Chapter 7

2549 Words
CHAPTER 7: CALLING Rhys's POV Lumipas ang ilang oras sa pagkukulong ko sa kwarto, wala akong ibang ginawa kundi ang kausapin ang sarili ko. Magulo ang na nga ang isip ko, pakiramdam ko pa ay unti-unti akong nasasakal sa loob ng kwarto. Parang hindi ako makahinga sa dami ng laman ng utak ko. Hanggang sa naisipan ko nang lumabas sa kwarto para makapagpalamig ng kaunti, pakiramdam ko kasi tinotorture ko na ang sarili ko dahil sa mga bumabagabag sa akin. Naabutan ko si In-ma na nagluluto para sa aming hapunan, nang iginala ko ang tingin sa paligid ng bahay ay hindi ko na nakita si Zion. Lumapit ako kay In-ma at niyakap siya mula sa likod. "In-ma... anong niluluto n'yo?" In-expect ko na sasawayin niya ako dahil may ginagawa siya at nang-iistorbo ako pero hindi siya umimik, hinayaan niya lang ako. Alam kong galit si In-ma sa akin, kaya pinili ko na lang bumitaw sa kanya. Babalik na sana ako sa kwarto pero natigil ako nang magsalita si In-ma, "Anak, sigurado ka ba sa ginagawa mo?" Bumaling ako at muling lumapit sa kusina. Siguro ay makakabuti na rin ang pag-usapan na ito para makabawas sa alalahanin ko. Ito rin naman ang kailangan ko sa ngayon... ang makakausap. Umupo ako bago sumagot, "In-ma, lumaki ako na tayong dalawa lang ang magkasama. Ikaw at ako lang ang nagtutulungan at magkaramay. Kaya bakit ko iintindihin ang mga taong wala naman naiambag sa buhay ko?" "Rhys, kahit ano pang kasalanan sa 'yo ng Reha... hindi mo maitatanggi na siya pa rin ang iyong Am-pa. Hindi kita tinuruan na magbilang ng mga naitulong sa 'yo ng iba." "Anong bibilangin ko kung wala naman siya ini-ambag," pangangatwiran ko. "Amara, sumosobra ka na!" "In-ma, akala ko ba naiintindihan ninyo 'ko? Hindi ganoon kadali ang gusto ninyo. Kahapon lang ako kinausap ng Reha, hindi naman agad-agad ay ayos na ang lahat sa amin. Grabe naman kayo sa akin, may damdamin din naman ako at kailangan ko rin huminga." Napabuntong-hininga si In-ma. Alam kong galit siya kaya hindi niya napigilan ang sarili niyang magtaas ng boses sa akin, kaya sana lang ay hindi ako mapagalitan dahil sa ka-pilosopohan kong sagot. Binalik niya ang atensyon sa pagluluto, habang ako ay tinitingnan lang siya. Nagpapalusot lang talaga ko, wala akong balak na tulungan sila. Hindi naman ako karapat-dapat na maging tagapagligtas nila. "Wala ka pang napipili na ofin. Hindi naman pang-habang-buhay ang tournament. At isa pa, hindi rin ako papayag na ilalaan mo ang lahat ng oras mo sa pag-eensayo." Bahagya akong natigilan at agad na nagtaka, hindi ko kasi maintindihan si In-ma kung bakit biglang napunta diyan ang usapan. Ang ofin ay calling o napili mong gagawain sa iyong buhay, puwede rin matawag na trabaho ito o isang misyon mo sa buhay. At ang sagot ko diyan, sa totoo lang... hindi ko alam. Wala pa akong naiisip na gagawin ko. Ako naman ang napabuntong-hininga, ano nga ba ang pipiliin ko? "In-ma... ano bang naging basehan mo sa pagpili bilang Sela ng Kastia? Bakit 'yun ang napili mong ofin?" Tinigil niya ang kanyang ginagawa at saka naupo sa tapat ko. Tumingin ako ng diretso sa kanya dahil ramdam ko na magiging mahabang usapan ito. "Rhys, ang pagpili sa ofin ay hindi nakokopya. Hindi basehan ang kailangan para malaman kung ano ba ang dapat piliin. Pakiramdaman mo ang sarili mo, ano ba ang gusto mong gawin? Saan ba sa palagay mo nababagay ang talentong taglay mo? Bakit sa tingin mo, gusto mo ng simple at tahimik na buhay?" Bakit gusto ko? Yumuko ako, gusto ko kasi... ma-e-enjoy ko ang buhay ko kapag simple at tahimik lang ito... pero ngayon na itinanong 'yan sa akin, iba ang naging pakiramdam ko, parang hindi iyon ang sagot sa sinasabi ni In-ma... "Hindi mo alam, tama? Hindi ka makapili dahil may kulang pa sa pagkatao mo." Tumingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yun. "Kulang?" tanong ko. "Kahit hindi mo aminin, alam kong nararamdaman mong may parte sa 'yo na gusto mo rin makilala ang totoo mong pamilya... gusto mo pa rin silang makasama. Iyon ang kulang, Rhys..." "Parte ka ng pamilyang kinamumuhian mo. Kung talagang gusto mo magkaroon ng buhay na simple at tahimik, simulan mo ito sa sarili mo... buuin mo ang kulang sa 'yo at kapag nagawa mo 'yan... saka ka pumili ng nararapat na ofin para sa 'yo." *** Buong magdamag kong inisip ang mga sinabi ni In-ma. Hindi ko nagawang makatulog. Nag-decide akong maglakad-lakad nalang muna sa labas. Tingin ko ay kailangan ko rin 'to... preskong hangin. Para matahimik ang utak ko kakaisip. Dinala ako ng mga paa ko sa parte ng gubat na lagi kong pinupuntahan kapag gusto kong mapag-isa. Ngayon ko lang na-realize kailangan ko pala ng kausap. Wala manlang akong kaibigan... Masaya naman ako na nandiyan si In-ma kapag kailangan ko ng kausap, palagi niyang pinapakinggan ang mga rants ko pero ngayon kasi naghahanap ako ng opinyon ng iba... isang opinyon na makakatulong sa 'kin sa pagpili ng tamang desisyon. Hindi ko kasi nagawang makipag-kaibigan sa ibang bata noon dahil dito kami nakatira sa gitna ng gubat. Kahit sa pag-aaral ay si In-ma ang naging teacher ko, tapos wala akong inatupag kundi ang mag-training. Kahit may kalayaan ako noon na mag-gala at makipaglaro sa ibang bata sa viyon ay hindi ko ginawa dahil sabi ko hindi ko sila kailangan. Ngayon ko naisip na dapat pala nakapagbigay ako ng oras sa ibang bagay noon. Umakyat ako sa isang puno at saka umupo sa sanga nito. Ang punong ito ang nagsilbing tambayan ko mula bata pa ako, dito 'ko nagpupunta kapag wala akong magawa o 'di kaya ay kapag napapagalitan ako ni In-ma. Kahit wala akong naging kaibigan dati, masaya na ako dito. Marami akong naging memories sa lugar na ito, dito ako nagsimulang mag-training na mag-isa, natuto na pumitas at kumain ng mga ligaw na bungang-kahoy at prutas, mangahoy kapag kailangan ko gumawa ng siga, mangaso, mang-silo ng kuneho, gumawa ng halamang gamot, at kung ano-ano pang mga bagay na kumumpleto sa childhood memories ko. Ang swerte ko lang kasi para akong nagkaroon ng malawak na playground. Pinagmasdan ko ang dilim ng langit... nangingibabaw doon ang liwanag ng bilog na buwan, nakapaligid din sa kanya ang madaming bituin. "Buti ka pa may kasama, hindi gaya ko na nag-iisa." Para akong sira na kinakausap ang buwan. "Maging loner naman ngayon ang trip mo, Haie?" Sumama ang tingin ko sa gawi kung saan ko narinig ang boses ng nagsalita. Kilala ko ang boses na 'yon, alam kong si Zion lang ang lalaking ipinanganak para manira sa buhay ko. "Alam mo, simula talaga ng nakilala kita... wala nang katahimikan ang buhay ko." Hindi niya pinansin ang sinabi ko, umakyat din siya sa puno at tumabi sa sanga na inuupuan ko. "Ano naman ang problema mo ngayon, Haie?" Bumaling ang tingin ko sa kanya. "Huh?" sabi ko. Nakatingin lang siya sa langit. "Nu'ng isang araw... nakita rin kita na mag-isa rito, galit na galit ka pa nga sa Reha. Kaya palagay ko, nandito ka ulit dahil may problema ka ulit." Napayuko ako dahil sa sinabi niya, ayan na naman siya sa seryoso at malumanay niyang boses. Parang namimilit na sabihin ko sa kanya ang iniisip ko. Kaya kinuwento ko na lang sa kanya ang naging pag-uusap namin ni In-ma kanina. Ilang araw ko pa lang siyang kilala at sa iba siguro... hindi pa ganoon kadali magkwento sa taong hindi mo pa lubos na kilala, pero wala naman akong ibang makakausap maliban sa kanya kaya ayos lang din sa akin na malaman niya ang mga iniisip ko. "Na-pressure ka ba sa sinabi ko kanina?" tanong niya. Tumingin ako ulit sa kanya na may kunot ng noo, tinuloy niya ang sinasabi niya, "Pasensya na kung sinabi ko 'yun kahit alam ko ang nararamdaman n'yo, Haie." "Ah..." 'Yun lang ang nasabi ko, ang tinutukoy niya pala ay ang pagpilit niya sa akin na iligtas ang Reha at Quina. "Kung ikaw ba ang nasa posisyon ko, anong gagawin mo?" Tumingin din siya sa akin nang nakangiti. "Ako? Kagaya mo, wala rin akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko." Inalis ko ang tingin ko sa kanya saka pumikit, ano nga bang aasahan ko sa baliw na 'to. "Pero kung kailangan kong pumili ng dapat gawin, pipiliin ko 'yung bagay na magpapasaya sa taong nagpapasaya rin sa akin." Nagmulat ako ng mata at agad siyang tiningnan, nakatingin pa rin siya sa akin. Nakatingin ba siya sa 'kin habang sinasabi niya 'yun? Dahil hindi niya iniwas ang tingin niya sa akin, ako na ang umiwas. "Sa tingin mo ba, kung susundin ko ang gusto ni In-ma... mapapasaya ko siya?" Narinig ko ang tawa niya. "Haie, alam mo na siguro ang sagot sa simpleng tanong mo." Muli akong pumikit saka ngumiti... Ilang segundo ko iyong ginawa bago ako nagmulat ng mata at nagdesisyong bumaba sa puno, bumaba rin si Zion. "Saan ka pala nagpunta kanina pagpasok ko ng kwarto?" Sumunod siya sa akin na nagsimulang maglakad pabalik sa bahay. "Nag-ikot-ikot. Sinigurado ko na wala na talaga 'yung mga humahabol sa inyo, Haie." Tumingin akong muli sa buwan at binulong ang... "Hindi rin pala ako nag-iisa." Inaya ko si Zion na sa bahay na lang magpalipas ng gabi, para kahit papaano ay makabawi ako sa naging pagligtas niya sa akin at sa pakikipag-usap niya sa akin; luminaw ang isip ko dahil sa mga sinabi niya at alam ko na ang dapat kong gawin. Pagsapit ng umaga, bumalik sa dating sigla si In-ma. Inasahan ko na ibubungad niya sa akin ang pagtatanong tungkol sa naging desisyon ko sa usapan namin kahapon pero hindi niya iyon binanggit, magiliw niya 'kong inaya kumain at ganoon din ang kasama naming Flame Knight. Hindi ko alam kung may ideya ba si In-ma na lumabas ako ulit kagabi, pero nakakapagtaka lang na maganda ang naging salubong niyang ngiti kay Zion at kanina ko pa napapansin na inaasikaso niya ito ng husto kumpara sa paano niya ako asikasuhin. Pinili kong huwag na lang iyon pansinin, baka ayaw lang ni In-ma na pag-usapan iyon habang may bisita. Pero bigla kong nabitawan ang kutsara ko nang may naalala akong importanteng bagay... "Rhys? May problema ba?" ani In-ma. Tumingin ako sa kanya na gulat na gulat ang mukha. "In-ma... nakalimutan ko na ang tungkol sa Tournament of Flames. Nagsimula na ang Quarterfinals kahapon!" Sabay na napabuntong hininga si In-ma at Zion. "Hindi mo pa rin nakakalimutan ang tournament kahit muntik ka nang mapatay nu'ng isang araw, Haie?" Sumama ang tingin ko kay Zion. "Nakalimutan ko na nga, 'diba? Hindi na nga ko nakapunta kahapon." "Rhys, baka disqualified ka na dahil hindi ka na nagpakita doon." Dismayado man, tumango na lang ako bilang pag-sang-ayon sa sinabi ni In-ma. Tumingin ako kay Zion saka nagsalita, "Kung disqualified na 'ko, puwede ba na tayo na lang ang maglaban? *** "Digus li cien: Laminis!" Asar na asar ako dahil sa ginagawa ni Zion, kanina ko pa siya pinapaulanan ng Flame Spike pero hindi ko siya matamaan kahit isa. "Puwede ba, huwag ka umilag?!" "Haie, saan ka nakakita ng laban na hindi iniilagan ang atake sa kanya?" Pagkatapos niyang sabihin iyon, sumugod siya sa akin gamit ang isang fire sword. "Misphera!" Sigaw ko sa incantation, para ma-depensahan ang sarili ko sa atake niya. Lumayo ako ng kaunti saka nagbanggit ng isa pang incantation. "Digus li cien: Igsis!" Lumabas sa aking kaliwang kamay ang spear, binalikan ko si Zion at nagpapalitan na kami ngayon ng atake. "Tama 'yan, lumaban ka by combat. Huwag puro incantation, para hindi ka kaagad maubusan ng evis!" Muli akong nagwasiwas ng aking spear dahilan para mapa-atras siya palayo sa akin saka ako sumagot sa sinabi niya, "Ano naman ang role mo ngayon, isang Coach?" Sumugod siya sa akin. "Isang paalala lang 'yun, Haie. Hindi ba mas hassle kung palagi kang nagbibitaw ng incantation? Pa-atake na sa 'yo ang kalaban, ikaw naman ay nagsasabi pa lang nito." Umirap ako saka nag-dash palayo sa kanya. "Ganyan ka rin nu'ng unang beses mo akong kinausap, nagbigay ka rin ng advice. Pero hindi mo naman ina-apply sa sarili mo," sabi ko. Agad na sumilay sa kanyang labi ang ngisi na lagi kong kinaiinis sa kanya. "Digus li cien: Igsis!" Sa unang pagkakataon ay nagbitaw din siya ng incantation, mula kasi kanina ay fire sword lang ang gamit niya. "Akala ko ba hassle?" tanong ko. Pero gusto kong mag-palm face dahil sa naging result ng pag-upgrade niya sa fire sword niya. Naging solid sword lang 'yon at hindi nag-transform ng ibang weapon kagaya sa akin na nagiging spear, pero mas malaki iyon kaysa sa gamit niyang fire sword kanina. Sa nasaksihan kong laban sa tournament, ang incantation para ma-upgrade ang fire sword into some weapon ang madalas kong marinig na ginagamit nila sa laban. Pero siya pa lang ang nakita kong ginawa lang na solid ang fire sword. Siguro talagang symbol na ng isang Flame Knight na gaya niya ang sword kaya doon talaga siya mas sanay. Hindi ako sinagot ni Zion sa tanong ko, patuloy niya lang sinasangga ang bawat atake na ginagawa ko. Muli akong umatras para magpahinga. Sa itsura naman ng kalaban ko, parang wala lang sa kanya ang palitan ng atakeng 'yun. "Kung pagod ka na, pahinga na muna tayo, Haie," aniya. Hinanda ko ang spear ko para humanda sa pag-atake. "Hindi pa 'ko pagod, hindi pa tayo tapos." Nauna akong sumugod at nagpalitan ulit kami ng atake, pero hindi ko nailagan ang sumunod niyang atake—hindi na ako nakagalaw nang maramdaman ko ang talim ng sword niya sa aking lalamunan. "Tapos na ang laban, Haie. Tanggapin mo nang talo ka." Seryoso ang boses niya. "Hindi pa nga sabi!" madiin kong sabi. Sinubukan kong i-angat ang spear ko pero dahil nasa lalamunan ko pa rin ang talim ng sword niya ay hindi ko na ito nagawa. "Ako ang tagabantay mo, Haie. Paano naman kita ipagtatanggol kung sa iyo pa lang ay matatalo na ko?" Dahil sa sinabi niya ay tinulak ko na siya palayo sa akin. "Fine. Ayoko na," sabi ko. Binitawan ko ang spear ko at umupo sa damuhan, tinabihan niya ako. "Paano ba 'yan, ako ang nanalo," sabi niya habang nakangisi. Umirap na lang ako sa sinabi niya. "Pinagbigyan lang kita para hindi ka mapahiya sa sinabi mong 'heroic line' kanina." Hindi nawawala ang ngisi sa kanyang mukha nang humarap siya sa akin. "Bakit n'yo ba ako naisipang ayain ng laban, Haie? Alam n'yo namang wala kayong chance manalo sa akin," aniya. Ilang segundo ang lumipas bago ako sumagot, kinagat ko ang labi ko saka ako seryosong tumingin sa kanya. "Minsan ko lang ito sasabihin sa iyo, Zion... alam ko na nandito ka dahil gusto mong sundin ang utos sa 'yo na bantayan ako, alam ko rin na parte ng trabaho mo bilang Flame Knight ang responsibilidad na kumilos para iligtas ang Reha at Quina..." Sandali akong tumigil bago ituloy ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung may ideya na siya sa sinasabi ko dahil hindi niya inaalis ang tingin sa akin, pero gusto ko pa rin sabihin dahil wala nang atrasan to... buong gabi ko itong pinag-isipan at buo na rin ang desisyon kong gawin ito. "Gusto ko ng kasunduan, tutulungan kita na iligtas ang Reha at Quina kapalit ang simple at tahimik na buhay na gusto ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD