend Johan mo. More than one month din ang bakasyon ni Johan sa Pilipinas." Ani ni Ate Libay. "Ibinilin ka na nga sa amin ni Johan na wag kang hayaang magmukmok sa kwarto mo lalo na daw sa Christmas at New Year. Kahit ano daw ang mangyari ay ayain ka naming lumabas ng kwarto mo. Kahit daw buhatin ka pa namin palabas ng kwarto mo pag ayaw mo." Saad pa ni Ate Libay na parehong ikinatawa nila ni Ate Gemma. "Tss. Nakakainis talaga yung lalakeng yun. Para naman akong batang paslit. Wag nyo pong seryosohin yung bilin ni Johan. Siraulo lang po talaga yung isa na yun. Ginagawa po akong bata." Nagmamaktol kong saad sa harap nina Ate Gemma at Ate Libay with matching padyak ko pa ng paa ko at kamot sa ulo ko. "Totoo naman ang sinasabi ni Johan. Tiyak na magmumukmok ka lang sa kwarto mo pag hinayaan ka lang naming mag-isa. Saka tignan mo nga yang ginagawa mo sa harap namin. Para ka naman talagang batang nagmamaktol kung minsan gaya ngayon." Natatawang saad ni Ate Gemma. "Saka concern lang naman sayo si Johan dahil nga first time mong magspend ng Christmas at New Year na malayo sa pamilya mo. Naiintindihan ka namin. Pinagdaanan din naman namin yan noong mga bagong dating din kami dito sa isla. Pero sa totoo lang, Richelle, ngayon lang namin nakitang nagkaganyan si Johan sa isang babae sa ilang taon na namin siyang kasama. Sayo lang siya nagalala ng husto. Kaya nga sabi namin ni Mareng Gemma na mahal ka talaga ni Johan." Saad ni Ate Libay. "Po?" Gulat kong tugon. "Hay naku, Richelle. Huwag ka ng magdeny. Halata naman sa mga kilos ni Johan na may pagtingin siya sayo. Mahal ka niya. Kilala namin si Johan. Kabisado na namin siya. At masasabi namin sayo ng diretsahan na seryoso siya sa nararamdaman niya para sayo. Hindi ka pinaglalaruan ni Johan. Mahal ka niya talaga. Nakikita namin kung paano siya mag-alala sayo. Pati na yung pagiging sweet at thoughtful niya sayo." Tugon naman ni Ate Gemma. "True. Saka nacorner na din namin si Johan gaya ng ginawa namin sayo ngayon. Umamin na siya sa amin na mahal ka niya at umaasa siya na mahal mo din siya." Nakangiting saad ni Ate Libay. "At based sa mga ngiti mo pag kasama mo or kausap mo si Johan ay alam naming the feeling is mutual between the two of you." Dagdag pa ni Ate Libay na tila kinikilig. "Mahal mo din si Johan di ba, Richelle?" Diretsahang tanong sa akin ni Ate Gemma na kinikilig din. Bakit ko pa nga ba idedeny kung halata naman na nila na mahal ko si Johan. Magiging sinungaling pa ako sa harap nila kung magkakaila pa ako kaya malungkot akong tumango sa kanilang dalawa. "Sabi na nga ba eh. Mahal nyo ni Johan ang isa't isa." Masayang saad ni Ate Libay. "Pero bakit ka malungkot, Richelle?" Agad din niyang tanong ng makita niya ang biglaang pagkalungkot ko. Nawala din ang ngiti nila ni Ate Gemma. "Kumplikado po ang sitwasyon ko, di po ba." Pagpapaalala ko sa kanila. "Hays. Oo nga pala. Hindi nga pala kayo pwede dahil kahit hindi mo na mahal ang asawa mo eh kasal ka pa din sa kanya." Malungkot na saad ni Ate Gemma. Naikwento ko na kasi sa kanila ni Ate Libay ang istorya ng buhay ko dati pa, bago pa kami maging close ni Johan. "Right love at the wrong time. Hays, ang sakit naman." Ani naman ni Ate Libay na tila masakit din para sa kanya. Napayuko na lang ako dahil totoo naman yung sinabi nila Ate Libay at Ate Gemma. Kahit gaano pa namin kamahal ni Johan ang isat isa ay hindi kami kailanman magiging para sa isat isa. "Ganoon po yata talaga. Hindi lahat ng gusto natin ay ibibigay sa atin. Hindi po ako ang para kay Johan. At sana sa paguwi niya sa Pilipinas ay mahanap na niya yung babae na nakalaan talaga para sa kanya." Ani ko sabay buntong hininga. Lumapit sa akin sina Ate Gemma at Ate Libay saka nila ako niyakap na tila they are comforting me. Na silently they are telling me na ramdam nila yung pinagdadaanan ko. "Sorry, Richelle. Imbes na mapasaya ka namin eh nalungkot ka pa tuloy." Ani ni Ate Gemma. "Ok lang po ako, mga Ate. Tanggap ko naman po ang istorya ng buhay ko. Strong naman po si puso ko." Ani ko. Nagpretend pa ako na natawa to lighten up yung pakiramdam nina Ate. "Basta andito lang kami lagi para sayo, Richelle." Ani ni Ate Libay. "Kami ang mga kunstidora nyong Ate ni Johan kaya gaya nyong dalawa ay aasa din kami na magiging tama din ang love story nyo ni Johan." Dagdag pa ni Ate Libay. "True. Bukod doon ay kami ang bahala sayo, Richelle, habang nakabakasyon si Johan." Paninigurado naman sa akin ni Ate Gemma. "Hindi po kayo galit kasi nga po mali tong nararamdaman namin ni Johan para sa isa't isa?" Tanong ko kina Ate Gemma at Ate Libay. "Wala kaming karapatang magsabi sa inyo ni Johan kung ano ang mali at tama. Nasa tamang edad na kayo para magdesisyon para sa mga sarili nyo." Saad ni Ate Gemma. "Kumontra man kami o hindi ay gagawin nyo pa din naman ang mga gusto nyo, di ba. Kaya hahayaan na lang namin kayo at magiging masaya na lang kami para sa inyong dalawa ni Johan." Ani ni Ate Libay. "Salamat po, mga Ate." Ani ko sa kanila habang nakayakap pa din kami sa isa't isa. Sa ganoong posisyon kami dinatnan ni Johan. "Mukhang hindi na dapat talaga akong mag-alala sayo, Rich." Bungad na saad ni Johan. "Kasi ngayon pa lang eh inaalagaan ka na nina Ate Gemma at Ate Libay." Ani la niya habang nakangiting nakatunghay sa amin nina Ate Gemma at Ate Libay. "Oo naman, Johan. Kami ang bahala kay Richelle habang nakabakasyon ka." Tugon ni Kuya Nitoy na nakatayo pala sa may shelf na malapit sa amin nina Ate. "Ikaw talaga, Johan. Ginagawa mo akong batang paslit. Batukan kaya kita dyan." Pairap kong saad kay Johan. "Huwag ka ng magalit, Ka-MU ko. Gusto ko lang naman na masigurado na magiging masaya ka sa Christmas saka sa New Year at habang nakabakasyon ako. Masama ba yon?" Tila proud pang saad ni Johan. "Anong Ka-MU ka dyan. Magtigil ka nga, Johan." Pagsaway ko kay Johan. Pinandilatan ko pa siya ng mata. "Alam naman na nina Ate at nina Kuya ang tawag ko sayo, Ka-MU ko." Nakangising saad ni Johan sa akin. Tinignan ko sina Ate Gemma, Ate Libay at Kuya Nitoy. Lahat sila ay nakangiting tumango sa akin. "Bago ka pa mabatukan ng Ka-MU mo eh eto na yung ipinakisuyo mo sa amin na ihanda namin, Johan. Lumakad na kayo para makapag-enjoy pa kayo together ng mahaba haba. Hindi ka pa yata nakakapag-empake para sa flight mo bukas pauwi ng Pinas." Saad ni Ate Libay habang inaabot kay Johan yung picnic basket na napansin kong nasa tabi niya kanina. "Tapos na po, Ate Libay. Nakapagempake na po ako kagabi. Thank you ng maraming marami, mga Ate. The best talaga kayo." Masayang saad ni Johan. Niyakap pa niya sina Ate Gemma at Ate Libay. "Kasali akong nagprepare nyan." Ani ni Kuya Nitoy. "Thank you din, Kuya Nitoy." Ani ni Johan at nagfist bump pa sila ni Kuya Nitoy. "Kunsintidor kami di ba. Member kami ng Johan-Richelle Love Team." Pabirong saad ni Kuya Nitoy. "Tama." Ani naman ni Ate Gemma. "Kung saan kayo masaya, go lang kayo." "Korek." Pagsang-ayon naman ni Ate Libay. "Saka who are we para pigilan kayo sa ikasasaya ng mga puso nyo. Matatanda na kayo kaya bahala na kayo sa buhay nyo." Tumatawang saad ni Ate Libay. Naiiling na lang ako sa naririnig kong pag-uusap nila habang nakangiti ako. Ramdam ko na pati puso ko ay masaya dahil sa ginagawa nila para sa akin. Sina Ate Gemma, Ate Libay at Kuya Nitoy na suportado ang love team namin ni Johan at aalalayan ako habang nakabakasyon si Johan. At si Johan na sinisigurado na magiging okey ako habang wala siya sa isla at hindi nagsasawang ipadama sa akin na mahal niya ako. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko sa puso ko. Masaya dahil kahit malayo ako sa pamilya ko ay may mga taong handang umagapay sa akin. Malungkot dahil kahit mahal namin ni Johan ang isa't isa ay hindi magiging tama ang pagmahahalan namin. O God, ikaw na po ang bahala sa istorya namin ni Johan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD