"Ano yan? Merienda? Dinner? O breakfast ha, Richelle?" Tanong sa akin ni Ate Gemma na siyang nakaduty ngayon sa grocery nang ipatong ko ang isang ham sandwich at isang maliit na tetrapack ng fresh milk sa counter ng grocery para bayaran ko. Halata sa mukha ni Ate Gemma ang pagaalala.
Alas syete pa lang ng umaga ay andito na ako sa grocery kahit na alas otso pa ang pasok ko sa office. Maaga akong nagising dahil sa gutom na naramdaman ko. Pero sinigurado ko muna na wala na si Johan sa barracks bago ako lumabas ng kwarto ko para maligo.
"All of the above po, Ate Gemma." Ani ko habang nakapeace sign ang isang kamay ko sa kanya. Pinilit kong ngumiti kay Ate Gemma kahit na ang bigat pa rin ng kalooban ko at ng puso ko. Expected ko na din na pagsasabihan ako ni Ate Gemma.
"Sabi na nga ba. Tama yung hinala namin ni Ate Libay mo na hindi ka nakakain kahapon nung umuwi ka sa barracks." Ani ni Ate Gemma. "Bukod sa nagiiyak ka lang dahil tignan mo yang mga mata mo, mugto pa rin." Saad pa ni Ate Gemma at tumuro pa sa mga mata ko.
Napayuko na lang ako sa sinabi ni Ate Gemma.
"Naiintindihan ka naman namin, Richelle, na nasasaktan ka pero wag naman ganyan.” Saad ni Ate Gemma habang umiiling. “Aba eh wag mong gutumin ang sarili mo. Kahit na may pinagdadaanan ka e wag mong pabayaan ang sarili mo. Pilitin mo pa ring kumain.” Paalala sa akin ni Ate Gemma.
“Sorry po, Ate Gemma.” Yun na lamang anng naisagot ko sa kanya.
“Alam mo bang binantayan ka ni Johan sa harap ng kwarto mo mula ng umuwi siya sa barracks bandang alas nwebe kagabi?" Ani ni Ate Gemma.
"Po? Bakit niya po ako binantayan?" Gulat kong tanong kay Ate Gemma.
"Nakaupo kasi kami ni Ate Libay mo sa tapat ng kwarto mo kagabi. Kasi nga iniintay ka naming magsindi ng ilaw sa kwarto mo pagkauwi ni Ate Libay mo dahil nga sabi ni Kuya Leo mo na narinig ka daw niyang umiiyak ka sa kwarto mo nung pagdating niya sa barracks bandang alas sais kahapon. Gusto sana namin ni Ate Libay mo na ayain kang kumain dahil alam nga namin na may pinagdadaanan ka. Dinatnan kami ni Johan. Tinanong niya kami kung bakit nandoon kami. So ayun sinabi namin kung bakit. Ayaw naman naming katukin ka sa kwarto mo kasi nga baka nakatulog ka dahil nung pinakinggan ka naman namin sa kwarto mo eh tahimik naman. Kaya inassume namin na nakatulugan mo na ang pag-iyak. Tinanong kami ni Johan kung bakit ka umiyak. Sinabi namin na alam mo na yung tungkol sa pagpapakasal niya. Nalungkot nga siya nung nalaman niya. Then sinabihan kami ni Johan na siya na lang daw ang maghihintay sayo na magsindi ka ng ilaw. Doon umupo si Johan sa may bintana ng kwarto mo dyan sa harap ng barracks kagabi. Mas kita daw kasi sa bintana mo kung yung liwanag kung sakali alin sa lampshade mo or yung florescent light ang sisindihan mo pag nagising ka." Kwento ni Ate Gemma.
Potek, narinig kaya niya yung pag-iyak ko kagabi pati yung mga sinabi ko? Kainis naman.
"Ate Gemma, anong oras po ang out nyo mamaya?” Tanong ko. Sinadya ko talagang magchange topic.
“Alas dos ang out ko mamaya kasi papasok yung local na nagpapart time na cashier mamaya. Siya ang makakasama ni Ate Libay mo hanggang closing.” Tugon ni Ate Gemma. “Bakit mo natanong, Richelle?” Tanong ni Ate Gemma.
“May gagawin ka po ba mamayang hapon?" Balik kong tanong kay Ate Gemma.
"Wala naman. Bakit, Richelle?" Tugon ni Ate Gemma.
"Magpapasama po sana ako sa inyong magpagupit dyan sa salon na malapit sa barracks. Hindi ko po kasi kilala yung naggugupit dyan. Nahihiya po akong pumuntang magisa. Pwede nyo po ba akong samahan?" Ani ko.
"Pwede naman tutal balak ko din namang magpagupit. Sabay na tayo mamaya." Tugon ni Ate Gemma.
"Talaga po. Salamat po, Ate Gemma." Nakangiti kong saad.
Sorry, buhok ko. Ikaw ang mapagbubuntunan ko ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Sus, para kang others. Puntahan na lang kita dito pag-out mo mamayang alas singko." Ani ni Ate Gemma.
"Sige po. Thank you po ulit." Masaya kong tugon kahit na pilit yung saya na ipinapakita ko kay Ate Gemma para mabawasan yung pagaalala niya sa akin.
"Sige na. Kumain ka na muna habang wala pa si Sir Joe. Pumunta ka na muna dun sa kitchen sa likod. Doon ka na kumain." Saad ni Ate Gemma.
"Sige po, Ate Gemma. Punta na po ako sa likod." Tugon ko at akma na akong tatalikod ng biglang magsalita si Ate Gemma.
"Ay teka, Richelle. Muntik ko ng makalimutan. Eto nga pala. Iniwan yan ni Johan kanina. Ibigay ko daw sayo." Saad ni Ate Gemma sabay abot ng isang bento box sa akin. "Maagang nagluto si Johan kanina bago sila pumunta ni Pareng Leo kanina sa farm. Iniwan niya yan sa akin. Mahigpit ang bilin niya na siguraduhin ko daw na kakainin mo yan dahil tiyak daw na gutom ka. Kaya wag ka na sa kitchen kumain. Dito ka na sa harap ko kumain." Saad ni Ate Gemma. Inusod pa nya yung mga paninda na nasa may counter para magkaroon ako ng space para kainan ko.
"Ehhhh, Ate Gemma naman. Doon na lang po ako sa kitchen sa likod kakain." Nagmamaktol kong saad with matching padyak pa ng paa at kamot sa ulo.
"Huwag ka ng magmaktol dyan, Richelle. Kukurutin kita sa singit pag di ka sumunod sa sinabi ko. Dito ka na lang kumain para masigurado ko na kakainin mo lahat yan. Tama naman si Johan na tiyak na gutom ka dahil sabi mo nga merienda, dinner at breakfast mo yang sandwich na binili mo. Kahapon pang tanghalian yung huling matinong kain mo kaya kainin mo yang sandwich na binili mo at yang niluto ni Johan para sayo." Giit ni Ate Gemma.
"Si Ate naman eh…" Nagmamaktol ko pa ding saad.
"Kakain ka ba dito sa harap ko o magtatampo ako sayo?" Panakot sa akin ni Ate Gemma.
"Eto na nga po. Kakainin ko na po." Ani ko habang umuupo sa high chair na nasa tabi ni Ate Gemma. "Kain po tayo, Ate Gemma." Ani ko kay Ate Gemma after kong buksan ang bento box. Fried spam, scrambled eggs at sinangag ang laman ng bento box with plastic spoon at fork pa. Kumpleto talaga. Tubig na lang ang kulang.
"Sige na. Kakatapos ko lang ding kumain. Eto nga pala yung inumin mo." Ani ni Ate Gemma sabay abit sa akin ng isang bote ng mineral water. “Binayaran na din yan ni Johan kanina. Alam mo, Richelle, mahal ka talaga ni Johan." Tila kinikilig na saad pa ni Ate Gemma.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Sobrang lalim naman niyang buntong hininga mo na yan, Richelle." Ani ni Ate Gemma sa akin. "Mamaya ka na magreact dyan after mong kumain." Agad na saad din ni Ate Gemma ng makita niyang magsasalita ako.
Pinilit kong ubusin ang pagkaing ibinigay ni Johan dahil nakabantay sa akin si Ate Gemma kahit na wala akong kagana-ganang kumain.
"Mamayang lunch ko na lang po kakainin tong sandwich. Busog na po talaga ako." Saad ko kay Ate Gemma sabay himas pa sa tiyan ko para maniwala si Ate Gemma na busog na nga ako na totoo naman.
"Sa merienda mo na lang kainin yang sandwich na binili mo dahil nasa kay Ate Libay mo nga pala yung lunch mo. Bigay din ni Johan. Daanan mo mamaya sa kwarto nila sa lunch break mo. Muntik ko pang makalimutan. Ang hirap ng nagkakaedad. Nagiging makakalimutin na." Bilin ni Ate Gemma sa akin.
"Tss. Nakakainis naman." Reklamo ko sa harap ni Ate Gemma.
"Bakit ka naiinis dyan?" Natatawang tanong ni Ate Gemma sa akin na halata namang alam ang dahilan kung bakit ako naiinis. Hays.
"Eh kasi naman po, Ate Gemma. Paano naman po ako makakamove on pag ganyan ang ginagawa ni Johan? Paano ako mag-lelet go?" Nakapout ang lips kong saad kay Ate Gemma with matching kunot pa ng noo ko.
"Ano ba ang sabi sayo ni Kuya Nitoy mo tungkol kay Johan ha, Richelle?" Pagpapaalala sa akin ni Ate Gemma.
"Na unawain ko po muna si Johan." Tila batang nakabusangot ang mukha kong tugon kay Ate Gemma.
"Ano ba ang isinagot mo kahapon?" Tanong ulit ni Ate Gemma na alam kong may gusto siyang ipoint out sa akin.
"Susubukan ko po." Parang bata na napagalitan kong saad.
"Eh iyon naman pala. So bakit ka naiinis diyan?" Pabirong paninita sa akin ni Ate Gemma. "Saka hindi pa naman kayo nagkakausap ni Johan di ba. Ni hindi pa nga kayo nagkitang dalawa. Hindi mo pa din alam ang side niya kaya hayaan mo na si Johan sa mga ginagawa niya para sayo dahil iyon ang nakasanayan niyang gawin. Sabi mo nga di ba na hindi naman agad mawawala yung pagmamahal mo kay Johan. Ganoon din si Johan. Hindi din siya agad agad makakabitaw sa kung anuman ang meron kayo dahil si Johan naman talaga ang nag-umpisa ng lahat ng ito sa pagitan nyong dalawa." Saad ni Ate Gemma.
Napayuko na lang ako dahil totoo ang lahat ng sinabi ni Ate Gemma.
"Richelle, eto ha. Payong kapatid lang dahil hindi naman na iba ang turing namin sayo. Para ka na naming kapatid. Para na namin kayong kapatid ni Johan." Ani ni Ate Gemma. Hinawakan pa niya ako sa kamay ko. "Sa totoo lang ay nagaalala kami sayo, Richelle. Pero kailangan mong magpakatatag. Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Alam kong masakit. Hindi lang masakit kundi nakapasakit ng pinagdadaanan nyo ni Johan. Kung nasasaktan ka ay mas nasasaktan si Johan dahil dyan sa ginagawa mong pagpapabaya sa sarili mo. At saka isipin mo ang mga anak mo pati na ang Nanay mo. Paano kung may mangyari sayo dahil sa pagpapabaya mo sa sarili mo? Kawawa naman ang pamilya mo. Sino na lang ang magtataguyod sa kanila lalo na sa mga anak mo di ba." Pagpapaalala ni Ate Gemma.
"Opo, Ate. Susubukan ko po na hindi na magpabaya sa sarili ko. Maraming salamat po talaga dahil andyan kayo para sa akin." Ani ko at niyakap ko pa si Ate Gemma.
"Saka di ba ang sabi mo ay matatag yan." Tugon ni Ate Gemma sabay lagay ng kamay niya sa tapat ng puso ko na tinugunan ko ng pagtango. "Isa ito sa mga pagkakataon na kailangan nitong mapatunayan ang katatagan niya. " Dagdag pa ni Ate Gemma habang nakaturo sa tapat ng puso ko.
Sana nga kayanin kong panindigan na hindi na ako magpapabaya sa sarili ko at ang pagiging matatag ng puso ko. Oh, God, help me po. Please, Puso ko, maging matatag ka.
Gaya nga ng napagkasunduan namin ni Ate Gemmd ay sinundo ako ni Ate Gemma sa grocery bandang alas singko ng hapon para magpagupit kami ni Ate Gemma sa salon na malapit lang sa barracks namin. Si Ate Gemma ang unang ginupitan. Pinabawasan lang niya yung buhok niya ng 4 inches. Para daw mawala lang yung dry and split ends ng buhok niya.
Nung ako na ang gugupitan ay nagulat sina Ate Gemma at yung bakla na hairstylist sa salon na Paula pala ang pangalan ng sabihin ko kung anong gupit ang gagawin sa buhok ko.
"Pixie cut po." Ani ko.
"What?" Ani ni Paula na nanlaki pa ang mga mata sa gulat.
"Pixie cut po na mahaba yung bangs." Ulit ko sabay dagdag ng na mahaba yung bangs. Itinuro ko pa yung poster ng isang rocker model ng brand ng shampoo na nakasabit sa dingding ng salon. "Kagaya po nyan." Saad ko.
"Rocker lang ang peg. Ang astig mo, girl. You are not afraid to experiment with your hair." Saad ni Paula sa akin na nginitian ko lang. "Pero in fairness ha, bagay sayo yon, Ganda. You would look so hot. Hotter pa nga e. Hot beautiful momma. Baka nga maligawan ka pa nyan dito sa isla kahit na married ka na. Uso naman dito ang nagkakaroon ng karelasyon kahit na married." Saad ni Paula.
Makahulugan kaming nagkatinginan ni Ate Gemma pero ni isa sa amin ay hindi nagsalita.
"Naku, kung hindi lang ako beki eh baka noon palang na una kitang nakita sa grocery at ngayon pa lang na mahaba ang buhok mo ay niligawan na kita, Girl. Ang ganda mo kasi kahit wala kang make up. Alam mo bang may mga naging customers ako na nagagandahan sayo. Both locals and mga kapwa nating Pinoys. Iza Calzado ang hawig mo." Saad pa ni Paula nang magumpisa na siyang gupitan ang buhok ko.
Goodbye long hair, ani ko pa sa sarili ko ng bumagsak sa sahog ang buhok ko na ginupit ni Paula.
Si Ate Gemma naman ay nakatingin lang sa akin. Hindi siya nagsalita kahit na halatang nagtataka pa din siya sa gusto kong gupit.
Goodbye, long hair. Hello, new Richelle. Ani ko sa sarili ko habang tinitignan ang paggupit sa akin ni Paula sa malaking salamin na nasa harap ko.