CHAPTER 110: Hindi alam ni Shaika kung saan nanggaling ang mga salitang binitiwan niya. Ang tanging rason lang naman kung bakit siya nainis sa narinig ay ayaw niyang mawalan ng taong magsisilbing pader niya para ikubli ang mga plano nila ni Owen. Ngunit nang makita niya ang kunot sa noo ni Zeldris, alam niyang iba na ang iniisip nito tungkol sa sinabi niya. Agad niyang iniiwas ang tingin niya sa binata, pagkatapos ay pinaandar ang sasakyan na para bang walang nangyari. Hindi niya na gugustuhin pang linawin ang nasabi niya na dahil ayaw niya na itong pag-usapan pa. Ang tanging gusto niya na lang gawin ngayon ay maihatid si Zeldris sa munisipyo at puntahan si Owen para ibalita ang nalaman niya. Ngunit kagaya ng sinabi ni Zeldris, hindi lahat ng bagay ay aayon sa gusto niyang mangyari. Nag

