CHAPTER 92: Agad na natigilan si Samantha nang marinig ang mahina at mahinahon na komento ng kanyang ama. Sa isang iglap ay tila ba gusto niyang bawiin ang sinabi niya at huwag nang ituloy ang pagtatanong niya tungkol kay Carlo. Totoo ang sinabi ni Maestro na mula nang inampon siya nito ay hindi niya na muli pang nabanggit ang pangalan ni Shaika, at hindi na rin iyon nasasali sa usapan nila mula noon dahil alam din ng kanyang ama na ayaw niya itong pag-usapan. At ngayon na siya pa mismo ang nagbanggit sa pangalan na itinuring niyang isang sumpa kapag sinabi, bigla siyang naduwag na ituloy ang pinag-uusapan nila. Natakot siya sa kung ano ang maaring maging reaksyon ng kanyang ama kung pag-uusapan nila ulit si Shaika. Alam din kasi niya na hindi lang naman siya ang may ayaw pag-usapan tung

