Inubos ko ang oras ko sa pagpapaligo sa mga kabayo at paglilinis ng kwadra. Doon ko inabala ang sarili ko dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Iya. Hindi ko alam kung paano ko sasapakin ang sarili ko dahil sa ginawa kung katanghan. Pero kahit anong gawin ko huli na ang lahat, nasaktan ko na sya at kinamumuhian nya na ako. Gulat akong napabangon mula sa pagkakahiga sa kamalig ng biglang bumukas ang pinto. "Igan... Igan..."-dinig kung tawag mula sa labas. Bumangon ako para puntahan si Rina at tanungin kung ano ang kailangan nya. Pero isang sampal ang bumungad sa akin pagkalabas ko. "Rina apo... Tama na yan."-napatingin ako sa pinto. Kasunod nya rin pala si Lolo at mukhang nagkakagulo ang mansyon. "Ano masaya kana? Sana patulogin ka ngayong gabi ng konsensya mo dahil sa ginawa mo. Hab

