Kabanata 3

2274 Words
Sa pagpasok ko pa lang sa Villarde Hotel ay sinalubong na agad ako ng receptionist. Sinabi niya sa akin na sundan ko siya. Tumango lang ako sa kaniyang sinabi. Dinala ako ng receptionist sa isang restaurant na nasa loob ng hotel. Malayo pa lang ako ngunit nakita ko na ang itinuro niyang nakaupo na lalaki. Tahimik at malamyang musika ang bumabalot sa buong paligid. Maganda ang atmosphere ng paligid dahil sa pagtugtog ng violin ng isang musikero. Hindi na sumama sa akin ang receptionist, naglakad na lang ako para pumunta sa lamesa ni Mr. Mc-Gallster. Taas noo na lumapit ako sa kaniya. Napatingala siya sa akin kaya nakita ko ang mukha niyang sobrang gwapo. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang tumatayo siya. Alam ko na maraming naghahabol sa kaniya dahil sa kaniyang mukha ngunit hindi ako kasama sa mga babaeng iyon. “Good evening, Ms. Matastas,” malamig ang boses na sabi niya habang inilalahad niya sa akin ang kaniyang kamay. “Good evening,” tanging sabi ko na lang sa kaniya. “Nice to meet you, Miss Matastas,” wika niya. Ayoko talaga ng last name ko. Ang pangit pakinggan. Ang aking mukha ay walang ekspresyon na nakatingin lang sa kaniyang kamay na nakalahad. Tumingin ako sa kaniyang mukha at napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Ilang minuto siyang naghihintay na tanggapin ko ang kaniyang kamay pero hindi ko ito ginawa. Ibinaba niya rin ang kaniyang kamay. Hindi ako humahawak o nakikipagkamay sa mga lalaki. Hindi niya pa ba nabalitaan iyon sa balita? Hindi man ako maging professional sa harap ng iba ngunit wala na akong pakialam doon. Ayokong ayoko na humahawak ako sa lalaki. Baka kung ano pang germs ang dala nila. “Don’t call me Ms. Matastas. Bri na lang ang itawag mo sa akin,” sabi ko sa kaniya. Napansin ko na napakunot ang kaniyang noo habang tinitingnan ako. Kung ang ibang tao ay matatakot sa kaniya, pwes ibahin niya ako dahil hindi ako natatakot sa titig niya. “Let’s be professional here, Ms. Matastas,” malamig niyang sabi. Napangisi ako dahil sa kaniyang sinabi. Akala niya ba ay kaya kami first name basis dahil lalandiin ko siya? Nakakatawa siya. Hindi ko na hinintay na paupuin niya ako, nagkusa na ako sa pag-upo sa upuan na nasa unahan niya. Umupo na rin naman siya. “Hindi porket sinabi kong tawagin mo ako sa pangalan ko ay makikipaglandian na ako sa’yo. I am professional, so please let’s talk about business. May pupuntahan pa ako mamaya at isininggit ko lang ang meeting ko sa’yo,” mariin kong sabi sa kaniya. Napailing na lang siya habang seryoso niyang tinitingnan ang kaniyang orasan sa kaniyang braso. “Oh? I’m sorry if I messed up your schedule. Okay, let’s proceed to our meeting,” malamig ang boses na sabi niya. Nakita kong kinuha niya ang kaniyang briefcase at pagkatapos ay inilabas niya ang mga documents. Nagsimula agad kami sa aming pag-uusap tungkol sa business. Walang paligoy-ligoy, diretso lang kami sa pinakamahalagang pag-usapan. Sa pag-uusap namin ay napansin ko na sobrang professional niya at sobrang talino niya. Alam na alam niya ang pasikot sikot sa business. Seryoso lang kaming dalawa, walang ngumingiti o pumupuri sa isa’t isa. Totoo nga ang naririnig ko tungkol sa kanilang magkakaibigan. They are the monster in the business world. Isang oras lang ang lumipas at natapos na agad kami sa aming meeting. Sa sobrang busy namin sa pag-uusap ay hindi na namin nagalaw ang aming pagkain. Nag-ayos siya ng gamit niya, ipinasok niya ang ibang documents sa briefcase niya. Ibinigay niya naman sa akin ang copy ko kaya ipinasok ko agad ito sa dala kong briefcase. Nagsimula siyang tumayo kaya naman tumayo na rin ako. Hindi naman siya ngumiti sa akin at ganoon din ang ginawa ko. Why would I smile? Hindi na naman mahalaga ngayon ang pagngiti. “Okay. Thank you for your time, Miss Bri. I hope that our partnership will be great,” seryoso niyang sabi sa akin. Isang marahan na pagtango ang ginawa ko. “Thank you, Mr. Mc-Gallster,” pagpapasalamat ko sa kaniya. Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay ngunit umiling lang ako sa kaniya. Muli kong nakita ang pagkunot ng kaniyang noo. “Sorry, I can’t accept your handshake because I’m allergic to man,” mariin kong sabi. Ibinaba niya ang kaniyang kamay at pagkatapos ay tumango siya. “Ah. Okay. I understand,” sabi niya sa malamig na boses. “Goodbye, Miss Britta,” pagpapaalam niya. Hindi ko na siya sinuway pa sa pagtawag sa aking pangalan. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o talagang wala lang siyang pakialam sa sinabi ko kanina. Sinabi ko naman kanina na Bri na lang ang itawag sa akin. “Goodbye, Mr. Mc-Gallster,” mariin kong pagpapaalam sa kaniya. Tumalikod na siya sa akin at naglakad papunta sa kabilang lamesa. Umupo ulit ako upang para ayusin ang mga papeles na inilabas ko kanina. “My sweetheart, let’s go,” rinig kong malambing na sabi ni Mr. Mc-Gallster. Napakunot ang noo ko at napatingin agad ako sa kaniya. Nakita kong ginising niya ang babaeng natutulog sa kabilang upuan. Napansin ko pa na napangiti si Mr. Mc-Gallster noong ngumuso ang babae kaya napailing ako. He’s acting different with other people, but he’s sweet with her? Itinaas ng babae ang kaniyang kamay at nag-unat siya habang iminumulat ang mga mata. “Oh, Sibuyas, tapos na ang meeting mo? Nakatulog pala ako. Ang tagal mo kasi,” sabi niya habang nakangiti kay Mr. Mc-Gallster. Napangisi si Mr. Mc-Gallster. Masuyo niyang hinalikan ang babae sa noo, at natatawa naman na tumayo ang babae. “Sorry, sweetheart ko. Hindi na pala dapat kita isinama, mukhang napagod ka lang,” malambing na sabi ni Mr. Mc-Gallster kaya napairap ako. “Ikaw kasi lagi kang namamagod,” sabi ng babae kaya naman napaiwas agad ako ng tingin sa kanilang dalawa. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. “Ssshh! Nasa public place tayo. Lower your voice,” rinig kong suway sa kaniya ni Mr. Mc-Gallster. “Oh? Nahihiya ka?” Narinig kong tumawa nang mahina ang lalaki. “No. It’s awkward,” rinig kong sabi niya. “Oo na. Tara na,” sabi ng babae at tumawa ito. Napatitig ako sa hawak kong mga papeles. “Isasama kita bukas, ha?” “Huh? Saan na naman? Lagi mo na akong sinasama pag-umaalis ka,” reklamo sa kaniya ng babae. “We will go to New York tomorrow. May meeting ako sa isang American investor. Dalawang araw ako roon kaya isasama kita. Ayokong namimiss kita,” rinig kong sabi ni Mr. Mc-Gallster. “Ayiee! Sabagay! Ilang oras mo nga lang akong hindi makita pero sobrang nauulol ka na sa pagka-miss sa akin,” masayang sabi ng babae sa kaniya. Halata ko sa kaniyang boses ang saya at kilig. Napabuntong hininga ako. Mas binilisan ko pa ang pag-aayos sa mga gamit ko upang makaalis na ako rito. Baka mamaya ay langgamin na agad ako. “I won’t lie. Miss na miss naman kita lagi,” rinig kong sabi ni Mr. Mc-Gallster. “Mahal na mahal mo talaga ako?” masayang sambit ng babaeng kasama niya. “Alam kong alam mo na ang sagot d’yan, at alam kong ganoon ka rin sa akin,” rinig kong sabi ni Mr. Mc-Gallster. Okay, alam kaya ng ibang tao na ganito siya sa isang babae? Iba siya tuwing business ang usapan ngunit sa babaeng mahal niya ay ibang iba ito. Sweet, malambing at sobrang cheesy. “Hindi kita iiwan, ha? Baka kung sino sino na naman ang umaligid sa’yo,” rinig kong dagdag ni Mc-Gallster. Napabuntong hininga na lang ulit ako. “Sus! Seloso ka talaga! Hindi naman ako hahanap ng iba dahil ikaw lang ang pinakapogi sa lahat!” rinig kong sabi ng babae habang tumatawa siya. Napairap na lang ako sa kawalan at ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng papeles sa aking briefcase. Agad akong tumayo noong natapos akong mag-ayos ng gamit ko. Saktong naglakad na rin naman sila paalis. Nakakunot ang aking noo habang nakatitig sa likod nilang dalawa. “So? Harap harapan talaga nilang sinampal sa akin na malungkot mag-isa?” Sa malambing na pag-uusap nila ay bigla akong nakaramdam ng inggit. Ayoko sa lalaki pero hindi maiwasan na mainggit sa kanilang relasyon! “Manang, where’s my Mom?” tanong ko agad sa mayordoma namin noong pumasok ako sa bahay. Ngumiti siya sa akin at nilapitan niya agad ako. Kinuha niya sa akin ang hawak kong briefcase. “Nasa taas po,” magalang niyang sagot sa akin. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na huwag na siyang gumalang sa akin dahil mas matanda naman siya sa akin. Ako nga dapat ang gumagalang sa kaniya. “Bumaba na po ba siya kanina?” tanong ko sa kaniya. Hinubad ko agad ang aking coat at pagkatapos ay ipinatong ko ito sa arm rest ng sofa. Nagsimula na rin akong magtali ng aking buhok. “Hindi pa,” sagot niya sa akin kaya naman napalingon ako sa kaniya. Tumango ako at pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa kusina. Napatigil ako noong may naalala akong sabihin. Lumingon ako sa kaniya at tinawag ko siya. Napatigil siya sa pagtaas sa hagdan. Napalingon din siya sa akin. Nakita ko na dala niya na ang coat at briefcase ko. Alam kong dadalhin niya na ito sa kwarto ko. “Manang, Huwag niyo muna siyang pabababain,” seryosong bilin ko sa kaniya. Tumango siya sa akin habang nakangiti. “Sige po. Baka tulog pa nga siya,” sabi niya. “Nasaan nga pala si Brelline,” tanong ko. Napakunot ang aking noo. “Ang alam ko po ay nasa kwarto ni Ma’am,” sagot niya sa akin. “Ah, okay. Naka-prepare na ba ang mga gagamitin ko?” tanong ko sa kaniya. Kaninang umaga bago ako umalis ay nagbilin agad ako sa kaniya na ihanda ang kakailanganin ko. Sana naman ay nagawa nila ang mga inutos ko. “Opo, Ma’am. Kanina pa po,” sagot niya kaya naman tumalikod na ako. “Sige. Pupunta na ako sa kitchen,” sabi ko at nagmadali na ako sa pagpunta sa kusina. Dapat ko nang bilisan ang kilos ko dahil marami pa akong gagawin. Noong nakarating ako sa kusina ay nakita kong nakahanda na sa counter ang mga ingredients. Napangiti ako nang tipid habang kinukuha ang harina. Mag-isa lang ako sa kusina. Nagsimula na agad ako sa pagbabake ng cake. “Marunong ka po pa lang mag-bake ng cake,” rinig kong tanong sa akin ni Risa. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa paglalagay ng icing and toppings. “This is my first time,” sagot ko sa kaniya habang gumagawa ng bulaklak na icing. “Po? First time mo lang pong mag-bake? Bakit sobrang perpekto na po?” rinig kong hindi makapaniwala na tanong niya. “Hindi ko alam, baka tsamba lang. Nanood lang ako kagabi sa streaming sites kung paano mag-bake,” sagot ko sa kaniya. I have a talent na pagnapanood ko ang isang bagay ay kaya ko nang gawin. “Ang galing mo naman po. Isang beses mo lang nagawa pero maganda na agad. Hindi mo na po kailangang mag-practice,” sabi niya sa akin. Napalingon ako sa kaniya. Nakita ko ang sobrang saya niyang mukha. “But practice makes perfect. Mas maganda kung magpapractice pa ako para naman mas gumanda pa ang skills ko sa baking,” sabi ko at ibinalik ko ang atensyon sa cake. “Bakit hindi mo po gawing business?” “Busy pa ako sa cosmetic company ko. Kung maging maluwag ako sa aking schedules at matapos ang ibang on going projects ay magtatayo ako ng bakeshop,” sagot ko sa pinakamadaldal naming kasambahay. “Excited na po ako. Sana ay bigyan mo po ako ng libreng pastry pag mayroon ka na pong bakeshop,” sabi niya habang humahalumbaba siya sa counter. “Soon. Tatandaan ko na lagi kang bigyan,” tanging sabi ko habang marahan kong pinapaikot ang patungan ng cake. Sinimulan kong lagyan ng icing ang gilid nito. “Ang bait mo talaga, Miss Bri. Maraming takot sa’yo kasi hindi ka nangiti pero sobrang bait mo naman. Hindi lang nila nakikita iyon,” sabi niya kaya napakagat na lang ako sa ibaba kong labi. “Natural na sa mga tao na mag-judge sa iba sa unang tingin lang, hindi na nila inaalam ang tunay mong pagkatao. Mas mananatili sa kanila ang first impression nila sa’yo,” sabi ko sa kaniya. Tandang tanda ko pa dati na lagi akong sinasabihan na mataray dahil lang sa pangalan ko, tapos ay mataray ring tingnan ang mukha ko. Ayaw nila akong lapitan dahil sobrang taray ko raw kahit na hindi naman nila talaga ako nakakasalamuha ng matagal. Mabait naman talaga ako dati ngunit nagsawa na lang din ako na sabihin ito sa kanila. Hindi naman sila naniniwala sa akin. Lagi nilang bukang bibig na mataray ako kaya inugali ko na lang. Nakakapagod nang magpaliwanag kung hindi pinaniniwalaan. “Kung kikilalanin ka lang po nila ay alam kong magugustuhan ka ng lahat,” sabi niya sa akin. Umiling ako habang inilalagay ang huling icing na magsisilbing petal nito. “Ayos na sa akin kung hindi nila ako magustuhan. Hindi ako sanay na marami akong kaibigan,” sabi ko habang ibinababa ang pastry bag. Ilang segundo kong pinagmasdan ang cake na ginawa ko at napatango ako noong nakita na maganda ito. Marahan na kinuha ko ito at pagkatapos ay inilagay ko ito sa refregirator. Huli na noong napagtanto ko na nakangiti na pala ako. Sana ay magustuhan ito ni Mama. Sana ay maappreciate niya ang gawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD