Kabanata 5

1698 Words
Kabanata 5 Sa byahe pauwi sa aming bahay ay muling pumasok sa isip ko ang nakaraan. Wala na akong nararamdaman na hinanakit o galit. Sadyang parte na lang ito ng buhay. Malungkot na karanasan ngunit may nakuha naman akong mga aral. Masaya kong tiningnan ang singsing sa kamay ko. Ito ang simpleng singsing na ibinigay sa akin ni Kelmon. Nakipag-date ako sa kaniya kahapon at hindi ko inaasahan na bigla siyang magpopropose sa akin. Sobrang saya ko dahil naranasan ko ito. Ang kilig at saya ay nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon. Sobrang good mood at gaan ng pakiramdaman ko. Ganito pala ang pakiramdam ng may nagmamahal. Napatigil ako sa pagtitig sa singsing noong naramdaman ko na hinila ni Levina ang aking buhok. Napalingon ako sa kaniya. Napansin ko ang pagngisi niya. Tiningnan niya ang singsing ko at pagkatapos ay ibinalik niya rin sa akin ang kaniyang atensyon. “One year na lang at gagraduate na tayo. Nakakaingit ka dahil ikakasal ka agad pagka-graduate,” wika niya habang sinusundot ang tagiliran ko. Napalawak lalo ang aking pagkakangiti. Isang taon na kaming magkarelasyon ni Kelmon. Dati na naman kaming magkaklase pamula noong first year college kami. Noong magti-third year college kami ay bigla siyang nanligaw sa akin. Dalawang buwan lang at sinagot ko na rin siya. Sa kaniya ko lang kasi naramdaman ang bagay na hindi ibinibigay sa akin ng pamilya ko- ito ay pag-aalaga at pagmamahal. “Hindi ko rin ini-expect. Sobrang bilis niyang nagdesisyon pero tinanggap ko naman,” masaya kong sabi. May mga pangarap pa kami sa buhay ngunit alam ko naman na magagawa pa rin namin ito kahit na ikasal na kami. Mahina siyang tumili at niyugyog niya ang balikat ko. “Dahil mahal mo siya. Sobrang suwerte mo talaga. May love life ka na agad. Secure na rin naman ang iyong career sa future dahil mayaman kayo,” wika niya. Hindi ko na lang pinansin ang pait na narinig ko sa kaniyang boses. “Suwerte nga ako,” wika ko habang nakangiti. Hindi dahil mayaman ako kundi dahil natagpuan ko na ang lalaking mamahalin ko habang buhay. Kakatapos lang ng lunch time at kakaunti na ang mga estudyante sa labas dahil may mga klase na. Nagpaalam lang naman kami ni Levina para mag-cr. Noong nakarating kami sa gilid ng building ng arts department ay napatigil kami sa paglalakad. Napaawang ang labi ko noong nakita ko si Kelmon na may kayakap na isang babae. Narinig ko mula kay Levina ang pagsinghap niya. “Siya lang naman ang may gusto sa akin,” rinig kong sabi ni Kelmon sa babae. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang dati naming naging kaklase. Siya si Klarise - ang babaeng ibinabalita ng iba na p****k daw. Iba na ang section niya ngayon, pero lumalapit pa rin siya sa boyfriend ko? “Hindi mo mahal?” tanong sa kaniya ni Klarise. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa maaari niyang isagot. “Hindi. Ang pangit niya kaya kasing pangit ng pangalan niya!” mariin na sabi ni Kelmon. Halata sa kaniyang boses ang pandidiri. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa palda ko. Mahina akong napasinghap habang ang puso ko ay parang iniipit sa sakit. Napakagat ako sa ibaba kong labi. Isang taon kaming magkarelasyon pero ito pala ang tingin niya sa akin? “Bakit ka nagpropose?” maarteng tanong ni Klarise. Nakita namin kung paano siya hinalikan ni Kelmon. Nakaramdam ako nang galit dahil sa kagaguhan niya. Ang kapal ng mukha niya! Ang galing niyang umarte! “It’s just for a show. Nagdududa na kasi siya na may babae ako,” wika niya na para bang nagmamalaki. Ang aking naramdaman ay galit lang at pagkamuhi sa kaniya. Nagsisisi rin ako kung bakit ko siya hinayaang makapasok sa buhay ko. “Bakit ba kasi ayaw mo siyang hiwalayan na agad?” tanong ni Klarise kay Kelmon. Umiling si Kelmon at ngumuso. Napairap ako sa kaniyang ginawa. Hobby na talaga niya ang magpa-cute. “Hindi pa tayo gumadraduate sa college. Pag nagbreak agad kami, sinong gagawa ng mga school works ko? Malapit na tayong maggawa ng thesis,” wika niya kaya napamura ako nang mahina. Isa pala siyang user! “Hindi mo naman pala siya mahal,” tumatawang sabi ni Klarise. “Ikaw ang mahal ko, so tayo na?” wika ni Kelmon habang malawak ang pagkakangisi. Napabuntong hininga na lang ako nang malalim noong narinig ko ang sinabi ni Klarise. “Basta ba paiyakin mo muna siya. Gusto ko iyong sobrang lala,” tumatawa niyang sabi. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at naglakad na ako palapit sa kanila. Naramdaman ko pa na hinigit ako ni Levina upang awatin ngunit hindi ako nagpapigil. Nilapitan ko pa rin sila at noong nakita nila ako ay naghiwalay agad sila. Walang kangiti ngiti na pinagmasdan ko sila. Nasaan na ang proud nilang mukha kanina? Para silang mga tupa na magpapanggap na mabait. Hinubad ko agad ang singsing na ibinigay ni Kelmon sa akin. Itinapon ko ang singsing sa kaniyang mukha. Tumama ito sa kaniyang ilong kaya napangiwi siya. Hindi ko na sila minura pa, wala rin silang narinig sa akin na masasamang salita. Tiningnan ko lang sila ng seryoso. Pansin ko na lalapitan sana ako ni kelmon pero itinaas ko agad ang aking kamay upang patigilin siya. Napaawang lang ang labi niya habang nagmamakaawa ang kaniyang ekspresyon. Hindi niya na ako madadala sa kaniyang pagpapaawa. “Britta! Let me explain,” wika ni Kelmon pero umiling ako. “Your explanation is not needed at all,” matigas kong sabi habang seryoso ang mukha. Tinalikuran ko agad sila at marahan akong naglakad palayo sa kanila. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Kelmon pero pinigilan siya ni Klarise. Kinabukasan ay ako na ang laman ng chismis sa buong campus. Binaliktad nila ako. Ipinagkalat nilang dalawa na ako raw ang nag-cheat. Ang inaasahan kong magtatanggol sa akin ay ibinaliktad din ako. Plastic si Levina. Dati naman kahit na noong elementary pa ako ay wala na talaga akong kaibigan. Palipat lipat din ako ng school dahil lagi akong binubully. Hindi naman ako napatol sa kanila at hinahayaan na lang sila. Wala akong permanenteng school. Hindi ko na rin inasam pa na magkaroon ng mga kaibigan. Naging kuntento na akong mag-isa kaya naman noong dumating sa buhay ko si Kelmon ay nabilog niya agad ako. Ang sagutin siya ay isang malaking pagkakamali. Nabalitaan ng magulang ko ang nangyari kaya naman pinalipat nila ako ng university. Last year ko na sa college. Pinagbutihan ko na lang ang aking pag-aaral. Gusto kong maging c*m Laude para maging proud sa akin ang parents ko. “Britta Matastas,” malakas na sabi ng isang lalaki. Napatigil ako sa pagpasok sa classroom. Napasandal ako sa pader at napayuko. Tanging pader lang ang nagsisilbing harang kaya naman rinig ko ang usapan sa loob ng classroom. “Gusto mo ba siyang kagrupo?” tanong ng isang babae. I’m not familiar with their voices because I’m just new here. Kahapon lang ako ipinakilala sa lahat. “Ayoko mukhang mataray,” sagot ng isang babae at pagkatapos ay narinig ko ang kanilang pagtatawanan. Noong elementary ako ay ilang beses na akong nagpaliwanag na mabait ako, ngunit inaakala pa rin ng lahat na mataray ako dahil lang sa pangalan ko. Iginigiit nila na masama ang ugali ko kahit na hindi pa nila ako tuluyang nakikilala. Nagsawa na rin akong magpaliwanag sa kanila at hinayaan ko na silang paniwalaan ang nais nilang paniwalaan. Inugali ko na rin ang pangalan ko. Madali nila akong husgahan. First impressions last. Britta… mataray at masama ang ugali. Bakit pa ako magiging mabait sa kanila kung bago pa nila ako makilala ay hinusgahan na agad nila ako? Ayaw rin nilang makipagkaibigan sa akin dahil nalalaman lagi nila na mayaman ako, at isang abogado si Papa. Takot sila sa magulang ko. They thought that I’m intimidated and rude because of my name. Kung noong bata pa ako ay iniiyakan ko na wala akong kaibigan, ngayon naman ay pabor na ito sa akin. “Ang jologs naman ng apelyido niya. Matastas,” wika ng isang maarteng boses, kasunod noon ay nagtawanan ang mga kaklase ko. Napahigpit ang pagkakakuyom ng aking kamay. Hindi na muna ako pumasok sa classroom. Kailangan ko munang pakalmahin ang aking sarili. “Girl, natastas ang pantalon mo,” sabi ng isang bakla. “Si Miss Matastas po ang may gawa! Tumabi lang ako sa kaniya tapos natastas na ang pantalon ko,” malakas na sabi ng isang babae kaya mas lalong napuno ng tawanan ang buong silid aralan. “Si Matastas ay malas kaya huwag kayong tatabi sa kaniya,” sigaw ng isang lalaki. Mas lalo silang naging masaya. Kung may losers man sa aming lahat, sila iyon dahil inaakala nilang magandang bagay ang pambubully sa ibang tao. Did they feel the satisfaction and happiness? Shame on them, dahil napakababaw noon at sobrang immature. College students na kami at graduating student pa, konting hakbang na lang at magiging professionals na kami. Umaakto pa silang mga batang paslit? Akala ba nila ay cool ang pambubully at pagiging backstabber? “Wala nga rin siyang kaibigan kahit sa mga past school niya,” rinig kong wika ng isang babae. Tumayo agad ako nang maayos at pagkatapos ay walang ekspresyon na pumasok ako sa loob ng classroom. Napansin kong napatigil sila noong nakita nila ako. They look so guilty. Naglakad ako sa kanilang unahan na parang walang nangyari. Seryoso lang ang aking mukha habang marahan na umuupo ako sa arm chair ko. Inilabas ko ang aking wipes, at pinunasan ko ng wipes ang table ko dahil may umupo rito kanina. Oh, gosh! I hate dirts. “Specks of dirt are everywhere. It is so disgusting,” may kalakasan kong sabi at mas lalo silang napatahimik. “And some of you have dirt in your mouth, and it disgusts me. I wish I could wash your mouth out with soap,” I said while looking intently at my classmates. I smiled in an irritatingly smug. I saw how they looked away. Guilty, eh? Aanuhin mo ang kaibigan kung plastic naman pag nakatalikod ka? It is better to be alone than to trust someone who is backstabbing you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD