HINDI MAINTINDIHAN ni Edna kung bakit ipinagtanggol n’ya si Noel. Dapat nga ay matuwa pa s’ya dahil sa kamalian nito na ginawa kay Mariz. Matiim na pinagmasdan ni Edna ang tatay ni Mariz. Galit na galit ang mukha nito at matalim na nakatingin kay Noel. “Tama po kayo, may edad po ako kay Mariz at parang anak ko na siya. Mahal ko po ang anak n’yo, hindi na po ako mangangako. Pero sa oras na magising si Mariz, hihingiin ko na po ang kamay n’ya sa inyo. At pakakasalan ko po s’ya agad. Ayoko na pong ipahiya ang anak n’yo. Hindi ko pauuwiin ang anak n’yo hangga’t ‘di kami nakakasal.” Desidido si Noel na pakasalan si Mariz. Kawawa ang anak n’ya kapag hindi ito lumaki sa buo na pamilya. Napasulyap pa muna si Marlou sa asawa. Tumango ito na parang sumasang ayon. “Siguraduhin mo, binata. Mapapatay

