CHAPTER 15

1529 Words
******** Hindi ko nakita si Johan ng umuwi ako sa barracks namin. Si Ate Gemma naman ay naiwan pa sa grocery dahil iniintay niya si Ma'am Ancha na nagpapasama sa kanya sa isang parasal sa kabilang village. Inaaya nga ako ni Ate Gemma na sumama sa kanila ni Ma'am Ancha pero dahil nga sa mugto ang mga mata ko ay hindi na ako sumama. Tiyak na uuriratin pa ako ni Ma'am Ancha kung bakit mugto ang mga mata ko kaya umalis na ako sa grocery bago pa dumating si Ma'am Ancha. Pagdating ko naman sa barracks ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. May dinatnan akong isang malaking paper bag na nakapatong sa ibabaw ng shelves na lagayan ng mga sapatos ko sa may pinto ng kwarto ko. May nakastapler na maliit na papel sa paper bag. Nang buklatin ko ang papel ay may nakasulat na FOR YOU, RICH na nakilala ko agad na sulat kamay ni Johan. Tumingin ako sa kabilang side ng barracks kung nasaan ang kwarto ni Johan. Natanaw ko na nakapadlock ang pinto ng kwarto ni Johan so it means wala siya doon. Naisip ko na siguro pumunta si Johan sa mga kaibigan niya dito sa isla o kaya sa Uncle Borge niya. Binitbit ko na lang ang paperbag papasok sa kwarto ko. Pagkapatong ko ng paperbag sa maliit na dining table sa loob ng kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama ko. Dahil sa pagiyak ko kanina ay sumasakit na ngayon ang ulo ko. Nagumpisa na naman akong umiyak nang makahiga ako sa kama ko habang nakatingin sa paperbag na nasa mesa. "Bakit ka nagpakasal, Johan? Sana hindi ka na lang tumupad sa pangako mo sa akin kahit na ilang beses ko pang sinabi. Sana, Johan, sa akin ka na lang. Sana ako na lang ang pinili mo." Malakas kong saad habang umiiyak na naman ako. Ang daming sana na gumugulo sa isip ko na nakapagpasakit lalo sa ulo ko. Ilang sandali pa ay nakatulugan ko na ang mga sana sa isip ko, ang sakit na nararamdanan ko sa puso ko pati na ang sobrang pag-iyak ko na alam kong dinig sa kalapit kwarto ko. Dahil sa pagkalam ng sikmura ko ay naalimpungatan ako sa pagkakatulog ko. Nang itapat ko ang suot kong relo sa sinag ng liwanag na nanggaling sa poste ng ilaw na nasa tapat ng kwarto ko ay nakita ko na pasado alas nwebe na pala. Medyo mahaba pala ang itinulog ko. Hay, ang sakit pa din ng ulo ko at pati ang mga mata ko ay masakit din. Nahirapan din akong idilat ang mga mata ko dahil sa sobrang mugto nito. Hay naku, Richelle. Iiyak ka na naman ba? Baka hindi mo na maidilat yang mata mo sa sobrang mugto na at baka madehydrate ka na sa kakaiyak mo, ani ko sa sarili ko. Kumalam ulit ang sikmura ko kaya napilitan akong tumayo para uminom ng tubig. Potek, hindi kayang pawiin ng tubig tong gutom na nararamdaman ko. Gutom lang ba o pati tong heartbreak na to? Hay ewan. Saka ano nga ba ang kakainin ko? Hindi nga pala ako nakapagluto kanina. Sinindihan ko ang maliit na lampshade na nasa sidetable ng kama ko instead na ang fluorescent light para hindi masyadong maliwanag. Ayoko ding malaman ng ibang kasamahan ko sa barracks na gising pa ako kung sakaling mapansin nila na nakasindi ang ilaw sa kwarto ko. Shit! Maski instant noodles or pancit canton pala eh wala na ako. Pati tasty bread ay ubos na din. Wala akong pwedeng kainin. Ayoko ng lumabas para magluto. "Ang kawawa ko naman. Brokenhearted na nga ako, wala pa akong makakain." Medyo napalakas kong saad. Dinampot ko na lang ang paperbag na galing kay Johan at inurirat ang laman nito habang nakaupo ako sa kama ko. Umaasa na meron akong pwedeng makain sa laman nito. "Umaasa. Umasa. Pinaasa." Malakas kong sambit. Napakasakit na mga salita. Naramdaman ko na lang ang kusang pagtulo ng mga luha ko. "Hay naku, Richelle. Hanggang kelan ka iiyak?" Malakas ko na namang saad. 1st item na nahugot ko mula sa paper bag ay isang t-shirt na kulay blue na may nakaprint na SOMEONE FROM LA UNION WHO LOVES ME GAVE ME THIS SHIRT. Aray naman. Parang gusto kong palitan yung LOVES ng LOVED para past tense na. Kesa naman HURTS ang ipalit ko. Mas ok basahin yung SOMEONE FROM LA UNION WHO LOVED ME GAVE ME THIS SHIRT. Bitter masyado yung SOMEONE FROM La Union WHO HURTS ME GAVE ME THIS SHIRT. Ani ko sa isip ko. Hays, tama na nga yan. Need ko muna humanap ng makakain. 2nd item ay ube jam from Good Shepherd ng Baguio. Wow, my favorite ani ko sa isip ko kahit na umiiyak ako. 3rd item naman ay strawberry preserve from Baguio din. Aba mukhang nag-Baguio siya. Doon kaya sila nag-honeymoon. Aray naman!!! Masukista ka din, Richelle, eh. Ani ko sa isip ko. 4th item na ikinatuwa ko ay bibingkang kanin na nasa isang rectangular microwaveable. Yes! Pwede na 'to. Pantawid gutom na din ito. Last item ay isang stuffed toy na teddy bear na may hawak na pulang puso na may nakaprint na I LOVE YOU! "I LOVE YOU! Parang mali. Dapat I LOVED YOU. Past tense na kasi nga tapos na. Wala ng continuation." Malakas kong saad habang umiiyak. Lalamukusin ko na sana ang paperbag nang may makapa pa akong matigas na bagay sa ilalim na bahagi nito. Nang dukutin ko ay isang sobreng puti na may nakadikit na maliit na kahon. Parehong may nakasulat na RICHELLE sa sobre at sa maliit na kahon. Yung sa kahon ay sulat kamay ni Johan. Yung sa sobre naman ay sulat kamay na tila sa babae na hindi ako familiar. Nauna kong binuksan ang maliit na kahon. Isang silver bracelet na may palawit na puso at isang maliit na papel ang laman ng kahon. Nang buksan ko ang papel ay may nakasulat dito na malakas kong binasa….. RICH, MY HEART WILL FOREVER BELONG TO YOU AS I WILL FOREVER LOVE YOU. JOHAN "s**t! Ano ba? Ang sakit sakit na. Durog na durog na ako." Malakas ko na namang saad. Umiiyak pa rin ako habang isinusuot ang bracelet sa braso ko. Masukista na kung masukista dahil sa oras na ito ay gusto ko munang panghawakan ang pagmamahalan namin ni Johan bago ako mag-let go. Kung hanggang kelan yon ay hindi ko alam. Sunod kong binuksan ang sobre. Isang sulat ang laman ng sobre. Dear Richelle, Una sa lahat gusto kong sabihin sayo na kami ng Papa ni Johan ang dahilan kung bakit nagpakasal si Johan kay Eula. Bago pa magbakasyon si Johan ay naipagkasundo na namin siya ng Papa niya kay Eula na kababata niya. Kaibigan namin ang mga magulang ni Eula kaya halos anak na din ang turing namin kay Eula. Kaya kahit hindi alam ni Johan ay nagkasundo na kami ng parents ni Eula na ipakasal silang dalawa sa pagbabakasyon ni Johan dito sa Pilipinas. At dahil sa ayaw naming malagay sa kahihiyan ang pamilya namin ay pinilit naming pumayag si Johan kahit na labag sa kalooban niya na ituloy ang pagpapakasal kay Eula. Nalaman namin na kaya ayaw niyang pumayag na magpakasal kay Eula ay dahil sayo. Ikaw ang mahal ni Johan. Pero, Richelle, kung ikaw ang pipiliin ni Johan ay alam naming masasaktan lang ang anak namin. Kahit mahal nyo ni Johan ang isa't isa ay wala pa ring kasiguraduhan kung magiging kayo ni Johan hanggang sa huli dahil may sarili ka ng pamilya, Richelle. May asawa ka na. Patuloy lang masasaktan ang anak ko sa paghihintay niya sayo na wala namang kasiguraduhan kung kaya mong ipaglaban si Johan sa pamilya mo at kung siya ang pipiliin mo kung sakaling dumating yung time na kailangan mong pumili between our son and your family. Iyon ang ayokong danasin ni Johan. Ang habambuhay siyang masaktan at maghintay sa wala. Gusto naming maging masaya ang anak namin na hindi nakikisalo lang. Isipin mo na lang na kaya nagpakasal si Johan ay para tumupad sa pangako niya sayo na hahanapin pa rin niya ang nakalaan para sa kanya kahit na mahal ka niya. Kaya kahit na alam naming nasasaktan kayo ni Johan ngayon ay alam naming tama pa rin ang naging desisyon namin ng Papa ni Johan na ipakasal siya kay Eula dahil naniniwala kami na si Eula ang inilaan para kay Johan. Kaya yung sakit na dinadanas nyo ngayon ay pang hanggang ngayon lang yon. Panandalian lang. Pero sigurado kami na mawawala din ang sakit na yon pag nakapag move on na kayo pareho ni Johan. Ituon nyo na lang pareho ang atensyon at pagmamahal nyo sa kani-kaniya nyong mga pamilya. Ganoon pa man, patawad, Richelle. I still wish you well. Mama ni Johan "Bakit ang judgemental nyo naman po? Bakit po kayo ang nagdesisyon sa kapalaran namin ni Johan? Potek na pangako na yan." Malakas kong saad at humagulgol na naman ako ng iyak habang nakahiga sa kama ko. Hindi ko na nagawang kainin yung bibingka dahil pinatay ko na ang sindi ng lampshade at nakatulugan ko na naman ang pagiyak ko habang yakap ang teddy bear na bigay ni Johan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD