CHAPTER 17

825 Words
"Ano yan, Richelle? Nagrerebelde ka ba kaya ka nagpagupit ng ganyan?" Hindi na nakatiis na tanong sa akin ni Ate Gemma habang naglalakad kami pauwi sa barracks. "Hindi naman po, Ate Gemma. Mainit po kasi dito sa isla kaya naisip ko po na magpaigsi na ng buhok. Saka para makatipid po sa shampoo at conditioner. Magastos po kasi pag mahaba ang buhok." Nakangisi kong saad kay Ate Gemma. "Hindi po ba bagay sa akin yung gupit ko?" Tanong ko kay Ate Gemma habang nagpapacute sa kanya sa pamamagitan ng pagkurap kurap ng mga mata ko. "Bagay naman kung sa bagay. Mas gumanda ka pa nga eh. Tama naman si Paula na hot beautiful momma na rockista ang datingan mo ngayon. Correction, hotter pala. Pero huwag nga ako, Richelle. Gawain ko din yan noong dalaga pa ako. Pag heartbroken ako eh yung buhok ko ang napapagdiskitahan ko. Maski hanggang ngayon pag nagaaway kami ni Kuya Nitoy mo ay pati buhok ko eh damay pa rin." Ani ni Ate Gemma. “Ibig sabihin po ba, Ate Gemma, na nag-away po kayo ni Kuya Nitoy kaya ka po nagpagupit?” Patay malisya kong tanong kay Ate Gemma para makapag-change topic. “Huwag mong ibahin ang usapan, Richelle. Hindi kami nag-away ng Kuya Nitoy mo.” Saad ni Ate Gemma. “Ikaw ang may pinagdadaanan. Hindi ako.” Dagdag pa niya. "Talaga pong wala akong lusot sa inyo." Ani ko at napakamot pa ako sa ulo ko. "Part yan ng pagiging babae natin. Idinadamay ang buhok pag tinotopak at pag may pinagdadaanan na usaping puso." Ani ni Ate Gemma na ikinatawa namin pareho. Pagdating namin ni Ate Gemma sa barracks ay inabutan namin si Kuya Leo at si Johan na nakaupo sa tapat ng kwarto ni Johan. Agad nagbiro si Kuya Leo ng makita kami ni Ate Gemma. "Aba, teka." Bungad sa amin ni Kuya Leo. Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa. "May bago ba tayong kasamahan dito sa barracks ha, Mareng Gemma? Hindi ko nabalitaan na may bagong tauhan si Sir Joe. Ipakilala mo naman siya sa amin ni Johan, Mare." Pabirong saad ni Kuya Leo. Si Johan naman ay tinignan lang ako saglit saka tumayo din agad. "Papasok lang po muna ako sa kwarto ko. Excuse me po." Ani ni Johan at pagkatapos ay pumasok na siya sa kwarto niya. Aray naman! Deadmahan na tayo ha, Johan. Parang walang nakita. Ganon na lang ba talaga. Lovers to strangers na. Himutok ko sa sarili ko. "Si Kuya Leo naman. Nagpagupit lang po ako eh hindi mo na po ako kilala agad. Nakakahurt ka naman po. Ang bilis mo naman po akong makalimutan." Ani ko at nagpretend pa akong nagtatampo. Ang totoo ay hindi naman para lang kay Kuya Leo yung sinabi ko kundi pati kay Johan na alam kong narinig niya ang sinabi ko mula sa kwarto niya. Natawa naman sina Kuya Leo at Ate Gemma. "Ikaw ba yan, Richelle? Aba eh, mas gumanda ka, Richelle dahil sa gupit mo. Palaban na rockista ang dating mo." Saad ni Kuya Leo. "Kaso iyakin nga lang." Dagdag pa ni Kuya Leo na ikinatawa naming tatlo dahil halatang ipinaririnig din ni Kuya Leo kay Johan yung sinabi niya. "Hot beautiful momma nga daw si Richelle sabi ni Paula. Baka maligawan pa nga daw si Richelle nyan dahil mas maganda siya ngayon. Hotter nga daw si Richelle sabi pa ni Paula saka kung hindi daw siya bakla e baka daw niligawan niya si Richelle kahit kanina pang mahaba ang buhok niya dahil maganda daw si Richelle kahit walang make up. May mga naging customers nga daw siya na locals at kapwa Pinoy natin na nagagandahan dyan kay Richelle. Maski nga daw si Paula e nagandahan dyan kay Richelle noong unang beses niyang nakita si Richelle sa grocery." Pabirong saad ni Ate Gemma na halatang pinaririnig din niya kay Johan. Gatong din tong sina Ate Gemma at Kuya Leo. "Thank you po, Kuya Leo at Ate Gemma." Tugon ko at nag-bow pa ako sa harap nila. "Diyan muna po kayo. Aalis po muna ako." Pagpapaalam ko kay Ate Gemma at kay Kuya Leo. "Saan ka naman pupunta?" Agad na tanong ni Ate Gemma. "May bibilin lang po ako sa kabilang grocery. Wala po kasi sa atin nung kailangan ko." Saad ko na ikinakunot ng noo ni Ate Gemma. "Ano naman ang bibilin mo, Richelle?" Tila nagdududang tanong ni Ate Gemma. "Dumaan na tayo doon sa kabilang grocery kanina eh hindi ka pa bumili." Urirat ni Ate Gemma. "Nakalimutan ko po, Ate Gemma, nung pagdaan po natin kanina sa kabilang grocery. Saka gusto ko pong maglalakad lakad na din po muna." Ani ko. "Dyan na muna po kayo. Bye po." Saad ko at mabilis akong lumabas ng common area para hindi na ako mausisa or mapigilan pa ni Ate Gemma. "Bumalik ka agad bago dumilim." Narinig kong pahabol na saad ni Ate Gemma. "Opo." Sagot ko habang naglalakad palabas ng barracks namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD