HALOS GUSTO na lamang ni Peter na liparin ang paakyat sa 50th floor para makarating agad sa kanyang opisina. Halos matalisod si Peter sa pagtakbo palabas ng elevator sa sobrang pagmamadali. Hingal na hingal siyang napahawak sa hamba ng pinto. Unti unti n’yang inangat ang tingin sa babaeng nakaupo sa couch. Bumilis bigla ang t***k ng puso n’ya. Wala pa ring pagbabago ang epekto ng dalaga sa kanya. Dating pakiramdam, dating pagtingin, walang pinagbago. Natigilan si Peter nang masilayan ang mukha ni Edna. Hilam ng mga luha ang mata nito. Nakayukong umiiyak ito at ang mga buhok ay gulo gulo habang nasa tabi si Alex. Sinuyod n’ya ang kabuuan ng dalaga. Napasulyap si Alex sa may pinto at nakita s’yang nakatitig sa dalaga. Medyo lumayo si Alex nang mamataan ang matalim na tingin n’ya. Ayaw nito

