Chapter 1
Balikan
Naalimpungatan ako noong may naramdaman akong malamig na hangin na tumatama sa aking mukha, dahan-dahan kong minulat ang aking mata at doon ko nakita na bukas pala ang bintana ko.
"Sinara ko ito kanina ah" reklamo ko sa aking sarili
Bumangon ako sa aking kama at pinuntahan ito subalit noong malapit na ako ay may narinig akong nagsalita sa aking paligid.
"Hi!"
Nagpalinga-linga ako subalit wala akong nakita kundi kadiliman lang ng aking kwarto. Hinawakan ko na yung aking bintana at sinarado ito. Noong nasarado ko na ito ay bigla akong nakaramdam na malamig na hangin na tumama sa aking likod, bigla akong namanglaw noong maramdaman ko ito, yung hangin na tumama sa aking likod ay parang bang yumapos ito. Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa buong katawan. Bigla akong kinabahan, kaya nagmadali akong tumakbo sa aking kama at nagtaklob ng aking kumot.
~
"Anak, gumising ka na!" sigaw ni Mama sa akin mula sa baba ng bahay "Bilis na totoy, malayo pa ang bahaye natin papuntang seminaryo ninyo!" dagdag pa nito
Bigla akong napabangon noong marinig kong sumisigaw si Mama, nagmadali na akong pumunta sa aking banyo para maligo at magayos ng sarili. Ngayong araw nga pala ang aking balikan sa seminaryo. Mahigit limang taon na akong nag-aaral doon, at naghahangad na maging pari sa hinaharap. Ako nga pala si Seminarista Lance Cortez, first year Theologian sa St. Alponsus Regional Seminary. Kakagraduate ko lang mula sa college seminary kung saan nanatili ako doon ng apat na taong paghuhubog. Hindi madali ang buhay pagpapari, maraming pagsubok ang haharapin bago makamit ang pangarap na maging pari sa hinaharap, meron dyang problema sa finacial, sa pamilya, sa kapwa seminarista, sa pag-aaral at marami pang iba. At maraming nagtatanong sa akin kung bakit daw ako nagpapari, itong tanong na ito ay simple lang pero mahirap sagutin at meron ding taong nanghihinayang.
"Ayy, nagpapari ka?" tanong ng mga tao "sayang naman ang gwapo mo pa naman"
Bakit naman sayang ito lagi ang aking sinasagot sa kanila, Mabuti nga nagpapari ako para makatulong ako sa hinaharap at makapaglingkod sa Diyos at sa kanyang bayan. Ano ang sayang doon.
"Anak, bilisan mo na!" sigaw ni Mama
"Opo, malapit na po" sagot ko naman
Makalipas pa ang mahigit sampung minuto ay lumabas na ako ng banyo at doon ko lang napansin na bukas pala ang aking bintana. Nagtaka ako dahil sinarado ko ito kagabi.
"Anak!"
"Opo, Ma magbibihis lang ako"
Hindi ko na pinansin pa yung bintana at nagmadali na akong nag-ayos ng sarili. Makalipas ang limang minuto ay tapos na ako.
"Bilis anak!"
"Opo Ma, pababa na ako."
Noong nandoon na ako, nakita ko sina Mama at Papa kasama ang dalawa kong kapatid na nakaupo sa may lamesa.
"Wow, ang daming pagkain" sabi ko habang nakahawak ako sa aking tiyan "Para akong bibitayin na e" dagdag ko.
"Ay sus naman kuya, para namang hindi bago sa iyo ito. Ganito kaya tayo lagi kapag babalik ka na sa seminaryo" sabi ng kapatid kong babae
"Oo nga kuya, kunyari nagugulat" sabi ng kapatid kong lalake.
"Hala, sige na Toy, kumain na tayo" sabi ni Papa sa akin.
Tumalima naman ako sa utos ni Papa. "Bless the food, anak" sabi ni Mama.
Pagkatapos naming magpasalamat sa biyayang natatanggap at matatanggap namin mula sa Diyos ay kumain na kami. Naging masaya ang aming salo-salo dahil kumpleto kami sa habag, madalang kasi kaming makumpleto sa habag dahil si Papa ay nagtatarabaho sa ibang bansa every 2 years lang siya nauwi at ako naman ay nag-aaral sa seminaryo at every last Friday of the month lang ako na uwi dito sa amin.
"Anak, excited ka na pumasok ulit sa seminaryo?" tanong sa akin ni Papa "pagkatapos ng isang buwan ninyong bakasyon"
"Opo pa, namimiss ko na ulit ang seminaryo" nakangiti kong tugon dito.
Bigla akong napatulala noong maalala ko ang aking panangip kagabi bago ako naalimpungatan, dahil sa bukas na bintana. Napanaginipan ko ang aking kaklase na si Drake, na humihingi ng tawad sa akin habang ito naglalaslas ng kanyang pulso. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman noon, gusto ko siyang pigilan subalit parang may nagpipigil sa aking gumalaw at magsalita. Parang totoo ito, para bang nandoon talaga ako sa kanyang kwarto.
"Oy, anak ayos ka lang ba?" tanong ni Mama sa akin.
"Opo, Ma may naalala lang ako"
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na ako ng gamit para sa isang buwan na pananatili sa loob. Pinagsantabi ko na muna ang aking agam-agam at inihanda ang aking sarili para sa muli kong pagpasok sa loob ng seminaryo.
"Makikita ko na ulit ang aking mga kaklase" masaya kong sabi ko sa aking sarili.