“Baog ako.” Mangiyak ngiyak na saad ulit ni Eula.
Shit! Hindi ko na talaga alam kung ano na ang dapat kong maramdaman ngayon. Halo-halong emosyon na ang nasa puso ko. Galit. Awa. Lungkot. Panghihinayang. Dahil sa mga nalaman ko ay tila may pwersang humigop sa akin pabalik sa mga sandaling sinabi sa akin ni Kuya Nitoy na ikinasal na si Johan habang nakayakap sa akin ng mahigpit sina Ate Gemma at Ate Libay.
********
"Maraming salamat po Ate Gemma, Ate Libay at Kuya Nitoy. Pasensya na din po kayo. Pati po tuloy kayo ay nadamay at nasasaktan ngayon dahil sa kalokohang ginawa namin ni Johan." Ani ko sa kanila habang patuloy ako sa pagiyak ko.
"Hindi kalokohan ang pagmamahalan niyo ni Johan, Richelle. Hindi kalokohan na dahil sa pagmamahal nyo sa isa't isa ay umasa kayo na may posibilidad na maging kayo hanggang sa huli. Sigurado kami na may dahilan kung bakit biglang nagpakasal si Johan kaya bigyan mo siya ng pagkakataon na makapagpaliwanag sayo. Huwag mong isara ang puso mo kay Johan, Richelle." Saad ni Ate Gemma.
"Alam naman nating parepareho na mahal na mahal ka ni Johan, Richelle kaya gaya ng sinabi ni Mareng Gemma ay nakakatiyak din ako na may mabigat na dahilan kung bakit biglang nagpakasal si Johan. Huwag kang magalit sa kanya ha, Richelle. Unawain mo siya." Ani ni Ate Libay habang hinahagod niya ang likod ko.
"Huwag po kayong magalala. Hindi naman po ako galit kay Johan. Masakit man po sa akin na malaman ang katotohanan na ikinasal na po siya pero hindi po ako galit sa kanya. Pipilitin ko pong maging masaya para kay Johan kahit na hindi man po ako maging parte ng kaligayahan niya. Kakayanin ko po. Matibay po ‘to. Matatag." Ani ko sabay tapik sa tapat ng puso ko. Para akong luka-luka na pilit na tumawa kahit na tumutulo ang mga luha ko mula sa mga mata ko. "Saka ang sabi ko nga po sa inyo na ako po yung may gusto na makahanap po si Johan ng babaeng inilaan talaga para po sa kanya. Tinupad lang po niya yung agreement naming dalawa." Saad ko habang pinupunasan ang mga luha ko na patuloy sa pagdaloy mula sa mga mata ko.
"Hindi ko nga alam kung dapat bang maging masaya tayo para kay Johan dahil sa pag-aasawa niya kung siya mismo ay parang hindi naman siya masaya sa nangyaring pagpapakasal niya.” Ani ni Kuya Nitoy.
“Bakit nyo po nasabi na hindi masaya si Johan, Kuya Nitoy?” Nagtataka kong tanong.
“Kanina kasi na kausap namin nina Ate Gemma at Ate Libay mo si Johan noong pumunta siya dito eh iba ang pakiramdam ko habang sinasabi niya sa amin na ikinasal na nga siya. Parang hindi siya masaya. Walang kislap ang mga mata niya habang kausap namin siya kanina. Hindi gaya noon na pag ikaw ang pinaguusapan namin, Richelle, eh halatang halata kay Johan na masaya siya. Kinikilig siya pag ikaw ang topic namin. Pero kanina, wala talaga akong naramdaman kahit na katiting na excitement mula kay Johan habang pinaguusapan namin yung pagpapakasal niya. Ni wala nga siyang litrato nila ng asawa niya sa wallet niya nung kinukulit namin siya na ipakita sa amin kahit sa picture man lang yung napangasawa niya." Saad ni Kuya Nitoy.
"Nung nagbayad nga siya kanina nung mga binili niya ay nagulat pa nga ako dahil picture ninyong dalawa ang nakita kong nasa wallet ni Johan." Dagdag naman ni Ate Gemma.
"Kaya sana, Richelle, subukan mo munang unawain si Johan kung sakaling may mapansin kang pagbabago sa kanya." Bilin ni Kuya Nitoy.
"Opo, Kuya. Susubukan ko po." Saad ko pa rin kahit na may pagaalangan akong nararamdaman sa puso ko dahil gusto kong malaman agad kung ano talaga ang totoong nangyari. Bakit hindi man lang nabanggit sa akin ni Johan na magpapakasal na pala siya sa pagbabakasyon niya? Bukod pa sa napakaraming tanong na nasa isip ko ngayon na mas nagdudulot ng sakit sa puso ko.
"Unawain muna natin si Johan ha, Richelle. Hayaan muna natin siyang magisip isip. Hintayin na lang natin na siya ang magkusang mag-open up sa atin. Sa tingin ko kasi ay tinatantya pa ni Johan kung ano ang mga gagawin niya ngayong mga panahong ito. Mas kailangan ni Johan ngayon ang pang-unawa natin." Ani ni Kuya Nitoy na tinugunan namin nina Ate Gemma at ni Ate Libay ng pagtango.
"Mahal mo pa din naman si Johan di ba, Richelle?" Tanong sa akin ni Kuya Nitoy.
"Hindi naman po ako masasaktan ng ganito kung hindi ko po siya mahal. Saka hindi naman po agad-agad mawawala yung pagmamahal ko kay Johan, Kuya Nitoy. Pero mukhang sa pagkakataon pong ito ay hindi na po mahalaga kung mahal ko ba o hindi si Johan dahil po ang mas nananaig po sa isip ko ay kung minahal po ba ako talaga ni Johan o kung ginawa lang po niya akong pampalipas oras." Naluluha ko na namang saad. Ang sakit kasi sa dibdib sa tuwing naiisip ko na may asawa na si Johan at yung possibility na hindi totoo yung mga sinabi niya, pinakita niya at pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako.
"Tumahan ka na, Richelle, dahil alam naman natin na mali ang iniisip mo na ginawa ka lang pampalipas oras ni Johan. Hindi ganun si Johan. Alam kong naramdaman mo at ikaw mismo ay napatunayan mo sa sarili mo na totoo ang pagmamahal sayo ni Johan. Napatunayan nating lahat na totoong mahal ka ni Johan. Kaya nakakatiyak ako na kung nahihirapan ka ay mas nahihirapan ang kalooban ni Johan. Mas mahihirapan pa lalo si Johan pag nalaman niya at pag nakita ka niyang umiiyak. Alam naming masakit ito para sayo pero nakakatiyak ako na mas masakit ito para kay Johan dahil alam niya na masasaktan ka pag nalaman mo na ikinasal na siya. Nasaktan niya ang babaeng mahal niya." Paalala ni Kuya Nitoy. "Ang sabi mo nga ay matatag ka. I guess this is the right time na magpakatatag ka, Richelle. Magpapakatatag ka para sa inyo ni Johan at sa pagmamahalan niyo. Wag kang basta basta bumitaw, Richelle. Wag mong bitawan si Johan ng hindi mo inaalam ang totoong nangyari." Dagdag na saad ni Kuya Nitoy.
Tumango na lang ako kay Kuya Nitoy habang pinupunasan ang mga luha ko at pilit pinapakalma ang sarili ko. Sa loob loob ko, kakayanin mo ito, Richelle. Alang alang kay Johan.
*********
“Richelle.”
Narinig kong tawag ni Eula sa akin na nakapukaw ng atensyon ko at pumutol sa pagbabalik tanaw ko.
“Richelle, ok ka lang ba?” Tanong sa akin ni Eula.
“Oo, ok lang ako.” Ani ko kahit na ramdam ko sa sarili ko na hindi ako ok.
“Sigurado ka? Kanina pa kasi kita tinatawag pero nakatulala ka lang. Tapos patuloy na tumutulo ang mga luha mo.” Saad ni Eula.
Agad kong hinawakan ang pisngi ko. Basa nga siya ng luha kaya kinuha ko ulit ang tissue na iniaabot sa akin ni Eula.
“Bakit mo nagawa yon, Eula? Naging masaya ka ba sa ginawa mo?” Tanong ko kay Eula habang pinupunasan ko ang mga luha ko. Bakas sa mukha ni Eula na ikinagulat niya ang mg tanong ko. “Bakit hindi mo na lang hinayaan si Johan sa gusto niya? Bakit hindi mo na lang tinanggap kung ano man ang gustong gawin ni Johan sa buhay niya? Bakit hindi mo na lang kami hinayaan ni Johan gayong alam mo naman sa umpisa na ako pala ang mahal ni Johan?” Magkakasunod kong tanong kay Eula habang tumutulo na naman ang mga luha ko. Hindi ko na kayang pigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko dahil nabuhay ulit ang sakit na naramdaman ko sa puso ko noong nalaman ko na nag-asawa na si Johan. Bukod sa hindi pa pareho ang kwento ni Johan at ni Eula. Pati na ang nakalagay sa sulat na galing sa Mama ni Johan. Hindi sinabi ni Johan at ang nasa sulat ng Mama ni Johan para sa akin ang totoong nangyari. Pinagtakpan nila ang ginawa ni Eula.
“I’m sorry, Richelle. Patawarin mo ako.” Ani ni Eula.
“Alam mo naman pala mula sa umpisa na hindi ka naman mahal ni Johan. Na ako ang tunay at nagiisang mahal ni Johan. Bakit ipinilit mo pa din ang gusto mo, Eula? Bakit ipinilit mo pa rin ang sarili mo kay Johan?” Nanginginig na ako sa halo halong emosyon na nararamdaman ko. “All these years, anf akala ko ay ako ang nang-agaw sayo, Eula. All these years, sobrang liit ng tingin ko sa sarili ko dahil pumayag akong makisalo sayo kay Johan. Na pati ang anak namin ni Johan ay naging bastarda na hindi magawang dalhin ni Johan sa mga magulang niya dahil ayokong harap-harapan kang masaktan pati na ang mga magulang mo. Yun pala ay ikaw ang nang-agaw. Ikaw ang nanggulo. Alam mo bang magkaiba kayo ng kwento ni Johan at ng Mama ni Johan? Sa kabila ng ginawa mo ay pinagtakpan ka pa din ni Johan pati ng Mama niya. Si Johan, ang idinahilan niya sa akin ay tumupad siya sa pangako niya sa akin na hahanapin pa din niya ang babaeng nakalaan para sa kanya. Na pati lahat ng taong nakakaalam tungkol sa pangako ni Johan sa akin ay sinasabihan ako na tumupad lang si Johan sa gusto kong gawin niya kaya siya nagpakasal sayo kaya wala akong karapatang masaktan dahil kagustuhan ko ang makakikila si Johan ng babae na walang pananagutan na. At pati din ang Mama ni Johan ay ipinamukha sa akin na ang dahilan niya kaya ayaw niya sa relasyon namin ni Johan ay dahil nga mali daw ang pagmamahalan namin ni Johan. Na ayaw nila sa akin para kay Johan. Pinalabas ng Mama ni Johan sa akin na kagustuhan nila ng Papa ni Johan na magpakasal si Johan sayo. Ayaw niyang masaktan ang anak niya kung ako ang pipiliin ni Johan. Lahat ng kwento na saan man tignan na kaya ka pinakasalan ni Johan ay ako ang may kasalanan dahil bukod sa may asawa na ako at sa kagustuhan kong mahanap ni Johan ang nakalaan para sa kanya. Pero ang totoo ay ikaw pala ang may kasalanan ng lahat kung bakit tayo nasaktan prepare. Ikaw ang nagpagulo ng sitwasyon at kwento nating lahat.” Puno ng paninisi ang mga sinabi ko na alam kong pagsisihan ko din ang mga binitiwan kong mga salita kay Eula.
“Ha? Hindi ko alam ang tungkol sa pangako ni Johan sayo at ang sulat ng Mama niya. Hindi ko alam na pinagtakpan nila ang ginawa ko." Gulat na saad ni Eula.
“Oo, Eula. Pinagtakpan ka nila. At wala ka ni katiting na idea kung ano ang pinagdaanan ko at ni Johan dahil sa ginawa mo.” Umiiyak kong sumbat kay Eula.