Chapter 24

2166 Words

“KUNG MAY BABAENG martir, ikaw ang lalaking martir. ‘Di namin malaman sa ‘yo kung ano ang pumasok sa utak mo para maging stalker ni Edna. Nauubusan ka na ba ng babae, Peter?” ang mga sabi ni Omar. Nasa tambayan silang magkakaibigan, sa paborito nilang bar. Sa Pub’s Bar lang sila madalas na magkikita na pitong magkakaibigan. Dahil sa sobrang abala sa kanya kanyang buhay ay madalang na silang magkita kita. Sa tuwing may problema ang isa saka sila pumupunta sa bar. Kagaya ngayong gabi, tinawagan silang lahat ni Peter para mag inom. ‘Di naman nila matanggihan ang kaibigan nila, lalo na’t may problema ito sa babae. Isang babae lang pala ang magpapatino sa isang Peter Jon. Mabilis na lumagok ng alak si Peter. Tila ‘di ininda ang sinabi ng kaibigan n’ya sa kanya. Habang si Ely ay parang nasa m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD