SUMAPIT ang alas singko ng gabi. Sabay na lumabas ng opisina ni Peter ang magkasintahan. Pagkatapos nilang kumain ay pinilit ni Peter si Edna na magpalit ng damit at ibalik ang cart ng cleaning tools niya. Kaya nakatunganga lang siyang nakaupo sa couch sa loob ng tatlong oras. Sobrang bagot na siya pero pinipilit pa rin niyang libangin ang sarili sa pamamagitan ng pagtitig sa guwapong mukha ni Peter. Pakiramdam niya isang panaginip na mahumaling sa kanya si Peter. Sa milyong babae sa buong mundo, siya pa ang mahal ng binata. Nanliliit din siya na wala siyang maipagmalaki sa binata. Simple lang siya, mahirap at janitress. Papasok na sana sila sa loob ng elevator. Nang napahinto si Edna sa paglalakad, naalalang dadaan pala sila sa harap ng maraming tao sa lobby. Dumistansya siya kay Peter

