ARAW ng Sabado. Umalis ng bahay si Peter at nagpasyang manatili na lamang si Edna sa bahay. Ang Tiyang Roma niya ay initusan ni Manang Gina na bumili ng iluluto para sa hapunan. Tumulong siya kay Manang Gina sa pagllilinis sa buong bahay. Si Tiyang Roma ay abala rin sa pag aalaga ng halaman sa labas. "Peter! Peter!" nagulantang si Edna sa malalakas na sigaw na bigla na lamang pumasok sa bahay. Napahinto siya sa ginagawa. Parang kilala niya ang ginang na walang pasubaling pumasok sa bahay. Natutop ni Edna ang sariling bibig nang mamukhaan iyon. Ang ginang na iyon ang sumabunot sa kanya sa loob ng opisina ni Peter. Mabilis siyang nagtago sa likod ng lamesa. "Ma'am Delia, ano pong ginagawa niyo rito?" si Manang Gina ang lumalapit sa ginang. "Gina, tawagin mo si Peter. Sabihin mong andit

